"Miss, sinabihan na kitang huwag nang pumarito dahil masasaktan ka lang pero anong nangyari at sa araw pa mismo ng kasal ni Boss ka pumarito?" Mahina man ang pagkakasabi pero nandoon pa rin ang pag-aalala.
Ito ang guard na umalalay sa dalagang buntis na hindi man lang nagpakita ang nakabuntis simula ng bigla na lamang itong nawala na parang bola.
"Huwag kang mag-alala, Kuya. Dahil ito na rin ang huli kong pagdalaw dito. Pumarito lang ako dahil gusto ko siyang makita sa espeyal na araw sa kaniyang buhay. Marahil nga ay napag-isip-isip na rin niyang hindi ang tulad ko ang nababagay sa kaniya. Salamat po, Kuya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang kabaitan mo. At sana ay magkita pa tayo balang-araw para masuklihan ko ang kabaitan mo sa akin. Sige na Kuya maiwan na kita dito baka mapagalitan ka pa dahil sa akin," malungkot at hindi maikubli ang pait sa boses ni Geum sa oras na iyon.
Akala niya ay ang ama nang dinadala niya ang taong makakasama niya habang-buhay ngunit isa lang pala itong panaginip. Totoo lang pala ang mga sabi-sabi na kailanman ay hindi maaaring magtakip ang babasaging pinggan at platong gawa sa kahoy. Katulong siya samantalang anak at tagapagmana ng isa sa pinakamayan sa buong Korea ang pinangarap niyang makasama habang-buhay. Mahal na mahal niya ito ngunit sadyang mapaglaro ang mundo. Nabilog nito ang ulo niya. Ganoon pa man ay wala siyang pinagsisihan dahil may anak sila. Ang magiging anak niya ang inspirasyun niya upang magpatuloy sa buhay.
"Walang anuman, Miss---"
"Geum, Buyeo Geum ang pangalan ko, Kuya," pamumutol niya sa pananalita nito bago tumalikod kaso humabol ito sa kaniya.
"Saglit lang, Miss Geum." Humarang ito sa dinaraanan niya.
Napatitig tuloy siya rito dahil sa paglapit nito ay may hinubad itong kuwentas saka inilagay sa kaniyang palad.
"Alam kong wala akong karapatan, Miss Geum. Pero heto kunin mo itong kuwentas ko at ibigay mo sa magiging anak mo. Hindi ko alam kung magkikita pa tayong muli but in case that you'll meet a difficulties in the future just tell your child to come and find me here. Yeon Raso ang pangalan ko at bilang karagdagang pagkilanlan ko sa kaniya balang-araw I'll name your future child give him a name Jang, Buyeo Jang just in case that you'll give birth a baby boy but if it's a baby girl name her after you Geom, Buyeo Geom. Go ahead, Miss Geum and I'll wish and pray that you'll deliver your child safely," pahayag ng personal guard ng mga Gaesamun especially the mother of Gaesamun Aja.
"Wala akong ibang masabi kundi salamat, Kuya." Yumukod siya sa guard na napakabait bago tuluyang lumayo sa malapalasyong tahanan ng mga Gaesamun.
Dahil nakatalikod siya ay hindi na niya nakita ang nakasunod nitong tingin at mas hindi na niya narinig ang binitawan nitong salita.
"Ang lupit ng kapalaran ninyo ng Boss namin Miss Geum. Sana ay maging maayos ang panganganak mo para maalagaan mo rin siya hanggang sa paglaki niya. At sana ay huwag n'yong maisipan lilipat ng bahay para madali kitang mahanap at matulungan kapag may magbabalak ng masama sa inyong mag-ina. Please be safe, Miss Geum, as you will take care of that heirloom necklace," bulong ni guard Raso. Mahina man ang pagkakasabi niya ngunit sapat na upang makarating sa pandinig ng kapwa guard.
"Hey, guard Raso. What are you looking out there? Saka kailan ka pa naging bubuyog? Aba'y kanina ka pa bulong nang bulong. Nakapagtataka namang nandito ka labas samantalang may party diyan sa loob at nadiyan si Madam," sabi ng kapwa guard kaso sa groom ito naka-assign samantalang siya ay sa Ginang.
"Parehas lang naman tayo, guard Maro. Ikaw nga ay nandito sa labas samantalang nasa loob ang reception ng kasal ni Boss Aja," tugon na lamang niya dahil ayaw din naman niyang maka-agaw ng pansin.
"Hmmm, I guess we should get some fresh air too, guard Raso. Punong-puno ang buong kabahayan at paligid ng mga nagsidalo. Mala-palasyo na pero dahil sa dami ng taong nagsidalo ay nagmistulang bahay ng ordinaryong mamamayan." Kibit-balikat nitong humithit ng sigarilyo.
"Indeed, guard Maro. Kaya't dito muna tayo total buong military division at PNP department ng buong bansa ay nandito na yata kaya't wala nang mangangahas na maging intruder." Tumabi siya rito kahit nasusuka siya sa usok ng sigarilyo nito.
Umaasa siyang nakalayo na ang dalagang tinulungan niya dahil ayaw niyang may makakita rito na galing sa main gate ng tahanan ng mga Gaesamun. Naaawa siya sa kalagayan nito pero wala siyang magawa kundi ang tulungan ito nang palihim dahil malupit din ang amo nilang babae. Isang kamali ay limot agad ang isang libong nagawang kagandahang-loob. Takot silang lahat sa kalupitan nito pero para sa kaniya ay may hangganan ang lahat. Natitiis pa lamang niya ang lahat para sa kinabukasan niya pero alam at sigurado siyang darating din ang araw na mapupuno ang kalooban niya.
Samantala...
"Anak, alam mo namang ngayon ang araw ng kasal niya pero pumunta ka pa rin doon. Hindi pa ba sapat ang bigat ng kalooban na dinadala anak?" salubong na tanong sa kaniya ng ama.
"Sorry po 'Tay pero nagtungo lang ako roon para makita sana siya sa huling pagkakataon kahit sa malayo lang kaso sa sobrang dami ng bisita nila ay kahit anino niya ay hindi ko natanaw. Huwag kang mag-alala 'Tay dahil oras na rin para harapin ko ang katutuhanang kailanman ay hindi kami nakalaan para sa isa't-isa." Inabot ng dalaga ang palad ng ama saka nagmano.
"Tama ka, anak. Kailangan mong magpakatatag para sa magiging anak mo. Kung gusto mo ay ipagbenta na natin ang lupa't bahay natin dito upang may magamit tayo sa paglipat nang matitirahan bago ka pa manganak. Alam kong mahirap para sa iyo ang gawin ito pero mas mainam na rin iyon para sa makaiwas ka sa maaring gawin ng ina ni Aja oras na malaman niyang hindi mo ipinalaglag ang nasa sinapupunan mo," tugon naman ng ama.
Hindi agad nakasagot si Geum pero sa kalooban niya ay sang-ayun siya sa mungkahi ng ama. Ilang beses na siyang pinagtangkahan ng Ginang pero nakakaligtas siya sa tulong na rin ng guard(Yeon Raso) nito iyon nga lang ay lingid sa kaalaman ng amo.
"Saan tayo pupunta 'Tay pag-alis natin dito? Sang-ayun ako sa mungkahi mo dahil sigurado akong babalikan tayo ni Mrs Gaesamun lalo na ngayong tapos na ang pinagkakaabalahan nilang kasal. Nawala man si Aja sa akin pero may naiwan siyang buhay na ala-ala kaya't kailangan ko rin itong protektahan. Ang tanong 'Tay saan tayo tutungo?" tanong niya.
"Anak, napakalawak ng bansa natin. Hindi lang dito sa Timog kundi may Hilaga, may Kanluran, at Silangan. May kakilala ako sa Timog kaya't maari tayong magpunta roon kaso mahaba-haba ang biyahe natin. Natatakot ako na baka kung ano ang mangyari sa inyong mag-ina," sagot nito sa kaniya.
Sa narinig ay napaisip siya. Tama kailangan din nilang lumayo sa kanilang lugar para sa kanilang kaligtasan pero problema naman nila kung saan sila pupunta. Kapag mabebenta nila ang kanilang bahay ay may magagamit din sila para sa paglipat kaso wala ding kasiguraduhang may buyer agad, idagdag pa ang tanong kung saan sila pupunta.
"Oh, saan ka ulit pupunta anak? Dahan-dahan lang sa pagkilos alalahanin mong buntis ka." Inalalayan ng matanda ang anak dahil sa biglaan nitong pagtayo.
"Okay lang ako, Itay. Wala naman sigurong masama kung lalapit ako sa mga dati kong amo. Mababait naman sila baka may maitutulong sila sa atin. Dito ka muna at susubukan kong kausapin si Madam." Iniwan ni Geum ang ama na hindi man lang ito hinintay na makasagot.
Wala mng kasiguraduhan pero wala rin namang masama kung susubukan niyang makipag-usap sa mga taong pinanilbihan niya ng ilang taon.
Kaso...
"Gusto ka man naming tulungan Geum pero buhay naman namin ang nakasalalay. We're under watch by Mrs Gaesamun too. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mong mas nakatataas na opisyal ang asawa niya kaysa sa asawa ko. I'm really sorry, Iha. But take this amount baka makatulong sa inyo ng Tatay mo," sagot ng dati niyang amo na mas ikinapanlumo niya.
"Malaki-laki na rin ang naitulong ninyo sa amin ng Tatay ko, Madam. Kaya't hindi ko na po iyan matatanggap. Nauunawaan ko po kayo pero maari bang makiusap, Madam? Kung okay lang po ay kayo na lang po ang maging buyer ng bahay at lupa namin para may magamit kami ni Itay papuntang Timog dahil may kakilala raw siya na maaaring makatulong sa amin. Doon na lang po kami magsisimulang muli, Madam," aniya. Ayaw din naman niyang magmukhang kaawa-awa lalo dahil sa kalagayan nila. They're in a situation that no one can imagine.
"No, Iha. Don't be---"
Kaso ang pananalita ng Ginang ay pinutol ng manugang nito na kamakailan lang din ikinasal sa dati niyang among binata.
"Sorry for the interruption, Mommy. Kung okay lang sa kanila ay sa lugar na lang po ng magulang ko iyon nga lang ay may kalayuan dito." Lumapit ito sa kanila at humarap sa kaniya.
"Geum, right? Hindi man tayo nagkasama rito sa bahay ng matagal-tagal pero alam kong mabait kang tao. Kung okay lang sa inyo ng Tatay mo ay sa lugar namin kayo pupunta para hindi kayo mahirapan sa biyahe. About sa house and lot ninyo ay ako na ang bahala riyan. Ibibigay ko ang sapat na halaga para roon pero hindi ko kukunin ang house and lot titles upang mabalikan ninyo anumang oras. Huwag mo nang isipin kung paano mo mababayaran iyan dahil ang hangad ko ay ang makatulong sa kapwa ko. Someday, somehow, you'll be able to give back the favor to us. Just take care of yourself so that you can take your upcoming child," sabi nito saka binuksan ang drawer sa katabing lamesa.
Sa kabiglaan ay hindi agad nakasagot si Geum. Alam niyang nagmula rin ito sa respetadong pamilya pero hindi akalaing mapagpakumbaba rin ito. Sa laki ng halagang nakasulat sa signed and valid cheque ay lampas na sa halaga ng house and lot nila.
"Go and encash that cheque, Iha. We all know that your life is in danger because of them so go now while they're still busy. They'll not notice you for coming here but if you will stay longer their men will be here swiftly to arrest us all. I'll pray for your safety, Iha. Don't worry as my daughter-inlaw says we'll take care of your own home here so just take the important things that you'll need and go to her parents place." Napatingin siya sa dati niyang amo.
Samu't-saring emusyon ang nararamdaman niya ng oras na iyon. Hindi niya maipaliwanag kung paano ito tukuyin at dahil dito ay tanging SALAMAT lamang ang kaniyang nasabi hanggang sa nakauwi siya. In her weary mind, the heaven's didn't forsake her yet. She still received a help from people who understand her situation without a doubt.
Few days later...
"What's the meaning of this, Mommy? Sinunod ko lahat ang gusto mo pero wala kang tinupad kahit isa sa usapan! You're heartless human!" malakas na sigaw ni Aja sabay pabagsak na lapag sa brown envelope na naglalaman sa report tungkol sa dati niyang nobya.
"Watch your word, Aja!" ganting sigaw ng ina.
"Wala kang kasing-sama! Pinakasalan ko ang babaeng kailan man ay hindi ko kayang mahalin dahil sa kagustuhan mo! Pero iyon na ang pinakamalaki kong pagkakamali sa tanang buhay ko dahil nakinig ako sa mga kasinungalingan mo! At tandaan mo ito, Mommy! Kahit anak mo lang ako pero hinding-hindi kita mapapatawad!" Iniwan na niya ang ina. Hindi niya lubos akalaing na sagad hanggang impiyerno ang kasamaan ng kaniyang ina. Akala niya ay may silid pa ang kabutihan sa pagkatao nito ngunit nabiktima na rin siya ng maling akala.
It's just few days ago since he got married but not as the other newlyweds that gone for honeymoon. No one of them was able to persuaded him to go and travel for honeymoon. And now he can understand the reason why he didn't go for it. His mother deceived him completely. His ex-girlfriend was nowhere to be found according to the investigator that he hired to find something about her. According to the last report from his servant Geum is pregnant and he's so sure that it's his child. How can he protect them now? Where he will find them? Who's to blame?
"Walang ibang dapat sisihin kundi ikaw at ikaw lamang, Gaesamun Aja. Nagdesisyon kang hindi man lang kinausap ang babaeng labis na umiibig sa iyo. Nandiyan na iyan kaya't harapin mo dahil ikaw lang ang makakalutas sa gulong pinasok mo." Napalingon-lingon siya upang hanapin kung saan nagmula ang tinig samantalang siya lang naman ang nasa mini-bar only to find out that he's dealing with himself.
Tuloy ay nalagok niya ng deretso ang laman ng baso.
Then...
The reality hits him!
Indeed! It's his fault at all! But how can he wrap up everything now? He's a married man already with the daughter of his Dad's officials. He wants to cry out loud! What did he do wrong for him to be punished cruelly?