Hindi ko pa nasabi kay Kiran ang plano kong magtrabaho sa syudad. Sasabihin ko sana dapat sa kaniya pero nawala na sa isip ko bigla. Nagtatalo pa kasi kami dahil sa pamimntang ko sa kaniya. Nawala tuloy sa isip ko na ipaalm sa kaniya ang plano ko nang ayain niya akong ipasyal sa likod ng bahay nila. Parang hindi pa ako makapaniwala sa umpisa at halos lumuwa na ang mga mata ko sa sinabi niya. "Talaga? Hindi ka ba abala ngayon? Hindi ba nakakahiya sa iyo? Baka kasi may ginagawa ka pa." "Wala ng mas mahalaga pa kaysa sa akin kundi ikaw lang, Elyse." Kinilig na naman ako sa sinabi niya at ang lahat ng tampo ay tuluyan na ngang naglaho. Inakbayan niya ba ako sa aking balikat kaya napahakbang na lang din ako nang magsimula siyang humakbang. Naglakad kaming dalawa patungo sa liku