Chapter Four

1775 Words
Freddy’s POV “Nagiging bastos ka Frederico.” Iyon ang narinig kong sabi ng nanay ko ng makaalis ang bago naming tenant. Saab pala ang pangalan ng babaeng iyon. Hindi ko na pinansin ang galit ng nanay ko. Dire – diretso akong pumunta sa kusina at nangaldero. Gutom na ako. Gago kasi si Ogie. Ang aga – aga akong niyayang mag – inom. Hindi ko naman mapahindian kasi lagi naman akong wala sa inuman nila. Nagseselos na yata ang mga kabarkada ko kasi mas madalas akong nakababad sa apartment ni Grace. Naalala ko na naman kagabi. Wala pa rin talagang kupas ang babaeng iyon. Talagang kapag niroromansa ako parang humihiwalay na ang kaluluwa ko sa katawang – lupa ko. “Nagkakilala na ba kayong dalawa? Bakit parang galit na galit siya sa iyo?” ang kulit na ng nanay ko. Siguradong hindi na ito titigil ng kakatanong sa akin. Nagsalin ako ng kanin sa mangkok at inibabaw ko doon ang natitirang beef steak na luto ni nanay. “Maarte ho ‘yang bagong tenant ‘nyo. Pa ingles – ingles pa eh, marunong naman palang magtagalog,” sagot ko habang sunod – sunod ang ginawa kong pagsubo ng pagkain. Wala pa akong tulog dahil magdamag ako sa apartment ni Grace tapos nga nakita ako ng mga kabarkada ko at talagang napalaban ako ng sobra. Pagkatapos nito babanatan ko na muna ng tulog ng makabawi naman ako. “Mabait naman si Saab. Ayusin mo ang pakikitungo sa kanya,” nasa tono na ng nanay ko ang pag – uutos. Sasagot pa sana ako ng makita ko ang ilang supot ng grocery bags sa gilid ng sala. Napakunot ang noo ko. Ako ang naggo – grocery sa bahay na ito dahil ayoko ng lumalabas ang nanay ko at napapagod. Alam kong sumasakit na ang rayuma niya dahil sa katandaan. Pero bakit may mga supot ng grocery dito? Saka parang sobra para sa aming dalawa ang mga iyon. Kahit siguro pang tatlong buwan tatagal ang dami ng mga iyon. “Lumabas ho ba kayo? Bakit kayo nag – grocery?” parang alam ko na kung kanino galing ang mga iyon pero gusto kong kay nanay mismo manggaling kung sino talaga ang nagbigay. Nakita ko ang nanay ko na bahagyang nataranta. Alam ko na kapag ganito na ang reaksiyon ni nanay. Sigurado akong dinalaw na naman ito ng lalaking iyon. “Tinanggap ‘nyo na naman? Sinabi ko na sa inyo huwag na huwag kayong tatanggap ng kahit na ano mula sa taong iyon. Kaya ko naman kayong ibili ng mga iyan ‘di ba?” pakiramdam ko ay naha – high blood yata ako. Inis kong ibinagsak sa mesa ang mangkok na hawak ko. “F – Freddy, dumaan lang naman siya kanina. Nangamusta lang,” sagot ni nanay. Mahina akong napamura. Siniguro kong hindi ako maririnig ni nanay dahil alam kong ayaw niya ng mga ganoong salita sa bahay niya. Malaki ang respeto ko kay nanay. Mahal na mahal ko siya at hindi ako papayag na masaktan siyang uli. Ako ang tagapagtanggol niya kahit hanggang kamatayan kaya ko iyong gawin. Kaya nga kahit kaya kong mag – sarili ay hindi ko ginagawa para may makasama lang siya. Kahit si nanay na mismo ang nagsasabi na umalis na ako dito at iwanan na siya. Hindi ko iyon kaya. Tumayo ako at kinuha ko ang mga supot na iyon. Ibabalik ko sa taong nagbigay kay nanay. “Freddy anong gagawin mo sa mga iyan?” nakita ko ang lungkot sa mukha ni nanay pero desidido ako. Kahit magalit na siya sa akin. “Tulad ng dati. Ibabalik ko sa nagbigay,” sabi ko at umalis na doon. Hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi ni nanay. Pero bago pa lang ako makalabas ay isang may edad na lalaki na ang nakatayo doon sa pinto ng bahay namin. Hindi ko na pala kailangan na umalis pa. Mabuti at pumunta na dito ang lalaking ito ng maibalik ko na ang mga basurang ito sa kanya. “Hindi kailangan ng nanay ko ang mga bigay mo. Kaya ko rin siyang ibili ng mga iyan,” iyon ang sabi ko sa kanya at ibinagsak sa harap niya ang mga supot ng grocery. Nakita ko ang paglatay ng lungkot sa mukha ng matandang lalaki. Wala akong pakielam. Kahit noon pa naman alam na niya na kahit kailan ay hindi kami magiging mabuti sa isa’t – isa. “Bigay ko naman ang mga iyan. Para sa inyo ng nanay mo,” iyon ang sabi niya sa akin. “Umalis ka na. Bitbitin mo na ang mga basura mo. Hindi namin kailangan iyan at lalong hindi ka namin kailangan,” matigas kong sabi. “Freddy!” Si nanay na ang narinig kong sumigaw. Sinasaway na ako. Pinigil ko na ang sarili ko na makapagsalita pa ng hindi maganda kaya umalis na lang ako doon at nagkulong sa kuwarto ko. “Pasensiya ka na sa anak mo, Felipe. Mainit lang talaga ang ulo kasi puyat. Pagpasensiyahan amin lang,” iyon ang narinig kong sabi ni nanay. Bahagya akong nakaramdam ng awa sa kanya. Alam kong mahal pa niya ang Felipe Zamora na iyon. Alam kong ako lang ang hadlang sa kanilang dalawa. “Kailan ba ako matatanggap ng anak natin, Lucia? Lagi na lang bang ganito? Ginagawa ko naman ang lahat,” iyon naman ang sagot ni Felipe sa nanay ko. Kapal ng mukha nito. Ginagawa ang lahat? Eh, ang ginawa niyang pag – iwan sa nanay ko habang ipinagbubuntis ako? Ang sabihin aming kang bayag! Ni hindi mo nga nakuhang ipaglaban ang nanay ko. Kahit nanay ko na lang, eh. Huwag na ako. Si nanay na lang. Gustong – gusto aming isigaw. Naghihimagsik talaga ang kalooban ko kapag naiisip kong tatay ko ang Felipe Zamora na ito. Lumaki ako na walang kinilalang ama. Tanging si Nanay lang ang kakampi ko sa lahat ng bagay. Nakita ko ang paghihirap niya at pagsisikap niya para maitaguyod ako kaya sinuklian ko naman iyon ng pagiging isang mabuting anak. Lagi akong nasa honor roll mula elementary hanggang high school at kahit alam kong labag sa kalooban ng mga teacher ko noon na isama ako sa honor roll dahil sa mga katarantaduhan ko, eh wala silang magawa. Hindi naman makapagsinungaling ang mga grades ko. Sa college nga, kahit madalas akong absent dahil sa barkada, sinisiguro kong laman ako ng dean’s list para alam kong matutuwa ang nanay ko kapag nakita ang class cards ko. Kahit pagtitinda sa palengke ang trabaho ni nanay, naitaguyod niya ako at nakatapos ako sa college sa kursong Business Management. Nagta – trabaho na ako ng makilala ko kung sino ang totoo kong tatay. Ewan ko. Tingin ko alam na rin naman niya kung sino ako kaya mabilis akong nakatanggap ng offer sa trabaho pagka – graduate ko pa lang sa kolehiyo. Salesman. Taga-benta ng kotse. Dealer ng mga sikat na imported cars ang napasukan kong trabaho at ang may – ari ay si Felipe Zamora. Ilang buwan pa lang ako sa pinapasukan ko ay naging Salesman of the month na ako ng three consecutive months. Masipag akong magtrabaho saka hindi ko rin naman alam kung sino – sinong mga bigating kliyente ang tumatawag sa akin. Nire – refer daw ako. Napapansin ko ang pagiging malapit niya sa akin. Ni Felipe. Parang gusto niya akong maging kaibigan. Iba ang turing niya sa akin. Magaan na rin naman ang loob ko sa kanya noon. Mabait naman kasi kahit sa ibang mga empleyado niya. Biyudo na rin at walang anak. Isang araw na napaaga ako sa bahay ay nagtaka ako kung bakit nakita ko ang kotse ng boss ko na nakaparada hindi kalayuan sa bahay aming. Nagmamadali akong naglakad pauwi at naabutan ko si Felipe Zamora na naroon sa sala naming at kausap ang nanay ko. Nagtataka rin ako kasi bakit parang magkakilalang – magkakilala silang dalawa. Doon na sinabi sa akin ni nanay na si Felipe Zamora ang totoo kong tatay. Ipinaliwanag ng nanay ko ang dahilan kung bakit hindi siya pinakasalan ni Felipe. Nagmamahalan daw silang dalawa pero hindi na maaaring umurong pa sa kasal si Felipe sa anak ng business partner ng tatay nito. Pero kahit na hindi nito napakasalan ang nanay ko, hindi naman daw ito nagkulang ng pagsustento. Si Felipe nga daw ang nagpagawa ng apartment ng nanay ko at siya din daw ang tumustos aming – aaral ko. Puta! Iyon lang ang ipinagmamalaki niya sa akin? Pinabayaan niya ang nanay ko. Lalo na ako. Wala siyang bayag dahil hindi niya kami ipinaglaban ng nanay ko. Galit amingt ako noon. Naisip ko lahat ang mga pinagdaaanan ko. ‘Yung mga panahon na walang akong tatay. ‘Yung mga panahong inggit na inggit ako sa bawat bata na nakikita kong kumpleto ang magulang. Nag – resign ako sa trabaho kahit ayaw niya. Pinutol ko ang lahat ng ugnayan aming. Pinagbawalan ko din siyang pumunta sa bahay aming kahit nag – aaway kami ng nanay ko. Ang pera na naipon ko sa ilang buwan na pagta – trabaho ay ipinundar ko ng isang maliit na negosyo. Nagtayo ako ng car accessories sa may bandang Evangelista sa Makati. Ilang taon na rin iyon at masasabi ko na maayos na ang takbo nito dahil nagkaroon pa ako ng dalawang branch sa Banawe at Quiapo. Narinig kong nagpaalam na si Felipe sa nanay ko. Tapos ay narinig kong may kumatok sa kuwarto ko. Alam kong si nanay iyon kaya binuksan ko. Gusto kong magsisi sa nagawa ko dahil kitang – kita ko ang lungkot sa mukha ni nanay. Alam ko naman kasi na mahal na mahal pa rin niya si Felipe. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kahit iniwan na siya ng lalaking iyon ay ganoon pa rin ang pagmamahal niya. “Bakit mo naman ginanon’ ang tatay mo?” iyon agad ang bungad niya sa akin. Huminga ako ng malalim at bumalik ako sa kama ko. Hindi na lang ako sumagot dahil ayokong mag – away kami ni nanay. “Nagbibigay lang naman ng tulong si Felipe. Bukal naman iyon sa kalooban niya,” sabi pa ni nanay. “Huwag na ho kayong tatanggap ng kahit ano mula sa taong iyon. Kaya ko kayong buhayin. Nagawa niya tayong talikuran sa mahabang panahon, ngayon pa ba siya babawi? At ang paraan niya ay pagbibigay ng groceries? Baka gusto ‘nyo ipagawa ko kayo ng mini grocery?” inis na sagot ko. Narinig ko ang malalim na pagbuntong – hininga ng nanay ko. Alam ko masakit sa kanya ang mga sinasabi ko pero sa ngayon, hindi ko kayang patawarin pa ang taong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD