"Where are you going, Aja?" tanong ni Mrs Gaesamun sa anak kahit may hinala na kung saan ito pupunta.
"May lakad lang 'Ma." Nagpatuloy siya sa paglakad dahil alam niyang haharangan lamang siya ng ina.
"May lakad ka o pupuntahan mo na naman katulong na iyon?" muli namang tanong ng Ginang kaya't napatigil ng tuluyan ang binata sa napipintong pag-alis. Hinarap niya ang kaniyang ina.
"Huwag mo na naman akong simulang galitin 'Ma. Dahil kahit anong gawin mo ay hindi mo ako mapipigilan sa pakikipagrelasyon sa kaniya. Ano naman ang masama kung katulong siya? Mabuti nga ang may marangal na hanap-buhay kaysa naman tambay lang sa bahay." Tinalikuran na niya ng tuluyan ang ina ngunit muling napatigil dahil nagpatuloy ito sa pananalita.
"Naririnig mo ba ang sarili mo, Aja? Alam mo ba ang ibig sabihin ng mga binitwan mong salita? For heaven's sake, Gaesamun Aja! You're the future leader of our country but you're degrading yourself to a maid? Are you out of your mind? Stay away from her or you will regret for the rest of your life!" malakas nitong sigaw sa kaniya.
Kaya naman imbes na manahimik na siya ay sinagot niya itong muli.
"Sabihin mo na 'Ma ang gusto mong sabihin pero ito ang nais kong malaman mo. I can give up everything in the name of love including that future position for me!" mariin niyang sagot saka tuluyang iniwan ang ina.
He, Gaesamun Aja was the only heir of Gaesamun Bojang. The vice-president of their country, Korea. Pero para sa kaniya ay ayaw niyang pasukin ang mundo ng pulitika dahil hindi rin naman niya magagawa o maipapatupad ang nais dahil sigurado siyang ang nais lang ng ina ang masusunod bagay na ayaw niyang mangyari. He has a great ambition for his country and he wants to serve and protect as well by his own will not anyone else. How can he become a leader of one place if he's just a puppet? It's better not to do anything. Instead of listening to his mother's nagging, he found himself to the place where he find happiness, where he find peace.
"Maaga ka yata ngayon, Sir? Hindi pa nakakauwi si Geum. Pasok ka, Sir." Salubong ng ama ng babaeng pinakamamahal niya sa kaniya.
"Okay lang po, Tata. Hihintayin ko na lang po siya," magalang niyang tugon sabay pasok.
Iyon din ang isa pa nagustuhan niya sa dalaga, kahit katulong lang kung tawagin ng ina pero marespeto ito sa kapwa, idagdag pa ang pag-aalaga nito sa amang may edad na. Nais niya silang tulungan pero kahit anong pilit niyang magbigay ng pinansiyal na tulong para hindi na sana magkakatulong pero hindi niya ito pumayag.
"Oras na tatanggapin ko ang perang sinasabi mo'y pinatunayan ko na ring iyan lang habol ko sa iyo," ang tangi nitong sagot sa tuwing binabalak niyang mag-iwan ng pera. Kaya naman bumabawi na lamang siya sa grocery lalo at doon naman siya madalas nagpapalipas ng bakanteng oras na bagay na pinakaawayan ng ina.
"May problema ka ba, Sir? Malalalim na naman ang buntunghininga mo. Siya nga pala Sir, anong gusto mong inumin?" Pukaw sa kaniya ng matanda.
"Pasensiya na po, Tata. Medyo nagkasagutan lang po kami ni Mama, but don't worry po dahil wala na iyon oras na lumabas ako sa bahay. Hintayin na lang natin si Geum para sabay-sabay na tayong maghahapunan may dala-dala po akong pagkain huwag na po kayong mag-abala. Saka Tata maari po bang kapag tayo lang eh Aja na lang po ang itawag mo sa akin. Alam ko pong paraan mo po iyon sa paggalang mo sa akin pero please Tata kapag tayo lamang ay sa pangalan ko na lamang ang itawag mo ." Inalalayan niya itong naupo ng maayos.
"Nakasanayan ko na, Iho. Simula pagkabata mo ay pinanilbihan ko na ang pamilya ninyo kaya't hayaan mo na rin akong tawagin ka sa paraang kumportable ako," tugon nito kaya't hinarap niya ito.
"Igagalang ko po iyan Tata pero hindi na kami ang amo ninyo at isa pa po'y nobya ko po si Geum at balang araw ay magpapakasal kami," aniya.
"Salamat Iho sa pagmamahal mo sa anak ko kahit magkaiba kayo ng estado sa buhay. Masaya akong papanaw dahil alam kung nandiyan ka at hindi mo siya pababayaan. Ang pakamahalin mo siya ng panghabang-buhay ay sapat na akin upang payapang maglakbay sa kabilang-buhay." Naninindig ang balahibo niya dahil sa parang may nais ipahiwatig ang pananalita nito.
Alam niyang ang bawat isa ay may nakatakdang kamatayan pero ang marinig mula sa taong mahalaga sa kaniya ang mga katagang iyon ay bigla siyang nanlamig. Pakiramdam niya'y nanlalamig siya.
"Tata naman huwag kang magsalita ng ganyan. Hindi ka pa po mamamatay. Masasaksihan mo pa ang kasal namin ni Geum at makakalaro mo pa ang magiging anak namin." Pampapalubag-loob niya rito kaso umiling-iling ito sabay sa pananalita.
"Aja, anak huwag kang magulat dahil gusto ko nang mamahinga. Nagawa ko na ang obligasyun ko sa mundong ginagalawan natin. Matagal na akong may karamdaman pero inilihim ko ito kay Geum dahil ayaw kong mag-alala siya. Alam kong may pinag-iipunan siya at ayaw kong sa gamot ko niya ibibili ang ipon niya. Gusto ko din siyang mamuhay gaya ng ibang babae na maalwan kaya't mangako kang huwag sabihin sa kanya ang kalagayan ko at higit sa lahat ipinagkakatiwala ko na siya sa iyo Aja anak," anito.
Kaya naman hindi siya agad nakapagsalita dahil lantaran na ang pag-amin nito sa nalalapit na paglisan. Wala namang problema sa pag-aalaga niya sa kanyang nobya dahil kahit hindi nito sabihin ay gagawin niya iyon kaso ang bilinan siyang huwag ipaalam sa kasintahan ang kalagayan ay ibang usapan na.
"Alam ko ang iniisip mo anak pero iyon na ang huli kong magagawa para sa anak ko. Ayaw kong dagdagan ang binabalikat niyang obligasyon kaya't sundin mo ang pakiusap ko, Aja," pukaw nito sa pananahimik niya.
"Makakaasa ka po, Tata. Pero hayaan mo sanang ako ang---"
"Salamat na lang, Iho. Pero ayaw kong hanggang sa kabilang buhay ko ay kamumuhian ako ng magulang mo. Kahit hindi mo ipapaalam sa kanila ang pagpapagamot mo sa akin ay malalaman nila iyan kaya't hayaan mo na anak. Sabi ko naman sa iyo na gusto ko ng mamahinga." Umiling ito tanda ng pagsalungat sa sinabi niya.
Dahil dito ay tuluyan nang hindi nakapagsalita Aja. Idagdag pa ang pagdating ng babaing pinakamamahal. Nagbigay-galang ito sa ama bago ito lumapit sa kanya at hinagkan sa pisngi.
Kinagabihan...
"Hindi ko na tatanungin kung uuwi ka o dito ka magpapalipas ng gabi, Love. Dahil alam ko namang ang pangalawang option ang nasa isip mo. Iba ang itatanong ko, kanina ka pa tahimik love? May problema ka ba? Ano ang pinag-uusapan n'yo ni Tatay kanina at mukhang sobra kayong seryoso?" sunod-sunod na tanong ni Geum sa kasintahan ng nasa silid na sila.
"Mukhang may balak kang maging imbistigador, love? Aba'y alin doon ang una kong sasagutin?" pabirong balik-tanong ng binata kaso kurot ang napala sa kasintahan.
"Ikaw Love, seryoso ang tanong ko eh. Baka naman may nasabing mali ang Tatay? O baka naman tinakbuhan mo na namang ang Mama mo?" Napanguso tuloy si Geum.
Kaya naman upang pukawin ang tamang hinala nito laban sa kaniya ay niyakap niya ito nang mahigpit.
"Sabi niya Love, kailangan daw nating makagawa ng mga tagapagmana natin para may makalaro siya rito habang nasa trabaho tayo. I love you, Geum," masuyo niyang anas sa punong-taenga na nauwi sa paghalik.
Simpleng halik pero bumuhay sa kani-kanilang libido kaya't ang simpleng halik ng binata sa kasintahan ay nauwi sa mainit na tagpo. Again, they ended up in intense love making. And yes, they're just boyfriend/girlfriend in the eyes of everyone but when they're inside the house of Geum ay mag-asawa sila. Hindi lang iyon ang gabing pinagsaluhan nila ang ritwal na para sa mag-asawa. They did their intimate love making again and again until their intense feelings subsided.
"I love you, Love ko. Pakasal na tayo upang lagi na tayong magkasama." Niyakap ni Aja ang kasintahan nang humupa na ang init ng kanilang katawan.
"I love you more, Love ko. At salamat sa pagmamahal mo. Masaya akong ako ang napili mong mahalin sa kabila ng estado natin. Gusto rin kitang makasama habang-buhay love pero ang tanong papayag ba ang mga magulang mo na papakasal ka sa katulong? Ikaw ang tagapagmana ng mga Gaesamun at sigurado akong ikaw ang papalit kay Sir. Kaya't muli kong tatanungin okay lang ba sa iyong pagpistahan ka ng tsismis? Alam kong alam mo na kaliwa't kanan ang matatanggap mong batikos oras na pakasalan mo ako." Tiningala siya nito kaso nakatitig siya rito kaya't dumikit ang labi nito sa kaniya.
"Mahal na mahal kita, Geum. Walang makakapigil sa akin upang pakasalan ka dahil nagmamahalan tayo. Wala akong pakialam kung ayaw nilang sumang-ayun dahil hindi sila ang magpapakasal sa iyo. Hindi sila maaring sasalungat dahil hindi nila pakiramdam ang damdamin natin," aniya saka muling hinagkan ang labi nito. Ang labing kinakaadikan niya.
Again and again, they made love until they fall asleep into each other's with huge smile.
Kinabukasan, gaya ng set up nila ay umuwi ang binata bago nagliwanag. Sabagay hindi lang iyon ang pagkakataong nangyari iyun sa kanila. Para sa kanila ay mag-asawa na sila dahil kasal na lang ang kulang upang matawag na legal silang mag-asawa. Noong una ay iniwasan niya ito lalo't langit at lupa ang pagitan nila pero dahil mahal nila ang isa't isa ay sumugal sila.
"Geum, anak wala ka bang pasok ngayon? Bangun na diyan baka mahuli ka," dinig niyang tawag sa kaniya ng ama. Kaya naman napatingin siya sa binatana at doon niya napagtantong matagal na pala siyang nagmumuni-muni na hindi namalayan ang paglipas ng oras.
"Nandiyan na po, Itay," tugon na lamang niya upang pukawin ang pangamba nito na maaring may nangyaring masama sa kaniya.
Masuwerte siya kahit hindi na niya nakagisnan ang ina dahil ayun sa ama ay pumanaw ito ilang araw pagkasilang sa kaniya. Nawala man ito pero hindi nagkulang ang ama sa pagmamahal at gabay sa kaniya. Hindi man siya nakapagtapos sa kolehiyo pero naigapang siya nito na mag-isa hanggang sa sekundarya. Wala siyang hinanakit dito kahit hindi siya kagaya ng mga kaedad na nasa opisina bagkus nagpapasalamat pa siya dahil kahit papaano'y nag-aral siya.
"Huh! Anong nangyayari?" tanong niya dahil parang umiikot ang paningin niya at hindi siya makatayo.
Nakailang beses din siyang sumubok na tatayo pero talagang umiikot ang paningin niya na sa bandang huli ay tuluyan siyang bumagsak na naging dahilan ng pagpasok ng kaniyang ama. Nadatnan tuloy siya nitong nakasalampak sa sahig habang nakakapit sa higaan niya.
"Anong nangyayari sa iyo, anak? May sakit ka ba? Huwag ka nang papasok kung hindi maganda ang pakiramdam mo. Ipapaalam ko na lang sa amo mo," sabi nito na bakas ang pag-aalala sa tinig.
"Naku, Itay, nagkamali lang po ako nang galaw kaya't napaupo ako ng wala sa oras. Huwag mo po akong alalahanin 'Tay dahil okay lang po ako," maagap niyang sagot. Ngunit paraan lamang niya iyon upang pukawin ang pag-aalala nito. Pero ang totoo ay talagang masama ang pakiramdam niya. Parang bumabaliktad ang sikmura niya kaso ayaw niyang ipinahalata sa ama. Dahil ayaw niyang mas mag-alala ito lalo at parang nilalamig siya na pinapawisan ng malapot.
"Sigurado ka ba, anak? Namumutla ka baka naman inaabuso mo na ang sarili mo sa trabaho? Huwag ka nang papasok kung---"
"Hindi po, Itay. Papasok po ako lalo at may mga trabaho kaming naiwan doon kahapon baka magalit si Madam kapag hindi namin balikan samantalang siya mismo ang nagpatigil sa amin kahapon. Huwag ka na pong mag-alala 'Tay wala po ito." Pamumutol niya sa sinasabi nito.
"Siya sige anak kung iyan ang nais mo. Maiwan na kita nang sa ganoon ay makapagbihis ka na. May nakahandang pagkain sa kusina anak baka ihinanda ni Aja bago umalis kaya't magbihis ka na lalo't mahuhuli ka na," wika ng Ginoo.
Sa isipan niya ay may iniindang sakit ang anak niya ngunit pilit itinatago sa kaniya. Subalit kahit anong sabihin niya ay hindi ito umamin kaya't hinayaan na lamang niya. Umaasa siyang wala itong malubhang karamdaman dahil ayaw niyang matulad ito sa yumaong asawa na namatay dahil sa kawalan ng perang pampagamot.
Samantalang pinilit ni Geum naligo, nagbihis at naghanda para sa pagpasok sa trabaho. Dumaan siya sa kusina nila upang mag-aalmusal sana kaso nais bumaliktad ng sikmura niya dahil sa amoy ng pagkaing nakahain samantalang isa sa paborito niyang pagkain.
Then...
"No! It can't be!" piping sambit niya dahil sa kaisipang biglang sumulpot sa isipan niya.
"At bakit hindi, aber? You're living with him like husband and wife so it's not surprising if you're carrying his child," sagot naman ng inner mind niya.
Kaya naman upang kumpirmahin ang haka-haka niya ay pinigilan niya ang sariling maduwal sa harapan ng ama na alam din niyang lihim na nagmamasid. Dumaan muna siya sa malaking bahay ng pamilyang pinaninilbihan at nagpaalam na hindi muna papasok dahil masama ang pakiramdam at kukunsulta sa doctor.
"Go ahead Geum and take care of yourself you look so unwell. Here take this amount for your medicine." Ipinahawak sa kaniya ng butihin niyang amo ang perang pambili raw niya ng gamot ngunit magalang siyang tumanggi.
"Maraming salamat, Madam. Ngunit nakakahiya po samantalang kakasahod naman po namin---"
"Take it, Geum. And go now you look so pale baka mapaano ka pa niyan. Huwag mong piliting papasok kung hindi maganda ang pakiramdam mo." Napalingon siya dahil sa tinig ng among binata kaya't hindi na siya nakipag-argumento bagkus ay nagpasalamat na lamang siya sa kabaitan nila.
Then...
"Congratulations, Miss Geum. You're on your first trimester of your pregnancy so be careful on your every move. Makapit ang sanggol sa sinapupunan mo pero kailangan mo pa ring mag-ingat," masayang pahayag ng doktora.
"Thank you, Doctora," magalang niyang sagot saka maingat ding lumabas sa klinikang pinuntahan.
May hinala na siyang buntis siya pero isinantabi niya iyon dahil bukod sa delayed menstruation niya ay wala ng ibang sintomas pero ng umagang iyon ay kinumpirma ng paninikmura niya. Masaya siya dahil sa nalaman ngunit kaakibat ng pangamba. Alam niyang mas matutuwa ang kasintahan niya sa pagdadalang-tao niya ngunit nakaramdam siya ng takot.
"I'm carrying your child, Love. Nagbunga ang pagmamahalan natin." Hinaplos-haplos niya ang impis niyang tiyan habang iniisip kung paano iyon ipapaalam sa mahal niya.