LIHIM NA GALIT

3848 Words
REBOUND OF FOUL HEARTS Chapter 4 ANDREI's Point of View Tuluyang nilamon ng galit ko ang utang na loob ko kay Kyle. Nang kausapin ako ni coach kung paanong nabastos ako sa body contact na laro ay alam kong magmumukha akong babae o binabae. Magiging katawa-tawa ako sa lahat. Paano ko palalabasing pambabastos ang pagbundol-bundol ng bahaging iyon sa katawan ni Kyle. Hindi kaya ako lang naman talaga ang nagbigay doon ng kakaibang kulay? Hindi ko din kasi maintindihan kung bakit ako naapektuhan at kung paano nagkamalisya ako sa ganoong ginagawa niya samantalang kung tutuusin ay wala lang naman dapat iyon sa akin o sa kahit sa sinong nanglalaro ng basketball. Tuluyan kasing nilalamon ng ginagawa niyang iyon ang focus ko sa paglalaro. Nagtimpi akong patulan siya sa mga pang-aasar niya sa akin. Alam kong gusto niyang ilabas ang kademonyohan sa loob ko at nagtagumpay nga siya. Nagpatalo ako sa kaniyang laro ngunit hindi ako yung tipo ng tao na hindi gumaganti. Pupukulan mo ako ng bato, maghintay ka't babatuhin kita ng bakery. Naghintay akong matapos ang laro bago ko naisakatuparan ang plano kong gantihan siya. Nang nakita kong pumasok siya sa cubicle ay agad ko siyang sinundan. Gusto kong iparamdam sa kaniya yung pakiramdam ng ginagawa niya sa akin habang naglalaro. Maranasan din niya ang mabastos sa ganoong paraan. Hihigitan ko pa. Bahala na kung anong isipin niya sa akin. Bakla na kung bakla ngunit hindi ang magkaroon na sekswal na pagnanasa ang lalabas na intensiyon ko kung bakit ko siya papasukin sa cubicle. Kailangang maranasan lang niya na pambabastos sa magkatulad na kasarian ang ibungo-bunggo niya ang talong niya sa puwitan ko. Nakakailang kaya 'yon. Iba yung dating sa akin, nakakabastos...nakaka... Anak ng teteng naman oh! Bakit hindi ko masabi? Huh! Nakakadiri! Yun nga. Nakakabastos na nakakadiri. Astig siya? Siga ako. Ito ang gusto niyang laro, ibibigay ko. Bago man sa akin ang ganito dahil sanay ako sa bugbugan o suntukan ngunit bababa ako sa level na hilig niya. Hindi ako paaapi kahit pa utang ko sa kaniya ang buhay ko. Nawala sa isip ko ang kagustuhan ko sanang makabawi sa ginawa niya nang bata pa ako. Gusto ko sanang maging magkaibigan kami o magturingang magkapatid tulad noon ngunit nawala na sa sa kaniya ang Kaloy na hinangaan ko. Kung hindi ko sasabayan ang Kyle na nakikita ko ngayon, baka magising ako isang araw na dahil sa sobrang pagpapahalaga ko sa utang na loob ay pati ang kaisa-isang pangarap ko ay mawawala sa akin. Hindi ako papayag. Hinding-hindi ako susuko. Hindi siya magtatagumpay. Nang pagpasok ko sa cubicle at nakatalikod siya sa akin ay nakita ko ang maputi, makinis at lalaking-lalaki niyang likod. Sandali akong natigilan. Hindi ko alam kung tutuloy pa ako sa loob. Napalunok ako sa hindi ko alam na kadahilanan ngunit kailangan kong gumanti. Nanginginig ako sa mga sandaling iyon nang ginagawa ko ang paghuhubad sa harap niya. Hubad din naman siya kaya bahala na. Kinapalan ko ang aking mukha, sobrang dinagdagan ko ang lakas ng aking loob. Hindi madali para sa akin na tapatan siya sa ganoon pero kailangan. Nakapasok na ako, nakita niya ako sa loob ng cubicle niya, kailangan ko na lang iyon panindigan. Sa pagbunggo-bunggo ng aking saging sa kaniyang puwitan ay hindi ko napigilang ang paggalit no'n. Alam kong ramdam niya ang paninigas ng aking saging. Hindi na ako magtataka dahil likas naman talaga sa pagkatao ko ang pagiging malibog. Iyon ang sabi ng girlfriend ko sa akin. Mahipo lang kasi iyon o kaya ay aksidenteng mahawakan ng iba o kahit daplis lang, agad iyong nabubuhay. Parang isang ahas na sensitibo o kaya ibon na nanunuka kung nagagalaw kahit bahagya lang. Akala ko, kung sa kagaya din lang ni Kyle ko iyon ibubunggo ay hindi ako maapektuhan. Bonus na din langna tumigas iyon para mas maramdaman niyang binabastos ko siya, katulad ng ginawa niya sa akin habang naglalaro kami. Gusto kong isipin ganti lang iyon. Isang bagong karanasan sa akin ang lahat. Yung may isang Adan na kagaya kong hubo't hubad sa harapan ko at lantaran ang pagdampi sa puwitan niya ng katulad ng kung anong meron siya. Iba yung dating sa akin nang lumaon. Nakakapanibago. Karanasang gustung-gusto ko na kaagad atrasan. Nangyaring gusto kong agad na makalimutan. Nandiyang nagkasakitan na kami sa loob. Nagsuntukan, nagkatulakan at nang nasipa niya ako at napasalampak ako sa labas ng cubicle ay para akong nahimasmasan. Anong nangyayari sa akin? Mabilis kong ibinalabal ang ibinato niyang tuwalya sa akin. Tinungo ko ang locker ko at kaagad akong nagbihis kahit pa nanlalagkit ako sa pawis. Wala man nakakita sa ginawa kong pasukin si Kyle ngunit nahihiya ako sa sarili ko. Gusto kong umalis doon. Noon ko lang napagtanto na sana gumanti na lang ako sa ibang paraan. Pakiramdam ko kasi para akong isang bakla na sinipa palabas sa cubicle. Nakakahiya. Pagkalabas ko sa locker room ay naabutan ko ang coach namin kasama ang Governor ng team nina Kyle. Hindi ko sila puwedeng basta na lang daanan kahit pa pinagpapawisan ako at natataranta. "Almost a good game, Teng pero naungusan ka ni Benjie ngayon. Kung hindi lang uminit ang ulo mo sa depensa sa'yo ni Santos, maaring natapatan mo si Benjie kahit pa sabihin nating panalo ang team niya o kahit pa mas marami siyang naipuntos sa'yo." pagsisimula ni Coach. "I'm sorry sir." nahihiya kong pag-amin. "Sa kahit anong laro Teng, kailangan mong isipin na hindi nakakatulong ang pagiging mainitin ang ulo." Tipid na ngiti lang ang sukli ko habang malikot ang aking mga mata na sana hindi pa lalabas si Kyle. Sana hindi niya ako maabutan sa labas. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng hiya sa kaniya. Hiya sa ginawa ko sa loob ng cubicle. Ngunit yung inis at galit ko sa kaniya, naroon pa sa dibdib ko. "Okey ka lang?" tanong ng Governor ng team. Nahalata niya siguro ang pagbuo ng pawis sa aking noo at pagiging balisa ko. "Hmnn, oho sir! Ayos lang ako!" sinikap kong maging kalmado ngunit hindi ko naiwasang muling lumingon sa pintuan ng shower room pagkatapos kong sabihin iyon. "Next game, I want you to show us what you've got kid." tinapik ng Governor ang balikat ko. "Ilang beses kong napanood ang laro mo noon at alam ko na mas may potential ka kay Benjie ngunit prove us that you are more commendable than him. Sa laro ninyo kanina, mukhang mapapantayan ka niya kundi man tuluyan ka niyang tatalunin kung di mo gagalingan sa susunod ninyong laro." "Don't worry sir. I'll prove you my worth next game." pinunasan ko ang pawis ko sa noo habang sinasabi ko iyon. "Okey, see you next game." inilahad ni coach ang kaniyang palad sa akin. Pinunasan ko muna ang palad kong ginamit kong pamahid sa pawis ko sa noo kanina bago ko tinanggap ang pakikipagkamay ng dalawa sa akin. Magalang