bc

The Beauty and the Badboy

book_age0+
1.3K
FOLLOW
8.2K
READ
opposites attract
badboy
drama
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

I am Sabina Octavia Castillo. Pretty, sexy, smart and rich. I am a player and I know every guy in town wants me and nobody can resist my charm. But what happened? Why this Freddy resisted my charm? He is a nobody? Tambay na walang pinag - aralan. Kahit kailan hinding - hindi ako papatol sa katulad niya. Mr. Freddy Krueger. Kung ano ang ikinaguwapo niya siya naman na ikinapangit ng pag - uugali niya.

Ako si Frederico Zamora. Tambay, batugan, tamad, walang pinag - aralan. Iyan ang mga bansag sa akin ni Sabina. Si Sabina ang babaeng kahit kailan ay hinding - hindi ko magugustuhan. Maarte. Mayabang. Mapagmataas. Katulad lang siya ng tatay kong walang paninindigan at hindi kayang iwanan ang yaman.

A cat and mouse relationship and they found themselves falling in love with each other.

How did it happen?

PS. Story is written in Filipino

chap-preview
Free preview
Chapter One
Saab’s POV Buong lakas kong ibinalibag ang pinto ng tinutuluyan kong condo bago ako napasandal sa nakasaradong pinto. Wala na akong pakielam kung makabulahaw man ako sa mga katabi kong unit. Hindi ko na rin pinansin ang kung sinuman ang kumakatok sa pinto ko. “Saab, please. Kausapin mo naman ako,” iyon ang narinig kong sabi ng taong nasa labas ng unit ko. “Umalis ka na Joey. Wala na akong panahong makinig sa mga kasinungalingan mo,” pinipigil ko ang sarili ko na sumigaw ng malakas. Pakiramdam ko ay puputok ang dibdib ko sa sobrang galit dahil sa mga nalaman ko at sawa na ako sa pagiging babaero mo,” gustong–gusto ko na talaga siyang sapakin sa galit ko. Imagine seeing my boyfriend having s*x with his secretary inside his office and on top of his office table. Yuck! I can’t take away inside my head the grossed s*x position that they had when I saw them. Feeling ko porno film ang nakita ko kanina. “Saab, please naman. Huwag mo naman akong iwan,” talagang halos lumuhod na si Joey sa harap ko at pinalis ko pa ang mga kamay niya ng subukan niya akong hawakan. Eww! Kadiri kaya. Pinanghawak niya kung saang parte ng katawan ng sekretarya niya ‘yun ‘no! Tapos ihahawak pa niya sa akin. Mamaya kung anong sakit pa ang makuha ko. “Oh my god, Joey. Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng kapal ng mukha at talagang kinukulit mo pa ako. Tigilan mo na ako. Go back to your secretary and siya ang ipakilala mo sa mommy mo. Alam ko naman na napilitan ka lang talaga na gustuhin ako, eh. Dahil utos iyon ng mommy mo because she really wants to be my dad’s business partner,” hindi ko na napigil ang sarili ko kaya nasabi ko na iyon sa mukha ni Joey. Akala niya siguro hindi ko alam mga plano niya kaya niya ako ginawang syota. f**k! Pangit mang pakinggan pero talagang alam ko syota lang ang turing niya sa akin. “P – paano mong nalaman?” gusto kong magdiwang dahil kitang – kita ko talaga na gulat na gulat siya. I folded my two hands in front of my chest and held my head up high. “I told you hindi ako tanga. Siguro nga, masyado akong nabulag sa kaguwapuhan mo at pambobola mo noon. Hindi ko pinaniwalaan ang sinasabi ng ibang tao kung gaano ka kahilig sa mga babae at sa pagiging mama’s boy mo. But I saw it with my own eyes,” sabi pa niya. “So please go back to your secretary and leave me alone!” tapos ay talagang binalibag ko na ang pinto sa pagmumukha niya. Sana nga tumama pa iyon sa mukha niya ng kahit paano makaganti naman ako sa panloloko niya sa akin. I was waiting if Joey is going to knock again and thank heavens I heard footsteps away from my unit. I