Part 4: Ang Natitirang Pag-asa

1530 Words
Ang Tadhana ni Narding Ai_Tenshi   Ilang segundo lang ang aking binilang at mabilis itong tumama sa lupa na lumikha ng isang malakas na pag sabog at nakaka silaw na puting liwanag na lumukob sa buong paligid.   Wala akong nagawa kundi ipikit ang aking mga mata at hintaying maging mapayapa ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang bagay na sumabog sa di kalayuan, ngunit batid ko ang nararanasan ko ngayon ay hindi lang basta panaginip.     Part 4: Ang Natitirang Pag asa   Ilang minuto rin ang itinagal ng pag sabog bago ito tuluyang humupa. Pilit kong pinakiramdaman ang paligid at noong makatiyak na payapa na nga ang lahat ay nag pasya ako bumangon at patahimik na silipin ang bagay na bumagsak mula sa kalangitan. Kung babalikan ko ang pangyayari kanina ay maaalala ko na lima ang bagay na bumagsak mula sa madilim alapaap. Ang mga kulay asul, berde itim, dilaw at ang pinaka huli ay puti. Wala akong ideya kung ano ang mga iyon ngunit handa naman akong alamin ang mga ito sa pamamagitan ng pag silip ko sa isang lumanding sa liwanag sa aking tabi.   Pinilit kong kumilos paakyat sa hukay na aking binagsakan. Marahan at tahimik ko itong ginawa, ni walang kaluskos na nililikha. Maigi kong sinilip ang ibabaw kung saan ko nakita ang malaking hukay din ng lupa. Mas double ang laki nito kaysa sa hukay na nalikha dulot ng aking pag bagsak.   Tahimik..   Maalikabok pa rin ang paligid at hindi ko gaanong maaninag ang hukay na maaaring nag lalaman ng kung anong bagay. Halos ilang minuto rin akong nag hihintay hanggang sa kusang luminaw ito at doon nga ay nakita ko ang isang lalaking naka handusay sa lupa. Naka suot ng puting gintong pajama at may gintong pakpak na animo isang anghel. Sugatan ito at balot ng dugo ang buong katawan.   Hindi ko alam kung pupuntahan ko ito o iuumpog ko nalang ang aking sarili para magising na sa bangungot aking kinasasangkutan. Malayo na sa pagiging basta panaginip lang aking nararanasan dahil para na itong istorya na tuloy tuloy na nabubuhay sa aking isipan. Napaka delikado at makatotoohanan ang bawat eksena. Malayo na ito na realidad at hindi na ito nababagay sa mundong ito.   "Bahala na.. Panaginip lang naman ito. Panaginip lang!" ang sigaw ko sa aking sarili sabay tayo at mabilis ako nag pa daus-dos sa lupa pa baba doon sa hukay kung saan naroroon ang nilalang na may pakpak. Kahit sa panaginip ay alam ko pa rin na pilay ako ngunit ang nakapag tataka ay nakaka lalakad ako ng maayos dito na hindi kumikirot o sumasakit ang aking mga buto.   "Narding..  bakit ngayon ka lang? Ang tagal na kitang hinihintay." ang pabulong na wika ng anghel habang nag pupumulit itong tumayo. Tumulo ang kanyang dugo sa katawan at maging sa bibig.   "Sandali, sino ka ba? Bakit mo ako kilala? Bakit ako nandito? Panaginip lamang ito diba? Hindi totoo ang lahat ng ito." ang wika ko naman habang hinuhubad ang aking damit upang itapal sa kanya sugat sa dibdib.   Natahimik ang anghel at napatingin ito ng seryoso sa akin. "Totoo ang lahat ng ito Narding. Ang ating isipan ay makapangyarihan, may kakayahan itong dalhin ka sa mga lugar na nais mong marating." ang sagot nito   "Ito ay panaginip ko lamang. Parte lamang ito ng aking imahinasyon. Marahil ay nalulungkot lamang ako sa aking buhay kaya't kung ano anong bagay ang aking naiisip kapag ako ay natutulog. Kanina ay humiga lamang ako sa aking papag, pag katapos ay naging ganito na ang lahat. Sigurado ako na natutulog lamang ako." giit ko naman habang naka titig din sa kanya ng seryoso.   "Maaari nating sabihin na nag lalakbay ang iyong kaluluwa sa hinaharap o nakaraan. Marahil ngayon ay hindi mo pa ito ganap na mauunawaan. Ngunit batid ko sa pag lipas ng mga araw ay mabibigyang linaw rin ang lahat. Ngayon gusto kong gawin mo ay makinig sa lahat ng sasabihin ko. Nauubos ang oras natin Narding." ang tugon nito.   "Sino ka ba? Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito?!! tanong ko naman na may kataasan ang boses. "Wala akong maunawaan sa mga bagay na iyong sinasabi."   "Iyong ipag patawad ngunit hindi ko maaaring sabihin ang aking pangalan sa ngayon dahil mahigpit itong ipinag babawal. Sa ngayon ay nais kong makinig ka sa aking mga sasabihin." ang wika nito.   “Marami akong hindi maintindihan, kung maaari ay huwag nating madaliin ang lahat” wika ko   “Patawad Narding, ngunit wala na tayong oras, nauubos na ito” sagot ng anghel   Napaisip na lamang ako at nawalan ng kibo..   Wala naman akong magawa kundi ang itigil ang aking pag tatanong at makinig sa bagay na kanyang sasabihin. Muli akong tumingin ng seryoso sa kanyang mukha at pinag masdan ang kanyang anyo. Ang kanyang mata ay pinag halong berde asul na animo kulay ng karagatan. Ang kanyang mukha ay maamo na animo isang santong galing sa tahanan ng Lumikha. Ang katawan ay maganda na animo nililok na kahoy. Kaibahan sa akin na payat at parang walang sustanya ang kinakain.   Tahimik..   "Nais kong malaman mo ang inyong mundo ay nahaharap sa isang malaking delubyo. Isang taon mula ngayon ay may babagsak na apat na anghel mula sa kalangitan at mag hahasik sila ng kamalasan sa buong daigdig. Ang mga anghel na ito ay nag mula sa dako pa roon, sa karimlan kung saan naninirahan ang masasamang elemento na ibinukod at ikinulong ng mga mabubuting tagapag lingkod ng pag asa at katarungan. Ang apat na iyon ay nakawala mula sa kadiliman at winasak nila ang aming mundo. Ngayon, ang inyong daigdig ang kanilang isusunod. Pag masdan mong mabuti ang iyong paligid. Ito ang inyong bayan na mabubura isang taon mula ngayon. Sa mga oras na iyon lahat kayo pumanaw na. Ang kamalasang iyon ay walang iiwang bakas kundi ang inyong mga abo. Iyon ang inyong malagim na kahahantungan." ang wika nito na siyang nag bigay sa akin ng kakaibang kilabot.   "K-kung gaanon ay isang taon nalang ang itatagal ng buhay namin?" ang tanong ko naman.   "Iyon ang naka takda Narding. Ito ang naka guhit sa hinaharap. Ngunit mababago pa ito kung tatanggapin mo ang aking lakas at ipag tatanggol ang buong sanlibutan. Lalabanan mo ang lahat ng masasama, susupilin mo ang kadiliman at ibabalik ang liwanag sa buong kalawakan. Ikaw ay hindi makikilala bilang ikaw, dahil mag babago ang iyong katauhan. Ang iyong busilak na puso, pag sasakrispisyo para sa ibang tao at ang pag mamahal mo ng walang pag iimbot. Wala kang bahid ng kasalanan at ikaw ang kumakatawan sa kabutihan. Balang araw ay tatayo ka para iba at mag aalay ng iyong sarili para sa lahat." ang wika nito habang nakatingin sa akin ng tuwid.   "Parang napaka hirap naman paniwalaan ang sinasabi mo. Sa kalagayan kong ito? Hindi ko lubos maisip ang mga bagay na  iyon na maaaring mangyari sa aking sarili." tugon ko.   "Ang lahat ng ito posible basta't maniwala ka lang. Pag dating ng takdang panahon, ang kapangyarihan ng kabutihan ay mapapa saiyo. Sa ngayon ay nais ko lisanin mo na ang lugar na ito bago pa mahuli ang lahat." ang salita nito at doon ay unti unting sumabog ang paligid na animo bulkang nag aalburuto.   Unti unting nagigiba ang lupa, lumilindol at lalong nasisira ang lahat. "Anong nangyayari?" ang tanong.   "Nasisira na ang mundong ito.. Umalis kana dito Narding! Bilisan mo! Sundan mo ang liwanag na iyon at makakabalik na sa iyong katawan!" ang sigaw nito sabay turo sa puting liwanag sa di kalayuan.   "Tekaa, paano ikaw? Hindi ko matitiim na iwan ka dito." ang wika ko naman habang pilit na inaalalayan ito.   "Huwag na Narding, iwan mo na ako dito. Tapos na ang aking misyon, kaya maaari ko nang isuko ang lahat. Mag kikita pa rin tayo sa takdang panahon, at kapag sumapit ang araw na iyon ay makikila mo na ako. Humayo kana at maghanda sa malaking labang nag hihintay sa buhay mo." ang wika nito sabay tulak sa aking papunta sa liwanag. Hindi talaga ako papayag na iwan siya ngunit tila may kung anong pwersa ang bumuhat sa akin patungo sa lagusan dahilan upang hindi ako maka palag pa.   Basta ang nakita ko lang ay unti unting nilamon ng pag sabog ang anghel at makalipas ang ilang saglit na nagunaw na ang buong paligid..   Kasabay ng malakas na pag sabog ang siya namang pag mulat ng aking mga mata. Hingal na hingal ako at tuyong tuyo ang aking lalamunan, karamdam din ako ng matinding pag kagutom kaya mabilis akong bumalikwas at nag tungo sa kusina kung saan naroon si Cookie. "Akala ko ba gigising mo ako? Bakit matagala na yata akong nakatulog?" tanong ko habang kumukuha ng tubig sa jag.   "Paano naman kita gigisingin eh mukhang hindi ka naman natulog. Heller wala kang 5 minutos na naka higa doon sa papag. Huwag kang OA. Eto nga nag sisimula pa lang akong maghiwa ng sangkap. Napapano ka ba Narding?" ang tanong ni Cookie.   Napahinto naman ako sa  pag sasalita. May kung anong pag kalito ang lumukob sa aking dibdib. Hindi ko akalaing minuto lamang ang itinigal ko sa lugar iyon. Ang buong akala ko ay isang buong araw o higit pa akong naroon. Kung sa bagay, sa dami ng nangyari sa aking panaginip ay hindi ko na maalala pa ang mga eksaktong detalye. Basta ang alam ko lang ay nahaharap ako sa isang malaking pag subok na babago sa takbo ng aking buhay.   itutuloy..          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD