Freddy’s POV “’Nay, dumating na ho ba si Sabina diyan?” iyon agad ang bungad ko kay Nanay ng makarating ako sa bahay. Hindi ko na hinintay ang sagot ni nanay at mabilis akong umakyat sa apartment niya. Pero mukhang walang tao kaya bumaba rin ako at pumasok sa loob ng bahay. Hindi kumibo si nanay at nakatingin lang sa akin. Sobrang gago ko. Hindi ko akalain na magba – backfire sa akin ang plano kong ito. Pero ginawa ko lang naman ito para magustuhan niya. Binago ko ang sarili ko para sa kanya. Para maipagmalaki niya ako sa lahat. Pero bakit ngayon parang diring – diri siya sa akin. She was looking for Freddy. Pinatay ko na ang taong iyon para magustuhan niya ako. “Nakita mo na ang sinasabi ko? Ayan ang nangyari,” tanging sabi ni nanay. “Akala ko magugustuhan niya ako kapag bi