na akong nagpaalam pagkatapos at nang nasa loob na ako ng aking kotse ay doon lang ako tuluyang nakahinga ng maluwag. Bakit ganito? Bakit ako yung umiiwas sa taong unang umagrabyado sa akin? Hindi ko makalimutan ang lahat ng nangyari sa cubicle. Yung magkaharap kaming hubo't hubad. Yung parang may nagising sa aming kakaiba. Kakaibang para sa akin ay hindi katanggap-tanggap. Hindi katanggap-tanggap na gusto kong kalimutan. Yung alaala ng lahat ng kaniyang kabuuan. Anak ng... Hindi ako 'to! Nakita ko ang mga missed call at text ni Carla. Inisip ko kung tatawagan ko ba siya. Sasabihin ko ba sa kaniya ang lahat ng nangyari? May usapan kaming pupuntahan ko siya pagkatapos ng aming laro ngunit parang naubusan ako ng lakas at nawalan ng gana. Gusto ko na munang mapag-isa. "Pagod ako sa laro baby. Medyo masakit ang katawan ko. Bukas na lang tayo magkikita. Matutulog na ako. Gusto kong magpahinga." iyon ang na-type kong reply ko sa text niyang, "Asan ka na bhie? Tapos na ba ang laro?" Huminga ako ng malalim habang paulit-ulit kong binabasa ang irereply ko sa kaniya. Kung isesend ko ang text, ito ang unang pagkakataong magsisinungaling ako sa kaniya. Alam niyang kahit gaano pa ako kapagod sa paglalaro, pupuntahan at pupuntahan ko siya sa bahay nila o kahit saan niya balak kaming magkita. Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi ko alam kung anong mali. Wala lang talaga akong ganang makipagkita sa kaniya. May gumugulo sa aking hinding-hindi ko gustong bigyan ng kahit katiting na importansiya. Nang nagsashower na ako ay kabuuan ni Kyle ang gumugulo sa akin. Biglang tumitindig iyon. Hindi. Hindi puwede. Kahit kailan hindi iyon maari. Binilisan kong magshower at iniwasan kong hawakan ang akin. Hindi kasi puwede talaga kung ano ang noon ay naglalaro sa isip ko. Hindi ko kailanman pagbibigyan ang sarili ko sa gano'n! Magkamatayan man, hindi talaga puwede! Kahit nang nakahiga na ako sa aking kama at naka-dim na ang ilaw ko sa kuwarto ay parang hindi nawawaglit ang lahat nang nangyari sa isip ko. Sinikap kong makatulog at umaasang paggising ko ay tuluyang maglaho na lahat ngunit hindi ako dinadalaw ng antok. Kung sana ang pagpikit ng aking mga mata ay kasabay din ng pagtigil sa pag-iisip ng aking utak. Paulit-ulit-ulit na naiisip ko ang pagbunggong-bunggo ni Kyle sa puwitan ko habang naglalaro kami, yung galit ko sa kaniya, yung inis ko sa kabastusang ginagawa niya sa akin. Natatapos iyon sa mga nangyari sa loob sa cubicle. Ang kaniyang kahubdan, ang tikas niya, ang mukha, ang pangkalahatan. Nilalabanan ko namang huwag isipin ang mga bagay na yun ngunit kusa iyong lumabas. Ahhh! Anak naman ng putang uwak oh! Bumangon muli ako. Namuo ang kamao ko. Sinuntok-suntok ko ang nakabukas kong palad. Ngayon lang ako parang nasisiraan ng ulo. Gusto kong basagin ang mukha ni Kyle. Gusto kong magbugbugan kami. Sinira niya ang laro ko. Nagmukha akong bakla na pasukin siya sa cubicle niya dahil lang sa gusto ko siyang gantihan. Hinamon na lang sana niya ako ng bugbugan at hindi na ako nakapag-isip na gawin ang pagganti sa ganoong paraan. Panay ang text at tawag ni Carla ngunit hindi ko iyon sinasagot. Ni hindi ko magawang basahin ang kaniyang mga mensahe. Nagtalukbong ako. Pilit iwinawaksi sa aking isipan ang lahat ng nangyari. Kahit hindi ko lubusang naiintindihan ang nangyayari ay alam kong may mali. Hindi iyon tamang bigyan ko ng kahit katiting na pansin. Nagawa kong labanan ang silakbong iyon kinabukasan at nang mga sumunod pang mga araw. Pinilit kong kalimutan ang lahat sa piling ni Carla. Dumating ang araw para sa sumunod naming laban. Isinama ko na si Carla. Gusto kong lagi na siya sa tabi ko. Hinding-hindi ako papayag na malayo siya sa akin. Naniniwala akong sa ganoong paraan ay mas magiging buo ang pagmamahalan namin. Iyon lang ang tanging paraan para manatili yung kagustuhan kong siya lang ang tangi kong mamahalin. Ang taong bubuo sa aking buhay. Ang dapat lang na isipin ko't pahalagahan. "Bakit wala pa siya?" naramdaman ko ang pagpisil ni Carla sa palad ko. Alam ko kung sino ang tinutumbok niyang siya. Idol kasi naming dalawa ang hinahanap niyang iyon at isa sa dahilan kung bakit gustung-gusto niyang sumama ay para makapicture kasama si Kyle. Pangarap niya iyon. Actually, pangarap naming dalawa iyon... noon. "Pumunta ka ba talaga para sa kaniya? Hindi ba puwedeng huwag mo na lang lapitan o kausapin 'yon?" sagot ko. Bumunot ako ng malalim na hininga. "Di ba nga 'antagal nating gustong makapicture siya. Idol kaya natin dalawa si Santos." Tumitig siya sa akin. Napailing ako. "Baby, may problema ba kayo ni Kyle Santos?" tanong niya Gustung-gusto kong sabihin kay Carla na mali ang pagkakakilala namin kay Kyle. Na hindi naging maganda ang karanasan ko sa una naming pagkikita. Ngunit ayaw ko nang balikan pa ng alaala. Ayaw ko ding magtaka si Carla. "Sige, mamaya kapag dumating siya, kukuhaan ko kayo ng litrato sa phone mo. Am sure, atat kang gawing profile pic sa f*******: mo ang kuha ninyong dalawa." sinikap kong ngumiti. "Oh my God! Hayan na siya. Baby, hayan na nga siya." dumiin ang pagkakahawak ni Carla sa braso ko kasunod ng pagyugyog niya doon na parang kinikilig. Sanay na ako kay Kyle at sa nangyari no'ng nakaraan, wala na yung excitement na naramdaman ko noong una. Ayaw ko siyang lingunin sa kung saan nakatuon ang mga mata ni Carla. Wala lang siya sa akin. Mabubuwisit lang ako kung titignan ko siya. Iyon ang gusto kong maramdaman. Iyon naman talaga ang dapat kong maramdaman. "Baby, heto ha, hawakan mo ang phone ko. Makikiusap ako sa kaniyang kunan mo kami ng litrato." Naroon ang kilig sa boses ni Carla. Iniabot niya ang phone niya sa akin at mabilis na siyang lumayo. Bumunot ako ng malalim na hininga saka ako tumayo sa kinauupuan at hinarap sa kung saan sina Kyle at Carla. Pagtayo ko at paglingon ko ay nagtama ang aming mga tingin ni Kyle. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. Bumilis ang t***k ng aking puso, huminto ang aking mundo. Siya man ay nakatitig din sa akin. Naramdaman ko ang panginginig ng aking kamay at ang pangangatog ng aking tuhod. "Baby, ano, kunan mo na kami, bilis." boses iyon ni Carla. Inakbayan ni Kyle ang girlfriend ko. Nakangiti na din siyang tumingin sa akin. Ngumiti din ako sa hindi ko alam na kadahilanan. Titig na titig lang ako sa mga mata niyang nakatitig din sa akin. "Kunan mo daw kami ng litrato ng baby mo, Teng." nakangisi si Kyle. Nahimasmasan ako. Mabilis kong itinaas ang phone ni Carla. Naiinis ako sa hindi ko mapigilang panginginig ng kamay kong nakahawak sa phone. Nakikita ko sila sa screen. Nakangiti silang nakatingin sa akin. Ngunit kahit anong kagustuhan kong huwag pansinin ang noon ay makinis, maputi at guwapong mukha ni Kyle ay hindi ko magawa. Pilit kong ibinalik kay Carla ang aking konsentrasyon. Hindi ko kailangan magpahalata kay Carla. Kinunan ko sila hindi lang isang picture kundi nadamihan ko yata ng pagpindot dahil sa nararamdaman kong nerbiyos. "Okey na ba bhie?" tanong ni Carla. Tumango lang ako kasunod ng pagpunas ko sa namumuong mga pawis sa aking noo. "Thank you, idol." nilahad ni Carla ang kamay niya kay Kyle. Tinanggap naman iyon ni Kyle. "So, ikaw pala ang girlfriend ni Andrei. Glad to meet you Miss..." "Carla ho. Just call me Carla na lang po idol." "Okey, tatawagin kitang Carla in one condition." "What is it?" tanong ng nakangiting si Carla. "Just call me Kyle at huwag idol." "Sure! Thank you, Kyle. Bye." halata sa mukha ng girlfriend ko ang walang mapagsidlan niyang saya na sa wakas nakapapicture na niya ang idol namin at nakilala pa niya ito. "See you around." Binitiwan ni Kyle ang pagkakawahak niya sa palad ng girlfriend ko. Nang tumapat siya sa kinatatayuan ko ay tinapik niya ang balikat ko. "Paano, galingan mo sa laro mamaya pare ha? Lalo na't manonood pala ang girlfriend mo." Napasinghap ako. May kung anong kakaibang nangyari na di ko talaga maintindihan. Hindi ko siya sinagot. "Baby, 'ambait niya, saka ambango, ang gwapo talaga niya sa malapitan." kinikilig si Carla. "Ah gano'n. Parang mas kinilig ka pa do'n kaysa sa akin. E, kung kayo na lang kaya?" Naiirita kong sagot. Hindi ako iyon. Noon lang ako nagkagano'n. Kung bakit, hindi ko alam. "Nagseselos ka ba?" "Nagseselos? Ako magseselos? Hindi ah! Alam mo namang di ko ugaling magselos." sagot ko ngunit hindi ko maitago ang kung anong totoo. "Nagseselos ka nga! Uyy, nagseselos siya!" kiniliti niya ako. "Carla ano ba! Hindi nga ako nagseselos." namumula na ako sa inis. "E, bakit ang init ng ulo mo. Binibiro naman kita dati pero hindi ka ganyan mag-react. Anong nangyayari sa'yo?" "Wala." "Wala? Andrei, these past few days, ganyan ka. Minsan napaka-weird mo." "Wala nga, ano ba!" singhal ko. Bumunot ng malalim na hininga si Carla. Namumula. Hindi siya sanay na tinatrato ko siya ng ganoon. "Sige na, kailangan ko nang magprepare. Pagkatapos ng laro, pupuntahan na lang kita dito." matamlay at nanlalamig na paalam ko kay Carla. Naglakad ako palayo. Malalim ang iniisip. "Baby?" pahabol ni Carla nang nakalimang hakbang na ako palayo sa kaniya. "What!" hindi iyon tanong. Kataga ng napipikong tao. Mataas ang aking boses. "Wala. I'm sorry." umupo si Carla na parang nagulat sa inasta ko. Muli kong ipinagpatuloy ang aking paglalakad. Bigla kong naisip kung bakit ako tinawag ni Carla. Nakasanayan pala namin mula noon na bago ako aalis at maghahanda sa bawat laro ko at iiwan ko siya, pagkatapos ng tatlong hakbang ay bumabalik ako sa kaniya. Binubuhat at iniikot ko siya saka ko hinahalalikan siya sa kaniyang labi. Sa ilang taon naming ginagawa iyon, ngayon ko lang nakaligtaan. Kaya niya pala ako tinawag dahil doon. Nakapitong hakbang na ako. Nilingon ko siya. Gusto kong gawin kong muli ang nakalimutan kong iyon pero nakita ko na ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ni Carla. Binalikan ko siya at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry" bulong ko. "Bakit biglang nagbago ka, bhie? Hindi ikaw 'yan." Aminado ako. Hinalikan ko siya sa labi. "Sa mga nakaraang araw, anlaki ng pinagbago mo. Hindi mo na sinasagot ang mga text ko, hindi mo na ako pinupuntahan sa bahay, madalas anlalim ng iniisip mo at ngayon, eto, nakaligtaan mo na ang dati mong ginagawang kinasanayan ko tapos bubulyawan mo pa ako. May mali ba?" huminga siya ng malalim. Kitang-kita ko ang pagbagsak ng kaniyang luha."I mean, may bago ka na ba?" "Wala. Baby, wala akong iba." pabulong iyon. Niyakap ko siya saka hinalikan ang kaniyang labi. "I'm sorry. Pre-occupied lang ang baby mo sa laro niya. Alam mong napakaimportante sa akin ito kaya worried lang ako." pagdadahilan ko. "Sana nga bhie, iyon lang. Hindi ko kasi alam kung paano ko kakayanin kung malaman kong may iba ka nang mahal." Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata. "Walang iba. Hindi ako papayag na magkaroon ng iba. Kahit anong mangyari baby, ikaw lang. Ikaw lang ang gusto kong mahalin." Pangako ko iyon sa kaniya. Iyon naman talaga ang gusto kong mangyari. Pangakong noon ay may kaakibat ng agam-agam. Pagpasok ko sa aming locker ay naabutan ko ang ibang nagpapalit na. Karamihan sa kanila nakaboxer short lang. Isa doon si Kyle na idinaan lang niya sa akin ang kaniyang paningin. Binuksan ko ang locker ko at inilagay ko doon ang backpack kong naglalaman ng mga personal kong gamit. Nagtanggal ako ng damit ko at sandali akong lumingon kay Kyle. Sandali kaming nagkatitigan. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang katawan at ganoon din siya sa akin ngunit halos sabay kaming nagbawi ng aming mga tingin na para bang hiyang-hiya kami sa isa't isa. Maghuhubad sana ako ng jogging pants ko at isusuot ko ang aking jersey shorts nang natigilan ako. Dati, kahit pa nakaboxer brief akong paikot-ikot sa harap ng mga kalaro ko ngunit bakit parang hindi ko na magawa ngayon. Natapos na ang karamihan sa pagpapalit at palabas na sila. Tinungo ko ang shower room dala ang aking jersey short at doon ako nagpalit. Pagbalik ko sa locker room namin ay wala na ni isang naiwan pa doon. Inapuhap ko ang inhaler ko sa kung saan ko inilagay bago lumabas. Wala. Inilabas ko na ang backpack ko, lahat ng laman niyon ay inisa-isa kong tinignan, bawat bulsa nito ngunit wala ang inhaler ko. Alam kong nandoon lang iyon. Mula pagkabata ko, ni minsan hindi ko iyon kinakaligtaan unahing ilagay sa backpack ko at iyon din ang una kong ginawa kanina bago ako umalis ng bahay. Anak ng... Paano ako makapaglalaro ng maayos nito ngayon? Napaupo ako sa bakanteng bench sa gitna ng hilera ng mga lockers. Nasapo ko ang ulo ko. Iniisip ko kung paano ko matatagalan ang maglaro. Paano kung hihingalin ako at kululangin ako ng hangin? Muli akong tumayo at hinanap sa locker at bag ko ang inhaler ko. Baka lang di ko nakita. Umaasang nandoon lang iyon. "Teng? Ano, nasa labas na lahat ang buong team. Ikaw na lang hinihintay." si Coach ang sumilip. "Sunod na ako coach. Palabas na po ako." Sagot kong kinakabahan. Tumayo ako. Kailangan kong ituloy ang paglalaro. Sa team namin kumampi si Kyle. Ito yung pinapagarap ko noon. Ito yung gusto kong mangyari. Ang maglalaro kaming dalawa sa iisang team para maipakita ko at sa lahat na kami ang bagay sa isang team. Mas magiging malakas ang puwersa namin kung pagsasamahin kaming dalawa. Kinakabahan ako. Sana kahit hindi ko nagamit ang inhaler ko bago sumabak sa laro ay hindi ako hihingalin. Tumabi si Kyle sa akin. Dumistansiya ako. Muling lumapit. Parang nanadya. Hindi na ako tuminag palayo ngunit buo na ang kamao ko. Naramdaman kong nagkiskisan ang aming mga braso. Iba ang init niyon. Hindi ko siya nilingon kahit pa ramdam ko siya. Binunggo niya ang siko niya sa tagiliran ko. Hindi ko pinansin ngunit ipinakita kong namumuo na ang kamao ko at handang bigwasan siya kung di pa niya ako titigilan. "P're..." pabulong. Alam kong nagpapansin na siya sa akin. Hindi ko pa din siya nililingon. Manigas siya! "Uyy pare!" bulong niya kasabay ng pag-akbay niya sa akin. Dama ko ang pagsayad ng kili-kili niya sa aking balikat. "Ano ba?" pabulong kasabay ng pagtingin ko sa kaniya ngunit hindi ko tinanggal ang pag-akbay niya. "Suplado lang o nagtatampo?" "Pareho." "Astig!" "Puwede ba, huwag mo na naman akong asarin." nilingon ko siya. Ngumiti siya. Halatang pa-kyut na ngiti. Napalunok ako. Anak ng... ano 'to? Bakit ganito ako sa kaniya? Dapat dito binibigwasan ng suntok sa panga. "Ano kasi, kailangan nating maging team ngayon p're." "Talaga lang ha! Ikaw ba 'yan?" sarkastikong sagot ko. "Kailangan nating ipanalo ang laban. Gusto kong makita nila na magiging maayos ang team-up nating dalawa. Suportahan mo ako, susuportahan kita." bulong niya. Gusto ko 'yon. Hindi naman pala talaga siya kasinsama ng iniisip ko. Nagbago yata bigla ang ihip ng hangin? "Anong nakain mo't bigla yatang naputol ang sungay mo?" pabulong pa din. "Wala. Gusto ko lang na magiging maayos ang laro natin. Gusto ko lang na makuha mo ang pinapangarap mo. Gusto ko din na sana sa iisang team tayong dalawa." tinanggal niya ang pagkaka-akbay niya sa akin saka niya ginulo ang buhok ko. Namula ako. Namiss ko iyon sa amin. Biglang parang ang lahat na nangyari noong bata pa ako ay bumalik lahat. Nawala ng gano'n gano'n na lang kabilis yung inis ko sa kaniya. Kung bakit, hindi ko alam. Nang muli niya akong kinindatan at itinaas niya ang kamay niya para makipag-apir sa akin ay totoo na ang ngiti ko sa labi. Nang tinanggap ko ang apir niya ay parang tuluyang lumiwanag ang paligid ko. Pakiramdam ko, napakasaya ko nang mga sandaling iyon. Tulad ng nakagawian, kami uli ni Benjie sa jumpball. Bago pa man ako tumalon at bago pinakawalan ang bola ay hinanap ko na kaagad kung nasaan si Kyle. Sa direksiyon kung saan siya nag-aabang ay doon ko tinapik ang bola. Nakuha niya. Tumakbo ako para suportahan siya. Nang na-block siya ay sa akin niya ipinasa ang bola. Si Benjie ang gumagwardiya sa akin. Madali ko siyang nalusutan. Itinira ko ang bola ng 3 points... Pasok! Lumapit pa si Kyle sa akin at tinapik ang braso ko. "Good job!" nakangiti niyang wika na siyang lalong nagpagaan sa loob ko. Ito yung hinihintay kong pagkakataon. Dumating na yung sandaling pinapangarap ko. Naging maganda ang laro nang simula. Ngunit napansin kong parang pinapagod ako ng husto ni Kyle. Kahit tagilid na ay ipinapasa niya sa akin ang bola. Kailangan ko iyong habulin. Madalas din ay libre sana siyang tumira ngunit sa akin niya pa din ipinapasa. Hanggang sa nahihirapan na akong huminga. Nauubusan ako ng hangin. Hindi ako makasabay sa liksi niya. Hanggang sa kahit hawak ko ang bola ay pakiramdam ko pagod na pagod akong i-dribble pa iyon. Umaatake na ang hika ko at hindi ko alam kung paano ko mapanatili ang tindi ng laban. Kailangan kong patunayan ang sarili ko, gusto kong makita ng lahat na kami ni Kyle ang dapat magkasangga sa laro ngunit paano ko ngayon gagawin iyon, ngayong nilalamon na ako ng kakulangan ng hangin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD