Kabanata 12

1203 Words
"Ginoong Zinc, saan tayo pupunta?" nakatayo si Fate sa gilid ni Zinc habang ito ay nag-aayos ng mga gamit. "Papasok ka sa trabaho mo." Tila nagningning ang mga mata ni Fate nang marinig ito. "Talaga? Magtatrabaho na ako? Nakakatuwa!" pumalakpak pa si Fate na inirapan naman ni Zinc. Masyadong childish. Tss. "Sandali, hindi ba natin isasama si Caramel?" "Ano? Si Caramel? Hindi pwede." Napasimangot si Fate. "Bakit?" "Walang magbabantay sa kanya doon." "Ako! Ako ang magbabantay sa kanya!" "Tss. So hindi ka magtatrabaho? Kaya ka nga nandun para magtrabaho tapos isasama mo ang aso." "Hindi naman siya basta aso. Aso mo 'yon, Ginoong Zinc." Bwisit. "Pero kung ayaw mo, ayos lang naman. Kaso nakakalungkot dahil—" "Okay fine basta wag ka ng maingay. Isasama natin si Caramel, tapos." "Yehey!" mabilis na tumakbo si Fate kay Zinc at niyakap ito. "Salamat! Salamat! Salamat!" "Layuan mo nga ako! Tss." Hindi na ininda ni Fate ang pagtaboy sa kanya ni Zinc galing sa yakap nila. Ang mahalaga ay maipadama niya ang pasasalamat niya dito. "Halika na," lumabas na sila ng unit at sumakay sa kotse papunta sa Coffee shop ni Zinc. Nakasuot ng puting polo at itim na slacks si Fate. Nakatatak sa itaas na bahagi sa bandang kaliwa ang tatak ng Bean in book coffee shop at ang tatak nito. Nakapusod din ang buhok niya. Pagdating nila sa Coffee shop ay agad nakatanggap si Zinc ng pagbati mula sa mga empleyado niya. "Good morning, Sir Zinc." "Magandang umaga, Sir." Tinanguan niya lang ang mga ito. Hinanap niya ang manager ng Coffee shop niya at ipinakilala si Fate. "Dito siya magtatrabaho. Treat her well." "Yes, Sir. Girlfriend niyo po ba?" maliwanag ang ngiti ng Manager na hinire ni Zinc. Nakatingin ito kay Fate habang sinasabi ang pahayag na iyon. Babae ito at magaling sa trabaho kaya naman itinaas ni Zinc ang posisyon niya. "What? No! Never!"depensa ni Zinc. "Okay, Sir. Hahaha," natatawa ang Manager. Ito kasi ang kauna-unahang beses na nagdala at nagpakilala ng babae sa kanila. Hindi naman sila close para gawin iyon ni Zinc pero mas maganda kung may ipakikilala ito sa kanila. "Turuan niyo siyang tumanggap ng order ah. Tapos, dinala ko din dito ang aso ko, pakibantayan." "Bakit Sir, hindi po ba kayo magi-stay dito?" "No. I'll go to my work. Basta bantayan niyo silang dalawa ah." "Yes, Sir. Ah nga po pala, do I have to get her requirements or..." "N-no! Naasikaso ko na yun lahat. D-dont worry about that," ani Zinc. Kahit ang totoo ay nakalimutan niya ang dapat na gawin sa mga papeles na kakailanganin sa pagtatrabaho ni Fate. "Oh, okay po Sir." "Magandang araw po, tuloy po kayo sa Bean in book coffee shop ni—" parehong napatingin si Zinc at ang Manager sa natigilang si Fate habang nasa pinto ng shop at sinasalubong ang mga costumer na pumapasok. Laking gulat nila nang nagmamadaling lumapit si Fate kay Zinc at nagtanong, "Ginoong Zinc, maaari ko bang banggitin ang iyong pangalan sa mga taong pumapasok?" "No! Ayoko!" Kapag nalaman nila kung sino ang may-ari ng Bean in book, pwedeng hindi na sila pumunta doon dahil masasarap ang binibentang kape at makapagbasa ng libro kundi pumunta sila doon dahil pagmamay-ari iyon ni Zinc Craig. "Sige," didiretso na sana si Fate sa pinanggalingan kanina nang pigilan siya ni Zinc. "Hindi iyon ang gagawin mo. Kukuha ka ng order ng mga taong papasok. Ganun. Kuha mo?" "Ah, sige! Pwede na ba akong magsimula ngayon?" Nang marinig iyon ng Manager ay sinimulan niya ng turuan si Fate ng mga gagawin. Sakto na marami ang pumapasok na costumer at hindi sila nauubusan. Habang si Zinc naman ay binabantayan ang pagtatrabaho ng mga empleyado niya lalo na ang mga tao na gumagawa mismo ng mga kape at iba't-ibang pagkain na ibinebenta nila. Nang makabalik siya sa counter ay saktong nakita niya si Fate. Kinuha nito ang order ng costumers ng isang matandang babae at matandang lalaki. Tinulungan ni Fate na dalhin ang order ng dalawa sa mesa nila. Pansin din ni Zinc na iniwan ni Fate ang trabaho nito sa counter para lang tulungan ang dalawang matanda. Maraming tao ang patuloy pa rin na pumapasok pero sapat lang para asikasuhin sila ng ibang kahera. Ibinalik ni Zinc ang mga mata niya sa ginagawa ni Fate. Sa kasalukuyan, tinutulungan ni Fate ang dalawa na makaupo. "Ayos na po ba kayo, Binibini?" wika ni Fate. "Ah o-oo. Salamat sayo, hija." "Walang anuman po iyon. Kung sakaling may kailangan pa po kayo ng iyong asawa, maaari niyo lang po akong tawagin. Huwag na po kayong mag-abala na tumayo kasi baka mahirapan pa po kayo." "Sige. Kay bait mo namang bata. Maraming salamat talaga, hija." Nang babalik na sana si Fate sa counter ay nahuli niyang nakatingin sa kanya si Zinc, magkasalubong na naman ang mga kilay nito. "What have you done?" "Ano?" "Anong... anong ginawa mo?" "Anong — ha?" "Tinatanong ko kung ano yung palabas na ginawa mo kanina." "Tinulungan ko sila." "Pero hindi naman yun ang trabaho mo. Pagkuha ng order ang trabaho mo, hindi ang ihatid ang mga order nila sa upuan nila. Marami pang costumers na dapat asikasuhin ang dapat asikasuhin kaso pinili mong... what? Sumama sa kanila?!" halata ang pagkainis sa boses ni Zinc. Mabilis na nalukot ang noo ni Fate. "Ginoong Zinc, nagkakaroon ka ng problema sa ginawa ko?" "Oo at—" "Nakikita kong madaming tao ang pumapasok subalit sapat lamang ang mga tao dito para pagsilbihan sila. Ano ba naman yung pagtulong ko sa dalawang matanda, hindi ba?" "Pero hindi mo kailangang gawin yun—" "Alam ko, Ginoo. Pero kailangan bang maging trabaho ang pagtulong sa kanila? Sa tingin ko hindi. Dahil nilikhang may puso ang tao at naniniwala akong likas ang pagiging matulungan ninyong mga tao sa isa't-isa. Ano bang bago kung tutulungan ko sila? Isa akong fairy. Isa kang tao. Sino ba sa ating dalawa ang mas karapat-dapat na gumawa ng ginawa ko kanina, Ginoong Zinc? Ikaw ba o ako?" matagal na nagtitigan ang dalawa bago kumalas si Fate at sinabing, "tutuloy na ako sa trabaho ko." Shit. ~~~ Unknown. "Tignan mo, hindi ba't ang gwapo niya?" "Oo, prinsesa! Tamang-tama siya para sa nais mong iregalo sa iyo ng Ama sa iyong darating na kaarawan!" nagtatatalon-talon ang elf sa gilid ng babae. Pinanonood nila mula sa labas ng Bean in Book coffee shop ang isang lalaki. "Elf, tingin mo, madali ko siyang makukuha?" "Siguradong-sigurado iyon, prinsesa," nilagay ng babae ang kamay niya sa ulo ng maliit na nilalang sa gilid niya. "Iyan ang gusto ko sayo eh, madali kang kausap. Tingin ko naman, hindi ako mahihirapan na kunin si Ginoong Zinc at dalhin siya sa Fantanavia." "Ngunit paano kung pumagitna si Fate sa pagkuha mo sa kanya?" Namuo ang ngisi sa mukha ng babae. "Kung mangyari man 'yon, mamamatay siya sa kamay ko." Itinaas ng babae ang kanyang kaliwang kamay at may lumabas na itim na wand. Kapansin-pansin ang dumadaloy na kuryente mula rito. "Anuman ang gusto ko, ay kailangang mapasa-akin. At ngayon, ikaw ang gusto ko, Ginoong Zinc." Ikinumpas ng babae ang wand at mula sa kanyang paa hanggang sa ulo ay nagbago ang kanyang anyo at kasuotan. "Voila, makikilala mo na ako, Ginoong Zinc."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD