Ang Tadhana ni Narding
AiTenshi
Part 5: Pusong Humahanga
Sa pag lipas ng mga araw, muling bumalik sa normal ang aking buhay. Ang ibig kong sabihin ay hindi na ako kakapanaginip ng kung ano anong bagay kapag natutulog sa gabi. At unti unti na ring nabubura sa aking isipan yung mga bagay na naranasan ko dito. Balik ulit sa dati ang aking kilos at kinagawian, nag tatrabaho ulit ako upang tulungan si papa sa mga gastusin sa bahay. Nakabili na rin ako ng bagong saklay at salamin sa mata kaya mas naging komportable at maayos ang aking kalagayan. "Oy cousin narinig mo na ba ang latest?" ang tanong ni Cookie habang abala kami sa pag titinda.
"Anong latest naman ba iyan?" tanong ko naman.
"Eh tungkol kay papa Bart. Nasa ospital daw ito dahil binugbog ng mga tambay doon sa kabilang kanto. Napag tripan daw ng mga lasing kaya ayun nasaksak sa tagiliran." ang kwento ni Cookie
"Gaano ba? Kawawa naman si Bart. Saan daw bang ospital sya naka confine?" tanong ko ulit.
"Doon sa City Hospital. Hindi kawawa iyon no. Alam mo ba na nag party party pa ang mga bakla sa buong sanlibutan kagabi dahil akala nila matitigok na ito. Yung may ari nga ng palor doon sa parke na binugbog niya ay nag pa inom pa sa sobrang tuwa." ang natatawang salita nito samantalang ako naman ay tila nakaramdam ng kung anong kaba at pag aalala dahilan ako ay matahimik ng hindi ko namamalayan.
"Oh bakit natahimik ka? Huwag mo sabihing naaawa ka doon sa mokong na iyon?" tanong nito.
"Syempre kahit papaano ay naaawa rin ako. May naitulong naman siya sa akin at hindi ko nakakalimutan iyon." sagot ko.
"Nakuupp, patay na.. Mukhang tinamaan ka ng lintik dyan ka Bart ha. So anong plano mo ngayon?" pang uusisa nya.
"Edi dadalawin ko sya doon sa ospital. Teka asan ba kasi yung mga magulang niya? Bakit pinababayaan siyang mag palaboy laboy sa gabi?" ang tanong ko ulit.
"Ang sabi nila ay wala nang magulang iyang si Papa Bart. Palaki lang iyan noong katiwala sa simbahan na matandang walang anak. Ewan lang din, iyan ang sabi ng mga kabadingan sa bayan na may gusto sa kanya. Anyway kahit maraming galit doon kay Bart ay hindi pa rin maitatanggi na isa pa rin sya sa pantasya ng mga kababaihan at kabadingan sa lugar na ito." tugon ni Cookie.
"Ganoon ba, kawawa naman pala siya. Basta, buo na ang loob ko na dalawin siya mamaya."
"Neke nemen, bahala ka dyan cousin. Basta ako out ang beauty ko dyan. Baka maya maya ay biglang bumangon iyon at jombagin ako. Mag hihintay nalang ako doon sa canteen."
"Salamat pinsan." naka ngiti kong salita.
"May magagawa pa ba ako. Gorabels lang! Pak ganern!!" ang sagot niya
Tawanan..
Iyon nga ang set up, alas 4 ng hapon nag tungo kami ni Cookie sa ospital kung saan naroon si Bart. Dala ko ang isang supot ng mansanas, ubas at peras na ibibigay ko sa kanya upang makatulong sa kanyang pag lakas. At kagaya ng sinabi Cookie, nag hintay na lamang siya sa canteen habang ako naman ay umakyat sa ikalawang palapag kung saan siya naka silid. Pag dating ko doon ay naabutan ko si Father at ang katiwala ng simbahan na aaruga kay Bart, agad nila akong inimbitahan na pumasok sa loob upang makita ang kalagayan ng kanilang itinuturing anak.
"Ikaw pala Narding, mabuti naman at dinalaw mo itong si Bartolome, mag buhat kahapon ay wala pang dumarating na kaibigan ito." ang wika ni Manong Andres na tumatayo ama ni Bart.
"Kanina ko lamang po nabalitaan ang nangyari ka Bart. Kaya heto agad akong nag tungo dito." ang tugon ko naman.
"Mainam at may kaibigang matino itong si Bartolome, ang akala ko nga ay magiging hari nalang ito ng kanto doon sa aming baragay." ang natatawang tugon ng ama amahan.
"Ang totoo po noon ay hindi naman kami ganoon ka close ni Bart. Tinulungan lang po niya ako noong hindi ako makalakad ng maayos. Kaya po heto nais ko siya naman ang tulungan." sagot ko naman.
"Narinig mo ba iyon Bartolome? Kapag kabutihan ang itinanim mo sa iyong kapwa ay kabutihan din ang iyong aanihin anak. Mabait na bata itong si Narding, lagi ko siyang nakikitang nag sisimba doon sa ating parokya. At hindi lang iyon dahil kung minsan ay nag lilinis din sya doon pag katapos ng pag diriwang. Talaga namang tunay na alagad ito ng Panginoon." ang naka ngiting salita naman ni Father na may halong pangangaral kay Bart na noon ay nakatingin lamang sa amin.
"Oh paano, maiwan muna namin kayo dyan. Tiyak na hinahanap na kami doon sa simbahan." pag papaalam ni Manong Andres at tinapik pa niya ang aking balikat bago lumabas ng silid.
Sa pag kakataong ito ay kami lamang ni Bart ang naiwan sa kwarto.
Tahimik.
"Kamusta ang pakiramdam mo? Para sayo nga pala. Sana ay gumaling ka kaagad." ang pag basag ko sa katahimikan sabay abot ng prutas sa kanya.
"S-salamat tol, buti hindi ka nahirapang umakyat dito sa ikalawang palapag." ang bungad niya sabay tingin sa aking saklay.
"Hindi naman, sanay naman akong umakyat ng hagdanan." naka ngiti kong sagot.
"Salamat sa dalaw. Ikaw lang yata ang naka alala sa akin. Maliban doon sa mga baklang nag dala ng bulaklak ng patay dito sa aking silid. Ang mga putang ina gusto talaga yatang mamatay na ko. Pag ako nakalabas dito papasabugin ko mga mukha nila." ang galit na salita nito. Kapansin pansin nga yung mga bulaklak na pampatay na naka lagay doon sa sulok ng kanyang silid. Ang ilan dito ay may naka lagay pang "RIP BART at petsa ng kanyang kamatayan kuno."
"Hayaan mo nalang sila, ikaw naman kasi masyadong mainit ang dugo mo sa kanila. Parang damay damay nalang ang labanan eh." ang biro ko naman.
"Basta, pag ako nakalabas dito ay sisiguraduhin kong mang hihiram sila ng mukha sa aso." gigil na tugon nya.
"Hala, nasaksak ka na nga't lahat e pagiging bayolente pa rin iyang iniisip mo. Bakit hindi ka muna mag pahinga o kaya ay tumulong kay ka-Andres doon sa simbahan?" mungkahi ko naman.
"Teka nandito ka ba para dumalaw at maki simpatsya sa akin o nandito ka lang para sermunan ako? Dapat kinakampihan mo ako dahil sanggang dikit tayong dalawa. Ang kaaway ko ay dapat maging kaaway mo rin. Oh baka naman bakla ka rin kaya parang away mong gantihan ko sila?" ang tanong nito sabay bitiw ng seryosong tingin sa akin.
"Eh wala silang ginagawang masama sayo. Saka diba kaya nga nandito sa ospital ay dahil napag tripan ka ng mga tambay doon sa kabilang barangay. Masakit diba? Yung tipong wala ka namang ginagawa sa kanila pero sinaktan ka nila." sagot ko.
"Oo tol, masakit talaga na ganunin nila ako. Wala naman akong ginagawa sa kanila eh." ang sagot niya na tila asong nag papa awa para maka kuha ng simpatya.
"Edi nasaktan ka nga?" pag lilinaw ko
"Oo tol. Nasaktan talaga ako non." sagot naman niya.
"Ganyan din ang nararamdaman ng mga beki na sinasaktan mo. Yung tipong wala naman silang ginagawang masama sayo tapos ay pag titripan mo sila hanggang sa humandusay sila sa lupa. Hindi naman sa kinakampihan ko sila, ang sa akin lang ay dapat inilalagay mo ang sarili mong paa sa sapatos ng iba. Dapat ay alam mo ang pakiramdam nila sa tuwing tatama ang kamao mo sa mukha nila. Sana ay mas maging sensitibo ka sa mga bagay sa iyong paligid. Huwag puro tapang ang pinaiiral." salita ko naman habang naka titig sa kanyang mukha.
"Tsk, tangina. Para ka palang si Father mag salita eh. Kino-corner mo yata ako Narding?" tanong niya.
"Teka teka, wala naman akong ibig sabihin doon sa mga salitang binitiwan ko. Nais ko lamang na umiwas ka sa gulo para hindi kana napapahamak." pag lilinaw ko.
"Ah ganon ba. Cge pag iisipan ko yung mag sinabi mong iyan. Salamat pareng Narding." naka ngiting tugon niya sabay kuha ng mansanas at kinagat ito.
Ako naman ay pinag masdan lamang siya habang nasa ganoong pag kain. Hindi ko maunawaan ngunit parating sumasagi sa akin isipan yung mga eksenang pag pasan nya sa akin habang nag lalakad pauwi sa bahay. Doon ko nakilala ang isang katauhan ni Bart na hindi madalas nakikita ng nakakarami dahil ang alam lang nila rito ay basag ulo at walang ginawa kundi ang pumasok sa gulo. Marahil ay pinipili lamang niya ang taong pag papakitaan niya ng iba pang anggulo ng kanyang sarili at maswerte ako na nakita ko iyon. Simpleng bagay lamang iyon ngunit batid kong hinahaplos nito ang aking puso na humahanga ng lubos.
FLASH BACK
Tahimik lang si Bart at ganoon din ako. Basta damang dama ko ang kanyang bilugang braso na naka alalay sa akin. Ngayon lang ako pinasan sa buong buhay ko, kahit ang aking ama ay hindi ito ginawa. Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Bart habang lumalakad ito at buhat ako, ang tanging alam ko lang ay naawa siya sa akin at nawala ang pag ka astig niya dahil napalitan ito ng pagiging maginoo, isang bagay na labis kong hinahangaan sa kanya.
"Mas bagay pala sa iyo yung mabait. Salamat sa pag tulong mo sa akin." ang wika ko habang naka pa rin sa kanya.
"Mabait naman talaga ako, kaso ay pinipili ko lamang yung mga taong pakikisamahan ko. Pwede ko rin naman sabihin sa iyo na naawa lamang ako kaya ko ito ginagawa. Basta bahala kana sa mga bagay na gusto mong isipin, hindi ako yung tipo ng tao na mahilig mag paliwanag sa mga bagay na ginagawa ko." ang sagot nito.
"Gayon pa man ay salamat pa rin." tugon ko sabay bitiw ng ngiti bagamat di naman niya nakikita.
“Wala iyon, basta sa susunod ay mag ingat ka nalang. Baka sa susunod na maaksidente ka ay mapilay pa ang isang binti mo, tiyak na inutil na ang kalalabasan mo noon, sampaguita man ay hindi kana makaka pag lako.” ang paalala nito.
“Eh kaya nga aksidente, hindi mo alam na mangyayari. Parang bala ng baril bigla na lamang lalanding sa katawan mo ng hindi mo namamalayan pag katapos ay BANG. Patay ka na.” tugon ko
“Kaya nga dapat ay huwag kang tanga, lagi kang titingin sa paligid mo. Teka malabo ba ang mata mo?” ang tranong nito
“Oo, pero may nakikita naman ako kahit papaano kahit wala ang salamin ko.” sagot ko.
“Kaya naman pala. Nag sabog nga naman ng kamalasan ng Diyos, nasalo mong lahat. Kelan ka pa nag simulang maging ganyan?” pang uusisa nya
“Noong bata pa ako, nag karoon ng malawakan kaguluhan doon sa siyudad pag katapos ay naaksidente kami ni mama. Nakaligtas ako, siya naman ay binawian ng buhay.” sagot ko ulit.
“Ganoon ba? Pasensya na.. Sana ay hindi na ako nag tanong pa.” wika naman niya.
“Wala iyon, matagal ko nang natanggap ang kanyang pag kawala.” tugon ko ulit.
Halos ilang minuto ring pag lalakad ang ginawa ni Bart bago tuluyang makarating sa aming tarangkahan na gawa sa kahoy. Muli akong inalalayan ni Bart at pinaupo sa lumang silya gilid ng kalsada. Ito yung madalas upuan ni papa kapag namamasada siya o naka tambay sa harapan ng bahay.
"Salamat ulit Bart." ang muli kong salita. "Wala iyon. Mag ingat kana sa susunod." tugon naman niya sabay dukot ng 50 pesos sa kanyang bulsa at iniabot ito sa akin. "Ako na lamang ang bibili ng dala mong sampaguita, sira na ito at hindi na maaaring ibenta sa ibang tao. Ilalagay ko na lamang doon sa simbahan upang hindi masayang." tugon niya sabay kuha ng mga bulaklak sa aking kamay at saka lumakad palayo sa akin.
End of Flashblack
Alas 6 ng gabi noong maka uwi kami ni Cookie sa bahay. Katulad ng dati ay inulan nanaman kami ng sermon mula sa aking madrasta. Nalunod rin kami sa isang katerbang utos nila na walang katapusan. Hindi ko naman intindi ang mga iyon dahil hanggang ngayon ay naka ukit pa rin sa aking isipan yung ngiti at titig ni Bart habang nag uusap kami. Talagang kakaiba ito na parang nag bibigay ng tuwa at hindi maipaliwag na pakiramdam sa aking kaibituran.
"Naka ngiti habang nag huhugas ng pinggan, check! Lumilipad ang isip sa kawalan, check! Parang naka drugs, check. INLOVE ka nga!" ang wika ni Cookie sabay wisik ng tubig sa aking mukha.
"Eeyy ano ba? Bakit mo ko binasa?" tanong ko naman. "Dahil naka tulala ka. Im sure tinamaan kana dyan kay Bart! Sabi ko naman sayo ay huwag kang mag didikit doon dahil ang kagwapuhan niya ay may kakayahang gawing bakla ang tunay na lalaki. Hala! Victim ka!" ang pang aasar nito.
"Kay Bart? Hindi ah. Bakit naman ako mag kakagusto sa siraulong iyon e wala naman siyang ibang bukambibig kundi ang malulutong na mura. Kahit nasa ospital ay matindi pa rin talaga ang galit nya sa mga kabadingan sa bayang ito." depensa ko naman.
"Iyan, yan ang tinatawag na tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Okay lang iyang mag kagusto ka sa kanya. Atleast makikilala mo ang tunay mong sarili." naka ngising tugon niya.
"Tado, marami akong iniisip. Ni minsan ay hindi sumagi sa aking utak ang nakaka kilabot na bagay na iyan." sagot ko naman at ipinag patuloy ko ang pag lilinis ng kasangkapan.
“Naku, tigilan mo na kasi yang pag papakipot mo Narding, para ka namang others” pang aasar pa nito
Tawanan..
Sa pag daan ng mga araw, naging maayos na ang kalagayan ni Bart. Balik nanaman ito sa kanyang hobbies na tumambay doon sa kanto at mambugbog ng beking dumaraan. Kahit si Cookie ay hinahabol nila kaya naman hindi na rin kami doon lumalakad. Mas naging masigla ni Bart ngayon at kung minsan ay nakakasama ko pa siyang mag linis ng bakuran sa simbahan kapag maagang nauubos ang aking tindang sampaguita. Sa lahat yata ng payong sinabi ko sa kanya ay ang pag tulong lamang kay ka-Andres na kayang tatay-tatayan ang kanyang sinunod at ang tungkol sa mga pakikipag basag ulo nya ay tuloy tuloy pa rin. Para nga daw itong vitamin sa kanya, kapag hindi sya naka umbag sa isang araw ay nang hihina siya.
Hindi ko nalang pinansin, basta ang alam kong lang ay nagiging malapit kami sa isa't isa at iyong ang ikinasasaya ko ng lubos.
"Oy Narding, ipunin mo nalang dyan yung mga kalat. Ako na ang mag tatapon niyan. Baka matagtag pa iyang paa mo." wika ni Bart habang abala sa pag dadakot ng kalat.
"Ayos lang naman ako. Kamay naman ang gumagana sa akin at hindi paa." biro ko naman sabay bitiw ng matamis na ngiti
Hindi sya sumagot..
Ngumiti rin ito at ipinag patuloy ang ginagawa.
Matapos ang pag lilinis, niyaya kami ni ka-Andres kumain sa lugawan doon sa parke. Syempre habang nag lalakad kami ay hindi maiwasang inisin si Bart ng mga beki na kanyang nakaka salubong. Sinisigaw nila na "sana ay namatay na ito." Ang iba naman ay sinasabing "maliit daw ang t**i nya." Basta pinag tatawanan siya ng mga iyon. "Pasalamat sila't nandito kayo ni tatay, kung nag kataong ako lang mag isa ay baka nang hiram na ng mukha sa urangutang ang mga bakla na iyan." gigil na salita nito.
"Shhh, Bartolome, huwag mo nalang pansinin ang mga iyan. Sadyang nagagwapuhan lang sila sa iyo kaya ka nila iniinis." pag suway ng ama nya.
Hindi naman sumagot si Bart. Pinag patuloy lang nito ang pag kain ng lugaw. "Tangina tabang naman nito. Ale, pengeng patis saka paminta." ang wika niya na halatang naasar kaya nag tawanan nalang kami ni ka-Andres.
Ang totoo nun ay hindi na ako maka kain dahil sa pag titig ko palang kay Bart ay tila busog na ako. Marami akong nilinis kanina doon sa simabahan ngunit ni hindi man lang ako napagod at pakiramdam ko ay punong puno ako ng enerhiya basta kasama ko siya. Ito ang unang pag kakataon na sumaya ako ng ganito, para bang may isang parte sa aking pag katao ang nakumpleto. Masarap damhin ang ganitong pakiramdam para akong lumulutang sa ika pitong alapaap. Sana ay hindi na ito mag tapos pa.
itutuloy..