Kabanata Anim

2067 Words
"Bakit tayo nandito?" ani Fate. "Shhh. Wag kang maingay baka may makarinig sayo!" saway sa kanya ni Zinc. Kumunot ang noo ni Fate sa ginagawa ni Zinc. "Mamaya ko na lang sasabihin sayo ang mga nangyayari basta sumunod ka na lang." Tumango si Fate. Maya't-maya ang tingin ni Zinc mula sa pader na pinagtataguan niya. "Mukhang wala na sila. Bilisan na nating lumakad." "Sandali, hindi ba muna tayo magliliwaliw dito? Hindi mo ba ako... ipapasyal?" mahinahong wika ni Fate. "Anong ipasyal? There's no time! Siningit ko na nga lang 'tong time na 'to sa mga lakad ko tapos ipapasyal pa kita? Ano ka, siniswerte?!" Sumabog na naman si Ginoong Zinc. "Halika na," at umuna na si Fate na maglakad. Pinangunahan siya ni Zinc at pumunta sila sa Department store. Manghang-mangha si Fate sa lawak ng lugar na pinasukan nila ni Zinc. Maraming nakita si Fate, mga pagkain, inumin, mga kagamitan sa bahay, damit, at marami pang iba. "Nakakatuwa pala dito sa mundo ng mga tao!" bulong ni Fate na narinig naman ni Zinc. Kumuha si Zinc ng cart at naglibot, nakasunod naman sa kanya si Fate. Bumili rin si Zinc ng mga kailangan niya sa bahay. Tutal nandidito naman na siya at kaya niya namang bumili, kahit pa alam niya na trabaho ni Manang Lita ito, ginawa niya na rin. Tapos sinabay niya sa pagbili ang mga gagamitin ni Fate. "Toothbrush..." kumuha si Zinc ng dalawa at nilagay sa cart. "Ito pala ang itsura ng toothbrush? Ang galing! Parang suklay na maliit!" umikot ang mata ni Zinc nang marinig niya ito. Stupidity sucks big time. "Ano naman ito?" kuha ni Fate sa isang karton ng toothpaste. "Toothpaste 'yan. Iyan yung nilalagay sa ibabaw ng toothbrush." "Ang galing!" akmang bubuksan ni Fate yung karton nang pigilan siya ni Zinc. "'Wag mong bubuksan! May nakuha na 'kong isang karton niyan! Mamaya pabayaran pa satin 'yan kapag nakitang may binuksan ka eh!" "Sungit," binalik ito ni Fate sa pinaglalagyan ng mga toothpaste. "What did you say?" Iniba ni Zinc ang sinabi niya dahil hindi pala siya naiintindihan ni Fate kapag nagtagalog siya, "anong sabi mo?" "Wala po, Ginoo," tumingin naman sa ibang direksyon si Fate. "Tumabi ka sa'kin. Baka mamaya maligaw ka, perwisyo pa," ani Zinc habang kumukuha ng bote ng shampoo. "Done. Taas na tayo." "Bakit?" "Bibili na tayo ng damit mo." Sumunod sa pag-akyat si Fate kay Zinc. Manghang-mangha si Fate sa dami ng mga bagay na kanyang nakikita. Kumuha siya ng isang sunglass at tinignan ang sarili sa salamin. Tapos humablot siya ng isang hat na pang-beach at tinignan ulit ang repleksyon sa salamin. Hindi pa siya tapos sa pagkilatis sa itsura niya nang may humawak sa pulso niya at tinanggal ang suot ni Fate na sunglass at sombrero. "Tigilan mo na nga 'yan. Doon tayo sa mga damit," hinila ni Zinc si Fate. Nagtawag ito ng saleslady na sumunod din sa kanya. Muntik na ngang hindi makapagpigil yung babae at tumili dahil nakita niya si Zinc, buti na nga lang at naramdaman niya yung aura nito na parang nagsusungit na naman at ayaw ng kaguluhan. "Choose a dress that suits her," utos ni Zinc sa saleslady at saka umupo sa isa sa mga upuan doon. Malapit sila sa fitting room kung saan magsusukat si Fate maya-maya. Tinawag ng saleslady si Fate at kumuha ito ng mga damit na isusuot ni Fate. Kinalikot muna ni Zinc ang phone niya at tumingin ng mga emails niya. Kalahating oras ang natapos bago tawagin ng saleslady si Zinc para makita si Fate. "Sir..." itinago ni Zinc ang phone niya sa bulsa at tinignan ang fitting room kung saan nagdamit si Fate. Binuksan ng saleslady ang pinto at lumabas si Fate nang iba't-iba ang damit. Nang makita ni Zinc ang suot nitong denim na jumper... "Okay na 'yan," tumayo si Zinc at pinadala ang isa pang cart na punong-puno ng damit ni Fate sa kanya. Pumunta sila sa cashier at nagbayad na ng mga pinamili. Nilagay ni Zinc lahat ng pinamili nila sa kotse at pinaandar ang kotse papunta sa Coffee shop. "Salamat sa mga damit, Ginoo," ngumiti si Fate. "Sir," pagtatama ni Zinc sa sinabi ng babae. Tumango lang si Fate, "babayaran mo rin naman 'yon kapag nakahanap ka na ng pera eh. 'Di ba?" Tumaas ang kilay ni Zinc. "Oo, tama ka." "There's nothing to be grateful," nakunot-noo na si Zinc. Fate nodded. "Maaari ba akong magtanong?" Tumaas ang kilay ni Zinc, hindi pa rin siya tumitingin kay Fate. "Bakit tayo umiwas kanina sa mga babae? M-may... nilinlang ka ba sa kanila?" inosenteng tanong ni Fate. Nilinlang? What a word. "So you think I'm a jerk, huh?" hindi napigilan ni Zinc ang mag-ingles. Dahil dito, tinitignan lang siya ni Fate. Hindi naintindihan ang mga sinabi. Never mind. "Hindi ko sila... nilinlang, kung 'yon ang tingin mo." "Bakit ka nila hinahabol?" "Kasi..." natigilan si Zinc sa tanong ni Fate. "Teka, kailangan ko ba talagang sagutin ang tanong mo?" may halong inis na ang boses ni Zinc. "Bakit... hindi?" Zinc sighed. Kung hindi ko sasabihin sa kanya, kukulitan niya na naman ako. Tsk. Tumahimik na lang si Zinc. Halatang ayaw pag-usapan ang tinanong ni Fate. "Ah... pinag-iisipan mo pa ba ang isasagot mo?" Zinc rolled his eyes. "Bakit kailangan mo pang malaman?!" Bahagyang natahimik si Fate sa kanyang kinauupuan. Natakot na naman siya sa inasta ng kasama. Kaso, sa hindi inaasahang pagkakataon, para bang naalala ni Zinc ang sinabi ni Fate sa kanya-na mas pinili nito na iligtas ang buhay niya at hindi na inisip na mapaparusahan siya. Fuck. What a debt. Malinaw na sa isip ni Zinc, isang malaking utang ang pagsagip ng buhay niya kay Fate. Kung wala sigurong ginawa si Fate noong aksidente, siguro ay nakaburol na ito ngayon. "Okay fine. Pero wala kang pagsasabihan na iba ah," wika ni Fate. "Ah... ayos lang naman na hindi mo na sabihin sakin kung iyon ang magiging ayon sa kalooban mo," pagpigil ni Fate sa kanya. Pero buo na ang loob ni Zinc. May kung ano sa loob niya na mas magiging okay kung sasabihin niya. At least, mababayaran niya yung ginawa ni Fate sa kanyang buhay at nang sa ganoong paraan ay mabawasan ang kabigatan ng loob niya. "Isa akong... manunulat." Mabilis na humarap sa kanya si Fate, "talaga?!" Napapikit na lang si Zinc sa lakas ng boses ni Fate. Ano ba 'yan. "Oo at 'wag kang magkakamali na sabihin sa iba na nakatira ka sa'kin." Mabilis siyang tumango, "oo! Masusunod!" Isang irap lang ang natanggap ni Fate kay Zinc. "Ang mga manunulat bumubuo ng isang kwento, hindi ba?" Zinc nodded. "Ang galing! Sa lugar namin, may mga manunulat din akong kakilala. Magagaling silang gumawa ng kwento! Ngunit hinahangaan namin ang mga tao sa kanilang mga nagagawa. Napakamalikhain ng kanilang isip!" "Ah... Ano ang mga nabuo mo ng kwento? Maaari ko bang malaman?" Bubukas pa lang ang bibig ni Zinc para patahimikin si Fate ng maunahan siya nito. "May ginagawa ka ba ngayon na istorya? Maaari ko bang mabasa iyon?" Pinark na ni Zinc ang kotse sa gilid ng Coffee shop niya. "Hindi pwede," at lumabas silang dalawa. "Pero bakit? Maganda at masaya ang paggawa ng mga kwento! Ang paborito ko ay iyong mga istorya na nagkakatuluyan sa huli ang babae at lalaki!" Zinc rolled his eyes. Too cliche. Matagal nang hindi nagsusulat si Zinc. Siguro dahil naging abala na siya sa pagpapatakbo ng Coffee shop niya at sa trabaho sa opisina kaya ganun. At ang huling isinulat niya na nobela ay wala pa sa kalahati at hindi niya na tinapos. Ito kasi ang kauna-unahang beses niya na magsusulat ng isang nobela na sumesentro sa pag-ibig. Wala pa itong pamagat at hindi pa nga natatapos ay may mga naririnig na siyang opinyon mula sa iilang mambabasa na aabangan nila ito dahil hindi ito karaniwan sa mga gawa niya. Wala pa nga sa kalahati pero parang ayaw niya na lang tapusin ito. Tingin niya kasi, magiging walang kwenta lang ito. Pumasok sila sa isang Coffee shop na may nakalagay na pangalan sa itaas: Bean in Book. "Ang ganda," komento ni Fate ng mabasa niya ito. Sumunod siya kay Zinc sa pagpasok nito sa loob. Malawak ang lugar at maraming tao na nagkakape, ang ilan ay nagbabasa