sighed then I slammed my body to my soft couch. I can feel that my body is shaking because of anger. I didn’t expect that me, Sabina Octavia Castillo is going to be treated like this by a man that I thought loves me truly. Matagal ko na rin naman na naririnig na babaero ang ex – boyfriend kong si Joey Candangan. Lahat na nga ng mga kaibigan ko saka kasamahan sa opisina alam na alam na ang karakas nito na mahilig ito sa babae. But the guy is so charming. I know every girl will envy me kapag naging boyfriend ko siya. Imagine a guy that is so guwapo, maputi, matangkad, malinis, maporma and well kasama siyempre sa character ang pagiging mayaman. Joey is an example of a trophy boyfriend and talagang kahit saang parte ng mundo ay ipaparada ko. And when he courted me aba, hindi na ako nagpakipot kahit sinasabi na ng mga tao sa paligid ko na iiyak lang daw ako. Well, I don’t care. I really like the guy. And besides, my family knows Joey’s family. His mother happens to be a colleague of my dad. In six months that we are together, hindi iisang beses kong nahuli ang lalaking iyon na may kausap or ka – text na babae. My friends keep on telling me na madalas nilang makita sa iba’t – ibang bars si Joey kasama ang iba – ibang babae. I felt stupid. I was so blindly in love with that son of a b***h. It was only yesterday when I found out his true intention to me. I heard him talking on the phone and he was talking to his mother. And then I heard my name. And their true motive kung bakit niya ako biglang niligawan. That asshole! Kaya lang pala ako syinota kasi gusto ng mommy niya na mapalapit sa daddy ko at maging partner sa Real Estate business ng daddy ko. And also, I found out na nalulugi na rin pala ang negosyo nila kaya they are on desperate move. At ako pa ang ginamit nila. At iyon nga, ng puntahan ko siya sa opisina para komprontahin, naabutan ko naman sila ng malandi niyang sekretarya na nagse – s*x. Kinuha ko ang unan sa tabi ko at isinubsob ko ang mukha ko doon. I wanted to scream to the top of my lungs. Okay na sa akin na naghiwalay kami. Hindi naman ako masyadong nasaktan. Ang hindi ko kasi matanggap ay ang panloloko ng lalaking iyon sa akin dahil ako lang dapat ang may karapatang gumawa ng ganoon. Ako? Si Sabina Octavia Castillo nagpaloko sa isang lalaki? Pagtatawanan ako ng mga friends ko. Kilala nila kung gaano ako ka – playgirl. But I am still intact. Iyon lang ang iniingatan ko sa sarili ko. I am wild and a party person but I know how to take care of myself. “I need to find a place to stay. Hindi na ako puwedeng magtagal pa sa condo ko. Joey hasn’t stop coming. Ang kulit – kulit na niya,” ibinalibag ko pa ang hawak kong bag sa sofa kung saan nakaupo si Danni ng makapasok ako sa apartment niya. Danni is my childhood bestfriend and kapag ganitong naiinis ako, dito ako madalas magbabad sa apartment niya. “Pinuntahan ka na naman?” nakita kong natatawa na siya kahit hindi ko pa kinukuwento ang mga pangyayari. Nakita kong isinara niya ang pinto. “It’s been two weeks! Araw – araw na lang siyang nandoon. Naeeskandalo na ang mga katabi kong unit. God!” I rolled my eyes because of hopelessness. “Maybe he does love you after all. Akala mo lang ikaw lang ang may gusto sa kanya,” alam kong nang – aasar lang ang babaeng ito. Inirapan ko siya dahil pinagtatawanan na niya ako. Kumuha ako ng soda sa ref niya. “Seriously. Maybe he realized that he really needs you,” nakita kong seryoso na ang mukha nito na nakatingin sa kanya. “He really needs me dahil utos iyon ng mommy niya. Ang tanga naman nilang mag – ina. Ako pa ang ginamit nila para mapalapit sa daddy ko eh everybody knows na love – hate ang relationship namin. But definitely, daddy will not allow company merge with them. Lalo na ngayong nalaman ni dad ang pinaggagawa ng lalaking iyon. Even if lagi kaming nagtatalo ni dad I know he still loves me,” gusto ko naman magwala sa tuwing maiisip ko ang ginawa ni Joey. Natatawa pa rin si Danni sa mga sinasabi ko. Parang hindi niya ako iniintindi. Ganyan ba talaga palibhasa wala siyang problemang katulad ko? Kasi meron na siyang mabait at guwapong boyfriend? “Danni, please help me find a new place. Hindi ko naman alam na ganyan pala ang lalaking iyon. I thought he was nice kaya I am really attracted to him. Hindi ko alam na he can be a stalker para lang sumunod sa mommy niya,” totoong nakakaramdam na ako ng takot. It’s been two weeks na parang asong ulol na sunod ng sunod sa akin si Joey. Everywhere I go, lagi siyang nandoon na bigla na lang susulpot. He is so desperate na magkabalikan kami. Nakita niyang natawa muli ang kanyang kaibigan. “Pagtatawanan mo na lang ba talaga ako? Nakakainis ka na Daniela! Palibhasa going strong ang relationship ‘nyo ni Pablo kaya ganyan ka na sa akin,” inis na sabi ko kay Danni. Napipikon na talaga ako kasi parang hindi niya iniintindi ang problema ko. This is a matter of life and death situation. Lalo lang itong nagtawa. “Sorry, friend. I just can’t help not to laugh. Kasi hindi ko akalaing magkaka – problema ka sa boys,” iyon ang narinig kong sabi niya. Tinignan ko lang siya ng masama. “Well, if you really wanted to find a new place, you can ask Tessa. She helped me find this,” I saw Danni looked around to her place. “Hindi nga ito katulad ng tinutuluyan ko noon na posh condo in Makati but still I find this place more peaceful. Kahit maingay ang mga kapitbahay ko sa labas, I can still have my privacy. Hindi katulad doon sa unit ko. Araw – araw na lang kung sino – sino ang bumubulaga sa akin.” Ako naman ang natawa sa sinabi niya. Well all she said was true. Nakita ko kung paano naghirap ang aking bestfriend sa pagtatago sa mga taong gusto kumuha ng impormasyon dito. Most of them are t.v. and radio reporters and sometimes sa tabloid and magazines. Danni became extra famous dahil she is a model and her boyfriend then was the famous Jacob Isaac na sikat na sikat na two time MVP basketball player sa PBA na napasama sa isang eskandalo. Pinagbibintangan ito ng isang tv starlet na ni – rape daw nito and became pregnant. Lumabas sa media ang babae and that was the end of Jacob Isaac’s career and pati nga si Danni ay kasamang naiskandalo. Danni has been living in this apartment in Caloocan for almost two years and I know kahit na hindi kagandahan ang environment ng lugar, kampante doon ang aking kaibigan. Hindi ito magtatagal doon kung hindi ito panatag sa pagtira sa lugar na iyon. “You need to ask Tessa. Alam ko ‘yung tita niya sa may Baclaran may apartment na pinapa – rentahan,” Danni told then I saw her looking at me. “Why don’t you ask a help from your dad? Transfer to another condo.” I breathe deeply and sigh. I don’t want to move pero talagang Joey is giving me ahard time. “I’ll ask Tessa later,” iyon na lang ang nasabi ko. “Does Tito Caloy knows that you’re going to move out from your condo?” I shrugged. “Saka ko na sasabihin kapag nakalipat na ako,” iyon na lang ang nasabi ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Twin Alpha Mates

read
124.4K
bc

I'm Dying, Mate

read
1.9M
bc

Rejected Prince

read
282.8K
bc

Dragon's Ice

read
450.9K
bc

Ruined By You 2

read
152.2K
bc

The Rogue's Daughter

read
1.1M
bc

Beta Tyler

read
6.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook