Saab’s POV Kanina pa ako nakatayo sa harap ng bahay ng daddy ko pero hindi ako nagdo – doorbell. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang sama ng loob. Wala ding tigil ang pagtunog ng telepono ko. Kanina pa tumatawag si Ninong Philip. Si Aling Lucia. Si Patty. Si Danni. Kahit si Daddy tumatawag din. Pero ayoko silang kausapin. Ngayon nga tumutunog na naman ang telepono ko at unregistered number ang naroon pero hindi ko pa rin sinasagot. It was Freddy all along. Bakit ang tanga ko? All the clues are there. Magkamukhang – magkamukha sila. Bakit hindi ko naisip man lang iyon? Pero, they are different person. Magkaibang – magkaiba si Freddy at Rigo. Lalo akong napaiyak dahil sa sama ng loob. Nagulat pa ako ng biglang bumukas ang gate at n