Kabanata Walo

1995 Words
"Sir Zinc, may pinapasabi po si Sir Aian," pumasok si Pisces sa opisina ni Zinc. Naabutan niyang maraming nakatambak na papeles sa mesa ni Zinc, nakahubad na ang coat nito at tanging ang white longsleeves na lang ang naiwan, magulo na rin ang pagkakatali ng necktie niya. "S-sir?" dahan-dahang binanggit ni Pisces ang pangalan ng boss niya. Siguro ay kagagaling lang nito sa pagsabog. Nainis na naman yata dahil sa trabaho. "Ah... Sir?" Magkasalubong ang kilay ni Zinc nang tignan siya nito. "Anong kailangan mo?" "May pinapasabi po si Sir Aian para sa inyo kanina bago siya umalis." "What's that?" "Bukas daw po naka-schedule yung susunod na shoot para kay Fate," napapikit na lang si Zinc nang narinig niya iyon. "Bakit po Sir, may problema po ba?" "Wala. Makakaalis ka na," tumango si Pisces at sinarado na ang opisina ng boss niya. Now I have to find her. Siguradong magtataka at magagalit si Aian kapag nalaman niyang wala na sa puder ko ang babaeng 'yon. Inayos ni Zinc ang damit niya at lumabas sa opisina niya. Ikinagulat pa nga ni Pisces ang pagmamadali niya pero hindi na nito napigilan siya. Dumiretso siya sa kotse niya at mabilis na nagmaneho. Ang una niyang pinuntahan ay ang Condominium building nila dahil nagbabaka-sakali siyang bumalik lang doon si Fate kaso wala. Nilibot niya ang malapit na park sa tinitirhan niya kung saan niya nakita si Fate at Caramel kahapon, nagtanong pa siya sa mga taong nakita niya sa park kahit ayaw niyang kumausap ng tao sa oras na 'yon. Saan naman 'yon pwedeng pumunta? Tss. Naisip ni Zinc na puntahan yung highway kung saan may nangyaring aksidente noong nakaraang linggo, baka sakaling nandoon si Fate, kaso wala. Ang huli niyang pinuntahan ay yung Coffee shop niya, naisip niya kasing baka namalagi 'yon doon. Kaso malayo pa lang, nakita niya na sa loob na wala ito pero pumasok pa rin siya para mabisita ang pagmamay-ari niya. "May... pumunta ba dito na babae? Yung babae na kasama ko kahapon?" agad na kumunot ang noo ng kahera. "Wala po, Sir. Bakit, pupunta po ba siya?" "Wala wala. Go back to your work," pumunta si Zinc sa Bean area at sa Book area para silipin kung nandoon ba si Fate, baka hindi niya lang nakitang pumasok. Kaso wala. Lintek, saan ba siya nagpupupunta?! Bumalik si Zinc sa kotse niya. Saan ko naman hahanapin ang taong lumayas? Kaso bigla sa kanyang nagflashback lahat ng nangyari kahapon, at parang ipinaulit-ulit sa utak niya na hindi si Fate ang nagkusang umalis kundi siya mismo. Kung hindi niya pinagsalitaan ito ng masama, e di sana nandoon iyon sa bahay niya. Pagkatapos, pinilit niyang isipin na hindi siya ang may kasalanan. Na wala siyang kasalanan sa nangyari. Nagmaneho siya papunta sa kung saan niya lang maisipan na lugar. Hindi na niya alam kung saan siya pupunta pero buti na lang at may GPS siya para hindi maligaw. Kanina pa ubos ang pasensya niya at ginagawa niya lang ang paghahanap na 'to para hindi siya masisante sa trabaho. Binilisan niya ang takbo ng sasakyan niya. Nag-uumapaw na ang galit niya at hindi niya na ito mapigilan. Tatapakan niya pa sana ang accelerator nang hindi sinasadyang napalingon siya sa gilid at nakita niya ang isang babae na kalalabas lamang sa isang shop. Pinanood niya si Fate na naupo sa semento habang lumilingon-lingon, hindi alam kung saan pupunta. Dito lang pala kita matatagpuan, kung saan-saan mo pa ako pinaghanap. Pinaandar ni Zinc palapit kay Fate ang sasakyan. Padabog niyang sinarado ang pinto ng kotse niya para makuha niya ang atensyon ni Fate. Halatang nagulat si Fate pagkakita sa kanya at dahan-dahan itong tumayo. Pero hindi pa siya nakakapagsalita ay... "Bumalik ka na!" hinigit ni Zinc ang pulso niya. Nang matauhan si Fate sa ginagawa ay tumigil ito. "Sandali, nasasaktan ako..." may tigas sa boses ni Fate. Hinarap siya ni Zinc, "ano na naman bang kalokohan 'to ha?" "B-bakit ka ba nandito?" binawi ni Fate ang pulso niya. "To bring you back." "H-ha?" "Gusto kong bumalik ka sa bahay ko," walang kagana-ganang sabi ni Zinc, tila napipilitan. Umangat ang ulo ni Fate nang marinig ito, "bakit... hindi ba't gusto mo akong... mapaalis?" Hinawakan ni Zinc ang ulo niya, malinaw na nagpipigil na lang siya para hindi siya sumabog. "Nagbago na ang isip ko." Hindi alam ni Fate kung totoo ang sinasabi niya. Gusto niyang maniwala kaso pinangungunahan siya ng takot. Takot at hindi niya alam kung bakit. "Ayoko. Pasensya na," tinalikuran ni Fate si Zinc. Inikutan siya ng mata ni Zinc nang makita ang ginawa nito. Bwisit. "Ano bang dapat kong gawin para pumayag ka?" tanong ni Zinc. Huminga ng malalim si Fate sa narinig niya. "Alam mo Ginoong Zinc, kung... kung naaawa ka sakin dahil ganito ang kalagayan ko, ayos lang. Siguro..." "Please," nang marinig ito ni Fate ay lihim siyang napangiti. Marunong naman palang magmakaawa. Hinarap ni Fate si Zinc na kaunti na lang siguro ay luluhod na. "Sigurado ka ba na gusto mo akong patuluyin sa bahay mo?" Pinigilan ni Zinc ang sarili niya na magsungit na naman. "O-oo." Fate beamed, "sige, halika na." Umupo sa front seat si Fate habang naiwan at nakatayo si Zinc. That was it? Isang please lang bumigay kagad? Pumasok si Zinc sa kotse at nagmaneho patungong condo. Nang makarating na sila ay tahimik lang pareho ang dalawa. Si Caramel lang ang tanging maingay dahil sa pagtahol-tahol nito. Naglabas si Zinc ng gatas mula sa ref niya at naglagay sa baso. "Bakit ka nandun?" hindi niya pa tinitignan si Fate habang nagtatanong, nakatingin lang siya sa gatas. "A-anong..." "Doon sa shop kanina. Nakita kitang lumabas doon." Ah. "Sumusubok lang naman akong magkatrabaho." "And you think na matatanggap ka?" tahimik lang ang pagsagot ni Fate sa tanong ni Zinc. "Wala kang mga papel na pinakita?" patuloy ang pagtatanong ni Zinc. "W-wala." Zinc smirked. "Hindi ka nga talaga matatanggap nyan." "Hindi naman kasi ako nasabihan na kailangan pala ng mga papel na kakailanganin para makapaghanap ng trabaho," ipinatong ni Zinc ang paa sa pinakamalapit na mesa at itinaas ang kilay nito. "Dito..." pagputol ni Zinc sa kanyang pahayag. "...sa mundo namin... Hindi ka basta-basta pagkakatiwalaan, hindi ka basta-basta tatanggapin, hindi basta-basta ibibigay sayo ang gusto mo. Kailangan mo munang may mapatunayan bago ka pumasok o makuha ang gusto mo. Kailangan mong maghirap. At dahil wala kang dalang mga papel na kailangan, mga requirements, kaya hindi ka talaga makakapasok." "Mapagkakatiwalaan naman ako ah..." Tumayo si Zinc di kalayuan kay Fate na nakatungo na, nakalagay ang mga kamay niya sa bulsa ng kanyang pantalon. "Oo, sabihin na nating mapagkakatiwalaan ka nga, pero alam ba nila? Eh bago ka pa nga lang at papasok ka pa lang sa kanila. Kailangan mo muna ng experience, ng karanasan. Paano mo paniniwalaan ang isang bagay kung wala ka namang sapat na pruweba? Hindi pwede yung sabihin mong mapagkakatiwalaan ka lang, you have to prove it. Kasi walang maniniwala sayo kung wala rin namang magpapatunay ng mga sinasabi mo." "Ang higpit naman pala dito sa inyo..." Napahawak si Zinc sa buhok niya, sinuklay niya ito gamit ang kanyang kamay, "'wag ka nang aalis ng walang paalam ah." "Sinabi ko naman na aalis ako eh. At sinabi mo rin..." mahinang sabi ni Fate. "Pero pumayag ba ako? Di ba wala akong response? Kung hindi sana kayo umalis ni Caramel, e di sana hindi kayo naulanan." "Pasensya na. Gusto ko lang naman kasing makita yung aso na masaya dahil nakalabas ng bahay." "Masaya naman siya dito ah?" "Iba pa rin yung saya kapag nasa labas siya. Iba 'yon... iba pa rin yung nakikita niya yung ibang aso... Hindi yung nakakulong siya sa..." "Hindi ko siya kinukulong. You see, kahit umaalis ako, iniiwan ko siya sa kapitbahay." "Ginoong Zinc, kung nakita mo lang sana yung saya niya kahapon. Hindi mapapalitan." Oo na, ako na naman ang mali. "'Wag ka ng makulit," ani Zinc. "'Wag ka ng magtataas ng boses." "I am not—" "'Wag ng mabilis ang pagkaubos ng pasensya mo." "Hey—" "'Wag ka ng maging makasarili." "Tama na—" "Wag ka ng madaling magalit." "I said—" "Sana makita mo ang lahat ng taong nagmamahal sayo. Lahat sila, araw-araw na dumadaan sa galit, sa taas ng tono, at sa panunuya mo pero pinapalagpas lang nila 'yon dahil mahal ka nila. Dahil nagmamalasakit sila sayo." "Tigilan mo na nga 'yan. You're making a drama shit." Tumayo si Fate, "Ginoong Zinc." Humarap sa kanya si Zinc. "Kailan mo makikita na nandyan sila sa tabi mo? Kapag huli na ang lahat at napaalis mo na sila? Hanggang kailan mo tatanggapin sa sarili mo na hindi lahat ng tao sa mundo ay nakikipagkompitensya sayo? Hanggang kailan mo maiintindihan na ang mundo ay hindi lang isang lugar para sa pagalingan at palakasan? Hindi ito laro, hindi laro ang buhay na kailangan mong manalo sa dulo, dapat mong maunawaan na mas mahusay pa ang natalong maraming natutunan kaysa sa nanalong puro pagkapanalo lang ang nasa isipan." Pumasok si Fate sa banyo habang si Zinc ay naiwang nakatayo, walang masabi. What was that? Naabutan ni Fate pagkalabas ng banyo si Zinc na nakaupo sa sofa nito, kinakalikot ang phone niya. "Napagdesisyunan ko na bukas, uumpisahan ko na ang paggawa sa misyon ko at kailangan ko na ring makahanap ng trabaho. Kailangan ko ng mapagkukuhanang pera para sa misyon ko at para mabayaran din kita. Nakakahiya naman kasi sayo na—" "May naisip ka na kung saan ka papasok bukas?" nagulat si Fate nang magsalita si Zinc. Wala ni isa ang nakatingin sa isa't-isa. Si Fate, napako ang tingin sa mga damit niya samantala si Zinc ay sa phone niya. "Wala pa." "Sa Coffee shop ka na lang pumasok," hindi iyon isang tanong kung gusto ba ni Fate na magtrabaho doon o isang alok na may pagpipilian siya. Tila iyong utos na kailangan niyang sumunod. "Pero sabi mo..." naguguluhang tanong ni Fate. "'Wag mo ng isipin 'yon. Gagawa ako ng paraan para maipasok kita doon." "Hindi ba iyon labag sa kalooban mo?" tumayo lang si Zinc at pumasok sa kanyang kwarto. Masayang-masaya ang loob ni Fate. Hindi na siya mamomroblema sa paghahanap ng trabaho. Kailangan niya na lang pag-igihan ang pagtatrabaho para hindi mabigyan si Zinc ng dahilan para tanggalin siya doon. Kailangan niya na lang din na isipin kung paano niya makikita ang hinahanap niya. "Pssst..." nagulat na lang siya nang sa gitna ng katahimikan ay may sumutsot sa kanya. Lumabas mula sa kusina ang isang lalaking pormal ang suot. "Hail! Bakit nandito ka?" bumubulong na si Fate. Humihiling na sana ay hindi siya marinig ni Zinc. "Ayaw mo ba akong nandito?" "Hindi naman sa ganun! Bakit lumalabas ka na lang sa kung saan-saan? At saka bawal ang maingay dito, baka marinig ka ni-" "Eh ano naman kung marinig ako ni Ginoong Zinc? Wala naman akong ginagawang masama." "Baka isipin niyang pumasok ka dito! Ilegal sa mga tao ang pagpasok sa mga bahay ng walang paalam!" "Hindi naman ako tao—" "Sino bang kinakausap mo—" hindi inaasahang lumabas si Zinc mula sa kanyang kwarto at pumunta sa kusina kung saan nandoon si Fate. "Sinong kinakausap mo?" "H-ha? W-wala!" "Hindi ka magaling magsinungaling. Ano ba 'yon?" "Ano... kasi..." "Ano 'yon?" Huminga ng malalim si Fate, "hail..." Kumunot ang noo ni Zinc hanggang sa may sumulpot na lalaki sa likuran ni Fate. Isang usok ang lumabas mula sa kawalan at pagkatapos noon ay lumabas ang lalaki. "Sino siya?" tanong ni Zinc habang tinuturo ang lalaki. Pumunta sa gilid ni Fate si Hail. "Ginoong Zinc, nais kong ipakilala sayo si Hail, kaibigan ko." Tinitigan lang ni Zinc si Hail kahit naglahad na ito ng kamay sa kanya. "Hail, si Ginoong Zinc. Siya yung nagpapatuloy sakin dito sa mundo nila," batid ni Hail na hindi nito gustong makipag-usap sa kanya kaya binawi niya na lang ang kamay niya. Tumalikod si Zinc at sinabing, "I don't want another guinea pig in my house. I only want one."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD