"Where have you been, Aja? Are you not aware of your son's birthday?" salubong na tanong ni Mrs Gaesamun sa anak na kadarating lang din.
"Mama, saan ba ang alam mong pinuntahan ko? Natural sa trabaho, sa senado. Mas importante ang trabaho ko kaysa ano mang party diyan," dismayado ring sagot ng bagong dating.
"What?! What did you just said, Aja?" Hindi naman makapaniwala ang Ginang na kulang na lamang ay hilain ang anak pabalik sa kinatatayuan.
Kaya naman ay tumigil si Aja saka lumingon sa ina. Though, hindi niya napalitan ang ama sa pangalawang pinakamataas na puwesto sa kanilang bansa ay sa senado siya pumasok. Mas pabor na rin iyon sa kaniya dahil mas gusto niyang maabot ang nais niya kaysa sumunod sa kagustuhan ng ina. Doon sila laging nagtatalo dahil gusto nito ay sundin niya ang bawat utos at kagustuhan nito. Kagaya sa araw na iyon, tama kaarawan ng anak nilang mag-asawa pero may importanteng meeting sa senado kaya't hindi siya nakauwi para sa party.
Sa sampung taon at sampung kaarawan ni Kim Doham o ang anak niya ay una at pangalawang kaarawan lang yata nito ang nadaluhan niya bagay na mas pinaghihimagsik ng kalooban ng ina. Ilang taon na rin ang nakalipas simula ng yumao ang kanyang ama at gusto ng ina niya na manipulahin siya. Bagay na ayaw niyang mangyari dahil kahit anak lang siya pero may karapatan siya bilang tao.
"Huwag kang magbingi-bingihan, Mama. Dahil alam kong narinig mo ang sinabi ko. Pagod ako sa maghapong trabaho kaya't please lang gusto kong magpahinga," malamig niyang sagot saka tuluyan itong iniwan.
Kaso hindi sa kuwarto nilang mag-asawa dumiretso kundi sa mini-bar ng mansion nila. Doon siya nagpalamig ng ulo hanggang sa maisipang pumasok sa silid nila nang sa gano'n ay makapagbihis para makapahinga na rin.
Ang hindi niya alam, habang nagtatalo sila ng ina ay nakakubli ang anak sa malaking sementadong pader kaya't dinig na dinig ang binitawang salita. Saka lamang ito lumapit sa abuela nang nakaalis na ang ama.
"Grandma, bakit ganoon? Isang beses lang mangyari ang kaarawan natin sa isang taon pero bakit hindi man lang maisakripisyo ni Daddy na daluhan ito? Hindi ba niya ako mahal, Grandma?" May luha sa sulok ng matang lumapit sa abuela si Khim Doham.
Hindi niya maiwasang manibugho sa ama. Dahil tama ang binitiwan nitong salita. Wala pa siyang matandaan na kaarawan niyang dinaluhan nito. Sa mura niyang edad ay mayroon nang nakatago sa puso niyang galit. Dahil hindi lamang siya ang ganoon tratuhin ng ama kundi ganoon din ang ina.
DAHIL dito ay mahigpit na niyakap ni Mrs Gaesamun ang apo. Marahil ay maagang namahinga ang manugang kaya't mag-isa lamang ang apo sa oras na iyon. Nauunawaan din naman kasi siya ang pakiramdam ng mga ito.
"Mahal ka ng Daddy mo, apo ko. Kaya't huwag ka nang magtampo sa kaniya. Nagkataon lang na maraming trabaho ang daddy mo kaya't hindi siya nakauwi---"
"Sa tuwing kaarawan ko Grandma ganyan na po siya. Saka huwag mo na pong pagtakpan, Grandma. Dahil dinig na dinig ko ang sinabi niya kaninang mas importante ang trabaho niya kaysa sa akin." Ang luhang namumuo sa sulok ng mata ay tuluyan nang nahulog.
Kaya naman tanging yakap at moral support na lamang din ang nagawa niya dahil kahit siya'y hindi niya maunawaan ang anak. Ibang-iba na ito, kung dati-rati ay napapasunod pa niya ito. But few years passed, he completely changed. Hindi na ito kagaya ng dati na napapsunod pa niya sa anumang gusto.
SA kabilang banda, kagaya nang napag-usapan nilang mag-ina ay ininda lahat ni Jang ang samo't-saring parinig ng mga tao sa kaniya. Kahit gustong-gusto niyang bigyan ng leksyon ang mga nambu-bully sa kaniya ay todo pigil ang ginawa alang-ala sa kaniyang ina.
But...
Our life don't goes on always as we wishes. The waves of life's is always ahead of us. Like him and his mother, they did everything just to survive but another hindrance hit them. After five year of confronting him when he fall down from the tree where he's hiding. A scene that may change his life came along.
"So, dito pala nagtatago ang hampas-lupang kinahuhumalingan ng asawa ko. It's been more than ten years but still he's longing for you. A lowly wrench is living in a place like this." Mapang-insultong tiningnan ni Mrs Gaesamun mula ulo hanggang paa ang gusgusing babae sa harapan.
Without knowing who's in front of her, she answered too.
"Mawalang-galang na, Misis pero hindi ko alam ang sinasabi mo. Sino ka ba?" tanong ni Geum.
"Tsk! Tsk! Ikaw na lang yata ang hindi nakakakilala kay Madam Yowha. She's the wife of senator Gaesamun for your information," saad ng isang servant.
Dahil dito ay natigilan si Geum. Nagtataka siya kung paano nito nalaman ang kinaroroonan nilang mag-ina. Gustong-gusto niya itong sugurin kaso hindi niya magawa-gawa sa sulok ng kaniyang mga mata ay nakita niya ang anak kaso agad ding nagtago.
"Well, alam n'yo naman ang parusa sa mga taong walang respeto sa nakakataas sa kanila." Taas-kilay pang bumaling ang young Mrs Gaesamun sa alalay.
Wala sa pang-iinsulto nito ang isipan niya dahil alam niyang nasa paligid ang anak na kumukulo ang dugo. Matagal-tagal na rin simula noong kinausap niya itong huwag patulan ang mga nanunukso rito. Kaso sa nakikita niya ay gusto nitong sugurin ang mga nasa harapan niya. Doon siya mas natatakot dahil baka pati ito ay mawala rin sa kaniya.
"Go away from here, Jang, please. You must survive no matter what happen. Don't show yourself to them please," pipi niyang sambit at lihim ding nananalangin na sana ay umalis na ito.
"Are you crazy or you're just fooling us? Alam kong may anak kayo ni Aja at nandito ako para sunduin ito. Walang patutunguhan ang buhay niya oras na---"
"Walang anak ang asawa mo rito, Mrs. Gaesamun, kaya't maari ka kayong umalis ng mga kasamahan mo." Sa wakas ay pamumutol ni Geum sa pananalita ng Ginang.
Wala pang kaalam-alam ang anak niya tungkol sa pinagmulan at ayaw niyang sa iba nito malaman ang lahat. Alam niyang nagtataka rin ito dahil kitang-kita niya sa mukha nito. Kaya't kahit ayaw niyang patulan ang intruder ay mas minabuti niyang sumagot upang may dahilan siyang mapatingin ng maayos sa kinaroroonan nito.
"Bastos! Huwag na huwag mong pinuputol ang pananalita ni Madam! Alam mo bang maari ka naming patayin ora mismo? Ngayon sabihin mo kung nasaan ang anak ni Sir Aja at nang makaalis kami sa nakakadiring lugar na ito!" sigaw at duro ng Lady guard ng Ginang.
LALABAS na sana si Jang mula sa pinagkukublihan upang sakluluhan ang ina kaso todo ang pag-iling nito. Hindi man ito nagsasalita pero alam niyang may ibig sabihin ang bawat pag-iling at pagtitig nito sa kaniya. Kumukulo ang dugo niya sa paraan nang pakikipag-usap ng mga biglang sumulpot pero alam niyang hindi niya kayang itumba lahat ang nandoon lalo at may mga armas sila.
Kaso!
Ang hindi niya inaasahang hakbang nila laban sa ina niya ay binaril nila ang kaliwang paa nito kaya't natakpan niya ang labi dahil anumang oras ay mapapasigaw na siya. Wala silang karapatang tratuhin ng ganoon ang Nanay niya.
Iyon na naman eh! Ang titig ng ina ay 'magtago ka at huwag lalabas habang nandito sila'. Paano ba niya matutulungan ang ina kung ito mismo ang nagpipigil sa kaniya.
"Bagay lang sa iyo ang mawala sa mundo dahil ikaw ang salot sa relasyon naming mag-asawa! Kasalanan mo ang lahat ng kamalasang dumarating sa buhay namin! Kulang pa ang tama mong iyan hitad pero huwag ako ang kamuhian mo kundi ang taong ama ng anak mo! Kung mamatay ka man ay hindi ko kasalanan kundi siya at wala ng iba. Pagbalik ko rito sa susunod at hindi mo pa maibigay sa akin ang dahilan nang pambabalewala niya sa bawat kaarawan ng anak ko ay hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin!" muli ay sigaw ng Ginang bago hinarap ang mga kasama.
"Let's go! Let her be for now but we'll make sure she'll be in trouble right after we'll leave," anito sa mga tauhan.
Hindi nga nagdalawang-isip ang mga tauhan. Dahil muli nilang binaril ang kaawa-awang Ginang bago tuluyang umalis.
Pag-alis nila ay saka pa lamang patakbong lumapit si Jang sa inang duguan kaso hindi pa siya nakapagsalita ay inunahan na siya ng ina.
"Mag-impake ka anak at balikan mo ako dito. Kunin mo ang chekeng itinago mo limang taon na ang nakakaraan. Ang kuwentas moa y pag-ingatan mo iyan dahil matutulungan ka sa pagkamit mo sa iyong pangarap mo sa buhay," magmamadali nitong wika.
"Huwag kang magsalita ng ganyan, Inay. Dahil hindi kita iiwan dito---"
Kaso pinutol nito ang pananalita niya na labis niyang pinagtakhan. Wala siyang naunawaan sa pinagsasabi ng intruder pero mas nagtataka siya sa ikinikilos ng ina.
"Makinig ka, Jang anak, sa sasabihin ko dahil hindi ko ito uulit-ulitin pa. Kailangan mong umalis sa lugar na ito dahil hindi na tayo ligtas dito anak. Alam kong narinig mo ang lahat ang usapin namin dito kanina pero wala na tayong panahon para riyan. Kunin mo lahat ng kakailanganin mo sa susunod na pasukan dahil doon ka na mag-aaral. Lahat ng kakailanganin mo---"
"Nay, hindi kita iiwan dito---"
Kaso nagputulan lamang sila ng pananalita. Kung pinutol ni Jang ang sinasabi ng ina ay ganoon din ang ginawa nito.
"Please, Jang anak, huwag ka nang magtanong dahil masasagot lahat iyan pagdating mo roon. Hanapin mo ang taong ito(sabay abot sa papel). Oras na maipakita mo ang kuwentas mo ay makikilala ka niya kaya't huwag na huwag mong iwaglit. Kinse anyos ka na, Jang. Kaya't alam kong panahon na upang harapin mo ang tunay mong pagkatao." Hirap man dahil sa dalawang tama ng baril pero nagawa pa ring magpaliwanag ng maayos.
"Hindi kita iiwan dito, Nanay. Lalo at may tama ka---"
"Anak, alam ko ang iniisip mo pero ito na lamang ang alam kong paraan para maka-survive ka't makilala mo ang ama mo. Sige na anak wala ka ng oras na dapat sayangin narinig mo naman siguro ang sinabi ng babae kaninang babalik sila upang kunin ka hindi iyon nagbibiro anak.
Alam kong kaya mong depensahan ang sarili mo dahil marunong ka sa martial arts pero hindi sapat iyan na panlaban sa mga baril nila kaya't sige na anak impakehin mo na ang gamit mo nang sa ganoon ay makaalis ka na."
Muli ay pamumutol ni Geum sa anak.
Ang kabilaan niyang kamay ay ang walang-awang binaril ng mga demonyo. It's not fatal but in her case she's not able to survive but her son needed to do so. Hindi niya maaring ipagkait dito ang maalwang buhay magpakailanman. Labing-limang taon na itong namuhay sa hirap kaya't tama lang na malaman nito ang tunay na pinagmulan. In order to do so, Jang need to meet officer Raso who knows them very well. Ito ang susi para maabot ng pinakamamahal niyang anak ang ninanais.
"Susunod ako anak pangako iyan. Hindi nila ako papatayin dahil ikaw ang hinahanap pero hindi kita pinalaki upang ipamigay lang sa kanila. Pagdating mo roon at makausap si officer Raso sigurado akong susugod iyon dito at sa kaniya ako sasabay pero kailangan mong mauna roon upang abisuhan siya sa nangyari rito anak. Please, Jang, go now," aniyang muli dahil hindi gumagalaw ang anak.
Hindi rin naman niya ito masisisi dahil sa tanang buhay nilang mag-ina ay silang dalawa lang ang magkasama. Alam niyang labag din sa kalooban nito ang iwan siya pero parehas lang silang mamamatay kapag hindi ito aalis.
Labag sa kalooban ni Jang ang iwanan ang ina dahil na rin sa kalagayan nito. Pero paano niya ito sasalungatin samantalang ito na mismo ang nagtutulak sa kanya upang lisanin ang kinalakhang lugar? Makakaya ba ng konsensiya niya na iwan ito? Paano siya mamumuhay ng payapa kung alam niyang iniwan niya itong sugatan? Masasabi pa bang anak siya kung tatakbo siya upang iligtas ang sarili?
"Please, Jang anak, go now," tinig ng ina niya ang pumutol sa samu't-saring katanungan sa isipan.
Kaya't mabigat man sa pakiramdam niya ang iwan ito pero wala siyang nagawa dahil kulang na lang ay ipagtulakan siya nito sa pagmamakaawa. Pumasok siya sa kuwarto niya at inayos lahat ang kakailanganin niya including his school papers. At ang huli ay ang labing-limang taong tseke na pinulot niya sa basurahan ng ina.
"Nay." Lalaki man siya pero ang kaisipang iwan ang ina na mag-isa lalo at sugatan ay hindi niya napigilan ang luhang nag-unahang nalaglag sa pisngi niya.
"Go and achieve your dream, Jang anak. Hindi ka pababayaan ni officer Raso. Mahal na mahal ka ng Nanay anak," tugon ni Geum.
Walang kasiguraduhang aabutan pa siyang buhay ng taong tinutukoy niya pero kailangan niyang patatagin ang kalooban ng anak.
Yumakap pa si Jang sa ina bago tuluyang lumabas sa kanilang bahay. Iyon nga lang ay sa kusina na siya dumaan ayun na rin sa kanyang ina. Ang dahilan nito ay baka may nag-aabang sa kaniya sa harapan.
"Babalikan kita, Inay. Kaya't parang awa mo na lumaban ka at manatiling buhay," piping sambit ng binatilyo saka muling lumingon sa kinatatayuan ng bahay nila nang siya ay nasa main highway na. Hindi pa rin niya maiwasang maiyak dahil iiwan niya ang inang walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa.