Saab’s POV
“Salamat ha?” sabi ko sa binatilyong tumulong sa akin na magbitbit ng maleta ko papunta sa bago kong apartment. Naipagpasalamat ko at hindi pa ako nakakalayo sa pulutong ng mga lasenggero na iyon ay may binatilyong lumapit sa akin at nag – offer na tulungan akong bitbitin ang mga gamit ko. Dumukot ako ng two hundred sa bag ko at ibinigay sa kanya. Napangiti rin ako ng makita ko ang kasiyahan sa mukha niya ng makita ang binigay ko.
Inilibot ko ang paningin sa bagong titirahan ko. Maliit lang ang kuwarto na iyon. One bedroom with a single bed. Mukhang bagong renovate naman ang place and malinis. Tamang – tama lang para sa akin na nag – iisa. Not as grand as my condo but if I can have my peace of mind here, mas mabuting dito na lang. At least dito, wala si Joey na laging sunod ng sunod sa akin. Natawa ako. Noon ako ang patay na patay kay Joey pero ngayon siya na ang parang asong sunod ng sunod sa akin. Well it’s because utos iyon ng mommy niya for sure.
I took my phone ang dialed my dad’s number. Pero hindi ko pa rin pinipindot ang call button. I was still thinking if I need to tell him that I moved out from my place. Siguradong kapag nalaman niya kung nasaan ako, hahanapin niya ako at pilit na papauwiin. Ilang buwan na rin na pangit ang relationship naming ni daddy mula ng malaman ko ang matagal na niyang sikreto. I found out he is not my real dad. When he married my mom she was already pregnant. I don’t know what was the real story behind that but, who cares? They lied to me and until now hindi niya masabi sa akin kung sino ang totoong tatay ko. I erased my dad’s number instead, I called my Ninong Philip.
“Saab, where are you? You’re dad is going crazy looking for you. Umalis ka daw sa condo mo,” iyon agad ang narinig kong bungad niya sa akin. Pero kalmado lang siya. He is not mad at me.
This is what I like with Ninong Philip. He is my dad’s bestfriend. He is been so good to me ever since I was a kid. Sometimes I wish siya na lang ang naging daddy ko. Well, daddy Carlos is also nice but you know, there is a difference between them. Si daddy masungit but si Ninong Philip cool. Laging chill lang. He even offered a job to me kaya doon ako nagta – trabaho sa kanya bilang Sales and Marketing Coordinator.
“That’s why ikaw ang tinawagan ko. I know if I call my dad, siguradong mag – histerikal na naman iyon,” iyon ang sagot ko sa kanya. Inipit ko ang mobile phone ko sa tenga at balikat ko para matanggal ko sa bags ang mga gamit ko at maiayos ko na.
“Nasaan ka ba? Is Joey still bugging you? Ano ba ang gusto mong gawin ko sa lalaking iyon?” I can feel that he is really worried about me.
“Ninong, I am fine. Ang tanda ko na ‘no. Besides, I wanted this. I wanted to stay away from dad for some time,” natatawa ako.
“Is this still about what you found out? Sabina, your dad treated like you are his own kid. Alam mo naman iyon. He loves you.”
Napalunok ako dahil parang gusto kong maiyak. I know daddy loves me. Siguro nga ako lang talaga ang may diprensya kaya kami nagkaroon ng misunderstanding.
“No ninong. Gusto ko lang po talagang lumayo pansamantala. I’ll go back to my place. Don’t worry. Please tell dad, I am fine. Tatawag naman ako kapag nagkaroon ng problema,” iyon na lang ang sinabi ko. I know Ninong Phillip wanted to say more but I cut him already. I just told him I needed to fix my place.
Napabuntong – hininga ako at muli kong tiningnan ang paligid bago ako humiga sa kama. Not bad. Mukhang uratex foam ang gamit ng landlady ko ah. Not cheap. Napabangon din ako agad ng maalala kong kailangan ko nga palang ibigay ang remaining p*****t sa landlady ko.
Bumaba ako at kumatok sa pinto. It’s a four door apartment type. Dalawang apartment sa baba, yung isa doon nakatira ang landlady ko na si Aling Lucing and two more door upstairs. Akin nga ang isa. Kumatok ako at pagbukas noon ay nakita ko ang isang medyo may edad na babae I think her age is around fifty five to sixties.
“Aling Lucing? Ako po si Saab ‘yung uupa sa taas. Ako po ‘yung kaibigan ni Tessa,” nagpakilala na ako.
I can feel her warm welcome kahit ngumiti pa lang siya sa akin. Mukhang mabait si Aling Lucing. Mukhang hindi ako magkakaproblema dito. Pumasok ako sa loob ng bahay niya dahil ininvite niya ako.
“Nasabi nga sa akin ni Tessa na ngayon ka daw darating. May kailangan ka pa ba? Kailangan mo ng tagabuhat sa mga gamit mo?”
Umiling ako. “No. Okay lang po ako. Ibibigay ko lang po ang kulang kong p*****t,” iniabot ko dito ang sobre.
“Bukas ulit! Puta, nilasing ‘nyo na naman ako.”
Pareho kaming napatingin ni Aling Lucing sa pinto dahil malayo pa lang ay nakakarinig na kami ng pagtatawanan ng mga lalaki. Napairap ako dahil naalala ko na naman ang grupo ng mga bwisit na lalaki kanina.
“’Nay! Dumating na ba ang bago nating tenant? Maganda ba?”
I don’t know kung sino ang nagulat sa amin ng lalaking pumasok sa bahay. That guy. How can I forget that freaking guy na hindi ako tinulungan at binastos pa ako. At ano ang ginagawa niya dito. And wait. Did he just call Aling Lucing ‘Nay?
“Anong ginagawa mo dito?” I can smell the alcohol from his mouth kahit malayo ang pagitan naming dalawa. This time he is already wearing his shirt and it fitted to his body well. Does he love rock metal band? Wolfgang ang nabasa kong pangalan ng banda na nakalagay doon.
“It’s you I need to ask that. What are you doing here?” nagtaray na ako.
Nakita kong napatawa siya at tuloy – tuloy na pumasok sa loob ng bahay.
“Aling Lucing, bakit ‘nyo ho pinapayagan na pumasok sa bahay ‘nyo ang lalaking iyan? Bastos ho ang lalaking iyan. Hindi marunong gumalang sa babae,” sabi ko.
“Ah, ano kasi Saab, siya kasi ang –“
“Ikaw ang dapat kong tanungin kung ano ang ginagawa mo dito,” pinutol ng lalaking bastos ang sasabihin ni Aling Lucing.
“I live here. Upstairs. Aling Lucing is my landlady. Are you also a tenant here?” taas ang kilay na tanong ko.
“’Tang ‘na. Nag – ingles ka na naman, eh,” nakita kong napapailing ang lalaki at tumingin sa matanda. Kitang – kita ko ang kalituhan sa mukha ni Aling Lucing. “Siya ho ba ang bagong tenant natin ‘nay?”
“’Nay?” gusto kong makasiguro.
“Siya ang anak ko, Saab. Siya si Freddy,” iyon ang narinig kong sabi ni Aling Lucing.
Anak? Eh, mukhang sugo ng langit si Aling Lucing. Bakit biglang nagkaroon ng anak na sugo ng demonyo? Inirapan ko ang lalaki ng makita kong nakatingin siya sa akin at nakangisi pa.
“Landlord mo din ako,” nakangisi pang sabi ng Freddy na iyon sa akin.
I cannot say anything. This asshole. Tamang – tama lang talaga ang pangalan niya sa kanya. Freddy. As in Freddy Krueger. Tama. Para siyang halimaw at bangungot from Elm Street. Kaibahan nga lang, guwapong Freddy Krueger ang nasa harap ko. At talaga palang magku – krus lagi ang landas naming dalawa. Well, kung gusto niya ng asaran, ibibigay ko iyon sa kanya. Hindi na ako kumibo at umalis na lang ako doon. Nakakahiya naman kay Aling Lucing kung makita kung paano kami mag – away ng anak niya.