Bakit kaya ako nalulungkot ngayon? Wala naman akong dahilan para maging malungkot pero nararamdaman ko na lang bigla. Simula ng marinig ko ang boses ng babaeng iyon ay parang gusto kong magmukmok na lang sa kwarto. Bumuntong hininga ako at inayos ang aking sarili. Kailangan ko pang maghatid ng pagkain sa pamilya ko at baka kanina pa sila nagugutom. Nagdala rin ako ng malamig na tubig para ma-satisfied ang uhaw nila lalo pa at ang init sa tindahan. Paglabas ko sa bahay ay balak ko sanang pumara ng traysikel. Pero nakita ko si Kiran sa labas ng gate nila. Mayroon siyang kausap na babae. Nakatalikod ang babae mula sa akin kaya hindi ko ito nakilala. Mas lalo akong nawala sa kondisyon dahil mukhang nag-enjoy naman si Kiran sa presensya ng babaeng kausap niya. Tinititigan ko