CHAPTER FOUR

1375 Words
"Jang! Jang! Nasaan ka na namang bata ka? Hindi ka pa ba nananawa sa pamalo?" malakas niyang(Geum) sigaw. Hindi naman ganoon dati ang anak niya. Masunurin itong bata kaso bigla itong nagbago at naging pasaway. Kung tutuusin nga ay talentado naman itong bata compared to the other kids like him. Nasa ika-limang baitang na ito sa elementarya at nangunguna pa sa class. Sa mura nitong edad ay marami na itong alam sa buhay. Hindi niya alam kung saan ito natuto sa self-defense. Kayang-kaya na nga nitong depensahan ang sarili unless na walang foul play. "Huh! Nasaan na ba ang batang iyon? Napapagod lang yata ako sa kasisigaw ah. Ang taong ito talaga oo lagot ka talaga sa akin oras na may kalokohan ka na namang kinasangkutan," tuloy ay bulong niya. Dahil ilang beses na din siyang nagpaikot-ikot sa bahay nila upang hanapin ito kaso kahit anino ay wala siyang makita. Ang hindi nito alam! Nasa punong-kahoy ang sampung taong gulang na si Jang. Pinagmamasdan ang inang hilong-talilong sa paghahanap sa kaniya. Wala namang kaso sa kaniya ang parusa ng ina kaso mas masakit pakinggan ang panglalait, pambabatikos ng mga tao sa butihin niyang ina kaysa sa pamalo nito. Tanging ito lang ang nakagisnang pamilya sa tanang buhay niya. Wala kahit mga ninuno man lang sana nang sa gano'n ay may malapitan din silang mag-ina kapag kinakapos sila. Tahimik siyang(Jang) umiiyak habang nakaupo sa malapad na sanga ng kahoy. Pero para sa kaniya ay mas masakit pa ang dulot ng kapwa nila kaysa ang kahirapan nila. "Sorry, Inay, kung laging sakit ng ulo mo ang dulot ko sa iyo. Ginagawa ko na ang lahat upang makaiwas sa anumang gulo kaso sila ang nauuna at iyan ang hindi ko matanggap-tanggap," tahimik siyang umiyak. Marami nang paghihirap ang pinagdaanan nilang mag-ina. Pero siya na rin ang saksi sa katatagan nito. Mag-isa itong bumalikat sa gastusin nilang mag-ina pero wala siyang kahit anong reklamong narinig mula dito. 'Kakayanin at titiisin ko ang lahat anak para sa kinabukasan mo. Balang-araw magsasalubong ang landas ninyo ng ama mo at tanging edukasyon ang maipapamana ko sa iyo. Sa pamamagitan ng edukasyon ay makakaharap mo ng taas-noo ang ama kaya't mag-aral kang mabuti anak.' Madalas niyang marinig mula sa kaniyang ina kapag sinisilip siya sa kaniyang silid-tulugan. Mahirap lang silang mag-ina pero may kaniya-kaniya silang silid. Ayon dito ay mabait ang dating amo at sila mismo ang tumulong sa ina upang makalipat sa kanilang lugar noong ipinagbubuntis pa lamang siya. Sabi nga ng kaniyang ina ay binigyan pa nila ito ng cash upang may magamit sa pagsisimula. Kaso! Napalalim yata ang pag-iisip niya dahil nang muli niyang narinig ang sigaw ng kaniyang ina ay nahulog siya sa puno. Mabuti na lamang at sa drum na punong-puno ng tubig siya bumagsak. "J-Jang! Ano ang ginagawa mo diyang bata ka? Kanina pa ako sigaw nang sigaw pero bakit hindi ka man lang sumagot samantalang nandiyan ka pala?" agad namang tanong ng Ginang sa anak habang tinutulungan itong makaahon sa drum. "Sorry po, Inay." Nakatungong paghingi nang paumanhin ng sampung taong gulang na si Jang. Sabi nga nila kahit gaano kagalit ang isang ina sa anak kung kusa at bukal sa kalooban ang paghingi nito ng paumanhin ay malulusaw ang galit nito at patatawarin ang anak. Kagaya ni Jang na sa tuwing nagkakamali o may kinasangkutang away-bata'y humihingi ng paumanhin sa ina. Ina lamang siya(Geum) at gagawin ang lahat para sa anak at isa pa'y bata pa ito. "Anak, may nakaaway ka na naman ba? Alam ko namang hindi ka makikipag-away kung hindi ka nila ginugulo. Pero anak ilang ulit ko na bang sinabi sa iyo na huwag mo silang patulan dahil walang magandang maidudulot sa iyo. Kabilin-bilinan kong ituon mo ang iyong atensiyon sa pag-aaral mo upang sa ganoon ay may maipagmamalaki ka din balang-araw. Sana, Jang anak,bito na ang huli mong pakikipag-away. Sige na anak pasok ka na doon sa banyo para makaligo't makapagpalit ka na ng kasuutan mo," mahinahong pahayag ni Geum. "Opo, inay." Tipid namang tumango si Jang. Hinintay niyang(Geum) nawala sa paningin ang anak bago pinakawalan ang kanina pa niya pinipigilang buntunghininga. "Sorry, Jang anak, kung lumaki kang mahirap at salat sa anumang bagay. Darating din ang araw na mauunawaan mo ang lahat kung bakit hindi ko maaring sabihin sa iyo kung sino ang ama mo. Nawala na si itay at hindi ko na makakaya pa kung pati ikaw ay kunin nila sa akin." Pinasunod niya ang paningin sa anak na pumasok sa kabahayan. Kinagabihan... "Tulog ka na po ba, 'Nay?" tanong ni Jang sa ina sabay katok sa pinto ng silid nito. Wala siyang narinig na sagot mula sa loob kaso bumukas ang pinto at iniluwa ang ina na halatang handa nang matulog. "Pasok ka, anak. Makikitulog ka ba kay Nanay?" masuyo nitong sa kaniya. Pero umiling-iling siya. Ilang taon na siyang nakabukod sa pagtulog at nakasanayan na rin niya iyon. Naisip lang niya itong puntahan dahil sa cheque na napulot niya sa basurahan. May isip na siya upang malaman kung ano ito kaya't itinabi niya upang masabi sa ina kaso nakakalimutan niya. Nasagi nga lang niya ang kuwaderno niya kung saan niya ito inipit kaya't nakita niyang muli. "Kung ganoon, bakit nandito ka anak? May sasabihin ka ba kay Nanay?" nuli ay tanong ng Ginang. "Opo, 'Nay," tugon niya sabay abot sa chekeng hawak. Samantalang natigilan siya(Geum) dahil hindi niya akalaing nasa anak niya ang chekeng ibinasura niya. Kahit kailangang-kailangan nilang mag-ina ang pera pero kailan man ay hindi sumagi sa isipan niya ang ipalit ito. Mahigit sampung taon na ang matuling lumipas noong hinarangan siya ni Mrs Gaesamun at ininsulto. Ganoon na rin katagal na nasa kanya ang tseke kaya't ibinasura niya noong nakita niyang muli sa salansanan ng damit niya. Hindi naman niya akalaing mapapansin ito ng anak niya. Sampung taon lang ito pero malalim na ang pag-iisip. Minsan nga naiisip niyang progidy child ito dahil na rin sa talentong mayroon ito. "Nay, okay ka lang po?" pukaw niya sa inang natahimik. Alam niyang hindi niya maitatago habang buhay ang tungkol sa buhay mayroon ito pero hindi pa siya handa upang ipagtapat ang tungkol doon. Kaso alam din niyang mahirap nang iliko ang usapan dito. Kaya't napabuntunghininga siya, ganoon pa man ay mas pinili niyang sagutin ito. "Alam kong matalino kang bata anak kaya't makinig ka sa sasabihin ko. Matagal nang nasa akin ang tsekeng iyan pero kahit anong hirap natin ay hindi ko naisip na ipalit iyan. Since na nasa iyo na iyan ay itago mo dahil proweba iyan ng pagkatao mo. Balang-araw babalik tayo sa dati nating lugar dahil nandoon ang amang matagal mo nang tinatanong sa akin. Ang kuwentas mo ay susi at daan lang din iyan upang makaharap mo ang iyong ama. Kaya't ingatan mo iyan at huwag iwaglit dahil oras na mangayri iyon ay mawawala rin ang pag-asang makabalik tayo sa dati nating lugar. Sa ngayon ay iyan lang muna ang maririnig mo sa akin. Kung anuman ang maririnig mo sa mga kapwa mo bata ay umiwas huwag mo nang pansinin. Kung kinakailangang umiwas ka'y gawin mo anak basta ang mahalaga'y mag-aral kang mabuti hanggang sa darating ang tamang panahon para sa atin. Nauunawaan mo ba ako, Jang anak?" Mahaba-habang paliwanag ni Geum Bawat salitang binitawan ng ina ay tumatak sa isipan niya. Detalyado ang lahat sa kanyang isip. Hindi nga lang niya lubos maisip kung bakit hindi pa sila maaring babalik sa lugar kung nasaan ang kaniyang ama. Wala naman siyang ibang hinangad kundi ang makilala ito at tanungin kung bakit inabandona silang mag-ina. "Opo, 'Nay. Sige po, 'Nay babalik na po ako sa silid ko at maitago ko ang tsekeng ito." Ganoon pa man ay nagawa niyang sinagot ang tanong ng ina. Muli, hinintay niyang nawala sa kanyang paningin ang anak bago isinara ang silid kahit pa sabihing gawa lang din sa kahoy ang pinto. "Alam kong maraming katanungan ang nagsisisulputan sa isipan mo anak pero gaya ng sabi ko'y hindi pa panahon upang magkita kayo ng ama mo. Matalino kang tao anak at hindi magtatagal ay malalaman mo din ang lahat at sana pagdating ng tamang panahong iyun ay magkakaibigan pa sila sa oras na iyun," bulong ng Ginang habang nakasunod ang tingin dito kahit sarado na ang pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD