Part 6: Bagong Taon

2319 Words
Ang Tadhana ni Narding AiTenshi   Part 6: Bagong Taon   "Happy New Year!!!!" ang masayang pag bati namin habang hawak ang lusis at takip ng kaldero upang mag ingay. Ayon kasi sa matatandang paniniwala, ang ingay kapag bagong taon ay nag tataboy ng malas at masamang espiritu sa bawat sulok ng bahay. Taon taon namin itong ginagawa hanggang sa naging kaugalian na nga.   Sadyang kay bilis lumipas ng panahon. Hindi namin namamalayan ang pag papalit ng taon. Wala naman kasing pag babago sa buhay ko nitong mga nakalilipas na buwan, paulit ulit lang ang aking ginagawa kaya't hindi ko na rin namamalayan na pag daloy ng oras. Maliban nalang kung kasama ko si Bart na nagiging dahilan kung bakit nagiging espesyal ang aking araw. Hindi naman ito naka ligtas sa mata ni Cookie, pero sa halip na pwersahin akong lumayo ay  sinuportahan na lamang niya ako sa aking nararadaman. Iyon nga lang ay kailangan kong mag ingat dahil naka ukit pa rin sa bato ang galit si Bart sa mga bakla at ni minsan ay hindi na bura ito.   "Sana ay maging maganda ang pasok sa atin ng taong ito." wika ni Cookie habang nakatingin sa kalangitan at nanonood ng mga fireworks sa langit.   "Bakit hindi? Tiwala lang.. Tayo naman ang gagawa ng swerte natin diba? Yung feng shui at pang huhula sa telebisyon na magaganap ngayong bagong taon ay mga alituntunin lamang na maaaring nating sundin o hindi. Sa bandang huli, naka salalay pa rin sa ating mga kamay ang lahat." naka ngiti kong sagot.   "Correct ka dyan cousin. Kaya nga hindi ako natatakot sa mga sinasabi telebisyon na mamalasin daw tayo ngayong taon. Basta ako, mag fofocus nalang ako sa laban ko sa Ms. Gay Barangay. Kailangan kong manalo ngayong taon. Last na to eh." ang wika nito dahilan para matawa ako.   "Pang ilang sali mo na ba dyan? Hindi ka naman nanalo eh." pang aasara ko naman.   "4x na yata, alam mo naman ang motto ko, ang umaayaw ay hindi nag wawagi. At ang nag wawagi ay hindi umaayaw."   "Eh hindi ka naman nag wawagi kaya umayaw ka nalang."   "Ang hard mo cousin. Dapat sinusuportahan mo ko." pag mamaktol nito.   Tawanan..   Pinag patuloy namin ang panonood sa mga paputok sa langit habang kumakain ng pansit. Damang dama namin ang saya sa aming mga puso dahil ang bagong taon ay katumbas ng bago ng buhay at bagong pag asa. Alam kong magiging magaganda ang pasok ng taon sa akin ngayon dahil mayroon ako positibong sa lahat ng bagay sa aking paligid, mga bagay na namana ko sa aking ina noong nabubuhay pa ito. "Cous, ang ganda oh! Mamahalin sigurong paputok iyon." ang namamanghang wika ni Cookie habang pinag mamasdan ang pulang liwanag na gumuguhit sa kalangitan. Maliit lang ito ngunit nakakapukaw pa rin ng atensyon ang liwanag ang ganda.   "Wow, oo nga no? Ang ganda nya! Nakaka mangha. Baka galing iyan kila mayor dahil mahilig bumili iyon mamahaling paputok sa ibang bansa." sagot ko naman.   Hindi lang kami ang naka pansin ng kakaibang liwanag na iyon kundi ang buong compound. Parang tinabunan nito yung nag gagandahang paputok sa kalangitan dahil nga kakaiba ang liwanag nito. Kung labanan lang ng fireworks display ay baka manalo na ito sa tagal at sa kakaibang anyo. At habang nasa ganoong pag mamasid kami ay binuksan naman ni papa ang radyo dahil laman narin ng balita ang naturang bagay sa kalangitan.   BREAKING NEWS: "Mga kaibigan, sa ngayon ay kamangha mangha ang pag pasok ng isang di kilalang kometa sa ating kalangitan. Ayon sa NASA ang kometang ito na pinangalanang "Miracle Comet" dahil hindi ito na detek ng ating mga satellite sa kalawakan. Bigla na lamang daw itong sumulpot na parang isanng kabute sa kalangitan. Inaasahan na dadaan lamang ito sa ating daigdig at magiging visible sa mata sa loob ng ilang araw. Marahil ay senyales na ito ng pag unlad ng ating mga buhay dahil dinadalaw tayo ng mga kakaibang bisita galing sa kalawakan. Huwag mangamba dahil ito may dalang swerte at pag asa. Muli ito si Kaka ang tagapag balitang laging naka bukaka na nag iiwan sa mainit na pag bati. Manigong bagong taon sa ating lahat."   MUSIC PLAYING Auld Lang Syne As sung by Dougie MacLean   For auld lang syne, my dear, For auld lang syne. We'll take a cup o' kindness yet, For auld lang syne.   Namangha kami ni Cookie sa aming nakita. Para bang may kakaiba sa kometang ito na habang tinititigan ay mas lalong nagiging kaakit akit ang anyo. Mula sa kulay pula ay unti unti itong naging kulay puti na animo liwanag na naka guhit sa kalangitan. "Sabi sayo Nardo, magiging maganda ang taon na ito para sa atin. Ayan na ang sign oh, langit na mismo ang nag sasabi." ang masayang salita ni Cookie.   "Sana nga pinsan. Gusto ko na rin na mabago ang takbo ng kapalaran natin. Sana ay makatungtong na tayo ng kolehiyo. Ang totoo nun ay naiinggit na ko sa mga kaklase natin noong highschool kapag nakikita silang naka suot ng uniporme." ang tugon ko habang naka tingin pa rin sa kometa.   "Huwag kang mag alala dahil magiging mabait ang tadhana sa atin. Ramdam ko iyon. Ang taong ito ay taon natin.. Mag tiwala ka lang." ang wika nito. Isang matamis na ngiti ang isinukli ko kay Cookie at doon ay agad namin tinapos ang pag kain saka nag pasyang pumasok sa bahay.   Katulad ng inaasahan, sa pag daan ng mga araw ay hindi pa rin nawala ang kometa sa kalangitan. Para itong isang desenyo sa ulap na hindi gumagalaw hanggang hindi na ito pansinin ng mga tao sa paligid. Tuloy tuloy lang ang buhay, balik kami sa pag titinda at kapag may oras ay tinutulungan ko sina Ka- Andres at Bart sa pag lilinis ng simbahan.   Napaka ordinaryo ng mga araw na lumilipas, iyon nga lang ay nagiging madalas ang pag ulan at pag dilim ng kalangitan. Mas naging grabe pa ito kaysa noong nakaraang taon. Ngayon ay mas kumapal ang ulap na siyang tumatabing sa araw na siyang nag bibigay ng liwanag sa paligid. "Parating makulimlim ah. Pag ganyan ng ganyan ang panahon ay hindi gaganda ang ani natin sa bukirin." ang wika ni Bart habang naka tingala ito.   "Baka naman kinalaman ang kometang iyan kung bakit parating maulap dito sa lugar natin." tugon ko naman.   "Wala naman akong pakialam sa kometang iyan. Pwera nalang kung may bababang mga baklang alien dito  Tiyak na mapapasabak ako sa labanan." naka ngising asong salita nito.   "Aba, hanggang ngayon ba naman pambubugbog pa rin sa kanila ang nasa isip mo? Bagong taon na kaya sana ay mag bagong buhay ka na rin." sagot ko naman.   "Pinipilit ko naman mag bagong buhay ngunit sa tuwing makaka kita ako ng bakla ay talagang nag iinit ang dugo ko. Mga putangina, ikinakalat nila na nag papa c***a ako sa kanila. Mga gago!" ang galit nanaman na salita nito.   "Kung hindi naman totoo ay bakit ka magagalit? Saka alam mo naman na ang pikong ay parating talo." hirit ko.   "Pwes mali ka doon Narding, dahil kapag ako ang napikon tiyak na matatalo sila dahil wawasakin ko mukha nila. Mata lang nila ang walang latay. Kaya ikaw huwag kang magiging bakla dahil ako mismo mag lulubog sayo sa isang dram natubig at hindi kita iaahon hanggang hindi ka nag giging tunay na lalaki." ang gigil na salita nito na animo may kaaway pero wala naman talaga.   Para naman akong nabilakukan sa kanyang sinabi. Hindi ko tuloy maiwasang ibuga yung softdrinks na iniinom ko. Pilit ko tuloy binalikan yung mga oras na kasama ko siya dahil baka nahahalata niyang nag kakaroon na ako ng interest sa kanya. Baka nag pakita ako ng motibo o kaya ay naaamoy niya dahil paminsan minsan ay hindi ko maiwasang maging sweet. "Oh bakit parang nabigla ka yata? May nasabi ba akong hindi maganda?" ang tanong nito.   "Ah e, wala naman. Nasobrahan lang ako ng lagok. Uhaw na uhaw kasi ako." palusot ko naman.   "Mabuti naman. Akala ko ay may itinatago ka sa akin e." ang tugon pa niya at muling ipinag patuloy ang ginagawa.   "Wala no, anong itatago ko." sagot ko naman at lumayo ako ng kaunti sa kanya.   Ayoko naman itanggi sa aking sarili na gusto ko si Bart, bagamat alam kong hindi ito maaari dahil ang lalaki ay para sa babae lang at ganoon din sa kabaligtaran. Ang nakapag tataka lamang ay ito ang dahilan kung bakit ako nagiging masaya at ayokong lokohin ang aking sarili. Nag simula ang aking pag tingin sa kanya noong tinulungan niya ako at mag buhat noon ay parati na akong nakatunghay sa kanya mula dito sa kalayuan. Alam kong maraming humahanga sa kanyang mga babae at linggo linggo ay nag papalit ito ng girlfriend. Ngunit gayon pa man ay masaya pa rin ako dahil nakakasama ko siya kahit ilang saglit lamang.   Alas 6 ng gabi noong makauwi ako sa bahay. Pag dating ko doon ay agad akong nag handa ng hapunan. Kataka taka na wala si Cookie palagid, maharil ay nag libot ito kasama ng mga barkada niya.  "Hoy Narding bilisan mo nga dyan. Napaka bagal mong kumilos. Ewan ko ba naman sa pinsan mong si Cookie ayun nag parehistro nanaman doon sa Ms. Gay. Ke panget panget naman niya, malaki pa ang katawan sa mga tambay doon sa kanto. Tiyak na pag tatampulan lang siya ng tawanan doon." ang naiinis na salita ng aking Madrasta.   "Oo nga, parati nalang si Cookie ang laban ng contest doon sa barangay eh hindi naman undas!" hirit pa ni Angelo dahilan para mag tawanan sila.   "Iyon ang nag papasaya kay Cookie, saka isa pa ay hindi naman siya humihingi ng perang pang gastos sa inyo. Ang lahat ay pinag hihirapan niya kaya't huwag na natin hadlangan ang mga bagay na mag papangiti sa kanya. Mabuti sya ay mga taong napapatawa, eh yung ibang tao dyan puro sama ng loob at galit ang itinatanim sa kanilang kapwa." ang pag tatanggol ko naman.   "Aba sumasagot ka pang pilantod ka ha. Gusto mo balian kita ng buto?!" asar na tanong ni Angelo.   "Kung babalian mo ako ng buto ay paano ako kikita ng pera may makain ka? Kundi ba lumabas dito sa lungga mo at mag hanap buhay edi sana ay naipag malaki ka pa ng mga magulang mo." ang sagot ko naman.   "Hoy Nardeng, dahan dahan ka sa pag sasalita mo sa anak ko. Baka nakakalimutan mong ako ang ina nya!" ang galit na tugon ng madrasta.   "Hindi ko po nakakalimutan. Parehas po kasi kayo. Ang ibig kong sabihin ay mag kamukha kayo." ang salita ko at muli kong pinag patuloy ang pag luluto.   "Hoy Nardeng, dahan dahan ka sa pag sasalita mo. Gago ka, sasampalin kita ng biling baligtad dyan ha. Isa pa!" ang gigil na gigil na salita ng aking  madrasta.   At habang nasa ganoong pag tatalo talo kami ay bumukas naman ang pinto at dito at nakita namin si Cookie, naka tayo, naka suot ng maiksing short at damit na tinupi upang lumabas ang pusod. Naka suot din sya ng sapatos na may tangkong. "Mabuhay! Kylie Versoza Miss International 2016!!! Philippines!!" ang entrada nito. "If I become Miss International 2016, I will devote myself to cultural understanding and international understanding because I believe that it is by developing in each of us sensitivity to other cultures that we expand our horizons, tolerate difference, and appreciate diversity. All this enables us to achieve international understanding. And I believe that I am prepared to take on this responsibility."   PALAKPAKAN!!!   "Pak na pak! Pasok ako sa banga sa screening!! Oh anong masasabi mo Narding?" tanong nito habang umiikot ikot.   Habang nasa ganoong pag sasalita ito ay tila nakaramdam ako ng pag hilo, parang may kung anong bagay ang umuuga sa aking kinatatayuan. "Hala, nahihilo ako cousin! Parang lumilindol yata." ang wika nito   "Lumilindol nga at palakas ito ng palakas!" ang salita ko naman habang naka kapit sa haligi ng bahay. Nag kagulo ang lahat paligid at kasabay nito ay ang pag bagsak ng mga gamit na naka sabit sa dingding. "Dito tayo sa ilalim ng lamesa cousin dali!!" ang natatarantang salita ni Cookie sabay suot sa ilalim. Ako naman ay kubli lamang sa isang sulok at tinakpan ng banyera ang aking ulo bilang proteksyon.   "Ayy juskoooo!! mga anak lumabas kayo ng bahay dali! Hayaan nyong matabunan sina Cookie at Nardeng dito!! Mga Chaka naman sila!" ang sigaw ng aking madrasta.   "Che, chaka ka rin! Panget! Balyena! Kainin ka sana ng lupa!!' ang sigaw din ni Cookie habang nasasaldak sa kinauupuan.   Tumagal ng ilang sandali ang pag yanig bago ito tuluyang huminto. Wala namang nabalitang nasaktan bagamat may mga ilang bahay ang nabuwal at nawala sa tamang posisyon. Lahat kami ay nag tipon tipon sa labas upang humanap ng matibay nag tataguan kung kasaling may malakas na after shock nang mapansin namin na naging dalawa na ang kometa sa langit mag katabi habang nag liliwanag ng malakas.   "Akala ko ba ay swerte ang kometang iyan. Bakit parang mas lalo tayong minamalas. Ayaw sumikat ng araw dahil natatabingan ito ng makapal na ulap, madalas din ang pag baha at pag ulan noong nakaraang taon. At ngayon naman pati lindol ay tumatama sa atin. Nakakapag taka na talaga." ang wika ni Cookie habang hinihubad ang kanyang sapatos na may mataas na takong.   "Malas talaga ang mga kometa. Iyan ang madalas sinasabi ng magulang ko noong nabubuhay pa sila. Nasaktan ba kayo mga anak?" ang tanong ng aking ama.   "Hindi po papa, wala namang nasaktan sa amin. Naiwan ko lamang ang saklay ko doon sa loob ng bahay." ang sagot ko.   "Salamat at walang nasaktan sa inyo. Maraming pang yayari na sa nakaraan ang pag kakaroon ng kometa dito sa kalangitan ngunit ito ang unang pag kakataon na tumagal ito ng ilang linggo dito sa himpapawid. Ang huling beses na nag karoon ng kometa dito ay nag dala ng malakas na bagyong sumira sa buong bansa. Sana ay hindi totoo ang haka haka tungkol sa kamalasang dala nila." wika ni papa habang nangangamba. Samantalang ako naman ay naka titig lang sa naturang maliwanag na bagay sa itaas, kalakip nito ang panalangin na sanay ay walang mangyaring masama sa hinaharap katulad ng pangyayari sa aking mga panaginip.   itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD