Saab’s POV “Kanina pa kitang napapansin na sad ka,” alam kong si Patty iyon na umupo sa likuran ko. Magmula ng malaman kong ikakasal na si Freddy, parang nawalan na ako ng ganang gumana. I feel so alone. So helpless. Wala man lang akong mapagsabihan ng problema ko. Ang lungkot lungkot ko talaga. “Wala lang ako sa mood,” iyon na lang ang sagot ko at itinuon ko ang atensiyon ko sa ginagawa. “Kahapon ka pa rin wala sa mood. Saka panay pa – cute ni Sir Rigo sa ‘yo pero ‘di mo pa rin pinapansin,” sabi pa niya sa akin. “Ah, talaga? Nakabalik na siya? Hindi ko alam,” hindi ko naman na napapansin si Rigo sa opisina. Mas madalas ay wala ito at naipagpapasalamat ko na hindi kami nagkikita. Lalo lang akong nasasaktan dahil naaalala ko lang si Freddy. Napahinga ako ng malalim at dinampo