Chapter 4

1016 Words
"Elyse, ano ba ang nangyayari sa 'yo? Sigurado ka ba talagang hindi mo ako niloloko? Kapag ako pina-prank mo ngayon, babatukan talaga kita at hindi kita kikibuin hanggat hindi namumuti iyang mga mata mo!" galit at seryoso nitong ani. Ngunit nang makita niya kung gaano ako kaseryoso ay saka ito nagpatuloy sa pagsasalita. "Elyse, kinakabahan na ako sa 'yo!" natatakot niyang amin sa 'kin at ganoon din naman ang nararamdaman ko. Sa halip ay lahat na yata ng emosyon ay nararamdaman ko ngayon. "Hydee, sa tingin mo ba gagawin kong nakakatawa ang mga bagay na 'to? Sa tingin mo ba ay hindi ako natatakot sa nangyayari sa akin ngayon?" nanginginig kong tanong sa kaniya. "Pakiramdam ko ay mababaliw ako sa mga kababalaghang hindi ko maipaliwanag!" patuloy kong sabi. "Hindi ko alam, Elyse! Pero— ewan!" bulyaw nito sa akin at naguguluhan na rin siya sa mga nangyayari. Mababaliw yata ako nito sa kakatanong niya sa akin. Paano ko siya masasagot? Kung hindi ko rin naman alam kung ano talaga ang totoong nangyayari sa akin. Biglang nanlaki ang mga mata niya nang may mapansin siya sa akin. Naitabon niya ang kaniyang palad sa kaniyang bibig at para siyang hindi makahinga nang maayos. Ibinuka niya ang kaniyang bibig at itinikom ulit. Para siyang nababaliw tingnan sa kaniyang reaksyon nang napamaang ang kaniyang mga labi. "Hyde!" "Elyse, ano 'yang nasa katawan mo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Hydee at tinuro niya ang mga pulang marka sa aking balat. Hindi pa rin matigil ang panlalaki ng kaniyang mga mata. Parang natatakot pa siyang hawakan ako dahil hindi rin siya sigurado kung ligtas bang galawin iyon. Dali-dali akong tumakbo patungo sa malaking salamin at hindi na ako makapaghintay na makita ang tinutukoy niya. Napatingin ako sa buo kong katawan at nakompirma ko nga ang sinasabi niyang pulang mga marka. Kung gaano kalaki ang mga mata niya ay mas nanlaki ang mga mata ko sa gulat at kaakibat ay takot sa mga nangyayari sa akin. Kaya natataranta kong binuklat ang aking damit upang makita ko nang mas maayos ang mga marka sa aking katawan. Hindi ko alam kung bakit ako may ganito gayong iniisip ko na panaginip lang naman ang lahat ng nangyari sa akin kagabi. Tuloy ay nagdududa na ako, panaginip nga lang ba talaga 'yon? "Elyse, bakit ka nagkakaganiyan?" takot na takot niyang tanong sa akin. Umiling ako dahil hindi ko alam ang mga sagot sa tanong niya. Pati ako ay nababaliw na rin sa kakaisip kung ano ang posibleng dahilan kung bakit ko ito nararanasan. Kung natatakot siya ngayon ay mas natatakot na ako para sa sarili ko. Kung bakit may mga marka ako sa aking katawan? Pwes, wala akong maipaliwanag na sagot. Gulong-gulo na rin ang utak ko ngayon at paano ko ipapaliwag ang tungkol sa panaginip ko na parang naging totoo lahat. Sasabihin ko ba ngayon sa pinsan ko? Maniniwala kaya siya? Pati ako ay nagdududa na rin. Walang ibang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi ang mga katanungan na naranasan ko kagabi. Iyong lalaki... "Hydee, hindi ko alam... ano'ng nangyari sa akin?" naiiyak kong tanong sa harap ng aking pinsan kahit na alam ko namang hindi rin niya ako masasagot. Nababalisa na rin ito sa akin at hindi na rin mapakali sa dapat niyang gawin. Pabalik-balik ako ngayon sa aking lakad at iniisip kung paano ako nagkakaganito. "Elyse, huminahon ka baka dahil lang 'yan sa nakain mo kagabi!" pagpapakalma niya sa akin at pilit akong pinapatahan sa pag-iyak. Humahagolhol pa rin ako at umiling. "Hydee, wala akong allergy sa kahit ano'ng pagkain at alam mo 'yon! Paano ako magkakaganito kung hindi ako pinasok sa kwarto ko? Baka may pumasok pero hindi mo lang namamalayan?" naghehisterikal kong sigaw dahil sa takot. Nanginginig na rin ang aking mga kalamnan dahil sa kababalaghang nangyari sa buhay ko. "Elyse, naman 'wag ka ngang magbiro ng ganiyan. Impossibleng may makapasok sa bahay dahil siniguro namin ni Nanay na na-lock ang pinto, pati ang mga bintana kagabi ay naka-lock rin." Paulit-ulit lang ako sa tanong ko pero wala rin naman akong napapala. "Hydee, ano'ng gagawin ko? Paano ako nagkakaganito?" takot na takot kong tanong dahil hindi ko na alam kung ano ba talaga ang totoo. "At ang parteng ibaba ko, bakit ito masakit?" patuloy kong tanong. "Maligo at magbibis ka muna dahil pupuntahan natin si Nanay sa tindahan. Kailangan niya 'tong malaman para makapagpa-check up ka kaagad," utos niyang wika sa akin at iyon lang ang alam naming paraan para malaman ang kasagutan. Niyakap ako ni Hydee at inaalo ako, alam kong may pag-aalangan na rin siya kung ano ang nangyayari sa akin. At ilang sandali lang ay nagpaalam na ako sa pinsan na aakyat na ako sa taas. Tinungo ko ang aking kwarto at naligo gaya ng sinabi niya. Sa mismong banyo ko sa kwarto ay may naramdam akong kakaiba. Hindi ko maipaliwanag pero alam kong may nakamasid sa akin. Tumanda na ako sa bahay na ito ngunit ngayon ko lang naramdaman ang takot at hindi ko maipaliwanag ang lamig na galing sa ihip ng hangin. Kung kailan ako tumanda ay saka pa ako naging matatakutin at ang imahinasyon ay hinayang pairalan. Paano makakapasok ang hangin sa banyo kung sarado naman ang maliit na bintana na nasa taas pa at hindi ko nga maabot? Nagmamadali ako sa aking ginagawa ng may maramdaman akong may nakatitig sa aking gawi. Mabilis kong nilingon sa aking paningin sa may bandang salamin sa banyo ngunit nabigo ako dahil wala roon ang gusto kong makita. At bigla akong napahiyaw sa takot nang katukin ni Hydee ang pintoan sa banyo. Para akong nawalan ng dugo sa kaniyang pagsulpot. "Elyse, tapos ka na ba?" tanong niya sa akin at nag-aalala ang tono ng kaniyang boses. "Hydee, hintayin mo na lang ako saglit dito sa kwarto. Malapit na ako," humihiling kong sagot at narinig ko itong sumang-ayon sa aking gusto. Kahit papaano ay may kapanatagan ako kung may matatawag akong tao kaagad. Nababawasan ang takot ko kapag nandiyan lang siya. Sinunod ko na lang ang sinabi ng aking pinsan para mabigyan kaagad ako ng pangunang lunas sa sakit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD