Chapter Two

1295 Words
Saab’s POV Parang gusto ko ng tumakbo pabalik sa dati kong condo ng makarating ako sa bagong apartment na titirahan ko. I was trying to call Tessa pero hindi ko alam kung bakit ayaw nitong sagutin ang tawag ko. She didn’t tell me kung anong klaseng lugar ang lilipatan ko. I trusted her. She told me the place is good. Pero sa nakikita ko ngayon, the place is so crowded. I looked at my watch and it’s only eight o’ clock in the morning pero napakarami ng nagkalat na tao sa kalsada. Ang mga tindahan ay dikit – dikit at kahit ganoong kaaga ay may mga lalaking nakatumpok doon at nag – iinuman na. Marami ding mga bata ang nagtatakbuhan at naglalaro na parang hindi pansin ang mga dumadaang traysikel at sasakyan. Napabuntong – hininga ako. Nasanay ako sa tahimik na lugar and this is really a culture shock for me. I blamed myself kung bakit naman kasi hindi ko muna chineck ang lugar na sinasabi ni Tessa. All I can think about is how to get rid of that stupid Joey. Pinahinto ko si manong driver ng taxi sa tapat ng isang tindahan na mga mga lalaking nag – iinuman. Thank god I didn’t bring my car dahil tingin ko wala naman akong paparadahan doon. Tinulungan lang ako ni manong driver na ibaba ang mga maleta ko at ng makuha ang bayad ko ay bigla na lang akong iniwanan. Napalunok ako ng muli kong mapagmasdan ang paligid. Pakiramdam ko magkakaroon na ako ng nervous breakdown dahil nakita kong nakatingin na sa akin ang umpok ng mga lalaking nag – iinuman sa tindahan. Tingin ko sa mga ito ay ang mga goons na napapanood ko sa mga tagalong movies na binubugbog ni FPJ. I took a deep breath. Kailangan kong lakasan ang loob ko kung gusto kong makalayo kay Joey. Taas noo akong lumapit sa grupo ng mga nag – iinuman. I showed my sweetest smile to them. I know they cannot resist my charm if I ask them to help me carry my luggage. Nobody can say no to Sabina Octavia Castillo. “Excuse me,” kinalabit ko pa ang lalaking nakatalikod na naka – hubad. May t – shirt naman ito pero parang mas trip pa nitong isampay lang iyon sa balikat. The guy is also wearing a 501 Levi’s maong pants na wakwak ang bandang tuhod. Tingin ko naman ay bago iyon and it’s not fake pero siguro sa kawalan ng magawa ng lalaking ito, iyon na lang ang napagdiskitahang gawin. Ang sirain ito. The guy also has a big tattoo of a woman’s face that covered the whole upper part ng balikat nito. I thought maybe it’s a girlfriend because I read the name Lucia there. “Mister,” sabi ko at muli kong kinalabit ang lalaki. Para kasing hindi narinig ang sinabi ko. “Would you mind helping me with my things? I am new here,” hindi ko inaalis ang matamis na ngiti sa labi ko. Napalunok ako ng lumingon ang lalaking kinalabit ko. Kakaiba sa mga kainuman nito, I think this guy doesn’t belong here. Hindi siya mukhang tambay doon. He looks like a model or kung meron lang nagro – roll na camera doon, iisipin kong may shooting ng pelikula at ito ang bida. Long hair, dark skin, handsome face. Oh my! Bakit may guwapong lalaki dito? I composed myself. I can’t explain kung bakit naging uneasy ako sa paraan ng pagkakatingin ng lalaking ito. He is looking at me na parang hinuhubaran na niya ako pero kakaibang hindi ako nakakaramdam ng pambabastos doon. His gaze is like looking into my soul. “Pare inglesera!” napatingin ako sa mukhang kontrabida na nagsalita noon and again kay Mr. Handsome. “Bago ka dito?” I heard him asking me. Pinilit kong ngumiti habang tumatango dahil this time naiinis na ako sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. He is checking me out now. This time nakakabastos na. “Yah. I am not familiar with this place. Can you help me? I’ll pay for your service,” that’s all I can say. For sure naman kasi pagdating sa pera hindi tatanggi ang mga ito. Narinig kong umugong ang bulungan sa mga nag – iinuman na para bang may mali sa sinabi ko. Napaatras ako ng makita kong tumayo ang lalaki at humarap sa akin. Mataas na akong babae pero kinailangan ko pang tumingala sa kapre na ito. “Alam mo bang mayabang ka?” iyon ang sabi niya sa akin. Whoa! At bakit ako naging mayabang? “Ano?! Ano naman ang kinayabang ko? I was asking for your help nicely. Babayaran ka naman,” naiinis na ako. Ngayon na talaga ako naniniwala na lahat ng lalaking guwapo, kundi manloloko ay walang modong katulad ng lalaking ito. Nakita kong nagtatawanan ang mga kainuman nito. “Marunong ka naman palang mag-tagalog may pa – ingles – ingles ka pa na para kang balikbayan. Akala mo kasi kung sino kang prinsesa na darating dito sa lugar naming at uutos – utusan mo kami. Ano ang tingin mo sa mga katulad namin? Mukhang pera? ‘Yan ang hirap sa inyong mayayaman. Kuminis ka lang ng konti akala mo kung sino ka na,” naglilitanya na ang lalaking ito sa akin. Ano ang problema niya? “What?! Ano ang problema mo?! Ano bang masama sa sinabi ko?” buwisit na ‘to. Minasama pa ang pagbibigay ko ng pakunswelo. Nginisian lang ako ng lalaki ng ngising – aso at tumalikod na para inumin ang baso ng alak na ibinigay ng kasama nito. Gusto ko ng sumigaw at hampasin sa ulo ng dala kong bag ang lalaking ito. “Ano ba?! Tutulungan mo ba ako?” desperado na ako na may tumulong sa akin. Ang bigat – bigat ng mga maleta ko at tingin ko sa mga hoodlum na ito ay walang balak na tumulong sa akin. Nagtatawanan lang sila sa harap ko at patuloy lang sa pag – inom. “Saka na. Meron pa akong pera,” iyon ang narinig kong sagot ng lalaking kausap ko at mas malakas na tawanan at sigawan ang nangibabaw doon. Demonyong mga ‘to! Sobrang ipinahiya ako. Gusto ko ng umiyak sa sobrang pagkapahiya lalo ng makita ko ang parang mga siraulong paraan ng pagtawa nila. I composed myself and before I walk away, I’ll make sure na makakatikim ang walang modong lalaking ito. “Impakto!” iyon lang ang sinabi ko at tinalikuran na sila. Pero sinadya kong banggain ng malaki kong shoulder bag ang ulo ng lalaking bastos. Napangiti ako ng marinig ko ang malakas na aray niya. “Oh! Did I hurt you? I am so sorry,” pinipigil ko ang mapatawa dahil kitang – kita ko na nakaganti na ako sa lalaki dahil mukhang napikon siya sa ginawa ko. But before he can do something to me, mabilis na akong umalis doon at kahit hirap na hirap ako, pinagtiyagaan kong hilahin ang mga maleta ko. “Pare, sana tinulungan mo na ‘yung chick. Maganda naman saka ang kinis. Tingnan mo ang katawan, nakakatakam talaga,” narinig ko pang sabi ng isa sa mga nag – iinuman. “Bayaan ‘nyo ‘yan. Mas maraming maganda diyan. Tulad din natin ‘yan, mabaho rin ang utot niyan.” Iyon naman ang sagot ni Mr. Bastos. Mas malakas na tawanan pa ang narinig ko. Gustong – gusto kong bumalik at awayin ang mga lalaking iyon. Ang babastos! Pero pinigil ko ang sarili ko. Hindi ko kailangang I – level ang sarili ko sa mga walang modong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD