Freddy’s POV “Puwede ba Frederico, tigilan mo na ‘yang kalokohan mo. Ano na naman ang palabas mo na magpapakasal ka na sa iba? Hindi ka pa ba kuntento na nahihirapan na si Sabina? Nakakaawa ‘yung babae. Iyak ng iyak,” dama ko ang pagkainis sa boses ni nanay habang naghahain ng hapunan. Narinig ko lahat ang sinabi ni Saab. Gustong – gusto ko ng lumabas kanina at sabihin sa kanya ang totoo. Pero pinigil ko ang sarili ko. “Magsasabi na rin naman ho ako pero hindi pa ngayon,” sagot ko kay nanay. “Kailan pa? Kapag nakakita na ng iba? Iyang pinag-gagagawa mo ay hindi na nakakatuwa. May nasasaktan ka ng tao kaya itigil mo na. Ano ba ang mahirap sa pagsasabi kay Sabina na mahal mo siya?” sabi pa ni nanay. “Nay, wala naman ho akong sinabi na mahal ko si Sabina,” protesta ko. “Tigila