Ang Tadhana ni Narding
AiTenshi
Part 3: Simpleng Pangarap
Noong mga sandaling imulat ko ang aking mga mata ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakahiga sa loob ng simbahan habang pinapaypayan ako ni Cookie at ng ilan naming kaibigan. Sariwa pa rin sa aking isipan yung pang yayari kanina, ni hindi ko mawari ito kung totoo ba o dulot lamang aking malikot na imahinasyon. Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa aking sarili kung may deperensya na ba ako sa utak dahil kung ano anong nakikita ko nitong mga nakakaraang araw at kadalasan ay naapektuhan na nito ang aking katawan at pati na rin ang aking araw araw na gawain. "Hayy Narding mabuti gising kana. Loko ka pinag alala mo kami aah." bungad ni Cookie noong makita akong naka dilat.
"Ano bang nangyari sa akin? Bakit nandito ako?" tanong ko naman bagamat alam ko naman talaga ang naganap sa akin, ang nais ko lang malaman ay kung anong eksena ang nasaksihan nila doon sa parke bago ako tuluyang mawalan ng malay.
"Ewan ko ba kung anong nangyari sayo. Bigla ka na lamang napatitig doon sa itim na ulap tapos ay parang napako kana sa ganoong posisyon. Pilit kitang kinakalabit at inuuga para ikaw ay matauhan ngunit parang hindi mo ako naririnig. Para bang nahipnotismo ka noong langit sa tindi ng pag kakatitig mo dito. Tapos maya maya ay bigla nalang nabasag yung salamin mo sa mata at yung saklay mo ay nabali ng pira piraso, yung damit mo naman ay nag kapunit punit. Pag katapos noon ay nawalan ka ng malay. Doon na ako nag sisigaw dahil sa sobrang pag aalala sa iyo." salaysay ni Cookie.
“Hindi lang siya nag sisisgaw, nag pagulong gulong pa siya doon sa parke na parang namatay kana. Tinalo nga nya si Ate V sa tindi ng pag iyak nya.” sabad ng isa naming kaibigan.
"H-hindi ko matandaan yung nangyari, basta ang alam ko lang ay naka titig lang ako doon sa ulap pag katapos ay wala na akong maalala pa." ang sagot ko bagamat malinaw naman talaga sa aking isipan yung nangyari. Sa makatuwid ay hindi lang si Cookie ang nag pagulong gulong sa lupa kundi pati ako rin, sumadsad pa nga ang katawan ko at hanggang ngayon ay masakit pa rin ito. Kung sasabihin ko naman sa kanila ang naganap sa akin ay tiyak na wala lang maniniwala sa akin at mag tatawanan pa ang mga ito panigurado.
"Hayy, ewan ko ha. Mukhang kababalaghan talaga yung naganap sa iyo Narding. Pero anyway wala namang bago doon dahil pugad naman talaga ang masasamang elemento at engkanto itong bayan natin." tugon ni Cookie na hindi maitago ang pag tataka.
"Oo nga naman. Ang sabi nga tatay ko ay nakita daw syang malaking ibon na lumilipad doon sa bukid noong nakaraang gabi. Iyon nga lang ay pinag tawanan lamang siya ng mga kumpare niya dahil baka raw lang ito at naka singhot ng rugby." ang kwento naman ng isa sa mga kaibigan naming nag lalako rin ng sigarilyo at kendi sa parke.
"Hindi lang pugad ng masasamang elemento at mga aswang. Mayroon ding mga halimaw at halang ang kaluluwa katulad nalang ni Bart na walang ginawa kundi mambugbog ng mga bading na nakaka salubong niya. Aba e, ilang mukha na ang sinira ng kamao niya. Sumosobra na talaga siya!" ang galit na salita ni Cookie
"Uy Cookie huwag kang maingay. Nandyan lang si Bart nangungumpisal kay Father." ang pag pigil naman ng ibang kaibigan namin.
"Tologo? Nangungumpisal? Ano siya si Santosantito? Pag katapos mang jombag ng pez tatakbo kay Fudra para mag conpez? Baka naramdaman niyang malapit nang kuhanin ng impyerno ang kaluluwa niya kaya abot ang kumpisal." hirit pa ni Cookie.
Tawanan..
"Oh anong nangyari dyan?" tanong ni Bart noong makita ang aking mga kaibigan na naka paikit sa isang bangkuang mahaba.
"Oh bakit nandito ka? Nasa loob tayo ng simbahan, wag mo sabihing bubugbugin mo ako? Aba e mahiya ka sa Diyos!" ang bungad ni Cookie noong makita si Bart na lumalapit sa aming kinalalagyan.
"Marunong naman akong gumalang sa Diyos. Saka isa pa ay wasak na ang mukha mo kaya't hindi ko na ito gagalawin pa." hirit naman ni Bart sabay silip sa akin na nakahiga sa bangko. "Aba si Narding pilantod iyan ah. Anong ginagawa niya diyan, narape ba iyan?" ang seryosong tanong nito na may halong pag kagulat.
"Naaksidente sya kanina doon sa parke. Kawawa nga itong si Narding hindi na nga makalakad ng maayos ay binubog mo pa noong isang linggo. Tingnan mo nga yung kalagayan niya, halos lahat yata ng pasakit ay naranasan na niya." ang wika ni Cookie na may halong lungkot at pag d-drama.
Napatitig naman sa akin si Bart na hindi mo mawari ang iniisip. "Eh kung naaksidente pala ay bakit hindi nyo dalhin sa doktor? O sa ospital?"
"Maayos na raw ang kalagayan niya kaya't iuuwi ko na lamang siya sa bahay." tugon ni Cookie at inalalayan ako nito para makabangon samantalang si Bart naman ay nakatingin lang sa aking nabaling saklay ay nasirang salamin sa mata. Hindi ko alam kung anong iniisip niya noong mga sandaling iyon, basta ang alam ko lang ay may pinaplano nanaman siyang gawin.
Maya maya ay lumapit ito sa amin ni Cookie at tumalikod. "Pumasan kana sakin. Ako na ang mag hahatid sayo doon sa inyo." ang wika nito.
"Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Naririnig mo ba ang sarili mo?" ang nagulantang na tanong ni Cookie.
"Oo bakit? May problema ba? At isa pa ay hindi naman bakla itong si Narding dahil pilantod lang ito. Ikaw ang bakla kaya mabuti pa ay dumistansya ka sa akin dahil baka bigwasan kita ng biling baligtad dyan." ang sagot nito sabay karga sa akin.
"Tingnan mo tong mokong na ito. Tutulong nalang hard pa kung mamimintas. Pero winner iyang pag tulog mo kay Narding kahit papaano ay gumanda ganda naman ang tingin sa iyo ng mga beki dito sa bayan no. Gwapo mo pa naman medyo bad nga lang." ang patuloy na pag daldal ni Cookie habang lumalakad kami pauwi.
Tahimik lang si Bart at ganoon din ako. Basta damang dama ko ang kanyang bilugang braso na naka alalay sa akin. Ngayon lang ako pinasan sa buong buhay ko, kahit ang aking ama ay hindi ito ginawa. Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Bart habang lumalakad ito at buhat ako, ang tanging alam ko lang ay naawa siya sa akin at nawala ang pag ka astig niya dahil napalitan ito ng pagiging maginoo, isang bagay na labis kong hinahangaan sa kanya.
"Mas bagay pala sa iyo yung mabait. Salamat sa pag tulong mo sa akin." ang wika ko habang naka pa rin sa kanya.
"Mabait naman talaga ako, kaso ay pinipili ko lamang yung mga taong pakikisamahan ko. Pwede ko rin naman sabihin sa iyo na naawa lamang ako kaya ko ito ginagawa. Basta bahala kana sa mga bagay na gusto mong isipin, hindi ako yung tipo ng tao na mahilig mag paliwanag sa mga bagay na ginagawa ko." ang sagot nito.
"Gayon pa man ay salamat pa rin." tugon ko sabay bitiw ng ngiti bagamat di naman niya nakikita.
“Wala iyon, basta sa susunod ay mag ingat ka nalang. Baka sa susunod na maaksidente ka ay mapilay pa ang isang binti mo, tiyak na inutil na ang kalalabasan mo noon, sampaguita man ay hindi kana makaka pag lako.” ang paalala nito.
“Eh kaya nga aksidente, hindi mo alam na mangyayari. Parang bala ng baril bigla na lamang lalanding sa katawan mo ng hindi mo namamalayan pag katapos ay BANG. Patay ka na.” tugon ko
“Kaya nga dapat ay huwag kang tanga, lagi kang titingin sa paligid mo. Teka malabo ba ang mata mo?” ang tranong nito
“Oo, pero may nakikita naman ako kahit papaano kahit wala ang salamin ko.” sagot ko.
“Kaya naman pala. Nag sabog nga naman ng kamalasan ng Diyos, nasalo mong lahat. Kelan ka pa nag simulang maging ganyan?” pang uusisa nya
“Noong bata pa ako, nag karoon ng malawakan kaguluhan doon sa siyudad pag katapos ay naaksidente kami ni mama. Nakaligtas ako, siya naman ay binawian ng buhay.” sagot ko ulit.
“Ganoon ba? Pasensya na.. Sana ay hindi na ako nag tanong pa.” wika naman niya.
“Wala iyon, matagal ko nang natanggap ang kanyang pag kawala.” tugon ko ulit.
Halos ilang minuto ring pag lalakad ang ginawa ni Bart bago tuluyang makarating sa aming tarangkahan na gawa sa kahoy. Muli akong inalalayan ni Bart at pinaupo sa lumang silya gilid ng kalsada. Ito yung madalas upuan ni papa kapag namamasada siya o naka tambay sa harapan ng bahay.
"Salamat ulit Bart." ang muli kong salita. "Wala iyon. Mag ingat kana sa susunod." tugon naman niya sabay dukot ng 50 pesos sa kanyang bulsa at iniabot ito sa akin. "Ako na lamang ang bibili ng dala mong sampaguita, sira na ito at hindi na maaaring ibenta sa ibang tao. Ilalagay ko na lamang doon sa simbahan upang hindi masayang." tugon niya sabay kuha ng mga bulaklak sa aking kamay at saka lumakad palayo sa akin.
Noong mga sandaling iyon ay tumatak sa aking isipan ang imahe ni Bart na lumalakad sa kalsada. Nakatalikod suot ang sirang pantalong kupas at kulay abong dami na may kalumaan na. Hawak nito ang sampaguita sa kanyang mga kamay na siyang nag bigay ng kakaibang tuwa sa aking dibdib. Alam kong mabuting tao siya, nag kataon lamang talaga na sobra ang galit niya sa mga bakla, kung ano man ang dahilan ay siya lamang ang nakaka alam noon. Basta para sa akin, si Bart ay isang taong may mabuting kalooban. Hindi man naging maganda ang unang pag kikita namin dahil napag tripan nya kami ni Cookie ay naka bawi naman siya ngayon at mas higit pa ito sa inaasahan ko. Sadyang may mga bagay lang talaga na parang hangin, kaagad dumarating nang hindi mo namamalayan.
"Hoy Narding, kailangan talaga naka ngiti ka pa habang pinapanood mo siyang lumakad?" puna ni Cookie pikot sa aking tenga. "Natuwa lang naman ako sa kanya dahil sa unang pag kakataon ay hindi nya tayo pinag tripan at hindi lang iyon dahil tinulungan pa nya ako para makauwi." ang tugon ko naman.
"Eh paano naawa siya sa kalagayan mo. Daig mo pa ang r**e victim kanina habang naka higa ka doon sa simbahan. Saka isa pa ay kaya rin naman kitang iuwi no. Hihilahin lang kita pasakay sa padyak, hindi pa tayo napagod." hirit nito habang inaalalayan ako papasok sa bahay.
"Ang mahal sa padyak, 15pesos din ang pamasahe. Alam mo naman na nagagalit si mama Ursula kapag nababawasan ng kusing ang kinikita natin." katwiran ko naman.
"Nag kataon lang na mabait kanina iyong si Bart, siguro ay umepekto sa kanya yung basbas ni Father ng holly water kaya nag iba ang peg nito. Tingnan mo bukas, tiyak na mang hahabol nanaman iyan ng bakla sa kanto para bugbugin." wika ni Cookie na may halong pag kainis.
Habang nasa ganoong pag lalakad kami ni Cookie noong bumukas naman ang pinto ng bahay at doon ay lumabas si papa para salubungin kami. Bakas sa kanyang mukha ang labis na pag alala habang humahakbang palapit sa amin. "Anak nabalitaan ko ang nangyari saiyo. Ikaw naman kasi hindi ka nag iingat. Alam mo naman na delikado ang pag tawid tawid sa kalsada. Halika at dadalhin kita sa ospital." ang nag aalalang wika ni papa.
"Pa, hindi po ako nasagasaan ng sasakyan. Hinimatay lang ako at nasabit ang aking saklay at damit doon sa parke. Ayos lang po ako." sagot ko naman.
"Oh ayan Andoy narinig mo? Ayos lang iyang anak mong si Narding. Ikaw naman kasi kung mag alala ay sobra sobra. Malakas ang katawan niyang anak mo kahit ganyan iyan." ang sabad naman ng aking madrasta. Bernard din ang pangalan ni papa dahil isinunod din ito sa pangalan ng kanyang ama, hindi ko lang alam kung bakit “Andoy” ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya.
"Kahit na, mainam pa rin na matingnan siya ng doktor kung bakit siya nawalan ng malay kanina." sagot ni papa.
"At saan ka naman kukuha ng pang gastos aber? Yung kinikita mo sa pag papadyak ay kulang pa para ipambili ng pag kain. Tapos ay dadalhin mo pa sa ospital iyan si Narding? Gusto mo bang lalo tayong mabaon sa utang?!" galit na pag tutol nito.
"Anak ko si Narding, natural lamang na mag alala ako sa kanya." tugon ni papa kaya mas lalo pang humaba ang diskusyon nilang dalawa tungkol sa akin. Habang pinapanood silang dalawa ay hindi ko tuloy maiwasang mainis lalo na sa mga salitang binibitiwan ng aking ikalawang ina. "Kung nais mong ipagamot ang iyong anak, sana ay noon pa at hindi mo sya hinayaang mapilay ng ganyan. Ikaw rin ang may kasalanan kaya't lumaking may saklay ang anak mo! Tapos ngayon ay ipapagamot mo siya at hihingi ka ng milagro na umayos ang katawan niya. Pwes Andoy, pag sasayang ng pera ang gagawin mo!"
“Tumigil ka! Bakit di mo pag trabahuhin yang mga anak mong sinto sinto para may pera ka!” sigaw din ni papa.
"Tama na po, huwag niyo na akong pag awayan dahil kaya ko naman ang aking sarili. At nais kong malaman ninyo na kahit kailan ay hindi ko inisip na hadlang sa akin kalagayan ko. At hindi ko rin sinisisi si papa kung bakit lumaki akong ganito, wala siyang kasalanan sa akin o kay mama na ngayon ay payapa na sa kabilang buhay. Kung tutuusin ay maswerte pa nga ako dahil kakayahang makalakad lang ng maayos ang inalis sa akin. Mas gugustuhin ko pang maging ganito habang buhay kaysa naman kumpleto nga ako at walang kapansanan ngunit wala naman akong bilang sa paligid na aking ginagalawan.
Magulo ang mundo, maswerte ang mga bulag dahil dahil hindi nila nakikita ang karahasan sa kanilang paligid. Maswerte rin ang bingi dahil maingay ang ating kapaligiran, hindi sasama ang loob nya kung sakaling pag salitaan siya ng masama dahil hindi nya naririnig ito. Ang pipi naman ay hindi makakasakit ng kapwa batay sa kanyang salita. Sila ang tumatayong inspirasyon sa akin upang maging malakas at matatag. Kinaya ko nga kayong buhayin sa pamamagitan ng pag titinda sa kalye, sapat na siguro ito para sabihing hindi ako mahina. Huwag niyo akong pag awayan dahil kaya ko ang aking sarili." ang wika ko dahilan para matahimik sila dalawa at tumigil sa pag tatalo.
Kami naman ni Cookie ay pumasok sa loob ng silid at doon ay nanahimik nalang. Ang totoo noon ay natutuwa ako kay papa dahil napatunayan ko na mahalaga pa rin ako sa kanya kahit na malimit kong maramdaman iyon dahil sa pag baling niya ng atensyon sa aking madrasta at mga anak nito. Gayon pa man ay ni minsan ay hindi nawala ang pag mamahal ko para sa kanya. Okay na sa akin nandiyan siya at ipinapakita na ako ay anak niya pa rin. Ito lamang ang aking simpleng pangarap, ang maramdaman ang pag mamahal ng isang ama na madalang kong makamtan mag buhat noong pumanaw ang aking tunay na ina.
"Ang sarap sakalin ng madrasta mo no? Masyadong makasarili, ang akala naman niya ay maganda siya eh mukha naman siyang balyena." hirit ni Cookie habang abala sa pag rerepair aking saklay. "Wala ka nang ibang choice kundi gamitin itong luma mong saklay saka itong salamin mong pinag lumaan. Wala pa naman tayong pamalit kaya't pag tiyagaan mo nalang ulit ang mga ito."
"Salamat pinsan, malaking tulong ka talaga. Salamat sa pag pupuno sa mga pag kukulang ni papa." tugon ko habang naka tingin sa kanya ng seryoso.
"Wala iyon. Ikaw at si tito Andoy na lamang ang natitira kong pamilya. Saka parang tunay na kapatid na ang turing ko sa iyo kaya't ginagawa ko ito. Wala kang dapat ipag pasalamat." naka ngiti naman niyang tugon habang patuloy sa kanya ginagawa. “Pero infairness ha, napahanga mo ako kanina doon sa sinabi mong “malakas nga ang pangangatawan pero wala namang bilang” naku im sure pang libong kamao yun na tumama sa mukha ng madrasta mong alphakapalmukz” natatawang salita ni Cookie
“Ewan ko ba kung bakit lumabas sa bibig ko ang mga ganoong salita, naririndi na kasi ang tenga ko sa paulit ulit na pag bubunganga niya kaya’t hindi ko na napigil ang mag labas ng sa loobin.” sagot ko naman
Tahimik.
Patuloy ako sa pag pupunas ng aking lumang saklay..
Noong mga oras na iyon ay nais kong ipag tapat kay Cookie yung nakakatwang pang yayari sa akin kanina doon sa parke ngunit natatakot naman ako na baka isipin niyang nasisiraan na ako ng bait. Sino ba naman kasi ang maniniwala na tinamaan ako ng kakaibang bulalakaw mula sa kalangitan kaya't nag kaganoon ang aking sitwasyon. Kung tutuusin ay imposibleng mabali ang aking saklay, mabasag ang aking salamin sa mata at masira ang aking damit sa simple pag kahimatay lang. Sana ay naisip man lang nila na baka may mas makakaibang pangyayari ang naranasan ko bago ako bumagsak doon lupa.
"Ayos ka lang ba Narding? Ang lalim naman yata ng iniisip mo?" tanong ni Cookie.
"Ah e, wala pinsan, pagod lang siguro ito." sagot ko naman.
"Kung sabagay kailangan mo naman talagang mag pahinga. Ganito nalang, lalabas muna ako doon sa kusina para mag luto ng hapunan, dumito ka nalang muna sa silid para makapag pahinga. Gigisingin na lamang kita mamaya kapag kakain na tayo." mungkahi nito
Hindi naman ako tumanggi sa sinabi niya. Tango lamang ang aking isinukli at muli kong pina hinga ang aking katawan sa papag. Ramdam ko pa rin ang kawalan ng aking lakas, at hindi lang iyon dahil habang lumilipas ang minuto ay tila bumibigat ang talukap ng aking mga mata. Para bang hinihila ako sa pag tulog kaya naman nag pasya akong sumabay sa kagustuhan ng aking katawan, inirelax ko ang aking likod sa papag at dito ay napahinga.
Wala na akong natandaan pa..
Tahimik ulit..
Maya maya muli nanamang humihip ang hangin sa aking mukha. Malamig ito at napaka banayad. Para bang idinuduyan ako sa masarap na pakiramdam na hindi ko malaman kung saan nag mumula. Dampi dampi lang ang pag haplos nito hanggang sa maya maya ay unti unti nang lumakas na animo buhawi. At dahil matinding pag kagulantang ng aking diwa ay agad kong iminulat ang aking mga mata at bumangon ng mabilis sa aking higaan.
Dito ko natagpuan ang aking sarili na naka lutang sa ere. Parang naulit nanaman yung bagay madalas kong mapanaginipan kung saan nakatingin ako sa isang wasak na bayan na animo dinaanan ng matinding delubyo. Wala nang bakas ng katiting na buhay dito na syang nag bigay sa akin ng ibayong kilabot. At katulad nga ng inaasahan ko, muli nanamang bumulusok pa baba ang aking katawan kasabay ng pag patak ng ulan sa madilim na kalangitan. Ang kaibahan nga lang, dati ay sa karagatan ako bumabagsak, ngayon ay lupa na. Kung saan ang aking katawan ay lumikha ng isang malaking hukay na animo crater sa mukha ng buwan at ang nakapag tataka ay hindi man lang ako nasaktan.
Nanatili akong naka tingin sa kalangitan. Maya maya ay kapansin pansin ang apat na liwanag na bumulusok din pababa mula dito. Ang bawat isa ay nag tataglay ng ibat ibang kulay. Ang isa ay asul, ang isa naman ay berde. Ang natirang dalawa naman ay itim at dilaw. Nakakamanghang panoorin ang limang liwanag na iyon na animo mga makukulay na lusis na bumababa sa kalangitan.
Makalipas ang ilang sandali nawala ang apat na liwanag sa alapaap. Ngunit sa pag aakalang tapos na ay bigla na lamang may isang liwanag ang bumagsak sa kalangitan. Kulay puti ito at kumikinang ang paligid na animo ginto. Mabilis itong bumagsak at sumabay sa hangin. Ang nakapag tataka nga lamang ay ang direksyon nito na patungo sa aking kinalalagyan.
Ilang segundo lang ang aking binilang at mabilis itong tumama sa lupa na lumikha ng isang malakas na pag sabog at nakaka silaw na puting liwanag na lumukob sa buong paligid.
Wala akong nagawa kundi ipikit ang aking mga mata at hintaying maging mapayapa ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang bagay na sumabog sa di kalayuan, ngunit batid ko ang nararanasan ko ngayon ay hindi lang basta panaginip.
itutuloy..