"Pisces, where is she?" tuwid ang tayo ni Zinc. At gaya ng normal nitong ekspresyon ay taas ang kilay at kunot na ang noo.
"Tinatawagan ko na po, Sir. Wait lang po talaga. Wait lang," pawis na si Pisces habang may hawak-hawak na telepono. Nanginginig na rin ito at halatang nagpa-panic.
"If she can't meet me within 10 minutes, I'll fire her," ani Zinc at pumasok na sa opisina.
"S-sir, wait lang!"
"Pasensya na po Sir, nahuli po ako ng dating!" hinarap ni Zinc ang dumating at nakita niya ang isang babae. Kulot ang buhok nito at umaabot lamang hanggang sa balikat. Nakasuot ito ng white longsleeves na see through bilang pantaas at kulay asul na dress.
"Ikaw ang papalit kay Pisces?"
"Opo."
Look what she wore, para lang siyang mamamasyal sa mall.
Pumasok si Zinc sa kanyang opisina at sinundan siya ng babae.
"Do you know the things that are need to be done by a secretary?"
"Opo. Alam ko po."
"Good. Ang una mong assignment, i-cancel ang lahat ng meetings ko sa friday."
"Bakit po?"
"May another commitment ako that day."
"Okay po."
"And your dress, change it. We are on an office, not on a mall or club."
"Yes Sir, sorry po."
"What's your name, anyway?"
"Ako po si Cattleya."
~~~
Lumabas si Fate ng kwarto niya. Alas dos na ng umaga at hindi niya alam kung bakit nagising pa siya sa kanyang mahimbing na tulog.
Binuksan niya ang refrigerator pero wala siyang nakita doon na gusto niyang kainin. Kaya naman bumalik siya ng kwarto niya ngunit nadaanan niya ang kwarto ni Zinc, bahagya itong nakabukas at may mumunting ilaw na nakabukas na nagmumula sa loob.
"Zinc?" binuksan niya ito at nakita niya si Zinc na nakaupo sa maliit na mesa at nagsusulat na iniilawan ng lampshade.
"Gising ka pa?" apparently, hindi ito isang tanong kundi isang ganap na statement.
Hindi pa man nakakapagsalita si Zinc ay kunot na ang noo nito. Tinanggal niya ang kanyang salamin bago tignan si Fate.
"Bakit gising ka pa?" malinaw na galit ang tono nito.
"Ah... nagising ako. Tapos hindi na ako makatulog."
"Bakit ka nandito?"
"Nakita ko kasi na bukas yung kwarto mo at may ilaw kaya pumasok ako."
Umikot ang mga mata ni Zinc. "Bumalik ka na sa pagtulog. Bawal ang magulo dito. Hindi ako makakapagsulat."
"Wala naman akong gagawin. Pangako, hindi kita guguluhin," itinaas pa ni Fate ang kanyang kanang kamay na parang nangangako.
Bumuntong-hininga si Zinc. Whatever I say, it's useless.
Nagbalik sa pagsusulat si Zinc habang si Fate ay nililibot ang buong kwarto ni Zinc. Naiba na naman kasi ang ayos nito at tinitignan niya kung maayos ang bagong arrangement.
"Maaari ba akong makapagbasa ng libro mo?"
"No."
"Sige na. Matatapos na rin kasi ako eh."
Zinc rolled his eyes. "Nandito sa likod ko."
"Salamat!" tumungo si Fate sa likod ni Zinc kung saan may cabinet. Nakadisplay dito ang kanyang mga librong nailimbag at iba pang mga libro na kanyang paborito. Kinuha niya ang isang makapal na libro doon na may pabalat na kulay asul.
Nilapit niya ang kanyang mukha sa sinusulat ni Zinc sa mesa at binasa ito. "T-teka, anong ginagawa mo?!"
"Pasensya na. Hindi ko mapigilang basahin. Masyado akong nagagalak sa bago mong ginagawa."
"Tss. Lumayo ka nga sakin."
"Bubuksan ko ang ilaw ha," pagpapaalam ni Fate.
"Bakit?"
"Magbabasa ako."
"Sayang ang ilaw. Huwag ka na lang kasing magbasa. Matulog ka na lang."
"Ayoko. Hindi nga ako makabalik sa pagtulog."
"Pwes, bawal mong buksan ang ilaw. Kahit na anong ilaw, dito man o sa sala."
Napanguso si Fate. "Sige. Dyan na lang ako sa tabi mo."
"Ano? Bakit?!" bahagyang natigilan si Zinc. Akala niya kasi, dahil sa sinabi niya ay titigil na ito sa kanyang pakay.
"Dahil dyan lang sa tabi mo ang may ilaw kaya dyan na lang din ako magbabasa."
"Ayoko. Maiinitan ako."
Humugot ng buntong-hininga si Fate. "E di palamigin natin."
Sa isang kurap ay naging malamig sa kwarto ni Zinc. Walang bintana at hindi nakabukas ang aircon pero humahangin.
"Teka, saan nanggagaling ang lamig?"
"Mula sa labas ay pumupunta dito ang lamig. Maayos na?" tumabi si Fate kay Zinc at nagsimulang magbasa.
"Ayoko na pala. Ibalik mo na yung temperatura kanina."
"Sige." ang sabi ni Fate at bigla na lang nawala ang lamig sa kwarto ni Zinc.
Haaay.
Itinuon ni Zinc ang pansin niya sa sinusulat habang pinapakiramdaman ang katabi na nagbabasa. "Hindi ka ba talaga aalis? Matulog ka na nga."
"Hindi ako dinadapuan ng antok eh. Baka masayang lang ang oras ko sa kwarto sa paghihintay sa antok kaya gagamitin ko na lang ito sa makabuluhang paraan."
Inirapan lang siya ni Zinc sa sinabi. Tama lang ang dalawang tao sa haba ng mesa, tapos nakaupo rin sila sa two-seater kaya tamang-tama.
Paano ba 'to?
Ilang beses nag-isip si Zinc sa susunod na isusulat niya ngunit tila nagtakbuhan ang lahat ng ideya palayo. Samantalang kanina nang hindi pa dumadating si Fate at wala pang distraction ay nasa kanya na ang lahat ng ideya at sipag para makapagsulat, pero ngayon ay wala.
Paano ko ba sasabihin sa kanyang ayaw ko siyang nandito?
Handa na sana siyang magsalita ngunit umurong ulit ang kanyang dila at tila nawalan ng boses.
Bwisit.
Hindi na lang siya tumingin at inisip niyang mag-isa lang siya sa kwarto.
Mind over matter.
Mind over matter.
Mind over matter.
Mind over matte-
"Bakit hindi ka nagsusulat? May problema ba?"
Fuck.
Malutong na mura ang muntik ng pakawalan ni Zinc mula sa kanyang isip. Magtatagumpay na sana siya sa pag-iisip na siya lang ang mag-isa sa kwarto nang magsalita ang katabi-pinatutunayan na hindi totoo ang kanyang iniisip.
"May... problema ka ba, Ginoong Zinc?"
"Wala."
"Bakit hindi ka nagsusulat?"
Kasi nandyan ka.
"Papayag na akong buksan mo ang ilaw."
"Talaga? Salamat!" agad na tumayo si Fate at binuksan ang ilaw. Tapos ay bumalik siya sa tabi ni Zinc.
"Bakit ka pa rin nandito? Pumayag na ko ah!"
"Oo nga. Bakit, saan ba dapat ako?" naguguluhan na si Fate.
"Doon ka na lang sa kabilang mesa. Basta huwag ka dito!"
"Sige," pumwesto si Fate sa ibabaw ng kama, ang pwesto niya ay sa harap ni Zinc na nasa mesa.
What the f**k. Edi makikita ko pa rin siya.
Ilang beses na iniiwasang dumapo ang tingin ni Zinc kay Fate kaso ano man ang gawin niya ay tumitigil sa babae ang kanyang mga mata.
"Anong chapter ka na?" ani Zinc. Mukhang nawalan na siya ng pag-asa na maipagpapatuloy niya pa ang pagsusulat kaya kinausap niya na lang si Fate.
"Saan?"
"Sa libro ko, natural. Saan pa ba?"
"Ah. Kabanata 57 na."
"Iyan yung parte na—"
"Tapos ka ng magsulat?"
"Wala akong natapos."
"Bakit?"
"Basta.
"May problema ka ba? Baka matulungan kita," isinara na ni Fate ang libro hudyat na tapos na siyang magbasa.
"Wala nga."
"Kung ganun, bakit wala kang natapos?"
"Bakit mo ba ako minamadali?!"
"Wala lang. Bakit hindi ka pa makatulog?"
"Hindi ba't ako dapat ang magtanong sayo nyan?"
Nagkibit-balikat si Fate. "Hindi ko alam eh."
Pagkatapos ng mabilisan nilang pag-uusap ay nanumbalik ang katahimikan. Bubuksan na nga sana ni Fate ang libro at magbabasang muli nang pigilan siya ni Zinc at magtanong ito.
"Anu-ano ba ang mga pinag-usapan niyo ni Aian noong nakaraan?"
Hindi maikakailang nagulat si Fate kaya naman binaba niya ang libro at tumingin kay Zinc-na diretso ang tingin sa kanya.
"Ah... maraming bagay din."
"Gaya ng?"
"Sa buhay ng isa't-isa."
"Oh. Iyon lang ba?"
"Hinikayat niya rin ako na kung maaari ay bumalik ako sa trabaho."
"At?"
"Sinabi kong ayaw mo kaya ayaw ko na din," bumaba ang tingin ni Zinc at gumuhit ang mumunting ngisi sa kanyang labi.
"Hindi niyo ba ako pinag-usapan?" malamig ang tono ng boses ni Zinc.
"Pinag... usapan..."
Umangat ang tingin ni Zinc kay Fate. "Talaga?"
"Oo. Alam mo ba ang tingin ni Aian sayo ay masungit, suplado, masama?" mahinang tawa ang isinunod ni Fate sa kanyang sinabi.
I know right.
"Eh ikaw, anong tingin mo sakin?"
"H-ha?"
"Ang sabi ko..."
Dug.dug
Dug.dug
"...anong tingin mo—" natigilan si Zinc sa kanyang sinabi.
"G-ginoong Zinc, inaantok na ako. Babalik na ako sa kwarto," tumayo si Fate at binalik ang libro sa shelf sa likod ni Zinc.
"Matulog ka na rin. Magandang umaga," hindi na nalingon ni Fate si Zinc sa loob at sinarado ang pinto ng kwarto nito.
Pagkasara ng pinto ay napahawak si Zinc sa kanyang dibdib.
What the hell! Bakit masyado akong halata?
Pagkasara ng pinto ay napahawak si Fate sa kanyang dibdib.
Ano ito? Umiibig na ba ako?