Sumabog ang kotse nang tumama ito sa lupa galing sa ere, pero naging iba na ang resulta nito dahil wala nang tao ang namatay.
Tumakbo si Fate at Zinc pero pinanood ni Zinc ang mga taong dapat ay matatamaan ng sumabog na kotse at nagkakagulo sila.
"Kailangan na nating sumakay," ani Fate. Wala sa huwisyong tumango si Zinc sa sinabi ni Fate.
At last, nakauwi rin sila. Habang nakasakay sa taxi, doon lang nakarecover si Zinc sa kanyang mga nakita at sa nangyari. Ito ang una niyang beses na makakita ng ganoong pangyayari, kadalasan kasi ay sa mga action movies lang ito nangyayari. Lalo nang makakita siya ng lumipad na kotse sa ere at nang tumama ito sa lupa ay sumabog.
Ang astig no'n.
Natawa si Fate sa nabasang isip niya kay Zinc.
Nang makapasok sila sa condo, agad na umupo si Fate sa sofa ngunit mabilis na uminom ng tubig si Zinc. Tinawag ni Zinc si Caramel, pinakain ito at pinatulog sa loob ng kwarto niya. Nang matapos siya, tsaka niya kinausap si Fate.
"A-ano yung nakita ko kanina? N-nanaginip ba ko o totoo talagang nangyari 'yon?"
Huminga ng malalim si Fate, "mamayang gabi, ibabalita at ipakakalat sa buong mundo ang nangyaring aksidente sa lugar na 'yon, at itatala sa buong kasaysayan ang kauna-unahang aksidente na walang namatay na kahit anong nilalang."
Nagitla si Zinc sa sinabi ni Fate, "so, totoo nga?"
Tumango si Fate at dahil dito ay napa-face palm si Zinc.
"B-bakit... bakit nangyari 'yon? A-anong dahilan?"
"Ginoong Zinc, hindi ko na tungkuling alamin at sabihin pa iyon sayo. Marahil ay pagkakamali iyon ng tao."
Ilang segundo ang dumaan bago ulit magsalita si Zinc. Alam na ni Fate na ito na ang pagkakataon para sabihin sa lalaki kung ano talaga siya, at kung ano ang pakay niya sa mundo nila.
"P-pero..." mahina ang boses ni Zinc at parang sarili pa lang ang kinakausap niya.
"P-pero hindi... walang t-tao ang makakagawa no'n... w-wala..."
Tumingin si Fate kay Zinc, wala siyang ideya kung matatanggap at maniniwala ba sa kanya ito o hindi. Alam niya ang mga tao. Kapag sinabi niya kung sino siya, walang maniniwala. Baka nga sabihin pang nababaliw siya.
May isang paraan para malaman niya kung tanggap ba siya at naniniwala ba sa kanya si Zinc, at yun ay ang pagbasa sa isip nito. Pero hindi niya gugustuhing gawin 'yon. Hindi dahil mawawalan siya ng lakas, kundi ay ayaw niyang mabasa sa isip nito pa lang na hindi siya naniniwala. At magiging masakit iyon para sa kanya.
"Ginoong Zinc, hindi ako tao..." ani Fate. Nakita niyang kumunot ang noo nito. Marahil ay nagtatanong sa sarili. Habang naguguluhan ito, sinamantala na ni Fate ang pagkakataon para ipaliwanag sa kanya ang lahat.
"Noong gabing nabangga ninyo ako ni Ginoong Pisces, iyon din ang unang gabi ko sa lupa. Sa mundo ninyong mga tao."
Kaya ba ganun ang damit niya?
"Walang akong huling pangalan tulad ninyo. Wala akong pamilya. Wala din akong lugar na pinanggalingan. Mahirap paniwalaan pero... hindi ako tao. Hindi ako tulad ninyo."
Sana maniwala ka.
"Then... kung ganun... ano k-ka?" tanong ni Zinc.
Fate sighed. "Isa akong fairy. Fay."
"Fairy? Totoo ba 'yon? It's just a product of children fantasies."
Ginoong Zinc, isa akong patunay no'n, sinadya ni Fate na sabihin'yon kay Zinc sa utak. Nakipag-usap siya sa pamamagitan ng isipan.
"You can read my mind?!"
"Paumanhin, Ginoo."
I want another proof, isip ni Zinc na nabasa naman ni Fate.
Huminga ng malalim si Fate. Kahit alam niyang delikado na dahil isang beses niya ng ginamit ang kapangyarihan niya at hindi malakas ang pundasyon ng kanyang katawan sa mundo ng mga tao, pinilit niya pa rin.
Isang patunay ang pakikipag-usap ko ngayon sa pamamagitan ng isipan, ani Fate.
"At ito pa," dagdag niya.
Itinaas ni Fate ang kanyang kamay at iminuwestra ang isang baso ng tubig na lumutang sa ere. Dinala niya ito sa harapan ni Zinc na agad namang ikinagulat ng huli. Sumunod na lumutang ang mga plato, kutsara, tinidor, baso, at nabuksan din ang gripo at ang tubig nito ay dumadaloy pataas. Naglinis ng kusa ang walis at ang dust pan. Umandar ang washing machine. Natupi ng kusa ang mga damit na natuyo na. At lahat ng ito, ay nakita ni Zinc.
"W-woah, o-okay na, okay na. M-medyo naniniwala na 'ko," nakahinga ng maluwag si Fate at nahinto ang lahat ng nangyari.
Aaminin niya ng nanghihina na siya at kailangan niya ng lakas para maumpisahan ang kailangan niyang gawin.
"K-kaya pala g-ganyan ang p-pagsasalita mo..."
"Oo, pasensya na."
"T-teka, paano... I-I mean, bakit mo ginawa 'yon? Yung kanina? Yung pangyayari na pagsabog ng kotse?"
"Ang totoo nyan, hindi ko alam kung paano ang nangyari. Bigla na lang nakita ko sa isip ko kung paano ang mangyayari. At kailangan kong gawin 'yon para maiwasan ang pagkamatay ng maraming tao..." ani Fate.
"...lalo ka na," dagdag pa niya.
Natigilan si Zinc sa kanyang narinig. Alam niyang totoo ang sinabi ni Fate, na galing ito sa puso. Pero may kung anong kumurot sa kanyang puso at ikinatuwa niya 'yon. Hindi lang naman ito ang unang beses na nakaramdam siya ng ganung klaseng pagmamalasakit. Ramdam niya din ang respeto sa kanya ni Pisces kahit na laging masama ang timpla niya dito.
"B-bakit ka nanghina kanina?"
Tumingin ng diretso si Fate kay Zinc, "dahil nagutom ako. Nawalan ng lakas. Nawalan ng pagkukunan ng lakas."
Namula si Zinc sa sinabi ni Fate. Kinonsensya pa ko.
"Sa mundo namin, dahil fairy kami, hindi kami nakararamdam ng sakit o ng pangangailangan. Kaya nang maging tao ako, kasama na rin doon ang pangangailangan kong makakain. Isa na akong kompletong tao."
"B-bakit ka pala n-nandito..."
Inilabas ni Fate ang kanyang kwintas. May nakasabit dito na maliit na hourglass, "ito ang nagtatakda kung hanggang kailan ako mananatili dito sa mundo niyo. Kung mauubos ang buhangin nito sa loob nang hindi pa ako natatapos..."
"Anong mangyayari?"
"Mamamatay ako."
"P-paano kung mabasag ang hourglass? Matitigil ba no'n ang oras mo dito?"
"Hindi. May sariling oras ang lugar namin sa itaas. Naisulat na kung hanggang kailan ako mananatili dito at kung mabasag man ito, patuloy lang na tatakbo ang oras ko."
"L-lahat ba kayo... may k-kapangyarihan?"
"Oo. Sa lugar namin, malaya mong magamit ang kapangyarihan mo. Walang limitasyon. Hindi nauubos. Ngunit kung gagamitin ito dito sa mundo ng mga tao nang nakaanyong tao, maraming limitasyon at manghihina kami pagkatapos naming gumamit."
Nang marealize ni Zinc ang nangyari, "so, nanghina ka kanina? Pagkatapos mong kontrolin ang mga bagay?"
"Oo, pero sapat naman ang aking lakas para gawin 'yon. Iyon nga lang, nakapagtala na ako ng isang kasalanan at pagkatapos ng aking misyon ay haharapin ko ang parusa para rito."
"A-anong parusa?"
Ngumiti si Fate ng mapait, "hindi ko rin alam."
"P-pero hindi naman siguro kamatayan, 'di ba?"
"Hindi ko alam, Ginoo. Mabigat kasi ang ginawa kong kasalanan kanina. Pinigilan ko kung ano ang dapat na mangyari, ang tadhana. Binasa ko ang hinaharap at binago ko ang hindi dapat. Pinakialaman ang hindi tama."
"A-anong..." naguguluhang tumingin si Zinc kay Fate.
"Bawat tao ay may katapusan. At kung kailan ang katapusan na iyon, ay nakasulat na sa kanilang tadhana. At kung mapapansin mo, walang taong namatay sa nangyaring aksidente dahil sa ginawa ko, na dapat ay marami. At kabilang ka na doon, Ginoong Zinc. Hindi kasi maaaring maurong paatras o paabante ang kanilang pagkamatay, dapat lahat ay nasa plano. Ngunit ang ginawa ko kanina... ay isang malaking paglabag sa itaas, sa Diyos, at sa mismong tadhana ng mga tao. Posibleng magkaroon ng problema sa magiging buhay ng mga taong dapat ay patay na sa oras na ito. At sigurado ako na ang mga nilalang sa itaas ay isinusulat na ang naudlot na katapusan ng mga taong apektado."
Unti-unting in-absorb ni Zinc ang mga nalaman niya mula kay Fate. At sa lahat ng ito, isa lang ang naging hinuha niya. Sinagip ni Fate ang buhay niya kahit pa maparusahan ito sa oras na makabalik siya sa lugar nila.
"Mahigit isang daang fairies ang ipinadadala sa mundo ng mga tao para gawin ang kanilang mga misyon. Nakatutulong iyon sa mga fairy para tumaas ang kanilang mga ranggo o matupad ang kanilang mga kahilingan-kung magtatagumpay sila."
"So, nandito ka para sa mission mo?"
"Tama ka, Ginoo."
"A-anong misyon naman ang binigay sayo?"
Hindi ko pwedeng sabihin, isa iyon sa i***********l samin, sinabi niya iyon sa isip ni Zinc.
Tumango si Zinc.
"Maghahanda lang ako ng pagkain," tumayo ito at nagsimulang magtrabaho sa kusina.
Isinara niya ulit ang daan patungo sa isip ni Zinc. Ayaw na niyang basahin ang isip nito. Isa pa, tao na siya at bilang parte no'n ay gagalaw din siya bilang tao.
Ang katotohanan, hindi naman talaga kasama si Zinc sa mga dapat ay namatay na kanina. Dahil kasama niya si Fate, at si Fate ay isang fairy at hindi tao, hindi siya mapupunta doon. Kung hindi dumating si Fate, kung hindi sila nagkatagpo kagabi, hindi si Fate ang mapipili ni Zinc bilang magmo-model ng produkto nila, at hindi siya aalis sa opisina niya.
Sa madaling salita, kung hindi man nangyari kanina ang pagtulong ni Fate at maraming namatay, hindi pa rin iyon ang oras ni Zinc para maglaho sa mundo. Sinabi lang iyon ni Fate para kunin ang loob ni Zinc at maging mabuti ito sa kanya. Alam niyang masama ang pagsisinungaling, pero kung ito lang ang magiging daan para paniwalaan siya ni Zinc, gagawin niya.
At isa pa, ang misyon ko, may kailangan akong mahanap na isang lalaki. Isang taong nagngangalang Kin Norwester.