Nang matapos ako sa pagligo ay mabilis akong nagbihis ng damit. Halos hindi ko na nga maayos ang pagsuklay ng mga buhok ko dahil sa pagmamadali sa takot. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga dahil may nakamasid sa aking mga mata. Matapos kong gumayak ay inaya ko na kaagad si Hydee na umalis dahil ayaw kong may masayang kaming oras na kahit konti. Ang mga hakbang ko ay naging paika-ika kaysa normal kong lakad. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang hapdi sa aking p********e pero wala akong magawa kundi ang tiisin. Pero sa tuwing nararamdaman ko ang kirot sa aking hiwa ay naiinis ako sa aking sarili. Bakit hindi ko nagawang protektahan ang sarili ko? At bakit sa lahat ng tao ay ako pa ang nagkakaganito? Kapag naiisip ko ang mga nangyari na hanggang ngayon ay presko pa