ng libro. Sa sulok ay may lalaki at babae na nag-uusap. Sa tabi nila ay may isang lalaki, naka-business attire ito at patingin-tingin sa relo. Sa tapat ng glass window ay may babae na nasa mid-30's at pinapasubo niya ng isang hiwang cake ang kasama niyang maliit na bata. Sa di kalayuan naman ay isang babae, naka-uniform ito, humihigop ng sabaw at nakatingin sa labas. Hindi pa doon bilang ang mga estudyanteng lagpas ng sampu na nakapila at naghihintay ng kanilang order sa gilid habang nililibot ang paligid ng shop. Sinilip ni Zinc ang mga nasa gawing library at marami silang tahimik na nagbabasa doon. Hati ang shop sa dalawa, ang una ay pinangalanang Bean area kung saan dito nagkakape ang mga costumer, malaya nilang nakikita ang labas ng shop dahil ang isang bahagi ng pader ay glass window. Ang pangalawa ay ang Book area kung saan, puno ito ng mga book shelves at may mga libro, may iilang mesa dito at pwede ka ding umupo sa sahig dahil malinis naman ito. Iyon nga lang ay kulob ito pero pinalagyan na ni Zinc ng aircon para malamig kahit papaano. Sa bawat pader ay may nakasabit na frame, nakalagay dito ang mga pahayag ng mga manunulat sa mundo. Ilan lang sa mga nakalagay ay: "If a nation loses its storytellers, it loses its childhood." -Peter Handke "Writers are always selling somebody out." -Joan Didion "To gain your own voice, you have to forget about having it heard." -Allen Hinsberg, WD "All readers come to fiction as willing accompliances to your lies. Such is the basic goodwill contract made the moment we pick up a work of fiction." -Steve Almond, WD "It ain't whatcha write, its the way acha write it." -Jack Kerouac, WD "I don't care if a reader hates one of my stories, just as long as he finishes the book." -Roald Dahl, WD "The freelance writer is a man who is paid per piece or per word or perhaps." -Robert Benchley "We are all apprentices in a craft where no one ever becomes a master." -Ernest Hemingway "To defend what you've written is a sign that you are alive." -William Zinsser, WD "For your born writer, nothing is so healing as the realization that he has come upon the right word." -Catherine Drinker Bowen "When writing a novel a writer should create living people; people, not characters. A character is a caricature." -Ernest Hemingway "Whether a character in your novel is full of choler, bile, phlegm, blood or pain old buffalo chips, the fire of life is in there, too, as long as that characters lives." -James Alexander Thom "Writers live twice." -Nathalie Goldberg Tumungo si Zinc sa counter at kinausap ang cashier. Si Fate naman ay tumingin-tingin sa paligid. "Maayos naman ba ang lahat dito?" "Yes, Sir," nakangiting sagot ng kahera. Tumabi si Fate kay Zinc at pinagmasdan niya ang pagbibigay ng kape ng tauhan ni Zinc sa isang lalaking kapapasok lamang sa shop. Napansin kagad ni Fate ang nakatatak na kung ano sa tasa ng kape ng lalaki. Tinignan din ni Fate ang ibang tasa ng mga costumer at may ganun din sa kanilang mga baso. "Ginoong Zinc, ano yung nakalagay sa mga baso ng mga tao?" Nalukot kagad ang noo ni Zinc nang marinig niya ang tanong ni Fate. "That's our logo," sagot nito. "Ano?" Umikot na naman ang mga mata nito, "logo namin 'yan. Logo ng shop." "Ano 'yon?" Zinc sighed, "iyon yung tatak o simbolo na kapag nakita 'yon ng tao, yung produkto kagad ang maaalala niya." "Ah. Ang galing naman!" Nagpaalam si Zinc na titignan niya lang kung nagkukulang na ba yung mga supplies nila. Si Fate naman ay pumunta sa Book area para libutin ito. May mga nakitang tao na nagbabasa si Fate at may mga kape sa gilid nila. Inikot niya ang buong Book area, at nang marating niya na ang pinakadulong shelf na walang katao-tao, hinawakan niya ang isang palapag nito at pumikit. Nang dumilat siya ay isang ngiti ang pinakawalan niya sa kanyang labi kasabay ng pagtawag sa kanya ni Zinc na aalis na sila. Magiging maganda ang hinaharap ng lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD