Part 2: Ang Panaginip ni Narding

1955 Words
Ang Tadhana ni Narding Ai_Tenshi                                   Unti unting bumabagsak ang aking katawan mula sa madilim na kalangitan. Ang hindi ko lamang maunawaan ay kung bakit wala akong maramdamang takot sa aking dibdib. Basta't ang nararamdaman ko lamang ay ang pag kahina ng aking katawan na parang isang plastic na itinapat sa apoy hanggang sa matunaw ito. Ramdam na ramdam ko ang pag bagsak ng butil ng ulan na tumatama sa aking mukha, malamig ito na parang may butil ng yelo at isama mo pa ang malakas na hanging yumayakap sa aking pag bulusok pababa.   Matagal tagal din ako sa ganoong pag bagsak hanggang sa tumama ang aking katawan sa karagatan. Dito ay nakaramdam ako ng kakaibang lamig habang lumulubog sa kailaliman. Hindi ko maalala kung paano umabot sa ganito ang lahat, basta't ang alam ko lang ay mapanganib sa itaas, kung saan ang mundo ay nababalutan ng itim na kalangitan. Kung ano man ang mayroon doon ay walang sino man ang nakaka alam.   Part 2: Ang Panaginip ni Narding   "Hoy Narding bakit ba umuungol ka kagabi? Nakikipag s*x ka ba sa panaginip mo?" ang tanong ni Cookie habang lumalakad kami patungo sa palengke.   "Gago, hindi no. Basta kakaiba yung panaginip ko. Para talaga itong totoo." tugon ko.   "Wet dreams ang tawag dyan. Parang totoong nakikipag s*x ka. May totoong sensasyon at init na lumulukob sa iyong katawan." ang pilyong tugon nito.   "Tado, hindi nga iyon. Basta sa panaginip ko ay lumilipad daw ako ng mabilis na parang isang rocket sa kalangitan. Pag katapos ay pumasok ako sa isang madilim na ulap at doon ay nauhulog ako pabulusok sa tubig." sagot ko naman dahilan para humagalpak ito sa katatawa.   "Paano ka naman lilipad e pag lalakad nga lang ng tuwid ay hindi mo magawa. Tigilan mo nga ako Narding, panaginip nga yan at iyan ay naka hanay sa fantasy!" ang wika nito habang patuloy sa pag tawa.   "Kaya nga panaginip, nagaganap ang mga bagay na hindi madalas mangyari sa reyalidad. Kung paniniwalaan mong makalilipad nga ako ay baka mas baliw ka pa sa akin." ang inis ko namang sagot at muli kong ipinag patuloy ang pag lalako ng dyaryo.   Habang nasa ganoong pag t-trabaho kami ay bigla namang nag kagulo sa kabilang dako ng parke. Kasabay nito ang pag sulpot ng mga nag tatakbuhang beki patungo doon sa pinagyayarihan para maki usisa. "Anong nangyari? Bakit nag kakagulo?" tanong ko naman.   "Baka may shooting." ang sagot ni Cookie habang pilit na sumusulyap sa kabilang ibayo. "Parang hindi naman e, kasi may mga pulis na umaawat." wika ko.   Dahil sa pag kalito ay wala namang nagawa si Cookie kundi ang mangharang sa mga dumaraan upang mag tanong. "Oyy sister, bakla anong nangyayari doon?" tanong nito sabay pigil sa isang batang beki na bago bago palang gumarutay. "Ay naku mamu, may jinombag na beklus ditey sa kabilang parte sa jurasic park. Pisak ang beauty ng lola mez." ang wika nito.   "Anong sabi nya?" tanong ko naman kay Cookie. "Ang sabi ni little beklus may binubog daw na bakla doon sa kabilang dako ng parke. Bugbog sarado daw yung beki." ang sagot nya.   "Eh sino naman yung bumubog? Kawawa naman pala." tanong ko ulit.   "Naku, jinombag daw ni Bartolome ang chakang lola. Alam mo naman si Papa Bart, angry birds sa mga shokla. Na kemberlin tuloy ang beauty ni mama." ang sagot ulit ng bata sabay rampa palayo sa amin.   "Binugbog daw ni Bartolome yung beki. Naku iyan talagang si papa Bart matindi ang galit sa mga bakla. Parang kahapon lang e pinag tripan nya tayo tapos ngayon ay ibang tao naman ang pinag diskitahan. Naku isang araw ay isusumpa ni fairy God mother yan, gigising nalang iyang si Bart na isa na syang bakla. On the way na si Karma!" ang inis na sagot ni Cookie.   "Loko talaga iyang si Bart, halika ubusin na natin itong tinda para makauwi na tayo. Baka maya maya ay pag diskitahan naman tayo ng gagong iyan." pag yaya ko naman at doon nga ay nag doble kayod kami para maibenta ang 7 pirasong dyaryo at 5 pirasong sampaguita.   Alas 4 ng hapon noong makauwi kami ni Cookie, katulad ng dati muling kinuha ni madrasta ang lahat ng aming napag lakuan at ibinigay ito sa kambal niyang anak na walang ginawa kundi ang kumain at matulog buong mag hapon. Pag katapos mag intrega ng kita, pag lilinis naman ng bahay at pag hahanda ng pag kain ang aming inatupag. Palagi ngang itinatanong ni Cookie kung kailan kami lalayas sa bahay na ito, hindi ko naman alam ang aking isasagot dahil unang una ay ayokong iwanan ang aking ama at ang bahay na ito ay pundar pa ang aking yumaong ina, ayokong lisanin dahil punong puno ito masasayang ala-ala naming pamilya. Ang mga ala-alang iyon lang ang pinang hahawakan ko at nag papasaya sa akin ng lubos ngunit sa kabilang banda naman ay nag bibigay rin ito ng ibayong kalungkutan sa aking pag katao lalo't batid ko na hanggang isipan ko na lamang ang lahat at hindi na ito maaaring maulit pa.   Alas 10 ng gabi, muli akong nakaramdam ng pagod kaya naman nahiga ako at doon ay ipinahinga ang aking katawan. Paminsan minsan ay nakakaramdam ako ng kirot at kakaibang sakit sa aking binti ngunit wala naman akong magawa kundi ang tiisin ito at hintaying mawala. Kasabay nito ang pag bigat ng talukap ng aking mga mata at dalawin ng matinding antok.   Tahimik..   Payapa ang aking pag tulog, walang kakaiba maliban sa ihip ng hangin na nag mumula sa bintana ng aming silid na gawa sa kahoy.  Banayad ang ihip ng hangin, hanggang sa maya maya kapansin pansin na lumalakas na ito na parang nakatapat ako sa isang higanteng bentilador. Damang dama ko ang malamig na hanging tumatama sa aking mukha at noong idilat ko ang aking mata ay laging gulat ko noong matagpuan ko ang aking sarili na lumulutang sa kalangitan.   Nakatayo ako mula sa itaas at sa aking paligid ay ang halos wasak na siyudad, para itong dinaanan ng isang malaking delubyo at ang aming lugar naman ay isang malaking hukay na lamang ang natira. Nabura na ito sa mapa at walang iniwang bakas maliban sa nakaka kilabot na pangitaing iyon. Maya maya ay nakaramdam ako ng kakaibang bigat sa aking katawan dahilan para bumagsak ako at bumulusok pababa, mabilis at wala iba akong makita kundi ang patak ng ulan na kasabay kong bumababa mula sa kalangitan. Ang nakapag tataka ay hindi ako nakakaramdam ng takot o pangamba, para bang punong puno ako ng lakas na hindi ko mawari sa aking sarili.   Patuloy ako sa pag bulusok pababa hanggang muling tumama ang aking katawan palubog ng karagatan. Pakiwari ko ba ay hinihitak ako nito pababa mula sa ilalim at wala akong magawa kundi ang itaas ang aking kamay at abutin ang kaunting liwanag na nakikita ng aking mata. Nanunuot naman ang lamig sa aking kalamnan na syang nag bibigay ng kakaibang kilabot sa aking balat. Ipinilit ko pa ring abutin ang liwanag na aking nakikita hanggang sa maya maya ay may isang lalaking humitak sa aking kamay pataas. Hindi ko makita ang kanyang mukha ngunit batid kong ligtas na ako sa bangungot na aking kinalalagyan.   Tahimik ulit..   Noong ako ay mag kamalay, natagpuan ko nalang ang aking sarili na naka higa sa pampang ng karagatan. Malabo ang tingin at ang tanging naaaninag ko lamang ay ang imahe ng isang lalaking nakatayo sa aking harapan. Nakatalikod ito sa akin, naka hubad at talagang nasa perpektong hugis ang kanyang katawan. May gintong pulseras sa mag kabilang braso. Sa kanyang bewang ay naka kabit ang isang gintong sinturon at may telang ginto sa gilid ng kanyang balakang. Hinahangin ito at nag lalabas ng kakaibang kisap. Ang kanyang suot na pang ibaba ay kulay pula at hindi ko na maaninag ang mga detalye dahil bigla na lamang itong lumipad sa ere, mabilis na animo rocket.   Maigi ko itong pinag masdan bagamat parang may kalabuan talaga ang aking paningin. At kasabay ng aking pag titig sa kanyang mabilis na pag lipad ay siya namang pag salpok ng alon sa aking mukha na aking ikinagulat.   "Hoyyy Narding gising na!! Abaa tanghali na!! Tamad na to!!" ang sigaw ni Angelito habang hawak ang isang tabo. Dito ko napag tanto na binuhusan niya pala ako ng tubig sa mukha habang natutulog. "Sabi ko sayo mas mainam kung ihi ang ibinuhos natin sa muka ng pilantod na iyan! Hina mo kasi!" ang sabad naman ni Angelo   "Narding! Ano ba?! Alas 8 na ng umaga! Bumagon kana dyan! Huwag kang tatamad tamad!" ang sigaw naman ng aking madrasta.   "Bumangon kana kasi Narding! Sa susunod ay uututan kita sa mukha para mag tanda kana." ang hirit pa ni Angelito at doon ay nag tawanan sila habang lumalabas sa aming silid.   Wala naman ako nagawa kundi ang bumaon at kapain ang aking salamin at saklay. Halos atakin ako sa puso dahil sa matinding pag kagalit ngunit sa tuwing lumaban ako ay parati nalang ako natatalo at pinalalabas na masama. Kaya ang ending sina Angelo at Angelito ang inapi, ako naman ang kawawa at malalagot sa kanilang ina. "Sorry pinsan, hindi ko alam na pumasok pala sina Angelo sa ating silid. Maaga kasi akong nag punta sa palengke." wika ni Cookie.   "Ayos lang, wala naman akong magagawa e" sagot ko naman.   "Aba kawasaki ang peg ng lolo mo." ang natatawang salita nito.   "Kawasaki? Ano naman iyon?" tanong ko.   "Kawasaki means kawawa. Princess Sarah at Esperanza lang ang peg mo. Sinampal sampal na at tinadyakan kana pero hindi ka pa rin lumalaban. Kung ako yan baka ni-wrestling ko yung dalawang impaktong kambal na iyon!" gigil na salita nito.   "Sana nga palit nalang tayo. Ikaw nalang dito sa saklay." ang sagot ko naman dahilan para matawa ito.   "Keribels mo na yan pinsan. Saan ka naman naka kita ng Miss Gay barangay na naka saklay? Wala diba?"   "Kaya nga, alam mo naman palang mahirap ang kalagayan ko ay pipilitin mo pa akong pumasok sa isang gulo na alam kong hindi nag sisimula ay talo na ako kaagad. Basta okay na ko sa ganito, ayoko nang dagdagan pa ang sama ng loob ko."   "Kung sabagay Narding tama ka naman dyan. Hayaan mo, darating di naman ang araw na mababago ang ikot ng mundo. Sabi nga ni mama bago siya bawian ng buhay, ang buhay daw ng tao ay parang gulong, paikot ikot lang. Tataas at bababa. Depende sa takbo ng kapalaran mo. Basta ang kailangan mo lang gawin ay tibayan ang iyong kalooban, tiyak na magiging maayos din ang lahat. Diba? Teka Narding nakikinig ka ba? Ano bang meron sa itaas at kanina ka pa nakatingala?" ang tanong nito noong makitang wala sa kanya ang aking atensyon.   "Ano ba iyan? Bakit ganyan ang kalangitan mas lalo pa yatang dumilim. Hapon na ba?" ang tanong ko naman.   "Alas 12:40 palang ng tanghali no. Baka naman may bagyong parating o kaya ay pundo ng malakas na ulan. Halika sumilong na tayo." ang pag yaya naman nito ngunit hindi ko na siya pinansin. Tila ba kung may anong bagay ang lumukob sa akin dahilan para  mapako lamang ang aking tingin sa  maitim na kalangitan katulad ng eksena sa aking panaginip kung saan ako bumabagsak.   Unti unting nawala si Cookie sa aking paningin at ang lahat ng bagay sa aking paligid ay huminto at kumupas na animo larawan niluma na ang panahon.   Tahimik..   Maya maya ay may isang matingkad na liwanag na bumulusok pababa sa kalangitan at walang ano ano ay tumama ito sa aking katawan na para isang bala na baril na tumagos sa aking dibdib. Ang liwanag na iyon ay parang isang maliit na kometa, malakas ang pwersa ng pag tama nito kaya naman halos tumilapon ang aking katawan sa malayo. Naputol ang aking saklay at nabasag ang aking salamin sa mata. Napunit ang aking damit at napuno ng galos ang aking katawan.   Sumadsad sa lupa ang aking katawan at tumama sa batuhan ang ulo hanggang sa nag dilim ang aking paningin..   Wala na akong naalala pa.   Itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD