Kabanata Dalawa

1902 Words
Anak, nakausap ko na siya. Fate ang pangalan niya, pero wala siyang apelyido. Hindi niya sinasabi pero tingin ko, nakalimutan niya. Hindi niya din alam kung saan siya nakatira. Tinanong ko kung nasaan ang pamilya niya pero wala daw siyang pamilya. Hindi ko alam pero parang kahit ganun ang sinasabi niya, parang totoo talaga. Hindi kaya galing siya sa amnesia, anak? Kailan mo siyang tulungan. Hanapin mo ang pamilya niya. -Manang Lita Nilagay ni Zinc ang papel sa basurahan pagkatapos mabasa. Ito agad ang nakita niya nang madatnan niya ito sa ibabaw ng cabinet niya sa tabi ng lampshade. Inabot niya ang phone niya at may natanggap itong isang message galing kay Pisces. Sir, reminder lang po. Kailangan niyo pong pumunta sa office ng maaga, ngayon niyo po ipapakilala yung babae kay Sir Aian. Umagang-umaga, sira ang araw ko. Aian na naman. Tumayo siya, inayos ang buhok at saka lumabas ng kwarto. "Magandang umaga, Ginoo!" nagitla si Zinc sa kanyang nakita. Pagdating niya sa dining area, nakita niyang nakatayo si Fate. Nakuha agad nito ang atensyon niya dahil sa damit na suot, maluwag na t-shirt at shorts. "Where did you get that clothes?!" natahimik si Fate sa inasal ni Zinc. Akala niya ay matutuwa ito dahil sa ginawa niya. Walang nagsalita sa kanila. Oo nga pala, tagalog ang naiintindihan niya. f**k. "Saan mo nakuha ang mga damit na iyan?" umaga pa lang pero sinimulan agad ni Zinc sa pagkakasalubong ng kilay niya. "Ito ang ipinasuot sakin ni Binibining Lita kagabi matapos akong maligo. Bakit?" hindi napigilan ni Zinc ang mabigla dahil sa paraan ng pagsasalita ng babaeng kaharap niya. "Wala ka bang damit? Nasaan ba kasi ang bahay niyo? Saan ka nakatira? Saan ka—" natigilan si Zinc nang may maalala, "sandali, dito ka natulog? Sa bahay ko?!" Nakangiting tumango-tango si Fate. Where did she slept? "Dito lang ako sa iyong mahaba at malambot na upuan natulog," nakangiting sagot ni Fate. Tinutukoy ang sofa ni Zinc. "Maligo ka na, aalis na tayo," utos ni Zinc. Ngayon lang talaga 'to. Ngayon lang ako magpapatuloy ng babae, pagkatapos papaalisin ko na siya. "Masusunod!" tumakbo si Fate sa banyo. Zinc rolled his eyes. Nang humarap si Zinc sa lababo para hugasan ang mga pinggan, tapos na ito. Malinis at walang nakalagay na anumang plato o baso. Siya ba ang naghugas nito o si Manang Lita? Naisip niyang kung si Manang Lita ang gumawa noon, trabaho naman niya ito kaya hindi niya kailangang magpasalamat. Babayaran ko naman siya. At kung si Fate naman, dapat lang dahil nakituloy at nakitulog ito sa bahay niya at ginamit pa ang damit niya kaya hindi niya ring kailangang magpasalamat. May utang na loob ito sa kanya. Mabilis siyang naghanda ng oatmeal bilang almusal. Pinakain at pinaliguan niya rin si Caramel at mamaya ay iiwan niya ito sa katabi niyang condo para may magbabantay nito. May nakatira kasing lola sa katabing condo niya at kasama nito ang kambal na apong lalaki at babae na nag-aaral sa elementarya. Kapag ipinapabantay niya sa matanda si Caramel, wala namang angal ang matanda para may kasama ito dahil maagang umaalis ang kanyang dalawang apo papunta sa school, ang totoo nga nyan ay ang matanda pa ang nagsabi na tuwing umaalis si Zinc ay iwan na lang sa kanya. Habang hinuhugasan ang pinag-kainan, lumabas si Fate ng banyo suot ang kanina ulit na damit na maluwag na t-shirt at shorts ni Zinc. Basang-basa pa ang buhok nito at halatang hindi nagpunas dahil basang-basa ang suot. "Handa na ako," sabi ni Fate. Nakita ni Zinc na uupo ito ng sofa niya kaya pinigilan niya ito. "Anong gagawin mo?!" "Uupo," nakangiting sagot ni Fate. "You can't. Uupuan mo ang sofa ko nang basa ang buong katawan mo? Magpunas ka nga!" "Ako ba ay magpapalit ng damit?" "Oo. Iyong pinakamaganda mong damit na pang-alis ah." "Masusunod, Ginoo!" Kinuha ni Fate ang dala niyang gamit na nababalot ng tela at nagmadaling pumasok sa banyo. Mabilis itong napansin ni Zinc. What's that? Pagkatapos ng ilang minuto, natapos na din si Zinc sa paghuhugas. Sakto din na pagharap niya ay ang paglabas din ni Fate sa banyo. Literal na ngumanga si Zinc dahil sa itsura ng babaeng lumabas sa banyo, at ang suot niya. Wala na ba siyang ibang damit? "A-anong suot mo?" "Kasuotan. Damit," at muli, nakangiti na naman si Fate. Tumaas ang kilay ni Zinc. "Namimilosopo ka ba? Of course alam kong damit 'yan. What I am saying is bakit ganyan?" tinutukoy ni Zinc ang mahabang palda nito, at maluwag na damit pang-taas. "May kulang ba akong nararapat na ilagay, Ginoo?" Inis na napakamot si Zinc sa ulo. Tinignan niya rin ang orasan at kaunting oras na lang ang nalalabi para makapaghanda siya. Bwisit talaga. Pumasok si Zinc sa kwarto niya at tumingin ng damit na napagliitan niya na. May maong din siyang nakita kaso kung tititigan kapag suot na ng babae, mahahalatang panglalaki ito. Tapos rubber shoes. Alam niyang malaki ang sukat ng paa niya pero walang magagawa si Fate, kailangan niyang suotin ito kung hindi ay hindi sila makakarating sa trabaho ni Zinc. Ewan ko na lang kung umangal pa siya. Inihagis ni Zinc ang mga damit kay Fate. "Ito ang suotin mo. Pero mamaya na kapag natapos na akong gumamit ng banyo. Itali mo ang buhok mo, hindi ka nagsusuklay," sabay diretso sa loob ng banyo. Napakasungit mo, Ginoong Zinc, isip ni Fate. Lihim na napangiti si Fate nang maisip iyon. Nang matapos na si Zinc at Fate na magbihis, bumaba na sila ng condo at sumakay sa kotse. Didiretso sana si Fate sa back seat nang pigilan siya ni Zinc. "Gagawin mo ba kong driver? Umupo ka dito!" sabay turo sa front seat. Kahit ayaw makatabi ni Zinc ang babae, kailangan niyang pagtiisan ito. "Ginoong Zinc, anong oras tayo makakauwi sa iyong bahay?" mahinhing tanong ni Fate. Magkasalubong ang kilay ni Zinc habang nakatingin sa kalsada, but on his peripheral view, napansin nito si Fate na tuwid ang tindig kung umupo. Hindi naman big deal iyon pero sa lahat ba naman kasi ng taong nakasama niya, ito lang ang tuwid ang likod kung makaupo. "Don't call me that. Sir Zinc ang dapat." "Sir Zinc? Maaari ko bang malaman kung para saan ang 'sir'?" Inirapan siya ni Zinc, "tawag 'yon sa lalaking mas mataas ang posisyon kaysa sayo." "Posisyon?" Nagpanting ang tenga ni Zinc. Magtatanong na naman, tsk. "Basta 'yon ang itawag mo sakin! Wag ka ng magtanong at wag ka ng maingay, pwede?" Napakasungit talaga. Kailan ka kaya magbabago, Ginoong Zinc? ~~~ "Visitor siya." "Okay po, Sir Zinc," sabi ng guwardiya matapos dumaan si Fate sa kanya. Pumasok na sila sa loob ng kompanya. "Anong lugar ito, Sir Zinc?" tumingin si Fate kay Zinc pero wala siya ditong natanggap na sagot. Tanging ang lukot nitong noo lang ang nakita ni Fate. Nagtatanong lang naman. "Ang mga tao talaga, masyadong maiinit ang ulo," bulong ni Fate sa sarili. Hindi sinasadyang narinig ito ni Zinc, papansinin niya dapat ang sinabi ng babae nang may tumawag sa kanya. "Good morning, Sir Zinc," bati sa kanya ng isang babae nang makasalubong niya ito. Tinignan ni Fate kung ano ang magiging reaksyon ni Zinc. Tumango lang si Zinc sa babaeng bumati sa kanya at nagpatuloy na maglakad. Napakasama niya talaga. Tsk. Nakita ni Fate ang naging reaksyon ng babae nang simpleng tango lang ang naging sagot ni Zinc sa pagbati niya. Kaya bilang ganti, siya na lang ang bumati sa babae. "Magandang umaga, Binibini! Napakamaaliwalas ng iyong ngiti," sabay ngiti ni Fate. At hindi naman siya nabigo, napangiti niya din ang babae. Kaso kakausapin niya pa sana ang babae nang hilain na kagad siya ni Zinc papasok sa elevator. "Male-late na nga tayo, nakikipagbolahan ka pa," mabuti at silang dalawa lang ni Fate ang nasa loob ng elevator. "Binati ko lang naman ang binibini. May... masama ba doon?" "Ang tagal mong kumilos. Ang kupad-kupad mo. Kapag talaga napagalitan tayo ni Aian, humanda ka. Palalayasin kita sa bahay," pagbabanta ni Zinc. Napa-iling na lang si Fate. Nakakabwisit talaga. *ting* Pagbukas ng elevator, mabilis na naglakad si Zinc patungo sa kanyang opisina. Nadatnan niya si Pisces sa 'di kalayuan, madaming papel na hawak-hawak. "Si Aian?" bungad ni Zinc sa assistant. Napatayo sa gulat si Pisces dahil sa boses ng kanyang boss. "S-sir! K-kayo po pala. Kanina pa kayo hinahanap ni Sir Aian eh." "Nasaan na siya? Nasa office niya na ba?" "Yes, Sir. Kaso kanina pa po sila nag-uusap ni Sir Dean. Exclusive nga lang daw po sa kanilang dalawa yung pinag-uusapan. Kapag daw dumating ka, huwag ka daw munang papapasukin." Sigurado naman akong ako ang pinag-uusapan nila. Pinagpaplanuhan kung paano ako tatanggalin sa trabaho. Lumapit si Fate kay Pisces, "kamusta na nga pala ang iyong anak? Nasa maayos na kalagayan na ba siya, Ginoong Pisces?" Nagitla si Pisces sa biglaang paglapit sa kanya ni Fate, "ah o-oo, maayos na siya. Salamat sa pag-aalala." Nginitian ni Fate si Pisces. Nagpaalam muna si Fate na pupunta lang siyang banyo. "Bilisan mo ah. Pag hindi ka nakarating ng mabilis lagot ka sakin." Napakasungit talaga. "Masusunod, Sir Zinc." Naglakad si Fate habang nakahawak na sa kanyang ulo. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya, hindi naman siya nasabihan na may ganito siyang mararamdaman sa kanyang paninirahan dito sa mundo ng mga tao. Baka siguro dahil dalawang araw pa lang ang itinatagal niya kaya hindi pa sanay ang kanyang katawan sa mundong ginagalawan. Kanina pa niya nararamdaman iyon, lalo na noong pagsakay niya sa sasakyan ni Zinc kaso pinipilit niya na lang na kausapin ito para mawala ang atensyon niya sa nararamdamang sakit. Kahit saan siya magpunta kanina ay ganoon pa rin at hindi nawawala. Tumakbo siya palapit sa pader para may masandalan at hindi matumba. Kinapa niya ang kanyang kwintas na may nakakakabit na maliit na hourglass. Tinignan niya ito kung nagkakaproblema ba sa oras niya sa mundo ng mga tao pero wala naman, maayos ito at patuloy na tumatakbo. Ano bang problema? Tumingin siya sa paligid at ganoon pa rin ang paningin niya, lumalabo at gumagalaw ang mga nakikita niya. Kahit ganoon, may nakita siyang hagdan kaya't bumaba siya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta pero bumaba pa rin siya. Pagewang-gewang na siya habang bumababa sa hagdan, mabuti na nga lang at walang masyadong nagagawi doon. Nang makarating na siya sa pangatlong palapag, hindi na niya alam ang gagawin niya. Gagamit na sana siya ng mahika ngunit dahil kinakailangan ng lakas para makagamit no'n at alam niyang wala siyang lakas ngayon kaya hindi na niya tinuloy. Nakita niya na ang pinakamalapit sa kanya ay ang isang lalaki na nakatalikod sa kanya, may inaayos itong kung ano na hindi niya makita. Kahit hirap na hirap na siya ay ginawa niyang makaabot sa lalaki. Bakit nga ba hindi siya humingi ng tulong kay Zinc kanina? Dahil hindi pa ito ang tamang oras para humingi siya ng tulong sa kanya. Masyado pang malamig ang pakikitungo ni Zinc sa kanya at baka nga kung humingi siya ng tulong sa kanya ay titigan lang siya nito. Akala niya pa naman, ang sinasabi na tao na tutulong sa kanya ay isang mabuting tao. Pero hindi pala. Taliwas na taliwas sa nangyari. Matagumpay niyang naabot ang lalaki. Akala niya kaya niya pa, pero hindi niya pa natatapos ang kanyang sasabihin ay bigla na siyang nawalan ng lakas at naramdaman niyang bumagsak na siya sa lupa. "Ginoo, tulong—"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD