CHAPTER SIX

2488 Words
"Ano ang ginagawa mo riyan, boy? Hindi mo ba alam na private property ito? Umalis ka ngayon din kung ayaw mong masaktan," dinig niyang sabi ng isang army. Pero kung ano ang ginagawa nito sa harap ng malaking bahay o mas tamang sabihing bakit mas ginusto nitong maging private bodyguard kaysa sa battlefield Pero para sa kaniyang unang tapak sa lugar na iyon ay walang masama kung mapatigil siya sa harapan ng mansion. Bahagya niyang iginala ang paningin at doon niya napagtantong napapalibutan ng mga armies ang buong paligid. Wala naman siyang balak na masama kaya't imbes na lalayo ayon sa utos ng lalaki ay lumapit siya dito sa mismong harapan ng gate. "Ano ba ang problema mo, boy? Aba'y gusto mo yatang magkaroon ng sakit sa katawan? Kanina ka pa pinapaalis ng kasama namin ah," tuloy ay inis na sabi ng isa pang army na kulang na lamang ay kaladkarin siya. Pero kahit nasasktan siya sa paraan nang pagtrato't pagtulak nito ay tiniis niya. Dahil nais niyang makausap ang taong sinabi sa kaniya ng ina. Upon remembering his left behind mother, he stood up firmly once again and face the armies who's about hit him. "Please, Sir. Gusto ko pong makausap si officer Raso. Kilala po niya ako. Pakisabi pong Buyeo Jang. Kailangang-kailangan ko po siyang makausap." Pagmamakaawa niya. Mahirap paniwalaan pero kailangan niyang panghawakan ang bilin ng ina niyang walang kasiguraduhan kong buhay pa ito. Dahil wala rin siyang ibang pagpipilian at higit sa lahat ay wala siyang ibang mapuntahan sa lugar na iyon. Kaya't titiisin niya ang gaspang ng ugali ng mga armies na nasa harapan ng bahay. Samantalang sa narinig ay nagkatinginan ang nakatalagang gate guard bago ibinalik sa lalaking bigla na lamang sumulpot sa harap ng mansion ng mga Gaesamun. Pilit nilang inaaanalisa kung nagsasabi ba ito ng totoo. Kaso bago pa sila makapagdesisyon kung ipaalam nila sa chief of security ang tungkol dito ay ito na ang kusang lumabas. "Anong kaguluhan ito? Sino ba iyan at mukhang pinagtutulungan ninyo? Ano ang kasalanan niya sa inyo?" sunod-sunod pa nitong tanong. "Sorry, boss. But he's a little suspicious. Kaya't nagdadalawang-isip kami kung ipapaalam ba sa iyo ang tungkol sa kaniya," agad na sagot ng isang army na sinundan din ng isa. "Sa katunayan, Boss, ikaw ang hinahanap niya. Sabi niya ay kilala mo raw siya. Buyeo Jang daw ang pangalan niya," paliwanag nito. Sa pangalang binanggit ng isa sa mga tauhan niya ay natigilan siya. Pinakatitigan niya ang binatilyong kung hindi siya nagkakamali ay nasa labing-lima ang edad. "Alam kong wala akong karapatan, Miss Geum. Pero heto kunin mo itong kuwestas ko at ibigay mo sa magiging anak mo. Hindi ko alam kung magkikita pa tayong muli but in case that you'll meet a difficulties in the future just tell your child to come and find me. Yeon Raso ang pangalan ko at bilang karagdagang pagkilanlan ko sa kanya balang araw I'll name your future child give him a name Jang, Buyeo Jang just in case that you'll give birth a baby boy but if it's a baby girl name her after you Geom, Buyeo Geom. Go ahead, Miss Geum and I'll wish and pray that you'll deliver your child safely." Sa pagtitig niya sa binatilyo ay parang umalingaw-ngaw sa isipan niya ang mga huling katagang binitawan sa babaeng kinawawa ng dati niyang amo o ang ina ng kasalukuyan niyang amo. Labing-anim na taon na ang nakakaraan simula nang nangyari ang huli nilang pag-uusap at kung bibilangin niya ang taon ay sigurado siyang ang teenager sa harapan niya ay ang ipinagbubuntis nito noong bago nawala na parang usok sa lugar nila. "Leave him alone. Now!" mariin niyang utos saka ito nilapitan at tinulungang makatayo lalo at may dala-dala itong katamtamang maleta. "Halika dito Jang. Dito tayo---" "Mau, Biwu. Kapag may naghanap sa akin lalo na si senator sabihin n'yong ihinatid ko siya sa bahay. Babalik din ako pagkahatid ko sa kaniya. Maliwanag ba?" Ang pakikipag-usap sana sa binatilyong nasa harapan niya ay agad ding pinutol. May camera ang buong paligid at kapag magtagal ito doon ay siguradong mamumukhaan ito ng amo niya. Kaya't naisip niyang dalhin sa bahay niya upang makausap niya ito ng maayos. Ilang taon din niyang hinanap ang mag-ina kaso wala siyang suwerte sa paghahanap kaya't unti-unti niyang itinigil ang paghahanap. Ngayong abot-kamay na niya ito ay hindi siya makakapayag na muli itong mapahamak. He will protect him by his life. "Sige, Boss, masusunod," agad tugon ng dalawa. Kaya't muli niyang binalingan ang binatilyo na halatang nakikiramdam. "Halika sa sasakyan ko, Jang. Sa bahay na lang tayo mag-usap. Huwag kang matakot dahil kilala rin kita. Sumunod ka muna sa akin sa sasakyan. Doon na tayo mag-usap." Inakay niya ito patungo sa sariling sasakyan. Marami siyang nais alamin dito lalo na ang ina nito. Kaso ayaw niyang marinig ng mga tauhan niya dahil bukod sa camera ay mata pa sila ng dati niyang amo o si Mrs Gaesamun. Sila ang daily reporters nito lalo na ang tungkol sa anak nitong si senator Aja. Nagtaka naman si Jang sa kabaitang ipinakita nito samantalang sa oras na iyon lang sila nagkita. Ganoon pa man ay wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito sa sasakyang nakasilaw dahil sa kintab. Kaso ayaw siyang tantanan ng pagtataka kaya't nang sila ay nakapasok na sa loob ng sasakyan at nasa puntong bubuhayin na nito ay hindi niya napigilan ang sarili at nagtanong. "Mawalang-galang na po, Sir, pero totoo bang kilala mo ang Nanay ko? Sabi niya ay puntahan kita at ibigay itong sulat-kamay niya sa iyo dahil sabi niya ay matutulungan mo raw ako lalo na tungkol sa pagkatao ko. Totoo po ba iyon, Sir?" tanong niya. "Oo, Jang. Lahat nang sinabi ng Nanay mo ay totoo. Sa katunayan ay ako ang nagbigay sa pangalan mong Jang. Pero bakit ikaw lang ang nandito, Jang? Nasaan ang Nanay mo? Alam mo bang mahigit isang dekada na ang paghahanap ko sa inyo? Dala-dala mo ba ang kuwentas mo?" patanong nitong tugon bago tuluyang minaniubra ang sasakyan. SAMANTALANG hindi agad nakasagot si Jang dahil hindi makapaniwalang ora-mismo ay pinaniwalaan siya nito. Pero nang muling sumiphayo sa kaniya ang hitsura ng ina niyang iniwan para maisalba ang sarili ay agad siyang nakahuma. "Sir, ilang oras po ba ang biyahe mula dito hanggang sa Baekjung?" tanong niya kaysa sagutin ito. "Kung bihiyahe ka ngayon din ay nandoon ka na mamayang hapon. Pero ano ang gagawin mo roon?" tanong nito sa kaniya. "Galing po ako roon, Sir. Pero wala akong kamalay-malay na ganoon pala kalayo. Total nasimulan ko na po ay sasabihin ko na ang sadya ko, Sir. Tama pinapunta ako dito ni nanay. Ang sabi niya ay magpatulong daw ako sa iyo. Hindi ko alam, Sir, kung buhay pa si Inay. Dahil may mga armadong kalalakihang sumugod sa bahay at may kasama silang sopistikadang Ginang. Sa narinig ko ay asawa daw ng Gaesamun Aja. Wala naman po sanang problema dahil kahit mahirap lang kami ay maari pong pumunta sa bahay ang sinuman kaso ang lady guard ng Ginang ay pinahirapan si inay. Hindi pa sila nakuntento dahil binaril siya sa magkabilang palad bago umalis. Hindi nila nalamang nandoon ako dahil kahit hirap na hirap ay nagawa pa rin akong pigilan ni inay na huwag magpakita---" Sa narinig mula sa binatilyong matagal nang hinahanap ay bigla niyang naapakan ang preno ng sasakyan niya. Hindi niya akalaing nasundan pa rin young Mrs Gaesamun ang mga taong mahigit isang dekada nang nawala sa mismong lugar nila. "Nasaan ngayon ang Nanay mo, Jang? Ibig mong sabihin iniwan mo siya kahit nasa kritikal siyang kundisyon?" tanong niya dito. "Ayaw ko sanang iwan siya, Sir. Pero kahit anong pagpupumilit kong mananatili sa tabi niya ay hindi siya pumayag. Kung mababasa mo ang sulat ay baka may malaman kang kasagutan. Basta ang sabi niya sa akin ay hanapin kita sa lugar na ito dahil ikaw ang makakatulong sa akin," pahayag ni Jang at hindi napigilang malungkot dahil sa pagkaalala sa inang wala nang kasiguraduhan kung buhay pa. "Nauunawaan ko, Jang. Huwag kang mag-alala dahil gagawin ko ang lahat para sa iyo. Sa ngayon dito ka na sa bahay. Huwag kang mag-alala dahil ako lang ang nandito. Nasa Germany ang mag-iina ko dahil nandoon ang kabuhayan nila. By the way, kumain ka na ba?" muli ay sagot ni officer Raso. Wala pa siyang kinain kahit ano simula ng umalis siya sa lugar na kinalakhan. Pero hindi siya makaramdaman ng gutom dahil na rin sa kakaisip sa inang walang kasiguraduhan kung buhay pa. Ito na lang ang mayroon siya kaso nagawa pa niya itong iwan upang isalba ang sarili. Kaya't imbes na sagutin ang tanong nito ay tinanong din niya ito. "Sir, hindi po ba natin babalikan si Inay? Hindi ko po alam kung ano ang kalagayan niya kaya't maari bang tulungan mo siya, Sir? Handa po akong magpaalila sa iyo basta maisalba ang buhay ni Inay kaya't nakikiusap ako sa iyo, sir." Pakiusap niya rito na hindi sumunod sa pagpasok sa pintuan. Nanatili siyang nakatayo sa harapan nito. Kaya't muli itong bumalik sa kinatatayuan niya saka siya hinawakan sa magkabilang balikat. "Makinig ka anak kahit hindi mo sabihin iyan ay tutulungan ko si Geum. Matagal ko na kayong hinahanap pero wala akong napala at ngayong nandito ka'y gagawin ko ang lahat para maprotektahan ka. Hindi mo kailangang manilbihan sa akin Jang dahil kung tutuusin ikaw ang amo ko at ikaw ang paninilbihan ko. Pero sa ngayon kailangan muna kitang iwan dito upang mapuntahan ko ang Nanay mo upang kayong dalawa ang haharap sa Tatay mo. Upang magawa ko ang bagay na iyan ay pasok ka na muna rito sa loob upang maituro ko ang magiging kuwarto mo upang makapagpahinga ka na. Alam kong mahirap ang kasalukuyan mong sitwasyon pero maniwala ka sa akin Jang anak gagawin ko ang lahat para sa inyo ni Geum." Mahaba-haba nitong paliwanag sa kaniya. Hindi naman sa wala siyang tiwala rito. Dahil kung niloloko lang siya ay baka sa harapan pa lang ng mansion ay pinabayaan na siya. Nagdududa lang siya sa kalagayan ng ina niya. Naiisip niyang baka kung ano na ang nangyari dito. Kaso wala siyang pagpipilian sa ngayon kundi sundin ito. Pumasok siya habang hila-hila ang maleta. May pumukaw din sa pandinig niya, nagtataka siya sa sinabi nito na kung tutuusin ay siya daw ang amo nito. "Ito ang magiging kuwarto mo sa ngayon, Jang. May banyo na rin diyan sa loob at kumpleto ang kagamitan. Kung nagugutom ka ay may pagkain sa kusina, feel at home anak maari kang magluto ng gusto mong kainin. Kagaya nang sinabi ko ay ako lang ang nandito kaya't kahit sino o kahit anong pangangakatok ng maaring maging bisita ay huwag mong pagbuksan. Dahil ako ay maaring nakakapasok dito ng may susi and besides maari mong silipin sa bintana. "Sige na anak maiwan na kita at magpapaalam kay senator nang sasabihin gano'n ay mapuntahan ko ang ina mo. Don't worry I know Baekjung very well kaya't kahit hindi mo sabihin kung saang banda siya naroon ay alam ko. Maiwan na kita dito anak." Iniwan ni Officer Raso ang binatilyo sa harap ng maging kuwarto nito. 'Anak' Bukod sa ina niya'y wala nang ibang tumatawag sa kanya ng gano'n. Palaisipan talaga sa kanya ang paraan ng pagtawag nito sa kanya. "Kapit lang inay. Sana'y nasa mabuti kang kalagayan. Parating na si sir Raso upang sagipin ka sa mapang-aping nilalang," bulong niya saka pumasok sa loob ng kuwarto na para bang pinasadya para sa kaniya. Dala ng pagod ay basta na lamang siya nahilata sa malambot na higaan. Nawala na sa isipan niya ang maglinis ng katawan at kumain. Hinila na nga siya ng antok na hindi man lang niya namalayan. Samantala... "Ano?! Ang sinabi mo, Raso? Buhay na buhay ang mag-ina ko? Nasaan sila? Dalhin mo ako sa kanila ngayon din!" malakas na utos ni Aja sa chief security nila. "Sa ngayon Boss ay nasa kalinga ko ang panganay mong anak pero ang ina niya ay nasa Baekjung daw. At walang kasiguraduhan kung buhay pa ba ito o patay na. Pinagbabaril daw ng mga tauhan ng asawa mo, boss. Kaya't kung maari ay chopper ang gamitin natin para mas mabilis ang biyahe. Take note bossing alam na ng asawa mo kung nasaan si Geum kaya't kung ako sa iyo'y kumilos ka na. Sinasabi ko ito hindi dahil boss kita pero bilang kaibigan mo sa mahabang panahon," paliwanag ni officer Raso. Kaya naman agad napatingin sa kaharap si Senator Gaesamun. Matagal na itong nanahimik o mas tamang sabihin na matagal na nitong hindi binanggit ang tungkol sa pagkakaibigan nila. Kaya't napatingin siya rito lalo at sa ina niya ito nakatuka dati pero simula nang namatay ang kaniyang ama ay nalipat ito sa kaniya bagay na labis din niyang ikinatuwa. Hindi rin lingid sa kaniya ang ginawa nitong paghahanap sa mag-ina niya sa loob ng napakaraming taon. Kaya't labis-labis ang pasasalamat niya dahil may isang tulad nito na kailanman ay hindi siya pinabayaan. Kahit minsan ay alam niyang nagkakamali at nawawala siya sa landas ay ito rin ang nakaalalay. Ito rin ang nagtapat sa kaniya tungkol sa ginawa ng kaniyang ina sa kasintahan iyon nga lang ay may asawa na siya sa panahong iyon. "Alam ko, Raso, alam ko ang ibig mong sabihin. Wala akong ibang masabi sa iyo kundi salamat sa lahat. Kung tutuusin ay hindi mo naman kailangang magpakahirap dito sa Korea. Dahil stable ang kabuhayan ng pamilya mo sa Germany pero mas pinili mo ang manatili sa piling ko kaysa sa kanila. Salamat, Raso. Habang-buhay ko itong tatanawing-utang na loob. Kaya't sige na, Raso, puntahan mo na ang piloto para abisuhan siya. Tell him it's urgent so that he'll move quickly and make sure that no words will come out. Alam mo na ang ibig kong sabihin." Pahayag ni Senator Gaesamun makaraan ng ilang sandaling pananahimik at pagninilay-nilay. "We sworn to be brothers not only friends, Aja. And that's the reason why I stay with you rather than my own family. Your obstacles are mines too so you don't need to say those words because I know it that it's for you too. Go and prepare yourself and we'll go straight to the chopper that waiting for us. I hired a private chopper not your family own for the reason that your wife and your mother might know. Don't look at me like that, the Gaesamun Aja that I know long years ago is a strong and bright man so if I were you hold on your composures. Let's go." Tinapik-tapik naman ni officer Raso sa balikat ang kaibigan. So it be! The two of them went out with out most secrecy. They need to be in Baekjung as soon as possible for them to able in rescuing Buyeo Geum. The mother of Buyeo Jang. Ang tanong! Buhay pa ba ito? Nakaligtas ba ito sa malupit na young Mrs Gaesamun? Ano ang koneksyon ni Raso kay Geum?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD