Kabanata Siyam

1944 Words
Lumabas si Zinc ng kwarto niya. Inis na inis nga ito dahil late na siya sa trabaho niya. Wala na siyang oras para maghain pa ng almusal para sa kanya at kay Caramel. Nadagdagan pa ang inis niya nang una niyang mabasa ang text ni Dean na may meeting sila ng maaga at inuutusan pa siyang pumunta at bilisan. "Magandang umaga, Ginoong Zinc!" muntik ng mapamura ng malakas si Zinc nang marinig niya na naman ang matinis na boses na nagmumula kay Fate. His forehead crumpled. "Naghain ako ng pagkain para pagkagising mo ay hindi ka na mag-aabala," nakangiting sabi ni Fate. Lumapit si Zinc sa mesa at nakita ang mga pagkaing niluto ni Fate. "Niluto mo itong lahat?" Inirapan ni Zinc ang sarili nang marealize kung ano ang tinanong niya. Syempre siya lang ang nagluto niyan, alangan namang si Caramel. Tss. "Oo! Halika na at kumain na tayo!" umupo si Fate sa mesa at nagsandok na ng kanin. "A-ah, no. Hindi... hindi ako kakain dito..." kinuha ni Zinc ang towel para makaligo na. "Ayaw mo ba yung... pagkain? Pero marami akong niluto." hindi maitatago ang pagkalungkot sa boses ni Fate. Maaga pa siyang nagising para maluto at maihanda ang mga pagkain na ito kay Zinc bilang pasasalamat sa pagpapatuloy nito ulit sa kanya. Kaya lang ay tinanggihan siya nito. "Mahuhuli na ko sa trabaho ko. You see, tanghali na ako nagising. Kung gusto mong kainin yung niluto mo, fine, okay lang. Kailangan ko ng maagang pumasok. Tapos mamaya, ipapasundo kita kay Pisces. Pupunta kayo sa setting ng commercial, mamaya na yung shoot no'n." "Ah. Hindi ba pwedeng sumama na ako sayo ngayon?" "Ayoko. Matagal ka pang maligo. Tatanghaliin na ako papunta sa trabaho." Kumain na lang si Fate kasama si Caramel, naligo na kasi si Zinc. Naglagay ulit siya ng kanin sa plato niya kaso nagulat siya ng may kulay dilaw sa gilid ng kanin. Ano 'to? Hindi na iyon inisip ni Fate at kumain na lang. Nagluto siya ng ham na mukhang hilaw pa yata, hotdog na nasunog ang magkabilang dulo. May nuggets din siyang niluto, akala niya isasama sa iluluto dito yung sauce na kasama sa pack kaya isinama niya rin. Ngunit mas nakakaagaw ng pansin yung corned beef na may malaking itim-itim na sibuyas, malinaw na nasunog din ito. "Aalis na ako. Nilagay ko na sa sofa yung isusuot mo mamaya papuntang commercial." "Iyan din ba yung isusuot ko sa c-commercial?" "Hindi. May ipapasuot silang ibang damit sayo." "Sige," hindi nagtagal ay umalis na si Zinc. Si Fate na lang ang naiwan dahil ibinilin na ni Zinc si Caramel sa kapitbahay, naisip niya kasing delikado na iwan ito kay Fate sa bahay. Nang mag-isa na lang si Fate sa bahay, tsaka niya lang naalala na dapat pala ay nagtanong siya kung maaari na ba siyang magsimula sa kanyang trabaho sa Coffee shop ni Zinc. Dapat ay pupunta siya ngunit hindi niya nga pala alam kung paano makarating doon. Nag-isip na lang siya ng mapaglilibangan niya o maaari niyang gawin sa bahay. At doon niya napagdesisyunan na maglinis na lang siya, hindi gamit ang kanyang mahika ngunit siya mismo ang gagawa. Nagsimula siya sa paghuhugas ng mga plato. Pagwawalis ng sahig. Pagpupunas ng mga mesa, upuan, at mga kasangkapan na may mga alikabok na. Naglinis din siya ng banyo. Inayos ang pagkakalagay ng mga dekorasyon sa bahay. Tapos ay pinasok niya ang kwarto ni Zinc. Inayos niya ang kama nito, pati ang ilalim na madami din ang nakalagay. Tinupi ang mga g**o-gulong mga damit ng lalaki. At pinunasan ang cabinet sa tabi ng kama. "Ayan, maayos na," napaupo si Fate sa ibabaw ng kama at pinagmasdan ang kabuuang kwarto ni Zinc. Sa pagmamasid ay may nakita siya sa isang sulok na kahon, may kalakihan ito ngunit may mga dumi na din sa ibabaw ng takip. Ito kanina ang isa sa mga tinanggal niya sa ilalim ng kama ni Zinc. Binuksan niya ito at tumambad sa kanya ang mga libro. Labingpito ito lahat at bawat isa ay makakapal. Kumuha siya ng isa sa mga libro at binasa niya ang pamagat: Hocked Zinc Craig Nagningning ang kanyang mga mata nang mabasa ang pamagat at ang pangalan ng sumulat. Nagmamadali niyang binuksan ito at nagbasa sa sofa. Hindi niya namalayan na hapon na at pupunta sa bahay si Pisces kaya naligo na siya. Pagkatapos ay sakto namang dumating na si Pisces. Tinago niya muna ang libro, hindi niya sasabihin kay Zinc na binasa niya ang isa sa mga libro nito at baka magalit na naman. Sumakay na sila ni Pisces sa kotse nito. Nang nasa kalagitnaan na ng biyahe, nagsalita si Fate. "Ginoong Pisces, maaari ba akong magtanong?" Nagulat si Pisces kaya naman napatango na lang ito, "ano 'yon?" "Nakabasa ka na ba ng isa sa mga libro ni Ginoong Zinc?" "Ah oo naman. Bakit?" "Nakabasa kasi ako ng isa sa mga likha niya at agad akong natuwa dahil ganoon ang pangyayari. Hindi ko alam na maaari siyang makapag-isip ng ganoong klaseng kagandang obra ngunit nais ko lang magtanong... bakit..." hindi makahanap si Fate ng tamang salita para iparating kay Pisces ang gustong sabihin. "Masyadong... brutal?" "Hindi sa ganun..." "Masyadong galit sa mundo? May kung anong bagay na naglalayo sa tao at sa mundo nito, ganoon ba?" "Oo... para kasing..." "Ganoon lahat ang gawa niyang istorya. Hindi pare-pareho ng kwento pero kung papansinin, walang ibang katunggali ang bida kundi ang mundo." Oo, at nalulungkot ako. "Isa 'yon sa nagustuhan ng tao sa likha ni Sir Zinc. Masyadong makatotohanan. Masyadong umaayon sa reyalidad at walang bahid ng imahinasyon o pantasya. Maganda pero parang may kulang. Pero sabi nga nila di ba, kung ano ang nilikha ng manunulat, ibig sabihin, iyon mismo ang sumasalamin sa kanya. Sabihin na nating produkto ang halos lahat ng kwento ng imahinasyon o malikot na isipan ng gumawa, pero minsan, ito din yung madalas na gustong mangyari ng manunulat sa kanyang buhay, minsan naman nagsusulat sila dahil gusto nilang ilahad ang nasa isipan lang nila, minsan gusto nilang magbigay ng magandang turo o may matututunan ang mambabasa sa dulo ng kwento. Marami ang purpose kung bakit nagsusulat ang manunulat ng kwento, pero yung kay Sir Zinc, parang..." Tahimik lang si Fate sa pakikinig kay Pisces. "...inilalayo ng kanyang kwento ang taong nagbabasa sa mundo. Ipinakikilala niya ang tunay na mundo sa tao. At dahil dito..." "Sumasama ang tingin ng tao sa mundo dahil sa istorya niya," iyon ang sinabi ni Fate. Huminga ito ng malalim at saka tumingin sa bintana. "Nakapagsulat siya ng ganoong mga kwento dahil sa karanasan niya, at hindi alam ng tao 'yon," ani Pisces. "Pero kahit ganoon kaganda ang mga nagawa niyang obra, malayo ang loob niya sa mga tao. Marami na siyang na-publish na libro pero ayaw niyang makipag-usap o makasalamuha ang mga mambabasa ng libro niya." "Kasi tingin niya... lahat ng tao ay posibleng iwan siya?" tanong ni Fate kay Pisces. "Oo. Kaya ayaw niyang mapalapit sa lahat, kahit isa lang ay ayaw niya. Iyon ang pagkakakilala ko kay Sir Zinc sa loob ng tatlong taon." "Pero kahit ganoon, mahal siya ng tao?" "Oo. Hindi nga lang nila kilala kung sino si Sir Zinc. Akala nila, busy lang ito kaya walang oras para makipag-usap sa iba." Natahimik sila pagkatapos no'n. "Nandito na tayo." Bumaba silang dalawa. Diretsong naglakad si Fate, nasa gilid niya lang si Pisces. Natuwa siya ng makita niya ang paligid. Para itong isang malaking garden. Punong-puno ng halaman, may mga bulaklak, at may mga lumilipad pa ngang puruparo. "Binibining Fate!" agad na lumapit sa kanya si Aian. "Ginoong Aian, magandang hapon. Masaya akong makita ka rito," ngumiti si Fate. "Ako din, ako din." Tumingin si Aian kay Pisces na nasa gilid ni Fate, "Pisces, leave us alone, please." Tumango sa kanila si Pisces at umalis. "Nasaan si Ginoong Zinc?" tanong ni Fate. "H-ha? A-ah... di ko alam eh! Papunta na daw 'yon pero wag mo na muna siyang isipin! Hahaha!" isang pilit na ngiti lang ang binigay niya kay Aian. "So, kumain ka na ba? Halika, samahan mo ko dun sa tent, kakain tayo. Sabay," malaki ang ngiti ni Aian kay Fate ngunit nagpalinga-linga si Fate para hanapin si Zinc. Nasaan na ba 'yon? "Salamat ngunit kumain na ako." "Hindi! A-ahm... baka kanina pa 'yon! B-baka magutom ka!" pamimilit ni Aian. "Hindi... hindi... Sige, maiwan muna kita dito ah. Hahanapin ko lang muna si Ginoong Zinc," nagmadali ng makalayo si Fate kay Aian. Mabilis na ang takbo nito at kailangan niya ring bilisan ang takbo niya. Sa katitingin sa likuran ay hindi namalayan ni Fate na may nabangga siya. "Naku pasensya na Ginoo, pasensya na talaga!" "Okay lang. Sino ba yung..." si Dean ang nabangga ni Fate. Napatingin si Dean sa likuran ni Fate dahil mukhang may humahabol dito at nang makita niya... "Sir Aian? Anong ginagawa mo?" kita ni Dean ang paghingal ni Aian. "W-wala. Ahm... sige na... u-umalis ka na. Ako na ang bahala sa kanya." ani Aian. "Hindi... kailangan na si Fate sa set. Sasamahan ko na siya doon," wika ni Dean habang nakakunot ang noo kay Aian. Nang makarating sila ay nagpasalamat si Fate sa pagsama ni Dean sa kanya. Doon ay inayusan na siya, nag-make up at nagpalit ng damit. "Okay na, ready." Nakatutok na kay Fate ang lahat ng camera. Isang puting off-shoulder top at baby blue skirt ang damit niya. Maayos ang pagkakatali ng kanyang buhok. Kaya naman all-eyes ang lahat ng tao sa set sa kanya. Ang unang eksena ay maglalakad siya sa kahabaan ng garden, at sa dulo ay may sasalubong sa kanyang isang lalaki na model din. Magyayakap sila na para bang matagal na hindi nagkita at sasabihin ang mga linya na isinaulo ng dalawa. "Sir Zinc!" tawag ni Pisces sa boss na kadarating lamang. Tinanguan siya ni Zinc. Naglakad si Zinc palapit sa shoot, "ano nang nangyayari?" "Tinututukan na po si Fate." "Nakapagsimula na ba?" "Hindi pa po. Pero malapit na. Gusto niyo bang sabihin ko silang bilisan?" "Hindi na. Okay lang," tumayo lang si Zinc doon at nakatingin kung paano ang mangyayari. Nagsimula na sila. Unang kinunan ay ang mabagal na paglalakad ni Fate. Hinahawakan niya ang mga halaman na nadadaanan habang naglalakad. Tumaas ang kilay ni Zinc habang nanonood. Masyadong corny. Sino ba ang bwisit na nag-isip ng ganitong eksena? Nang marating na ni Fate ang dulo ay tsaka sumulpot ang lalaking model rin. Nagyakapan sila ngunit hindi inaasahang umihip ng malakas ang hangin kaya nag-cut muna. Kaso hindi nakaligtas sa mga mata ni Zinc ang dahan-dahang pagbaba ng kamay ng lalaki habang nasa gilid siya ni Fate. May kumakausap kasi kay Fate kaya naman wala ang atensyon niya sa lalaking katabi. Narinig ni Zinc na may tumawag sa kanya kaso hindi niya na ito pinansin at sa halip ay humakbang siya nang makita niyang halata na ang gagawin ng lalaki. Bumababa ang kamay nito at nakita niya kung saan ito patungo. May balak ito na haplusin ang pwet at ang binti ni Fate. Fuck. "Bastos ka ah!" sinuntok ni Zinc sa mukha ang lalaki. Ikinagulat iyon ng sinugod niya. Kwinelyuhan niya ang lalaki at, "ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Marami ang nagulat sa ginawa niyang eksena. Ramdam niyang may pumipigil na sa kanya sa pagsugod sa lalaki. "Zinc!" suway sa kanya ni Aian. Tila wala siyang narinig at dinuro-duro niya ang lalaki. "Gago ka, bastos ka ah!" Dinuraan niya ang lalaki. "Try to do that again and I'll bury your a*s to the ground! f**k you!" Kumalag si Zinc sa mga humahawak sa kanya, nakita niya si Fate na gulat na gulat at parang hindi makagalaw. Hinablot niya ang pulso nito at sinabing, "uuwi na tayo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD