"Ito na lang ang babasahin ko," aniya at naupo sa upuan ni Zinc sa kanyang kwarto.
Pagkalipas ng kalahating oras ay bumalik na si Zinc, pinagbuksan siya ni Fate at may dala-dala itong isang buong manok na hilaw pa.
"Iyan ang kakainin natin para sa hapunan?" wika ni Fate.
"Oo," nagpalit muna si Zinc ng damit at saka hiniwa ang manok sa piraso. Habang ginagawa niya ito ay pinapanood siya ni Fate na maghiwa. Nang makita ni Fate na may tumutulo ng pawis kay Zinc ay agad siya kumuha ng tuwalya at walang kagatol-gatol na pinunasan ang ulo ni Zinc-na natigilan naman sa ginawa ng babae.
"A-anong... ginagawa mo?" humakbang palayo si Zinc kay Fate dahil sa gulat.
"Pinupunasan ka."
"Bakit?"
"Eh kasi mas maganda kung malinis ang paghahain ng pagkain. Naisip ko na kung matutuluan ng pawis mo ang manok na 'yan, hindi na malinis. Kaya naman bago tumulo ay pinupunasan ko na. Tsaka sabi mo, bawal akong tumulong sayo kaya yun na lang ang ginagawa ko," mahabang paliwanag ni Fate.
"H-hindi. Akin na 'yan!" kinuha ni Zinc ang tuwalya at siya na ang nagpunas ng pawis niya. Nang matapos na ay sinindihan na ni Zinc ang kalan at nagpatong ng kawali.
"Ginoong Zinc, ano 'to?" hawak-hawak ni Fate ang isang cup noodles.
"Cup noodles."
"Masarap ba ito?"
"Bakit mo natanong?"
"Gusto ko lang malaman."
"Masarap pero mataas ang sodium content."
"Ano yung... so-ano?"
"Sodium content. Yun yung alat na nakalagay sa pagkain."
"Alat? Ibig sabihin, mataas ang alat ng pagkain na ito?"
"Oo."
"Hindi ba't masama ang pagkain ng maaalat na pagkain?"
"Oo-Ay hindi naman lahat. Kailangan lang, alalay sa pagkain."
"Pero madami ang binili mo. Hindi kaya makasama ito sayo?"
Inagaw ni Zinc ang hawak na cup noodles ni Fate at nilagay ito sa hindi niya na makikitang lugar. "Dami mong tanong."
Nagsalang na ng mga manok si Zinc sa kawali. Pinanood siya ni Fate kung paano niya niluluto ang pagkain. Hindi inaasahan na tumunog ang phone ni Zinc at may tumatawag sa kanya.
"Ikaw muna ang magluto nito. Tusukin mo yung mga makakapal na parte ng karne ng manok na malapit sa buto para lumabas yung dugo at maluto ang loob."
"H-ha?"
"Bilis na! Kailangan kong sagutin yung tawag. Sandali lang ako," nagmamadaling kinuha ni Fate ang sandok. Habang nagluluto ay pabalik-balik ang tingin niya sa nilulutong manok at kay Zinc na may kausap sa telepono. Tahimik na humihiling na sana ay bumalik na kagad si Zinc sa pagluluto.
Nang matapos na si Zinc ay bumalik na siya sa niluluto...
"What the f**k! Anong ginawa mo?"
"S-sinunod ko lang naman ang sinabi mo..."
Napapikit na lang si Zinc, sinisikap na magpigil ng galit. "Eh andami namang tusok nito? Hindi ko mabilang. Tinadtad mo na yata eh."
"Eh hindi ko kasi alam kung alin sa mga 'yan yung tutusukin ko kaya para makasiguro, tinusok ko na lahat."
"Pero effective naman kasi may mga lumabas naman na dugo eh."
"Oo nga. Pero... ang pangit pa rin kasi..." napasinghap na lang si Zinc.
Bwisit naman talaga.
"Maghanda ka na lang ng mga plato," utos niya na agad namang sinunod ni Fate.
Habang kumakain ay hindi mapigilan ni Fate na magtanong kay Zinc kaso nahihiya ito. May mali na naman kasi siyang nagawa at baka nagpipigil lang ito ng galit at kapag kinausap niya ito ay baka sumabog na naman.
"A—" kaso pinutol niya ang sasabihin.
"G—" pinutol na naman. 'Wag na nga.
Pangatlong beses na ang pagbuka ng bibig ni Fate nang si Zinc na ang magsalita.
"Ano ba 'yon?"
"H-ha? W-wala."
"You annoys me, really," huminga ng malalim si Zinc.
"Ano nga kasi?"
"Kasi..." bwelo ni Fate.
"Sabihin mo na, baka sabihin mo na naman sakin masamang tao."
"Wala akong sinasabing ganyan."
"Whatever. Kung ayaw mong magsalita then I won't force you, anyway," tumayo si Zinc.
"Ito na, magsasalita na ako. Hindi ba't manunulat ka?" natigilan si Zinc sa narinig.
"Oo. Bakit?"
Tumayo si Fate at nagligpit ng pinag-kainan. Nakatalikod sa kanya si Zinc dahil naghuhugas na ito.
"Wag ka sanang magagalit pero..."
"...may nakita kasi akong mga nasulatang papel sa mesa mo sa kwarto mo habang naglilinis ako at tingin ko, isa iyon sa mga kwentong hindi mo naituloy."
"Ginoong Zinc, binasa ko iyon. At tingin ko, karapat-dapat lamang na ituloy mo iyon at magkamit iyon ng katapusan. Maganda at masayang katapusan."
~~~
"Layas! Lumayas ka dito! Kaya kami minamalas eh!" pinagtutulakan na ako ng ale sa karinderya niya. Nanghihingi lang naman kasi kami ng tira-tirang pagkain sa kanila. Nagugutom na kasi ang kapatid ko kaya wala akong nagawa para manghingi na lang ng pagkain.
"Sige na po, gutom na gutom na yung kapatid ko. Kahit tirang pagkain lang po."
"Lumayas ka nga sabi eh! Kung hindi ka aalis, tatawag ako ng pulis! Ipapahuli kita sa kanila!" bago pa niya gawin ang kinatatakutan ko ay tumakbo na ako palayo sa kanila. Ayokong mahuli ako ng mga pulis. Ayokong paghiwalayin nila kami ng kapatid ko. Dalawa na lang kami. Tapos iiwan ko pa siya?
May nakita akong jeep kaya naman tinakbo ko 'yon at sumabit ako. Nang may makita akong mapagkakakitaan ay bumaba ako ng jeep. Tinakbo ko ang lalaking nagbebenta ng dyaryo. May itinayo siyang tent doon sa gilid ng parke at punong-puno ng mga dyaryo ang tent niya. Napansin kong hindi niya mabebenta ang mga dyaryong 'yon kung nakaupo lang siya at naghihintay ng bibili.
"Boss, gusto mo tulungan kita?" sabi ko.
"Ano, hijo, hindi ko kailangan ng tulong mo!" wika niya.
"Eh sa tingin ko, hindi naman ikaw ang may kailangan ng tulong eh. Yung mga dyaryo. Ano, didiskartehan ko 'yang mga 'yan kung papayag ka!"
"Tss. Sige. Tignan natin kung may magagawa ka," nginitian niya ako at nagbigay sakin ng sapat na dyaryo para maibenta.
"Dyaryo, dyaryo, dyaryo kayo dyan! Bili na!" halos malibot ko na ang buong lugar para mailako ang mga dyaryo. Sakto dahil marami na akong benta, ang lugar kasi na ito ay dinadayo talaga para lang sa dyaryo. Bihira pa kasi ang pagkakaroon ng mga telebisyon at telepono.
"M—" nahinto ako sa pagsasalita ng makakita ako ng mag-asawang lalaki at babae, magkahawak ang kamay nila at nagtatawanan. Nahulog ang wallet sa likod ng lalaki kaya naman pinulot ko ito at lumapit sa kanila.
"Sa inyo po yata 'to," ani ko.
"Naku salamat, hijo. Ah..." naglabas ng pera mula sa kanyang wallet ang lalaki.
"Bilang pasasalamat ko. Tanggapin mo," mabilis na gumuhit ang ngiti sa labi ko.
"Maraming salamat po," hindi ko na tinanggihan ang perang binigay nila.
"Sige po, magbebenta pa po kasi ako eh," tumakbo na ako at nagbenta ulit. Natutunan ko kasi dati na magsauli ng pera sa taong nakaiwan nito kahit gaano mo pa kailangan na kailangan iyon. Kasi kung ilalagay ko ang sarili ko sa taong kukuhanan ko ng pera, ayoko din naman na mawalan ako.
"May naghahanap daw ng magca-carwash doon. Ano, pwede ka?"
"Oo, sige!"
Napabangon si Zinc.
"Shit."
Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinignan kung anong oras na. 1:15 AM pa lang.
Bumangon siya at pumunta sa kusina. Kumuha ng bote ng tubig at naglagay sa isang baso.
Naalala ko na naman ang mga 'yon. Hindi ko naman iyon inisip bago ako matulog kaya paano ko 'yon mapapanaginipan?
Pupunta na sana siya ng kwarto nang may marinig siyang umiiyak.
"Fate?" pumunta siya sa living room.
"Bakit gising ka pa? At bakit ka umiiyak?" binuksan niya ang ilaw sa living room at nakita ang mas malinaw na umiiyak nga siya. Pagkakita kay Fate ay may nakita siyang itinago nito sa likuran niya.
"Umaga na, bakit hindi ka pa natutulog?"
"W-wala... Sige, matutulog na ako. Matulog ka na rin. Magandang gabi," humiga siya sa sofa at natulog na.
"You can't hide it from me. Akin na 'yan," ani Zinc.
"Wala akong tinatago. Ano bang sinasabi mo?"
I rolled my eyes at her. Kailan pa siya natutong magsinungaling?
"Akin na," utos ni Zinc kay Fate. Walang nagawa si Fate at iniabot kay Zinc ang libro.
"Libro ko 'to ah. Bakit nasa sayo?"
Napalunok si Fate. "Kinuha ko sa kwarto mo."
"Kasi... gusto ko lang namang makapagbasa ng libro mo... P-pero wag kang mag-alala, wala naman akong intensyong masama..." tumaas ang kilay ni Zinc sa narinig.
"Pumasok ka sa kwarto ko?"
"'Wag kang magagalit. H-hindi ko naman sinasadya..."
Pero pinasok niya pa rin ang kwarto ko. Damn.
"Akin na yung libro. Matulog ka na. Pakialamera kasi," tumalikod si Zinc dala-dala ang libro na binigay ni Fate sa kanya. Itinago niya ito sa lalagyanan at humiga na sa kama.
"That girl sucks big time."