Kabanata Tatlo

2925 Words
"Sir Zinc, si Fate?" "Hindi ko nga alam eh. Sabi magba-banyo lang daw, eh kanina pa 'yon ah!" nanggagalaiti na si Zinc. Pumapasok na sa isip niyang tinakasan siya ng babae pero ayaw niyang isipin na ganun nga. "Pupunta po ako sa office ni Sir Aian, tatanungin ko kung nandun pa siya," nagmadaling makaalis si Pisces. Nakita na niya kasi ang itsura ni Zinc, mukhang sa isang kalabit na lang ay sasabog na naman ito. At hahanapin ko ang babaeng 'yon. Bwisit. Nagmadaling bumaba si Zinc pero nasa hagdanan pa lang siya ay nakita niya ng nakahiga si Fate sa ibabaw ng mahabang mesa. Maraming nakapaligid sa kanyang kaopisina ni Zinc, at pinapaypayan siya ni Aian. Muntik nang mapatalon si Zinc nang makita niya sa Fate na nasa ganoong sitwasyon-walang malay at putlang-putla. "Anong nangyari sa kanya?!" nagpapanic si Zinc. Palpak na palpak na siya sa kinuha niyang magmo-model ng commercial nila tapos nakakahiya pa na si Aian mismo ang nakakita ng sitwasyong ito. "She fell in front of me kanina, asking for help." Asking for help?! "Bakit humihingi ng tulong sayo? Anong—" biglang nagising si Fate. Bumukas ang kanyang mga mata, mahinang-mahina pa rin ang pakiramdam niya. "Uminom ka muna, baka kailangan mo 'to," binigay ni Aian ang bote ng tubig at tinulungang painumin si Fate. Walang nagawa si Zinc kundi ang panoorin ang ginagawa ng mga taong nasa harapan niya. Lagot ka sakin mamaya, pinahiya mo ko. "S-salamat, Ginoo," sabi ni Fate. "Wait," tumakbo si Aian at pagbalik ay may dala-dala ng biscuit. "Baka kailangan mo ng pagkain. Gusto mo?" ibinigay ni Aian ang biscuit kay Fate. Kumuha si Fate at kinain ito. "Hindi ka na maputla!" puna ng isang babae na nanonood kung anong nangyari kay Fate. Tinignan ni Fate ang mga kamay niya at oo nga, nagkakaroon na ng mga kulay, bumabalik na ulit ang kulay ng dugo niya na hindi nakita kanina. Hindi na siya mukhang nanghihina. "Leave us now," natahimik ang mga empleyado nang magsalita si Zinc mula sa gilid. Napatingin si Fate sa kanya at sinabing... "Ginoo!" "Nagkamali ako, Sir Zinc pala," sabi ni Fate. Hindi iyon pinandin ni Zinc at sa halip ay, "ang sabi ko iwan niyo na kami! Ngayon na!" At mabilis na nag-alisan ang mga empleyado. Nabawasan ang mga taong nanonood sa eksena. Ang naiwan na lamang ay sina Aian, Fate at Zinc. "Pati ba ako, aalis?" Zinc just rolled his eyes at Aian. Marahas niyang hinila si Fate palayo sa boss niya at umakyat. Nasasaktan ako, Ginoong Zinc! Pero habang umaakyat sila at hawak ni Zinc ang pulso ni Fate, hinabol sila ni Aian. "Zinc, bitawan mo ang kamay niya. Nasasaktan yung tao baka hindi mo nararamdaman!" ani Aian. "Wag kang mangialam dito." "Pinagsasalitaan mo ang boss mo? Unbelievable!" sabi ni Aian na ikinahinto naman ni Zinc. "Eh ano ngayon?" "Woah. Woah. Woah. Baka nakakalimutan mo ah. Ipapaalala ko lang sayo, I'm your boss and you are not in the place to shout at me like that!" Tinitigan siya ni Zinc at sinabing, "whatever." Tinalikuran siya nito at patuloy na hinila si Fate. Walang nagawa si Aian. "Pumunta ka sa opisina ko, show me what you've got." Nang makapasok na sina Zinc sa office niya, padabog niyang binitawan ang pulso ni Fate causing her to feel the pain. "Nasasaktan ako..." bulong ni Fate na narinig naman ni Zinc. "Dapat lang! At ano yung palabas mo kanina, ha?! Paawa effect? Akala ko ba magbabanyo ka lang? Bakit napunta ka sa baba?!" sumisigaw na si Zinc habang nasa gilid lang si Fate at halatang takot na. "Hindi naman palabas 'yon. Totoong... nanghihina na ko..." "Kung nanghihina ka, bakit hindi ka humingi sakin ng tulong? Bakit kay Aian pa? Bakit sa kanya pa? Of all people? Paano na kapag nang dahil sa nangyari, tanggalin niya ako oras na malaman niyang palpak ako dahil ikaw ang kinuha ko? Hindi pwedeng aarte-arte ka!" Lagi mo na lang iniisip ang iyong sarili, Ginoong Zinc. "Hindi ko kasi mahanap yung banyo... at kung hihingi ba ako sayo ng tulong, tutulungan mo ba ko?" mahinang paliwanag ni Fate. Natigilan si Zinc sa kanyang sinabi. "Pasensya na. Hindi ko naman sinasadya," mapagkumbabang sabi ni Fate. "Sir Zinc, pinapatawag na raw po kayo ni Sir Aian. Ready na raw po," pagpasok ng secretary ni Aian. "Alright," mahinahong sagot ni Zinc sa babae. Naunang lumabas si Zinc matapos sabihing, "bilisan mo." Nadatnan ni Zinc na nakaupo si Aian sa swivel chair at nakapatong ang paa nito sa mesa. "Where is she?" bungad kagad ni Aian sa kakapasok lang na si Zinc. Tinawag ni Zinc sa Fate at pumasok silang dalawa sa office ni Aian. "Magandang tanghali, Ginoong..." bungad ni Fate nang makapasok ito. Nakaupo lang si Zinc sa sofa ni Aian, at hinayaan niyang tumayo si Fate sa harap ni Aian. "Aian." "Magandang tanghali, Ginoong Aian." Too much for the greetings, isip ni Zinc. "Salamat sa pagtulong sakin kanina." Mabuti ka pa, handang tumulong, isip ni Fate. At sumulyap ito kay Zinc na naabutan niyang nanlilisik na ang mata. "So there you are. Ikaw pala ang nakuha ni Zinc, huh? Kaya pala hindi pamilyar ang mukha mo kasi visitor ka. What's your name? Maayos na ba ang kalagayan mo?" hindi napigilan ni Aian na pinong magtagalog din dahil sa kausap niyang si Fate. "Ang aking pangalan ay Fate at oo, maayos na ang aking pakiramdam." "Ano bang nangyari sayo kanina?" "Hindi ko din alam, Ginoong Aian. Ako ay nanghina na lang kanina, pasensya sa abala." "Wala 'yon. Teka, hindi ka pa ba kumakain? Mula kailan 'yan? Baka kasi nanghina ka dahil gutom ka na." So anong gusto niyong palabasin, na ako ang may kasalanan? Na hindi ko siya pinakain? The f**k. "Simula kagabi pa." "Hindi ka man lang pinakain ni Zinc bago ka makarating dito? Nako nako, ang bad bad talaga," palokong tumingin si Aian kay Zinc. What the f**k. Hindi napigilan ni Zinc na depensahan ang sarili, "hindi ko obligasyon na—" "Wait lang, ano ba ang gusto mong itawag ko sayo?" tanong ni Aian kay Fate na parang hindi niya pinutol ang sasabihin ni Zinc. "Binibining Fate na lang, Ginoo," ngumiti si Fate. "Ah okay. Maupo ka muna, Binibini. Zinc, pakitawag nga yung secretary ko sa labas, please," utos ni Aian kay Zinc. Nagpanting ang tenga ni Zinc dahil sa narinig. Inuutusan siya nito. No one could ever do that. Nagsukatan sila ng tingin ni Aian. "Please, Zinc?" Inirapan ni Zinc si Aian. Wala siyang pakialam kung mapansin man ni Aian ang ginawa niya. Tumayo ito at tamad na tinawag ang secretary. "Yes, Sir?" "Ah, bilhan mo nga ako ng pagkain sa labas. Kahit sa fast food ka na lang bumili. Go, now." "Sige po, Sir." Nang makaalis na ang sekretarya, napunta ulit ang atensyon ni Aian kay Fate. "So Binibining Fate, hindi na kita masyadong tatanungin dahil alam kong si Zinc na ang bahala sayo sa mga papeles ha? May mga ipapasuot lang kaming nga damit sayo at titignan namin kung pasok ka sa initial testing. Handa ka na?" "Handa na ako, Ginoong Aian." "Sige," lumabas na silang tatlo pero nauna si Fate. Binulungan ni Aian si Zinc. "Where did you get her?" "Why?" "God, pasok siya sa standards. Kaunting ayos lang at perfect na ang dating niya sa cam." Mabilis na nagkasalubong ang mga kilay ni Zinc, "seriously?" "Seryoso nga! Diniscuss mo na ba sa kanya lahat? Yung bayad, yung schedule ng shoot, at yung mga gagawin?" "O-oo," hindi sigurado si Zinc dahil kung may nagsabi man kay Fate ng ganoon, hindi direktang nanggaling sa kanya. Ipinasabi niya lang kay Manang Lita na sabihin kay Fate pero hindi sila mismong dalawang ang nag-usap. "Wala siyang sinabi? Wala siyang angal? Violent reactions? Demands?" makulit na sabi ni Aian na mabilis naman na ikinainis ni Zinc. "Wala nga. Payag siya sa lahat. Bakit ba?" Napapalakpak si Aian, "perfect! Siya na 'yon! Siya na yung hinahanap natin for this role! Good job, Zinc. Sabihan mo ko kapag may kailangan si Fate, ibibigay natin sa kanya just to make this all perfect," at iniwan siya ni Aian para samahan si Fate. Perfect, perfect, perfect. Bukambibig ang perfect. Bwisit. Dinala nila si Fate sa kwarto kung saan aayusan siya. Hindi muna pumasok si Aian para ayusin ang mga gagamitin para sa initial testing. Actually, kahit naman hindi na mag-initial testing ay alam na ni Aian na pasok na si Fate. Napakamaamo ng mukha nito at maganda pa ang katawan para sa imo-model na damit. Habang si Zinc naman ay ginawa ang ibang trabaho. Tatawagin na lang daw sila kapag tapos na ang lahat para makita ang finish product. After couple of hours, natapos na din si Zinc sa ginagawa niya. "Pisces," tawag niya sa assistant. "Yes, Sir?" "Bukas ba may gagawin ako na importante? May naka-schedule ba?" bumalik si Pisces sa mesa niya at tinignan ang ilang mga folders. "Wala po, Sir." "Kung ganun bukas ay hindi ako papasok. Aasikasuhin ko yung Coffee shop." "Sige, Sir." Oo, may pagmamay-ari si Zinc ng Coffee shop. Maliit lang ito at isa pa lang ang branch. Kapag nakikipagkita ang kapatid niyang si Helix, dito sila madalas na nagmi-meet. Ayaw niyang padapuin ang kapatid niya sa condo, metikuloso kasi siya at baka magalaw ang mga gamit. Pero hindi lang ito basta coffee shop dahil kalahati nito ay library. Dahil writer si Zinc, ilan sa kanyang mga naisulat na na-publish na ay nandodoon, at ilang mga sikat na libro local man o international ay makikita din doon. Patunay ang Coffee shop niya na hindi lang siya mahilig magsulat kundi magbasa din ng libro. At dahil kilala siya, kaya naman dinadayo at hindi nawawalan ng tao ang shop. Pumasok ang isang empleyado sa opisina ni Zinc at sinabing, "sir, ready na po yung model." "Ganun ba? Sige, I'll go ahead," tumayo si Zinc at inayos ang mga gamit bago lumabas ng office. "Where is she?" nahagip niya si Aian na nagtatanong sa isang babae. "Nasa taas na po, ready na siya for taking." Tumango si Aian at umakyat na sa taas. Kumunot ang noo ni Zinc nang makita ang bitbit ni Aian na paper bag. 'Di nagtagal ay umakyat na rin ito, kaso sumakit na naman ang ulo niya dahil nakita niya si Dean sa bungad. Bukod kay Aian, ito pa ang isa niyang ikinaiinis. Buong loob na sana niya itong iiwasan at didiretso na sa kwarto kung nasaan si Fate ngunit hinabol siya ni Dean matapos makausap ang isang lalaki. "Zinc!" sabay lagay ng kamay sa kanyang braso. Mang-iinis na naman, bwisit. "What now?" "Uy, galit ka agad? Wala naman akong ginagawa sayo ah?" Kahit naman makita lang kita, iritado na ang mga mata ko. "Layuan mo nga ako!" sabay hawi ni Zinc sa kamay ni Dean. "Ano, galit ka kasi ipinasa ko sayo ang trabaho ko, ganon?" Inirapan ni Zinc si Dean. Pumasok na sila sa kwarto. Naabutan nila na busy ang mga tao sa loob. Yung mga umaayos sa camera, may mga empleyado na nanonood, may mga nag-aayos pa nga ng mga gamit. Agad na hinanap ni Zinc si Aian habang patuloy sa pagsasalita si Dean sa gilid niya. "Ano bang kinaaarte mo? I gave you what you want. Humanap ka ng magmomodel sa commercial at makukuha mo na yung promotion na gusto mo—" natigil kagad ang mga mata ni Zinc sa babaeng sentro ng atensyon ng lahat. Ito ang nasa harap, ang pinapanood, nakaupo sa platform, tinututukan ng lights at camera. Mabilis na gumawa ng awang ang kanyang bibig, napanganga sa kanyang nakita. Napansin din ni Zinc ang paghinto sa pagsasalita ng kanyang katabi na si Dean, "wow! Sino siya?" Nagmadaling umalis si Dean at sigurado siyang kay Aian ito papunta. Tumungo siya isang empleyado doon na alam niyang nag-aasikaso ng shoot. "S-siya ba... yung babaeng dinala ko?" bahagyang nagulat ang babaeng kinausap niya. Marahil ay hindi ito naniniwala na ganito ang naging tanong ni Zinc. "O-oo naman, Sir Zinc. Bakit?" lalong nalukot ang noo ni Zinc dahil sa sagot ng babae. Hindi na niya ito sinagot at sa halip ay pumunta kay Aian na naabutang kausap si Dean. "Sinong nakakuha sa kanya?" tanong ni Dean. Tumaas kagad ang kilay niya nang marinig ito. "Si Zinc," sabi ni Aian habang nakatingin pa rin kay Fate na kasalukuyan ng kinukuhanan ng litrato. Napalingon si Dean sa kanya. "Nakuha mo siya? Anong name?" Hindi niya ito sinagot. Ano namang pakialam ni Zinc sa babae? Tsk. Mabilis siyang kinulit ni Dean, "uy, ano ngang name? Dali!" "Bakit ba?" pagsusungit niya. "Fate ang name," sabi ni Aian habang nakatingin pa rin sa harap. "Name lang, ayaw pang ibigay. Makukuha mo na nga ang promotion eh!" sabi ni Dean nang may halong inis. Nang matapos na ang initial testing, nag-announce si Aian na sasabihin niya na lang kung kailan ang susunod. Inayos na nila ang gamit pero marami pa rin ang mga mata-lalo na ng mga lalaki, ang hindi matanggal kay Fate. Nang makalapit na si Fate kay Zinc, dala-dala ni Aian ang paper bag nito at lumapit sa kanila. "You did great, Binibining Fate. And this is my gift for you," binigay ni Aian ang paper bag kay Fate. "Pagkain lang 'yan. Naisip ko kasi na bawal kang magpagutom," sabi ni Aian. Nginitian siya ni Fate. Too cheap, isip ni Zinc. "Maraming salamat, Ginoong Aian ngunit ikinalulungkot ko na hindi ko matatanggap ito," tapos ay isinauli ni Fate ang paper bag kay Aian. "Oh men! Na-hit mo ang a*s ni Sir Aian," humagalpak sa tawa si Dean sa gilid. Siniko siya ni Aian. "Sige na, I insist." Nag-alangang tumingin si Fate kay Zinc, hindi alam kung anong gagawin. Nag-iwas ng tingin si Zinc sa kanya. "Ah..." Hinawakan ni Zinc ang pulso ni Fate at nagpaalam kina Aian at Dean, "uuwi na kami." Hindi na hinintay ni Zinc ang sasabihin ng dalawa pero narinig nito ang pag-angal nila. Idinaan muna ni Zinc si Fate sa kwarto kung saan si Fate inayusan at sinabing linisin ito bago sila umuwi. Wala namang nagawa ang mga nag-ayos kundi ang sumunod kahit pa tutol sila dahil gusto pa nilang mas makita ng matagal si Fate dahil sa kagandahan nito pero utos ito ni Zinc at kailangan itong masunod. "Halika na, umuwi na tayo," diretsong sabi ni Zinc kay Fate na may dala-dalang ilang paper bags. Isang tingin pa lang, alam na ni Zinc kung ano ang laman nito. Damit na produkto nila. Alam niyang ito ang benefaction ng isang model kapag may commercial silang ginagawa sa produkto nila. Sumakay sila sa kotse. Mabilis itong pinaandar ni Zinc, dalawang beses ang bilis nito kumpara sa natural. Gusto mang tanungin ni Fate si Zinc kung bakit nagkakaganito siya pero wala siyang lakas ng loob. Biglang huminto ang kotse at hindi ito sadya ni Zinc. Nagulat na lang si Fate nang magwala si Zinc at tinadyakan ang sasakyan nito. "A-ano bang n-nangyari?" mahinahong tanong ni Fate. "Bwisit!" Nang bumaba si Zinc ay nagmadali ding bumaba si Fate. Kahit pa hindi niya alam kung paano buksan ang pinto ng kotse ay nagmadali siyang buksan ito. "Hahanap na lang muna tayo ng taxi, ubos yung gas eh," nagsimula ng maglakad sina Zinc at Fate. Hindi kumikibo si Fate dahil alam niyang kapag nagsalita pa siya ay baka sumabog na ito at baka siya pa ang mapagbuntungan. Ilang minuto na silang naglalakad nang makarating sila sa gilid ng highway. Napahinto si Fate at naramdaman ito ni Zinc dahil hawak-hawak niya ang pulso nito. "Bakit?" tanong ni Zinc na magkasalubong na ang kilay. Hindi siya sinagot ni Fate, tumingin lang ito sa ibaba at parang may iniisip. "Halika na! Baka wala tayong masakyang taxi!" Nang magsalita si Fate ay kalkulado na niya ang mangyayari. Tumingin siya sa kanang bahagi ng highway at nagulat siya sa kanyang nakita, maraming kotse ang nagbanggaan, nilingon din ito ni Zinc na parang naestatwa sa nakita. At dahil maraming kotse ang nagbanggaan at parang nagkumpulan sa gitna ng daan, isang dilaw na kotse ang hindi napigilang iliko ang sasakyan para maiwasan ang banggaan. Dahil mabilis ang takbo nito, lumipad ito sa ere para maiwasan ang maraming sasakyan. Maraming tao ang nagulat dahil sa nangyari at nagkagulo sila. Nanlaki ang mga mata ni Fate, alam niya na ang mangyayari. Sa oras na tumama ang kotse sa lupa mula sa pagkakalipad nito sa ere, magiging malakas ang impact nito at sasabog. Pero kahit na sumabog ang kotse, hindi no'n mapipigilan ang mabilis na pag-abante at ilan lamang sila ni Zinc sa matatamaan nito. Dahil sa gulat, parang naging tuod si Zinc na nanood lang sa nangyari. Kaya naman si Fate na ang humawak sa pulso niya. Kailangan kong maayos ito, isip ni Fate. Iminuwestra niya ang kamay niya sa ere, at nagsimulang bumagal ang mga pangyayari. Slow motion ang lahat. Nagulat si Zinc sa ginagawa ni Fate. "T-teka, anong g-ginagawa mo?!" tanong ni Zinc. "Mamaya ko na ipaliliwanag sa iyo ang lahat, Ginoong Zinc. Sa ngayon ay kailangan ko munang gawin ang dapat gawin sa pinakamabilis na paraan," at pagkatapos no'n ay ginalaw ni Fate ang kanyang kamay sa ere at nagulat si Zinc na gumagalaw ang bawat bagay at tao na tinuturo ni Fate sa kanyang kamay. Ano bang ginagawa niya? Telekinesis? Nang matapos si Fate sa kanyang ginawa ay tumawid na sila ni Zinc sa kabilang kalsada, and in one snap of Fate's finger, mabilis na gumalaw ang lahat. Sumabog ang kotse nang tumama ito sa lupa galing sa ere, pero naging iba na ang resulta nito dahil wala ng tao ang namatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD