"Ano ba yung mahalaga mong sasabihin sakin, Pisces? Pumasok pa ako ng maaga para lang marinig mula sa bibig mo ang sasabihin mo tapos madadatnan kitang maraming ginagawa?"
"Sandali lang po, Sir. Ipapakita ko lang po sa inyo yung ipinadala kanina."
Inis na umupo sa kanyang swivel chair si Zinc. Kanina kasi pagkagising niya, nakatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang secretary na si Pisces na kung maaari daw ay pumasok siya ng mas maaga sa normal na pasok niya dahil may mensahe ito para sa kanya. Kaso pagdating niya naman ng opisina ay nakita niyang marami itong ginagawa at hindi pa masabi-sabi ang dapat sabihin. Hindi tuloy niya napigilan ang mag-alburoto na naman.
"Sir, ito na!"
"What?"
Ibinigay ni Pisces ang isang papel kay Zinc na inabot naman ng huli. Kunot-noo nitong binasa ang nakasulat at pagkatapos basahin ay galit na inilagay ang papel sa ibabaw ng mesa.
"Gusto nilang i-publish ang libro ko?"
"Yes, Sir," ani Pisces nang may malaking ngiti na nakaguhit sa kanyang labi.
"Ayoko."
"Sir, ilang beses niyo ng tini-turn down ang offer nila, baka ito na ang pagkakataon para tanggapin niyo 'yon."
"No. Iyan lang ba ang sasabihin mo?"
"Ah, hindi pa po, Sir."
"Ano?"
"Ahm, meron na pong bagong secretary si Sir Dean."
"Ah. Ano namang pakialam ko sa secretary ni Dean? Tss."
"Eh Sir... kasi po..."
"Ano?"
"Magli-leave po ako, Sir. Kasi yung asawa ko magse-seminar ng isang linggo. Wala pong magbabantay ng anak namin."
"Your in-laws?"
"Pareho pong nasa probinsya eh."
"Pero Sir, pagkatapos na pagkatapos po ng seminar ng asawa ko, babalik po ako kaagad. Ngayon lang po talaga kailangan eh," pahabol pa ni Pisces.
"Ano pa bang magagawa ko? Sige na. Just make sure na binilinan mo na yung papalit sayo. Ayokong ako pa ang magsasabi sa kanya ng lahat ng dapat niyang gawin."
"Yes, Sir. Alam niya na po. Salamat Sir!" tinanguan na lang ni Zinc si Pisces hanggang sa makalabas ito ng opisina niya.
Ilang oras ang nakakalipas nang maalala niyang babalik siya sa unit niya dahil mamayang gabi na ang naka-schedule na date ni Aian at Fate. Tutulungan lang niya si Fate sa susuotin nitong damit at dapat ay kasama niya ito bago sunduin ni Aian.
"Pisces, I have to go. Undertime ako ngayon. Just tell the secretary na papalit sayo na padalhan ako ng mensahe kung anong schedule ko bukas. Bye."
"Yes, Sir."
Mabilis na tinungo ni Zinc ang parking lot at nagmaneho. May nadaanan siyang drive-thru kaya naman bumili siya ng pagkain na makakain ng nagbabantay sa bahay niya.
"Sa akin ba ang pagkain na 'to?" agad na inagaw ni Zinc ang paper bag na dala niya.
Huwag ko na lang kayang ibigay sa kanya. Hindi pa ba obvious?! Wala man lang common sense.
"Hindi! Kay Caramel pa rin ito! Tumigil ka nga!"
"Sige," ang sabi ni Fate kahit na nagtataka siya kung para kay Caramel pa ang isang paper bag gayong may kinakain na nga ito.
"May pag-asa ka pang humindi o magbago ng isip," ani Zinc habang nagtatanggal ng necktie.
"Saan?"
"Sa date niyo ni Aian. Baka kasi kinakabahan ka o hindi mo alam ang gagawin o... basta."
Ngumiti si Fate ng pagkalaki-laki. "Hindi. Ang totoo ay nagagalak ako!"
Inirapan siya ni Zinc. "Huwag kang masyadong matuwa. Hindi mo pa kilala si Aian. Hindi mo pa alam ang pwede niyang gawin sayo."
"Gawin sakin? Bakit, ano ba ang maaari niyang gawin sakin?"
Pumunta si Zinc sa kwarto niya para magpalit ng damit-iniiwasan na sagutin ang tanong ni Fate.
"Ano nga pala ang naging sagot mo kanina sa ibinalita sayo ni Pisces?"
"Pisces? Anong ibinalita sakin ni Pisces?"
"Yung binigay niyang papel sayo."
Lumabas si Zinc ng kwarto niya at tumaas ang kilay dahil sa sinabi ng kasama.
"Alam mo? Paano?" kahit mukhang alam niya na ang sagot.
"Nakita ko. Narinig ko. Kaso hindi na ang naging sagot mo."
Napa-iling na lang si Zinc out of frustration. "Edi sana pati ang naging sagot ko kanina ay pinakinggan mo na rin."
"Pasensya na. Wala kasi akong magawa dito," hindi kasi pinayagan ni Zinc na pumasok sa trabaho si Fate. Kaya naman walang nagawa ang huli sa unit.
"Hindi ko tinanggap," wika ni Zinc.
"Bakit?"
"Ayoko lang. Pwede naman sigurong dahilan yun di ba?"
"Pero Zinc—"
"Ano? Kokosensyahin mo na naman ako? Tss. Tigilan mo nga 'yan."
"Gusto ko lang naman magtanong. Bakit ba kasi ayaw mo?"
Naglabas ng laptop si Zinc at doon itinuon ang pansin.
"Sayang naman. Sa pagkakaalam ko, iyon na lang ang kwentong hindi pa naililimbag dahil iyon ang huli mong ginawang kwento."
"Basta."
Ano bang meron at ayaw mong ipalimbag iyon, Ginoong Zinc? Wala namang masama kung bubuksan mo iyon sa publiko.
"Magbihis ka na. Maya-maya lang, dadating na yung ka-date mo."
"Sige."
Pagkatapos maligo ni Fate ay nagbihis siya. Ang una niyang sinuot ay isang simpleng dress na sleeveless na agad namang ikinainis ni Zinc.
"Susuotin mo 'yan eh malamig sa restaurant na pupuntahan niyo? Paano kung lamigin ka? Haaays. Magsuot ka pa ng iba doon!"
Nagsuot ng maraming damit si Fate. Hindi niya rin kasi mawari kung ano ba talaga ang nararapat na kasuotan na dapat gamitin. Nagpasensya na lang siya kahit nakakapagod ding magpalit-palit ng damit.
"Maigi na 'yan. Sandali, maliligo ako. Huwag kang magpapapasok hanggat hindi ko sinasabi ah."
"Bakit?"
"Para hindi tayo pasukin. Malay ko bang may kumatok tapos papasukin mo."
"Hindi. Bakit ka maliligo? May pupuntahan ka rin ba?"
Natigilan si Zinc sa tinanong ni Fate. Akala kasi niya ay hindi nito mapapansin ang sinabi niya.
"Ah. Oo, may dadaanan lang ako saglit pero babapik din ako dito."
"E di sumabay ka na samin ni Aian pag-alis."
"Hindi pwede. Tss."
Naligo na si Zinc habang naghihintay sa labas si Fate. Wala siyang nagawa kundi magbasa ng libro. Nang matapos ito ay naghanda na sila. Maya-maya ay nakatanggap ng mensahe si Zinc na nasa baba na ng condo building si Aian at naghihintay.
"Ano, sasama ka ba talaga? Ito na ang huling oras mo para umayaw." ani Zinc. Nakasakay na sila sa elevator.
"Ginoong Zinc, huwag kang mag-alala."
"Sige, sinabi mo eh," nasa lobby pa lang sila ay nakita na ni Zinc si Aian na nasa labas.
"Hey," pero imbes na batiin ni Aian si Zinc dahil sila ang mas magkakilala ay lumapit kaagad ito kay Fate.
"You look so simple but elegant," nagbeso si Aian at si Fate.
"Tss. Mas nauna mo pa siyang pinansin kaysa sakin. What an asshole."
"Huwag ka namang magselos. O' halika na, I'll kiss you, babe," pagbibiro ni Aian. Pero itinulak siya ni Zinc bago pa man siya makalapit dito. Narinig nila sa gilid si Fate na humahalakhak.
"Tss. Try and I'll punch you, babe," pagbabanta ni Zinc.
"Hahaha. Masyado ka kasing seloso. Anyway, it's time. We have to go."
"Sandali, saan ba kayo kakain?"
"Huwag ka ng magtanong. Besides, you didn't care, babe," tapos hinila ni Aian si Fate mula sa gilid ni Zinc.
"Bye bye," mapang-asar na wika ni Aian hanggang sa makalayo na sila ni Fate.
Tumaas ang kilay ni Zinc dahil dito.
"Kung ayaw mong sabihin, edi huwag. I can find you whether you say it or not."
Pumasok si Zinc sa kotse niya. Full tank pa naman ang gas at ayos pa ang mga gulong.
"Saan kaya sila pupunta?"