Kabanata Pito

1683 Words
"Uuwi na tayo?" "Oo," pinaandar na ni Zinc ang kotse. "Kailangang malabhan na yung mga damit mo na binili natin." "Tuturuan mo ako?" Naiinis na sumagot si Zinc. "Kung sana may pagpipilian 'di ba?" Masungit na naman. Nakarating na sila sa condo ni Zinc. Nilabas lahat ni Zinc ang mga pinamili nila mula sa paper bag at nilapag sa mesa bago ilagay sa kanya-kanyang lugar. "Pwedeng tumulong?" "Bawal. Manggugulo ka na naman," palakad-lakad si Zinc habang may mga dala-dalang mga gamit. Napanguso si Fate. Inabot niya yung isang soda can. Pinaikot-ikot niya ito sa kamay niya at binabasa ang mga nakalagay doon. Paano buksan ito? Nakita ni Fate ang nasa ibabaw ng soda can at hindi sinasadyang itaas ito dahilan para mabuksan ang soda can. Napatayo kagad siya nang may mga likido na lumabas at mabasa ang kanyang damit. "Anong... what have you done?!" nagmadaling tumakbo si Zinc papunta kay Fate at inis na kinuha ang bumulwak na soda palayo dito. "s**t, ano bang ginagawa mo?!" "G-gusto ko lang n-naman kasing..." "Tss. Palibhasa kasi hindi sayong pera ang pinambili kaya hindi ka manghihinayang. Mag-isip isip ka naman paminsan-minsan! Be sensitive, please!" sigaw ni Zinc sa kanya. Tahimik lang siyang umupo sa sofa at inasikaso si Caramel. Hindi niya inabalang tignan kahit saglit si Zinc sa kung ano ang ginagawa nito dahil baka kapag mahuli pa nitong nakatingin siya ay baka pati iyon ay ikagalit din. Puro mura lang ang sinabi ni Zinc. Naiinis na talaga siya sa ginagawa ng babae. Kung pupwede nga lang ay palalayasin niya na ito kaso hindi pwede. Baka kapag ginawa niya iyon ay malasin siya dahil hindi nga ito tao at may kapangyarihan. Baka kapag ginawa niya iyon at magalit sa kanya ang babae ay sumpain siya nito. Hassle. Bwisit talaga. "Ilalabas ko muna si Caramel," paalam ni Fate. Hindi niya pa tinitignan ito ay alam niya ng hawak na ni Fate ang tali ni Caramel. "Hindi pwede," kahit hindi niya maipagkakaila na maganda ang araw sa labas ay hindi pa rin pwede. "S-sige na..." halata na niya sa boses ni Fate na nanginginig na ang pagsasalita nito. "Tss," maya-maya ay nakarinig na siya ng pagbukas ng pinto at pagsarado nito. Sinabi ng hindi pwede, ang kulit pa rin. Bumaba sina Fate dala-dala si Caramel. Nagulat pa ito dahil madaming tao at camera pagbukas niya ng pinto palabas. Gagamit sana siya ng elevator kaso naghagdan na lang siya dahil doon ang lugar na walang masyadong tao. Nang makababa na si Fate at si Caramel, pumunta kagad sila sa kalapit na park. Hindi nakalagpas sa paningin ni Fate ang maraming kotse na nakapark sa di kalayuan ng gusali pero hindi na siya nag-isip kung anong meron. Maganda ang araw at maliwanag ang paligid. Naglaro silang dalawa. Marami ding tao na nandoon, pero karamihan ay mga batang naglalaro. Nang lumayo saglit si Caramel at tumakbo papunta sa isa pang aso, hinayaan na muna siya ni Fate. Umupo lang siya sa nag-iisang upuan na mahaba na wala pang umuupo at pinagmasdan ang paligid. Kinapa niya ang kwintas niya at tinignan ang maliit na hourglass doon. Marami pa siyang oras, iyon ay kung saan niya hahanapin si Kin Norwester. Noong sinabi sa kanya ang magiging misyon niya ay hanapin ang lalaking iyon, humiling siya na sana ay madali lang niya itong mahahanap. Walang sinabing partikular na gagawin kapag mahanap niya ito, pero alam niyang kailangan niya itong mahanap at matulungan sa kahit anong paraan. Kaso ngayon, hindi niya alam kung saan siya magsisimulang maghanap. Hindi niya naman pwedeng sabihin sa kahit sinong tao ang hinahanap niya kasi paglabag iyon sa patakaran. "Fate..." lumingon siya sa nagsalita sa gilid niya. Lumaki ang mga mata niya at tumakbo sa lalaking tumawag ng pangalan niya, "hail!" Nakasuot ito ng puting t-shirt at maong pants, pero malaki ang suot nitong ngiti. Sinalubong siya ng yakap ng lalaki. Tuwang-tuwa din ito. Kumalas si Fate sa pagkakayakap at tinignan ito. "Bakit ka nandito?" Umupo sila sa inuupuan ni Fate kanina. "Binibisita ka." Siniko siya ni Fate, "hindi sila papayag na bababa ang isa pa dito kasama ko. Paano ka napunta dito?" "May nagawa kasi akong maganda. Pagkatapos, ginawaran nila ako ng magandang pabuya. Sinabi nilang maaari akong humiling ng kahit ano..." "At sinabi mong bumaba dito?" pagtutuloy ni Fate. "Tama! Ikaw, bakit ka nandito?" "Ipinasyal ko lang yung kasama kong aso," ngumiti si Fate. "Maayos naman ba ang pananatili mo sa lalaking iyon?" Nagitla si Fate sa sinabi ng kasama, "alam mo na lalaki ang nagpapatira sa akin?" "Oo, pinapanood ka nila." Nalungkot ang mukha ni Fate, "hindi nila nagustuhan ang ginawa kong pagligtas sa mga tao, hindi ba?" Tumingala sa ulap si Hail, "oo." "Alam mo na kung anong parusa ang igagawad nila sa akin pagbalik ko?" "Hindi pa. At hindi pa din nila pinag-uusapan. At saka isa pa, wala pa sa kalahati ang oras mo dito kaya hindi pa sila nakakapagpasya." Tumango si Fate, "mananatili ka ba rito sa lupa? O babalik ka din sa taas?" "Kung kailangan mo ako, darating ako," ngumiti sa kanya si Hail. "Sala—" hindi pa natatapos si Fate sa pagsasalita ay bumuhos na ang ulan. Agad na naglaho si Hail, para itong usok na nawala. Tinawag ni Fate si Caramel at tumakbo sila papunta sa masisilungan. "Kailangan na nating umalis dito, Caramel." Nag-isip ng paraan si Fate. Gusto niya sanang gamitin ang kanyang mahika at makarating kagad sila sa condo ni Zinc, kaso nang malaman niyang pinapanood ang mga galaw niya sa itaas ay umurong siya. At saka mas makatao kung maglalakad siya paakyat. Hahakbang na sana siya paalis sa sinisilungan nila ngunit biglang kumulog at kumidlat dahilan para mapaatras siya. Siguro hihintayin ko munang tumigil o humina ang ulan bago ako lumusong. Mas ligtas iyon. Habang nag-iisip, hindi niya namalayan na tumakbo si Caramel palayo. Nagulat siya at hinabol niya ito. "Caramel, huminto ka!" nilagay ni Fate ang kanyang palad sa ibabaw ng ulo niya pero hindi nagtagal ay nabasa na siya kakahabol kay Caramel, sa basang dinadaanan niya, at sa ulan. Huminto siya nang maramdaman niya ang pagod. Tinanggal niya na ang mga kamay sa ulo at nilagay ito sa tuhod matapos hingalin. Maya-maya ay tumakbo ulit siya para habulin si Caramel kaso parang walang naririnig ang aso at tuloy lang ito sa pagtakbo. "Caramel!" huminto si Carel at humarap sa kanya. Tumahol ito at tumakbo ulit palayo. Kung pwede lang talagang kausapin ko ang aso, kaso hindi pwede. Hindi pwede dahil pinapanood nga siya sa itaas. Hindi niya na alintana kung dumating man sila sa condo at makita silang basa ni Zinc, hindi na niya alintana ang magiging reaksyon nito, basta mahabol niya lang si Caramel ay maayos na ang pakiramdam niya. Tutal naman, kahit wala siyang ginagawa o meron ay galit na kagad si Zinc sa kanya. Tumakbo ng tumakbo si Fate nang hinahabol pa rin ang aso. Nagpaikot-ikot na sila, hindi niya na nga alam kung nasaan na sila at kung paano sila makakauwi eh. "Caramel!" nagulat si Fate ng huminto si Caramel sa pagtakbo. Tinignan niya ang sinilungan ni Caramel, lalaki ito at may hawak-hawak na payong. Bumagsak ang balikat niya at huminga ng malalim nang makita niya si Zinc, nakatingin ng diretso sa kanya. Nahinto siya sa pagtakbo at tinitigan din ito. Kahit lamig na lamig na siya at nginig na nginig na ang binti niya, nakatayo lang siya doon at nakatitig sa lalaki. Fate sighed. Magagalit na naman siya, ano ba 'yan. Tumalikod si Fate kaso tinawag na kagad siya nito, "halika nga dito!" Dahan-dahan siyang humarap at naglakad palapit kay Zinc. Lukot na naman ang noo nito at nakataas ang kilay. "Hawakan mo," binigay ni Zinc ang payong kay Fate at hinubad ang jacket na suot. "Suotin mo 'yan," abot ni Zinc sa jacket na kinuha naman ni Fate. Nang matapos ay pinayungan ni Zinc si Fate at si Caramel papunta sa condo. Maraming tao sa condo sa unang palapag pa lang. May mga media na naman, jusko. Bumukas ang elevator at sakay no'n ang dalawang babaeng naghahagikgikan, lalo pa itong nadagdagan nang makita nila si Zinc. "You two, do you wanna get wet?" masungit na tanong ni Zinc sa dalawa. "What..." agad na lumabas ang dalawang babae kanina nang makita ang nasa likod ni Zinc na si Fate at ang aso nito. Sinarado ni Zinc ang elevator at mabilis silang nakarating sa condo. Binigyan ni Zinc ng towel si Fate, "magpatuyo ka." Tumango si Fate. "G-galit ka ba?" Tinignan niya ang nakatalikod na si Zinc na pinupunasan si Caramel. You disobeyed the rules, what would be my reaction? "Ano sa tingin mo?" Kailan ba ako makakakuha ng maayos na sagot sayo, Ginoong Zinc? "Paumanhin..." "Lagi ka na lang sorry ng sorry. Natuto ka ba?" ayon sa tono ni Zinc ay galit talaga ito. "Pasensya na talaga... Gusto ko lang naman na ipasyal si Caramel. Hindi ko naman inasahan na uulan pala. Kung alam ko lang..." Zinc rolled his eyes, "paano kung magkasakit 'tong si Caramel? Maipapagamot mo ba? Ha?" "P-paumanhin... Bigla na lang kasi siyang tumakbo..." "Bakit lahat ng bagay isisisi mo kay Caramel? Hindi ba't ikaw ang may utak? Ikaw ang mas nakakapag-isip. Sana man lang ginamit mo ang utak mo." "Kung may utak ka..." bulong ni Zinc na narinig naman ni Fate ngunit hindi niya naman kinibo. "Ah..." Hindi ba talaga niya kayang tumahimik man lang? Because that is all that I need right now! "Mag... aalis na ako," mahinahong sabi ni Fate. Nagitla si Zinc sa narinig niya. "Kasi... nakikita at nararamdaman ko na pabigat na ako sayo... Kaya aalis na ako. Baka kasi nakagulo ako sa buhay mo nung dumating ako kaya... a-aalis na lang ako." Naramdaman ni Zinc na tumayo si Fate. Hindi niya alam kung saan ito pumunta at ginagawa nito pero hindi niya na inatupag na alamin. Mas maganda kung wala ka. Naghugas ng mga plato si Zinc, hindi naman tinitignan kung ano ang ginagawa ni Fate at wala siyang pakialam. Nagulat na lang siya nang sa sobrang tahimik ay binaggit nito ang pangalan niya. "Ginoong Zinc, aalis na ako. Mag-iingat ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD