CHAPTER TWO

2031 Words
"Alam na ba ng kasintahan mo ang iyong kalagayan, anak?" tanong ng butihing Ginoo sa anak nang ipinaalam nito sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis. Bukod sa doktorang nagsagawa nang pagsusuri sa kaniya ay ang ama lang din ang nakakaalam sa kalagayan niya o ang pagbubuntis. "Hindi pa, Itay. Nagtataka nga po ako ilang araw nang hindi pumarito. Ipagtatapat ko sana noong huling nandito kaso mukhang aburido kaya't ipinagpaliban ko. Nag-aalala na nga po ako sa kaniya itay baka kung ano na ang nangyari sa kaniya," tugon nito. "Iba ang kutob ko, Geum. Sana ay kaisipan ko lamang ito o 'di kaya ay bunga lamang ng katandaan ko." Napahawak siya sa kaniyang dibdib na hindi nalingid sa anak. "Anong problema 'Tay? May karamdaman ka po ba? Halika 'Tay dadalhin kita ngayon din sa hospital." Lumapit si Geum sa ama dahil bigla itong napahawak sa dibdib. Para bang naninikip ang kalooban. "Huwag na, anak. Okay lang ako, buntis ka kaya mas kailangan mo ngayon ang pera," tugon ng matanda. At nais sanang idugtong na " mas kailangan mo ang pera para sa kinabukasan ng magiging anak mo lalo at iba ang pakiramdam ko. Nasa iisang lugar tayo pero bigla na lamang hindi nagpakita ang nobyo mo. Iba na ang ibig sabihin ng hindi niya pagpapakita" kaso pinigilan niya ang sarili. Saksi siya sa pagmamahalan ng dati niyang amo o anak ng amo niya at ang dalaga niya. Hindi rin lingid sa kaniya na natutulog sila sa iisang kuwarto. Sa madaling salita ay alam niyang namumuhay na mag-asawa ang dalawa kahit hindi pa sila kasal. "Itay, huwag kang magsalita ng ganyan. Ang ipon ko ay para sa ating lahat. Para sa mga ganitong pagkakataon kaya't halika 'Tay kailangang magpakunsulta ka sa doctor," muli ay wika ni Geum. Pero pinanindigan ng matanda ang hindi pagpayag na huwag na silang pupunta ng pagamutan. Kahit anong pangungumbinsi ng dalaga rito ay walang silbi dahil hindi nabago ang desisyon. "Dios ko gabayan mo sana ang anak at apo ko. Ikaw na po ang bahala sa kanilang mag-ina," pipi nitong dasal kaya't hindi na rin nagpumilit ang dalaga na alamin ang nais sabihin ng ama. Samantala dismayado siya(Aja) dahil ilang araw na siyang hindi nakakadalaw sa kasintahan ay hindi pa niya alam kung anong nangyari at bigla na lamang siyang pina-house arrest ng ina. Wala sanang problema kaso walang gustong sumunod sa utos niya at higit sa lahat walang linya ng telepono sa kuwarto niya even mobile. In other words, he's hopeless inside his room. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang bumukas ang pinto at iniluwa ang ina. "Nakapag-isip-isip ka na ba, Aja? Sabi ko naman sa iyong wala kang mapapala sa katulong na iyon pero anong ginawa mo? Patuloy ka pa rin sa pakikipagkita sa kaniya at isa lang ang ibig sabihin niyan patuloy mo akong sinusuway. Tingnan mo ngayon ang nangyayari sa iyo. Ngayon tatanungin ulit kita, Aja. Nakapagdesisyon ka na ba kung ano ang gagawin mo? Sino ang pipiliin mo kaming pamilya mo o ang katulong na iyon?" nasa bungad pa lamang ito ng pintuan ay nagsimula na itong nagsalita. "Pamilya ko kayo Mama hindi na iyan mababago. Pero mahal ko si Geum---" "Really? Mabuhuhay ka ba sa pagmamahal na iyan? Don't be a disgrace to our family kung may natitira ka pang katinuan. You're the only heir of Gaesamun Bojang yet you let yourself to be flirted by that b***h! Okay, fine! Piliin mo siya Aja pero ora mismo ay mawawalan ka ng karapatan sa lahat ng ari-arian ng mga Gaesamun! Tandaan mong wala pa sa palad mo ang control sa kayamanan natin kahit pa sabihing ikaw ang nag-iisang tagapagmana namin!" sigaw nito. Dahil dito ay sumugod ang ama na siguradong nabulabog lamang din sa sigaw ng ina. Isa ito sa pumapangalawa sa pinakamataas na opisyal sa bansa nila pero minsan ay sunod-sunuran lamang din sa kagustuhan ng ina. "Calm down, Yona. Sa lakas ng boses mo ay dinig na dinig sa apat na sulok ng mansiyon. Maari mo namang kausapin ang anak natin ng masinsinan. Paano kayo magkakaunawaan kapag nakasigaw ka?" anito. "I did that already for how many times but he refused all. Sinuway niya ang lahat ng bilin ko sa kaniya. Paano ako kakalma kung ang nag-iisa kong anak ay nahuhumaling sa isang KATULONG?" Ipinagdiinan pa ng Ginang ang salitang katulong. Kaya naman ay sumagot na rin si Aja. Hindi naman lingid sa kaniya ang reputasyon mayroon ang ina bago nito nakilala ang kaniyang ama. "I'm not going to say sorry about what I'm going to say 'Ma pero sa palagay ko ay sumusubra ka na. Hindi ba't isa ka ring trabahador dati sa pamilya Gaesamun? Oo, Mama, alam ko iyan pero hindi ako nagsalita dahil ikaw ang nagsilang sa akin kaso mukhang hawak mo na sa leeg si Papa at gusto mo pa akong pigilan sa nais kong gawin. Tama! Ako ang tagapagmana ninyo ni Papa including his official title pero paano ko magagawa ang sumunod sa yapak niya kung ang kagustuhan mo ang nasusunod? Nasa dugo na natin ang pagiging politicians at marami akong pangarap para sa bayan even not high as my father. Still I will never achieve anything if you're holding my back!" ganti niyang sigaw. Kaso... Ang kaniyang ama ang sumagot. Hindi lang iyon dahil halos tumabingi ang mukha niya nang dumapo ang unexpectedly punch nito. For the first time since he was born into this world, he received a heavy punch from him which he never expected. "Tama! Katulong din namin ang Mama mo dati pero dahil sa talento niya ay umangat ang buhay niya, Aja! Hindi mo pa rin ba nauunawaan ang nais ipahiwatig ng Mama mo sa iyo? Ayaw niyang matulad ka sa pinagdaanan namin bago ko narating ang posisyong ito. Kaliwa't kanan ang batikos at panlalait ng mga tao sa aming dalawa dahil sa estado ng buhay naming dalawa. Pero may hindi ka nalalaman, Aja! Langit at lupa man ang agwat naming dalawa ay sinupurtahan kami ng Lolo at Lola mo. And that's the big difference between you and us. We can never support you for her dahil ayaw ka naming matulad sa aming dumaan sa maraming batikos asides from the support of my parents which we will never do to you. Ipagpilitan mo ang gusto tingnan ko lang kung hindi sila mamatay sa mismong harapan mo. Go and stay with them and live as a beggar for the rest of your life because once that you step out of this room, you're not my son anymore!" litanya nito bago tumalikod. "Go ahead and do as you wish, Aja. But remember those words from your father. I'll not stop you but beware of the outcome or prepare yourself to be a beggar," segunda pa ng kaniyang ina. Tuloy! Naiwan siyang napanganga dahil sa mga narinig mula sa mga magulang. Masuwerte siya dahil nabiyayaan siyang nagkaroon ng golden spoon o ipinanganak siyang mayaman. Nakuha, nasunod lahat ang gusto siya simula't sapol until the day he met Geum. The daughter of his family servant. Pero anong magagawa niya kung puso niya ang ayaw magpapigil sa damdaming nadarama para sa babaing kauna-unahang bumihag sa puso niya. "Boss, according to your father you still have one week to decides on which path you'll follow. I'm sorry, Master. I'm just delivering your father's wish. It's all up to you, Master. Until when you need to stay here inside your room." Tiningala niya ang Chief of the guards ng kaniyang ama. Makikiusap sana siyang tulungan siya ngunit inunahan din siya nito. "Alam ko ang nais mong sabihin, Boss. Ngunit ako na mismo ang nagsasabing huwag mo nang ituloy dahil para sa iyo rin ang ginagawa ng mga magulang mo. Just do what they want and you will decide later. And one thing more, Boss. Don't try to escape dahil nasa palad mo na ang kamatayan ng mag-ama. In other word one mistake of yours will cost the death of your your beloved and her father. Gather all your strength and think what you should do later," anito kasabay nang paglabas sa silid niya. "Do what they want and decide later," wala sa loob niyang inulit ang katagang iniwan sa kaniya ng butihing Chief of the guards. "May ibig siyang sabihin pero paano ba ako makakatakas o makakaalis sa lugar na ito without telling them?" tanong niya sa sarili. Sa kaisipang kailangan niyang mailigtas ang babaeng pinakamamahal ay napasalampak siyang muli sa higaan niya habang sapo ang ulo. Samantala, sa paglipas ng mga araw ay mas naging kapansin-pansin ang hubog ng katawan ni Geum. Kahit sa trabaho niya ay nagtatanong na rin ang kaniyang amo pero dahil hindi pa niya naipapaalam sa kasintahan niya ang tungkol sa dinadala niya ay nanatiling tikom ang kaniyang labi. Ngunit kagaya ng madalas sabihin ng mga tao ay walang lihim na hindi nabubunyag dahil bago man siya makapagtapat sa lalaking ping-alayan ng dangal ay nakarating na ito sa makapangyarihan nitong ina. "Anong kasalanan ko sa inyo at bakit kayo nakaharang sa dinaraanan ko?" tanong niya sa ilang kalalakihang bigla na lamang sumulpot at humarang sa kaniya. "Wala kang kasalanan sa amin, Miss Geum. Ngunit kailangan mong sumama sa amin dahil gusto kang makausap ng Boss namin," sagot ng isa pero paano niya pagkakatiwalaan ang mga taong kailan man ay hindi niya nakita o nakilala. "Hayaan n'yo na lang akong maka-alis total sabi ninyong wala akong kasalanan---" "Oo, wala kang kasalanan kanina pero ngayon ay mayroon na! You wretched! How dare you to defy my calling? Itong nababagay sa iyo!" Tumabingi ang mukha niya dahil sa lakas nang pagkakasampal ng hindi niya nakikilalang babae. Kung hindi pa ito tinawag na Madam ng mga alipores ay hindi siya nagkaroon ng ideya. "Madam!" isahang sambit ng mga tauhan nito sabay yukod na para bang Diyos. Doon ni Geum napagtantong ang Boss na tinutukoy ng mga humarang sa kaniya ay walang iba kundi ang ina ng kasintahan. Tauhan nito ang mga lalaking bigla na lamang sumulpot sa dinaraanan niya. But! Bago pa siya makahuma sa sakit dulot nang pananampal nito ay hinablot naman nito ang kuwelyo ng damit niya saka hinila palapit dito. "Huwag kang ambisyosa babae ka! Malay ko ba kung ang anak ko ang ama ng nasa sinapupunan mo? Sa hirap na pinagdadaanan ninyo ng ama mo ay sigurado akong bunga iyan ng pagbebenta mo sa iyong dangal para mabuhay kayong mag-ama! Mga hampas-lupa na wala ng ibang ginawa kundi ang huthutan ang anak ko kaya't magdusa kayong dalawa!" Napapikit siya dahil sa sakit ng balakang niya. Basta na lamang siya nitong itinulak kaya't sumadsad ang balakang niya sa sementadong daan. "Oh, heto sapat na iyan upang mabuhay kayong mag-ama kasama ng anak mong ewan ko kung kanino mo nakuha. Tandaan mo itong sasabihin ko dahil ayaw na ayaw kong malaman na nakikipagkita ka pa sa anak ko. You will both die in my hands oras na may makarating sa aking balita and besides don't try to come near our house to see my son or gather information about him dahil ilang araw mula ngayon ay ikakasal na siya sa marangal na tao unlike a insect like you!" sigaw nito kasabay nang paghagis sa mismong mukha niya sa isang cheque bago ito nagmartsa pabalik sa sasakyang nakaparada sa hindi kalayuan sa kinaroroonan nila. Wala siyang balak gamitin ang perang galing sa panlalait ng iba sa kaniya. Hindi niya ikinakahiyang katulong siya dahil marangal ang trabaho niya. Sadya nga lang malupit ang mundo dahil sa mayaman pa siya umibig. "I'm sorry, Miss. Pero bumangun ka na riyan. Kailangang umuwi ka na para sa inyo ng magiging anak mo. Be practical, Miss. Gmitin mo ang perang iyan para sa kinabukasan ninyo ng anak mo. Huwag kang mag-alala dahil legal at may laman ang chekeng iyan. I'm sorry again, Miss," nasabi pa ng isa sa mga lalaki bago sumunod sa mga kasamahan. Sa bilis ng pangyayari ay hindi na niya namalayan ang sumunod na nangyari. Hindi naman siya nawalan ng malay tao pero parang nakarating siya sa bahay nilang mag-ama na hindi niya namalayan. Doon pa lang niya pinakawalan ang sama ng loob, umiyak, sumigaw siya hanggang sa napagod at nakatulugan ang pag-iiyak o paglalabas ng sama ng kalooban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD