TATAPATAN KITA

4195 Words
(Note from the Author: Hindi ako bihasa sa mga terminologies sa basketball, hindi din ako nanonood o kahit fan lang ng PBA para alam ko yung pasikot-sikot nito. Maaring may mali sa ilang bahagi lalo na sa technicalities ng larong basketball o sa kung paano ang talagang proseso sa PBA. Nagbasa man ako at nagkaroon ng pahapyaw na pagsasaliksik ngunit alam kong may kulang o sobra pa din kaya sana, kayo na lang po ang pupuno sa kung anong kulang at magbabawas sa kung anong sobra. Ang mahalaga lang sa akin sa ngayon at ang ipupunto ko sa kuwento ay ang buhay at pag-ibig nina Andrei at Kyle) KYLE's Point of View Nang tanungin ako ni Andrei kung anong kasalanan niya sa akin, nagpigil muna akong sabihin sa kaniya ang totoo kahit pa gustung-gusto ko nang ilabas ang lahat ng hinanakit ko sa kaniya. Bigla kasing naisip ko na hindi sa pagsasabi ng hinanakit ko ang mas mahusay na paraan para gantihan siya. Mas nanaig yung kagustuhan kong ipalasap din sa kaniya yung hirap na pinagdaanan ko para lang marating ko kung nasaan man ako ngayon. Ako ang magiging hadlang niya sa kung anuman ang kaniyang pangarap. Alam kong nakapahalaga sa kaniya ang mapabilang siya sa aming team at may magagawa ako para pahirapan siya kundi man tuluyang biguin siya sa pagkamit ng kaniyang tagumpay. Nang naglalaro na kami, ginawa ko ang lahat ng paraan para umangat si Benjie laban kay Andrei. Katunayan, nahirapan akong hanapan si Andrei ng paraan para masira ko ang concentration niya. Magaling siyang maglaro, inaamin ko iyon. Malaki na nga ang ipinagbago niya. Ang tikas ng kaniyang katawan, ang bilis niya at lakas sa paglalaro idagdag pa ang pagiging shooter niya ay hindi basta-basta maisantabi. Hindi gano'n kadaling mapataob ang taong may kakayahan sa pinapasok niyang mundo. Bigla akong kinabahan, kung hindi ko kayang supilin ang kaniyang pag-angat, malaki ang posibilidad na aagawin niya ang lahat ng kung anong meron ako sa ngayon. Nasanay na ako sa taas. Gusto kong tapatan kundi man lagpasan ang narating ni Alvin Patrimonio. Gusto kong mangibabaw sa mundo ng basketball ngayon at kahit sa panahong reterado na ako, dapat kikilalanin pa din ako ng mga susunod na henerasyon. Uhaw pa ako sa katanyagan. May mga gusto pa akong patunayan. Pero sa pagdating muli ni Andrei sa buhay ko, mukhang isa siyang malaking balakid sa akin. Anong meron siyang kamalasang dala-dala sa buhay ko? Hanggang sa nahanapan ko din siya ng isang kahinaan. Nang maramdaman kong medyo iritado siya sa tuwing nabubunggo ang katawan ko sa kaniya, nawawala ang konsentrasyon niya sa tuwing masagi ng bahaging iyon ng harapan ko ang kaniyang puwitan o kaya sa kaniyang tagiliran. May kalakihan ang katawan ni Andrei, guwapo. Hindi man siya maskulado ngunit ang kinis ng kaniyang balat na binagayan ng maamo niyang mukha ay maaring sabihin na nasa kaniya ang isang kainosentehan. Sa unang tingin, aakalain ng iba na hindi siya kailanman sasabak sa kahit anong gulo. May gusto akong palabasin, ang kung paano siya magalit. Kung hindi ko kontrolado ang laro niya ngayon sa court, kaya kong diskartehang ilabas ang nakatagong kademonyohan sa likod ng inosente niyang mukha. Susubukin ko siya kung hanggang saan ang kaya niyang pagpipigil. Hindi ko siya titigilan hangga't alam kong hindi pa naabot ang rurok ng kaniyang pagtitimpi. Ilang sandali pa't hindi nga ako nabigo. Sumabog ito sa harap naming lahat. "Tang ina p're nakakabastos ka ah! Ano bang gusto mong patunayan ha!" singhal niya sa akin. Natigilan hindi lang ang buong team na naglalaro kundi pati ang mga kinauukulang may hawak ng susi sa pagpasok niya sa aming team. Nanlaki ang mga mata ko hindi dahil sa nagulat ako kundi dahil alam kong nahulog na siya sa bitag ko. Kumagat na ang plano ko. Nakita ko ang pagtayo ng tatlong sumusuri sa kaniya. Cool lang ako. Gusto kong siya ang lalabas na pikon. Nakangiti lang akong tumingin sa kaniya at sa iba pa naming mga ka-team. "Gago ka ah!" Tinulak niya ako agad sa magkabilang balikat nang lumapit siya sa akin. Noon ay hindi ko na napanindigan ang maging cool pa. Mabilis na tumaas ang dugo ko. Gusto ko na siyang patulan. "Bakit p're. Inaano ba kita? Naglalaro lang tayo, dumidepensa ako. Paanong nababastos kita!" singhal ko sa kaniya kasunod ng pagtulak ko din sa kaniya katulad ng ginawa niya sa akin. Halos mapaupo siya sa lakas. Mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin. Hinayaan ko lang siya. Hindi ko susuntukin sa harapan ng lahat ngunit inihanda ko ang aking mga kamao. Kung siya ang uuna, pagbibigyan ko siya sa hinahanap niya. "Kunyari ka pa! Iba ka dumipensa p're. Bakla ka ba?" nagngingit niyang bulong sa akin. Halos magbunggo na ang aming mga pisngi. Amoy na amoy ko ang kaniyang pabango na umaalingasaw kahit pa pinagpapawisan siya. Kitang-kita ko din ang galit sa kaniyang mga mata.  Nagpanting sa tainga ko sa ibinulong niyang iyon. Sobra kong ikinapikon ang sinabi niya sa akin. Wala ni isa ang nangahas na sabihan ako ng bakla! Nambabakla ako noon, aminado ako doon pero hindi ako bakla. Wala sa isip, sa puso, sa pananalita at kilos ko ang isipin ng kahit sinong binabae ako. Hindi ko napigilan ang sarili kong muli siyang itulak. "Tang-ina ka! Ikaw pa lang ang nagsabing bakla ako! Sige, tignan natin kung sino sa atin ang bakla!" hindi ko na napigilan ang sarili kong singhalan siya. Lalong nanigas ang aking kamao. Handang makipagbasagan ng mukha. Nagtawanan ang ilan naming ka-team na noon ay nakapalibot na sa amin. Nanginginig na din ang kaniyang kamao. Hinanda ko na din ang sarili kong labanan siya. Ngayon ko maibubuhos yung naipong galit ko sa kaniya na dinagdagan pa niya sa pagsabi sa akin na binabae ako. Naroon ang girlfriend ko at isang kabastusan na tawagin ako ng kahit sinong bakla ako. Ang pagkakamali lang niya, siya ang nagmumukhang pikon at karapatan ko lang na ipagtanggol ang sarili ko. Lalo na kung pagkatao ko na ang sinisira. Bago niya ako mabibigwasan ng suntok, sisiguraduhin kong siya ang unang matutumba. Ngunit bago pa niya ako malapitan at mabigwasan ay pumagitna na ang referee namin. Noon ay kumilos na din ang mga kateam namin para awatin kami at di na makapagpang-abot pa. "Teng! Santos! Lumapit nga kayo dito!" tawag ni coach sa amin. Tinanggal ko ang mga kamay ng mga kateam kong nakahawak sa akin at ganoon din ang iba pa kay Andrei. Masama ang tingin namin sa isa't isa. Nauna akong naglakad ngunit gusto kong maging alisto. Mahirap na, baka lumalaban siya ng patalikod. Ayaw kong padehado. "Anong nangyayari?" tanong ni Coach Paras sa akin. "Coach bakit ako ang tinatanong ninyo? Hindi ako ang nagsimula ng gulo." kalmadong sagot ko. Kilala ako ni coach, astig at siga sa laro ngunit hindi ako ang nangunguna sa kahit anong gulo. "Mr. Teng, unang laro mo palang napapalaban ka na. Ano yung narinig kong nakakabastos? Paano ka nabastos ni Santos?" Nagkatinginan muna kami. May nakahanda na akong sagot kung sakaling ipagpilitan niyang binabastos ko siya. Natawa lang ako sa kaniya lalo na nang nakita kong nataranta siya at hindi siya makasagot sa tanong. Babae lang sa alam ko ang ipagpilitang pambabastos ang ginawa ko. Pwede din sa baklang Maria Clara. Ngunit yung barako at manlalaro na kagaya niya, sabihing binabastos siya sa larong may body contact naman talaga, iyon ang lalong nagpangisi sa akin habang tinitignan ko siya sa mata. Narinig ko ang pagbunot niya ng malalim na hininga at ang matalim niyang mga mata na nakatitig sa akin ay biglang umamo bago siya nagsalita. "Wala coach. Pasensiya na!" "Teng, body contact is part of playing basketball. Hindi ka na baguhan dito. Alam kong alam mo na may pagkakataong magalaw ka ng mga kalaban mo. Magiging professional player ka na and I need you to be a good player hindi lang sa galing sa pagtira ng bola kundi pati ang pakikisama at tamang ugali sa paglalaro. Play as hard as you can to win but please, lawakan mo ang pang-unawa mo at pasensiya." pananabon ni Coach Paras sa kaniya sa harap ko. "Naiintindihan ko coach! Sorry." mapagkumbabang sagot niya at tuluyan nang bumalik ang inosenteng mukha niya nang nakatingin siya kay coach ngunit nang lumipat ang mga mata niya sa akin ay naroon pa din ang tinatago niyang bangis ng kaniyang pagkatao. Napansin ni coach iyon kaya tinapik niya ang balikat naming dalawa. "Ayusin ninyo ito. Bibigyan ko kayo ng dalawang minuto na mag-usap na kayong dalawa lang. Pagkatapos ay bumalik na kayo doon at tapusin ang laro." mahinang wika ni coach bago siya umalis. Hinarap niya ako. Humarap din ako sa kaniya. Nagkatitigan kami. Ayaw kong matalo sa titigang iyon. Napansin ko tuloy ang kabuuan ng kaniyang mukha na para bang biglang naipinta iyon sa aking utak. Tatlompung segundo na siguro ang nasasayang ngunit nakatingin lang kami sa isa't isa. Kapwa may galit sa aming mga mata. Walang gustong pumikit, walang gustong magpatalo. Hindi niya mahihintay na ibaba ko ang pride ko. Ako pa din ang mas matanda sa aming dalawa. Siya pa din ang nanghamon sa akin. Siya pa din ang may utang na loob sa akin. Kitang-kita ko ang pagbasa ng dila niya sa kaniyang mamula-mulang labi. Sa pagbunot niya ng malalim na hininga ay tuluyang lumabas ang mapupungay niyang mata hanggang nang sumilay ang ngiti sa kaniyang labi ay siya namang paglabas ng kaniyang mga biloy. Fuck! Ngayon lang sa buong buhay ko nakipagtitigan sa kagaya ko ng kasarian. Oo, naging expert ako sa pagpapasaya sa mga baklang pinarehan ko noon ngunit ni minsan hindi ko nagawang makipagtitigan. Ni hindi ko naranasang nagpahalik sa labi. Ngayon lang ako nakipagtitigan ng malapitan. "Pasensiya na p're." inilahad niya ang kaniyang palad. "Ngayon ko lang ibababa ang pride ko dahil minsan sa buhay ko, nailigtas mo ako sa kapahamakan. Iyon lang p're. Iyon lang ang tanging dahilan kung bakit ako nagpapakumbaba sa'yo ngayon. Ngunit tandaan mo, ngayon lang 'to. Oras na bastusin mo akong muli, kakalimutan ko ang utang na loob ko sa'yo." "Nakikipagbati ka ba o nagbabanta? Huwag na tayong magkamay kung may kasamang pananakot, saka ako talaga pre? Ako ang tatakutin mo sa ganyang mga banat mo sa akin? Sino ka ba?" tinignan ko siya pataas pababa at ibinalik kong muli ang mga mata ko sa kaniyang mukha. Alam kong pinigilan niya ang sarili niya para hindi magalit sa sagot ko sa kaniya lalo pa't alam niyang nakatingin pa din sa amin ang mga may hawak ng kaniyang kinabukasan sa PBA. Kailangan niyang magpakitang gilas at ayusin ang gusot niya kanina. Hindi niya ibinaba ang palad niyang nakikipagkamay sa akin. "Okey, sorry na. Kasalanan ko na." matipid niyang bulong sa akin. "Walang please? Wala bang katiting na pagmamakaawa?" pinigilan kong matawa. Gusto ko siyang lalong asarin. Nakikita ko din kasi sa kaniya ang aking pagkatao, matapang, matigas, walang gulong uurungan. Ngunit hindi niya ako tatalunin. Hinding-hindi siya kakasa sa akin. "Okey, sorry na..." "Hindi ko tatanggapin ang sorry mo nang ganun lang..." Napakamot siya. Tumitig siya sa akin. Halatang hindi siya yung tipong magmamakaawa. "Anak ng teteng naman oh! Bakit kailangan kong magplease!" "Ayaw mo? Ikaw din, nakatingin sila sa atin. Mabuti nga hindi pa kita pinapaluhod e." Nakagat niya ang labi niya. Humugot siya ng malalim na hininga. Yumuko muna siya sandali at kasabay ng paglahad ng kaniyang palad ang muling pagtitig niya sa akin. "Okey. Sorry na p're...please..." Ngumiti akong patango-tango. Saka ko tinanggap ang pakikipagkamay niya. Palakpakan ang ilan naming kateam mate. "Bagong love team ah! Masaya to!" sigaw ng pinakaalaskador sa grupo naming si Tony. Siya ang madalas nagpapasimuno sa mga kalokahang ganoon. "Ligawan niya muna ako!" pabirong sigaw ko at inakabayan ko siya habang naglalakad na kami pabalik sa court. Ang akbay na iyon ay pakitang gilas lang. Walang kahit anong ibig sabihin sa akin. "Saka humanda siya, malaki akong manghingi ng sustento." dagdag ko pa na may kasamang kindat at iyon ang lalong nagpatawa sa lahat. Nang tanggalin niya ang kamay kong nakaakbay sa kaniya ay nahuli ko siyang namumula. Sanay ako sa asaran. Kung hindi siya marunong makisabay, paniguradong kakainin ko siya ng buhay. Ang tanging ipinagtataka ko ay kung bakit siya apektado sa mga ganoong biruan at sa ginawa kong pagbundol-bundol ng hinaharap ko sa kaniyang puwitan o bahagi ng kaniyang katawan. Ang tunay na lalaki, hindi niya iyon dapat pinapansin ngunit bakit si Andrei, daig pa niya ang babae kung umarteng binabastos daw. Hindi kaya... Napailing ako. Hindi naman siguro. Natapos ang unang laban na kami ang panalo. Hindi doon tumigil ang pang-aasar ko sa pagdepensa sa kaniya. Matigas yata ang ulo ko. Kung mapipikon siyang muli sa ginagawa ko, siya ang lalabas na pikon. "Pagkatapos ng laro nating ito? Humanda ka sa sinimulan mong maduming laro, pre. mag-enjoy kang asarin ako pero huwag kang kampanteng di kita gagantihan." bulong niya a akin habang nagdi-dribble siya ng bola. Kahit alam kong sumasabog na siya sa inis ay wala na siyang magawa kundi ang piliting maging kalmado. Nagpakita man si Andrei ng galing sa paglalaro ngunit nadaig siya ni Benjie sa dami ng naipuntos dahil sa suporta ko. Isa pa, nagtagumpay akong sirain siya sa dapat ugali ng isang propesyonal na manlalaro. Madaling uminit ang kaniyang ulo sa walang kakuwenta-kuwentang bagay. Doon palang lamado na si Benjie sa kaniya. Sumenyas na muna ako kay Anne na magshower muna ako bago kami tutuloy sa aming lakad. Siya kasi ang mapilit na hintayin na lang na matapos ang ensayo at para na din daw mabantayan niya ako. Sa lahat ng mga naging girlfriends ko, si Anne lang ang tanging tumagal. Mas mahal ko kasi ang larong basketball kaysa sa babae. Bonus na lang sa akin ang magkagirlfriend. Masarap din kasi na pagkatapos ng laro ay may makakasama ka habang nagrerelax. Yung kapag nalibugan ay may nilalaro din sa gabi. Iyon noon ang tingin ko sa mga babae ngunit iba si Anne. Naramdaman ko ang pagmamahal niya sa akin. Dahil doon ay minahal ko na din siya. Nakapagdesisyon na ako na siya na nga huling babae sa buhay ko. Inaayos na namin ang aming kasal. Pagod na ako sa papalit-palit na babae. Gusto ko nang magkaroon din ng sariling pamilya. Mga anak na siyang pupuno sa aking pagkatao. Pamilyang pupuno sa aking kakulangan. Kung magkaroon ako ng anak, hinding-hindi ko gagawin ang ginawa ni Papa sa akin na pigilan ako sa gusto kong gawin sa buhay. Sana napapanood niya ako sa bawat laban ko. Sana natanggap na niyang ito ang gusto kong buhay. Nagiging matagumpay ako sa kabila ng kawalan niya sa akin ng suporta. Pagpasok ko sa sa shower room ay napansin kong sa dulong bahagi na lang ang walang gumagamit. Nakatapis na lang ako noon ng tuwalya. Isinara ko ang pintuan ng shower cubicle ngunit hindi ko na iyon kinandado pa. Ugali na kasi namin ang ganoon. Isa pa, alam ng kahit sino na may gumagamit lalo na at kita naman sa labas ang repleksiyon ng naliligo at ang bukas na shower. Wala akong iniwang kahit anong saplot sa aking katawan. Napapikit ako nang dumantay ang malamig na tubig. Hinintay ko munang uminit ito ng tuluyan. Nakapikit kong dinamdam ang unti-unting pag-init ng tubig na binubuga ng shower sa aking mukha. Hanggang sa naramdaman kong parang may pumasok sa aking cubicle. Lumingon ako. May pumasok nga. "Tang-ina naman p're!" Mabilis kong sinapo ang nakabuyangyang kong talong para hindi niya iyon makita. Tumalikod ako at alam kong tumambad sa kaniya ang maumbok, makinis at lalaking-lalaki kong puwitan. Wala naman akong magagawa pa para itago pa iyon sa kaniya. Lalaki kami pareho, wala dapat iyon malisya ngunit hindi ako sanay na nakahubad sa harap ng kapwa ko manlalaro. Puwede sa mga baklang nagnanasa sa akin ngunit sa kapwa ko astig at tigasin? Hindi ako sanay. Kung sa iba, ginagawa nila iyon na parang wala lang, ako kasi, hindi ako komportable sa ganoon. "Di mo ba nakikitang may taong gumagamit? Puwede, maghintay ka sa labas!" pabulong iyon dahil ayaw kong marinig ng iba pang kasamahan naming nagsa-shower. Napailing siyang ngumiti na parang wala siyang narinig. Puwede ko lang siyang ipahiya sa pagkakataong iyon ngunit nagpigil ako. "Putcha naman eh! Nanadya ka ano?" inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya para magkarinigan kami dahil malakas ang lagaslas ng tubig. Gusto kong makuha ko siya sa galit kong boses at talim ng aking mga mata. Sinadya ko ding ipakita ang paninigas ng aking mga kamao. "Ito ang gusto mo di ba? Bastusan?" pabulong din niyang sagot. Hindi ko nga siya masisindak. Inilapit niya ang kaniyang noo sa noo ko na halos magkaamuyan na kami ng hininga. Ni hindi siya umaatras. Ang ginagawa niyang pagtanggal sa tapis niyang tuwalya ang lalong ikinairita ko. Nang sumayad ang ulo ng kaniyang saging sa aking tagiliran ay may kakaibang init ako doong naramdaman. Ngunit sandaling-sandali lang iyon dahil pakiramdam ko ay binabastos niya ako. Doon na lalong kumulo ang dugo ko. "Lumabas ka at patapusin mo muna akong magshower o makakatikim ka sa akin." Hindi na iyon pagbabanta o pananakot. Gagawin ko iyon sa kaniya kung di siya susunod sa ipinag-uutos ko. "O, ngayon, alam mo ang pakiramdam na gusto mong mag-focus sa ginagawa mo ngunit may isang taong pasimpleng sumisira sa mga diskarte mo. Ikaw p're maliligo ka lang eh, ako, yung ginawa mong pagsira sa konsentrasyon ko kanina sa paglalaro, akala mo ba simpleng laro lang iyon sa akin? May pinatutunayan pa ako sa lahat. Inilalaban ko sa mga sandaling iyon ang pangarap ko. Naglalaro ako tol, para magtagumpay ngunit imbes na suportahan mo ako, gumagawa ng kabastusang sa akala mo hindi ko nararamdaman. Tapos ngayong babawian ka, ikaw itong akala mo unang naagrabyado." Napalunok ako. Nawala bigla yung tapang ko. Alam ko kasing may punto siya sa mga sinabi niya. Dama ko yung galit at pagdaramdam sa kaniyang mga mata. Tumalikod ako sa kaniya. Gusto kong bilisan na lang ang paliligo nang makalabas na. Bahala na kung nakikita niya ang kahubdan ko. Makinis at maskulado naman ako, isa pa pareho kaming lalaki. Iyon ang gusto kong isipin sa mga sandaling iyon. Hanggang sa lantaran na ang pagbunggo ng kaniyang saging sa puwitan ko. Nang una sa isang pisngi ng puwit ko hanggang sa muling dumantay ang mainit-init na iyon sa gitna ng puwitan ko. "Anong pakiramdam nang binubunggo ka ng ganito p're? Masarap ba ha? Nag-eenjoy ka ba p're?" paanas iyon lalo pa't inigihan na niya ang pagdantay ng mainit niyang katawan sa aking katawan at ang pagbunggo ng medyo naninigas na iyon sa aking likod. Humarap ako sa kaniya at mabilis kong itinulak siya sa pader at kaagad kong idinagan ang bisig ko sa kaniyang dibdib at itinaas ko ang isang kamao ko para suntukin siya sa mukha ngunit sa pagkakataong iyon, tumapat ang dibdib ko sa dibdib niya. Naglapat ang mainit niyang katawan sa akin at ang tuluyang pagsalubong ng saging niya sa talong ko. Natigilan kaming pareho. Hindi ko alam sa mga sandaling iyon kung paano ko ilalabas ang galit ko sa kaniya samantalang may kakaibang nangyayari sa biglang pagdantay ng kaniya sa akin. Unti-unting tumayo iyon at alam kong ramdam niya ang pagtutok ng galit kong talong sa pagitan ng kaniyang hita. Sandali kaming nagkatitigan Napahiya ako. Hindi ko alam kung bakit biglang gano'n ang nangyari. Gusto kong patungan ang kahihiyang iyon. "Tang-ina! Hindi ka makuha sa pakiusap ha!" Isang malakas na suntok sa panga niya ang pinakawalan ko. Ngunit hindi siya nagpatalo. Naramdaman ko ang malakas din niyang pagsuntok sa sikmura ko. Nanigas iyon at nahihirapan akong huminga. Naglayo ang dati ay magkalapat naming katawan. Humihingal ako at siya man ay sapo niya ang sinuntok kong panga niya. Kitang-kita ko ang kahubdan niya, ang may kalakihan at katabahang iyon na binagayan ng maputi at makinis niyang katawan ngunit sandaling-sandali lang iyon. Napadaan lang aking paningin ko habang sapo ko pa ang naninigas kong sikmura . Siya man ay nakatingin sa kahubdan ko ngunit kita namin ang unti-unti pagtulog ng mga nagising na iyon ng aming pagka-Adan. Lumapit siya sa akin na hinihimas-himas pa niya ang namumula niyang panga ngunit sa pagkakataong ito hinding-hindi na siya makakapagbitaw pa ng suntok sa akin. Matigas ang kaniyang kamao at kahit hirap ako ay nakaamba na ang aking isang paa para sipain siya. "Gusto mo talaga ng gulo? Hindi kita aatrasan." matapang niyang wika. "Sa tingin mo, aatras ako sa'yo, gago!" singhal ko sa mahinang tono dahil mukhang parang nakahalata na ang nasa kabilang cubicle. Napansin ko ang pagpatay ng maingay na shower faucet na para bang nakikiramdam na. "Sinong nandiyan? Ayos ka lang ba 'pre?" boses iyon ni Tony. Nagkatitigan kami ni Andrei. Kailangang may sumagot na isa sa amin. Naghihintayan. "Ano? May narinig akong mga kalabog diyan ah. Kung sino ang nandiyan, ayos ka lang ba, pre?" "Ayos lang p're. Nadulas lang." sagot ko kasabay ng pagtitig ng masama kay Andrei. "Ingat lang pareng Kyle." sagot ni Tony saka niya muling binuksan ang shower niya. Hinablot ko ang tuwalya ko para itago ko ang bahaging iyon ng aking katawan kay Andrei. Lumapit siya sa akin. Nagsalita siya ng pabulong. "Ni minsan hindi ako natatakot sa kahit kanino. Kung sanay ka ng gulo, bihasa din ako diyan. Kung astig ka at siga, nakahanap ka ng katapat mo p're. Maaring mas mukha kang sanggano sa akin ngunit p're, nagkakamali kang taong gustong apihin." "Anong akala mo? Natatakot ako sa'yo?" pabulong kasabay ng malakas kong pagtulak sa kaniya ngunit hindi man lang siya natinag. Hinahawakan niya ang kamay kong ginamit ko para itulak siya. Hinila niya ako palapit sa kaniya. Muling dumantay ang hubad kong katawan sa kaniya. "Sige, magbugbugan tayo ditong dalawa ngayon. Iisa lang ang sisiguraduhin ko, kapwa tayo masisira, 'yun nga lang, wala pa akong career, wala dito ang girlfriend ko at puwede ko ding sabihing ikaw ang unang pumasok dito sa cubicle. Hindi kasinlaki ng mawawala sa'yo ang mawawala sa akin p're. Hindi pa ako sikat para masira sa mga usap-usapan. Kung madumi kang maglaro, sanay din akong magtampisaw sa putik." pagkasabi niya doon ay bigla din niya akong itinulak. Ngunit katulad niya. Hindi din ako nagpatinag. Nahawakan ko ang kamay niya at pinisil at pinilipit ko iyon. Namula siya sa sakit. "Ano ha! Astig ka? Kakasa ka sa akin? Bata ka pa boy! Hindi mo pa ako kakayanin gago!" bulong ko sa kaniya ngunit sa kalalaban niya ay hindi maiwasang maidampi ang labi ko sa puno ng kaniyang tainga at sa pisngi niya. Ang nagwawala niyang hubad at may kalambutang katawan ay bumunggo sa aking katawan. Ngunit mas nanaig sa akin ang sidhi ng galit sa ginagawa niyang paglaban kaya buong lakas ko pa siyang pinilipit muli at habang hindi siya makakuha ng pagkakataong lumaban ay isinabay kong binuksan ang pintuan ng cubicle saka buong lakas ko siyang itinulak at sinipa na hubo't hubad. Sumadsad siya sa di kalayuan. Hinablot ko ang hinubad niyang tuwalya at ibinato ko din iyon sa kaniya. Mabuti nga at naisipan ko pang bigyan siya ng kahihiyan. Muli kong isinara ang pintuan. Nanginginig ako sa magkakahalong kakaibang emosyon. Ngayon lang ako nakaranas na tapatan ng kagaya ni Andrei. Marunong siyang lumaban. Ngunit hindi ako sa kaniya patatalo. May isa pa akong alas para hindi siya magtagumpay. Lalo niya akong binigyan ng dahilan para tuluyan siyang mawala sa aking landas, Ngunit sa kabila ng galit at kagustuhan kong sirain siya ay may kung anong init akong naramdaman. May kung anong kakaiba na nangyari sa amin na siyang nagpainit sa akin lalo. Gusto kong ilabas iyon. Kinuha ko ang tuwalya ko at dali-daling lumabas ng cubicle. Hindi ko na naabutan pa si Andrei sa labas. Alam kong nakapasok na siya sa isang cubicle at nagshower na din. Mabilis akong nagpalit. Pinuntahan ko ang girlfriend kong si Anne. Tahimik lang ako. Malalim ang iniisip. Naguguluhan. "Di ba nga may lakad pa tayo? Bakit bigla naman yata ang pagyaya mo sa condo mo?" "Sandali lang 'to. Namiss kita." bulong ko kay Anne. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko. Gusto kong ilabas ang init sa aking katawan at alam kong siya lang ang puwede ko doong paglabasan no'n. "Weird. Hindi ka naman dating ganyan Hon." Bulong niya pagkapasok namin sa elevator. Hinaplos niya ang dibdib ko. "Bakit, masama bang minsan hot na hot at di nakakapagpigil ang soon to be husband mo sa'yo?" bulong ko. Hinila ko siya at niyakap. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa condo ko ay nagwawala na ang hindi ko maintindihan kong nararamdaman. Kakaibang libog. Yung parang may kung anong sumapi sa aking pangkalahatan. Naroon yun galit at inis ko kay Andrei. Hindi nawala sa isip ko ang kabuuan niya habang buong init kong pinakakawalan ang init ko na iyon kay Anne. Ibang-iba ako sa kama ng sandaling iyon. Agresibo, palaban, malakas at wild. Hindi ko alam kung paraan ko lang iyon para tuluyang ilabas ang galit ko kay Andrei o may isang bagay lang na nabuksan sa aking pagkatao. Nakapikit ako habang nagsisiping kami ni Anne. Siya man ay alam kong sarap na sarap sa ginagawa ko sa kaniya. Ramdam ko iyon sa malakas niyang halinghing. Sumasabay siya sa aking pag-indayog at kasabay ng pagmumura ko ang malakas niyang halinghing nang marating namin ng sabay ang rurok ng kasarapan. Ang di ko lang nagustuhan ay ang biglang pagrehistro ng bahaging iyon sa katawan ni Andrei. Buong siya ang parang biglang nagpakita sa aking balintataw habang pinapakawalan ko ang dagta ng kasarapan sa kaloob-looban ng aking girlfriend. Weird! Hindi ko maipaliwanag ngunit hindi ko iyon gusto. Kailangan tuluyang mawala si Andrei sa mundo ko. May isa akong alam na paraan para manghina siya sa gitna ng aming laro. Hindi ko gustong makita pa siya. Hinding-hindi siya makapapasok sa team na kinabibilangan ko. Ako ang sisira sa kaniyang pangarap. Planado na ang lahat ng gagawin ko sa susunod naming laban. Hindi niya alam kung gaano ako kasamang kaaway. Ngayon niya patutunayan sa akin kung gaano siya kaduming kalaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD