Nakamulatan na niya ang kahirapan. Silang mag-ina lamang ang namuhay dahil ayon dito ay yumao na ang kaniyang Lolo noong siya ay musmus pa lamang. Gifted child siya ayon sa mga guro niya dahil kahit mahirap lamang silang mag-ina ay nakakasabay siya sa mga anak mayaman sa lugar nila. Sa katunayan ay lagi siyang first honor sa paaralan nila ngunit lagi siyang binubully ng mga kaklase niya dahil dito.
Dahil dito ay natuto siyang gumamit ng kahit anong armas sa edad na labing-lima. Kailangan niyang gawin iyon upang mapangalagaan niya ang kaniyang sarili at ang mahal niyang ina. Ang tanging pamilya niya.
Siya si Buyeo Jang. Isang bastardo ng high ranking official sa kabilang bansa. Ngunit dahil sa kahirapan ay minaliit at kinutya silang mag-ina. Dahil tanging ang ina niya ang makakaalam kung sino ang kaniyang ama.
Hanggang sa nakilala niya si Charlotte Ethan Muller Aguillar. Half German and half Filipino. She is a business woman and adventurous who always wants to explore the beauty of the sea. Ito rin ang tumulong sa muli niyang pagbangon.