Hindi lang naman ako ang IT sa kompanya niya pero ako ang inuutusan. Hays, oo nga pala, humingi sa'kin ng pabor si Mrs. Montero na ako ang tutulong sa anak niya kapag nagkaproblema ito sa opisina niya. Wala pa rin pala akong kawala at hindi ko siya matatakasan.
Akala ko pa naman tuloy-tuloy na hindi ko siya makikita pero mangyayari pa rin pala at ngayon kasama ko siya na naglalakad patungo sa opisina niya. Nasa likuran niya 'ko at tahimik na nakasunod sa kan'ya.
"What Alexander do in your department?" Tanong nito na ikinagulat ko.
Ba't niya tinatanong? Pati 'yon kailangan pa niyang malaman?
"Nothing, sir .. nag-stay lang siya ro'n at nakipag-usap sa amin," sagot ko habang pinagmamasdan ang katawan niya.
Ewan ko bigla lang akong napatingin. Ang laki na kasi ng pinagbago niya ngayon. Mas lalo siyang tumangkad at nagbago na rin ang pangangatawan niya. Kagaya ng sinabi ni Maurice na, "hot and daddy figure" gano'n siya ngayon.
Well-defined physique, broad shoulders that give him a strong aura and commanding presence. A chiseled jawline that makes him look more dominant and hot. His warm smile makes every woman fall in love with him, and his expressive eyes capture anyone's heart and attention. Most importantly, his lustrous hair makes him more appealing and exudes charm.
Kahit gano'n ang naging pagbabago niya ngayon, hindi ko pa rin nakakalimutan kung ano ang itsura niya at kung ano siya noong una ko siyang nakita at nakilala. Nakatatak pa rin 'yon sa isipan ko magpahanggang ngayon.
"I told him to stay away," usal nito na ipinagtaka ko. "Esquivel, you're just making it worse. You're not listening to me," dugtong pa nito.
Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kan'ya. Ano ang pinagsasabi niya? Nagsasalita siya mag-isa pero hindi ko naman naiintindihan.
Esquivel? Apelyido 'yon ng pinsan niya. Ano naman kaya ang ginawa nito kaya siya naiinis ngayon?
"Fix the internet. I'll only give you 10 minutes to do it," utos nito nang makarating at makapasok na kaming dalawa sa loob ng opisina niya.
Jusko! May timer na naman. Kaya ako nape-pressure, eh, kasi limited lang 'yong oras at kailangan kong tapusin agad-agad.
Napabuntong hininga na lang ako at nagtungo na sa table niya pagkatapos ay ginawa na ang ipinag-uutos nito. Pero nakakaramdam na 'ko ng pagkainis mula sa kan'ya. Oras ng meryenda pero nagtatrabaho pa rin ako. Hindi 'ata nagbasa ng employee's rights ang lalaking 'to.
"Nagrereklamo ka ba?" Masungit na sambit nito. Napasinghap ako at mabilis na umiling bilang sagot.
First time ko siyang narinig na magsalita ng tagalog. Sa totoo lang ang ganda pakinggan. Sana magtuloy-tuloy kasi nakakasakit sa ulo at ilong na panay salita siya ng ingles.
"If you don't want to do it, leave my office and send other IT's here," seryosong aniya sabay na pinagkrus ang braso sa kan'yang dibdib habang nakatingin sa akin.
"Hindi naman po ako nagrereklamo. Na .. na .. n-nagugutom lang po ako," nahihiyang sambit ko at nag-iwas ng tingin sa kan'ya.
Totoo naman kasi, kanina pa kumukulo ang tiyan ko dahil sa gutom. Pero hindi naman ako nakapagmeryenda kasi inutusan niya 'ko.
"Miss Dela Peña," sabi nito sa intercom. Kausap ang secretary niya.
Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko since hindi niya naman pinansin ang sinabi ko. Ang sama talaga ng ugali neto.
"Order some foods then bring it here in my office. Yes, the usual food. Thank you," dugtong nito na ikinagulat ko. Pero hindi ako nag-angat ng tingin. Ayoko naman mag-assume na para 'yon sa'kin.
"Sir, tapos na po. Alis na po ako," sabi ko nang maayos ko na ang internet connection niya. Tumayo na rin ako at naglakad palabas ng opisina niya.
"Where are you going?" Napahinto ako at dahan-dahang napatingin sa kan'ya.
Nakatingin siya sa'kin ng seryoso habang nakaupo sa sofa. Parang bigla akong kinabahan sa kung paano niya ako tingnan ngayon. Napalunok ako ng laway at napakagat ng labi na ikinaiwas ng tingin niya. Bigla siyang tumikhim at kaagad na tumayo na ipinagtaka ko.
Anyari sa kan'ya?
"Did I tell you to leave?" Tanong nito na mas lalong nagpakaba sa akin.
Ano pa ba kasi ang kailangan niya? Nagawa ko naman na ang ipinag-uutos nito. 'Di kaya, may iba pa siyang kailangan sa akin?
No! Not me! Not my body!
"Stay here and don't ever try to leave until I say," ma-awtoridad na sambit nito.
Akala ko kung ano na. Hays, ang OA ko.
"Okay, Sir, masusunod po," sabi ko at kaagad na napaupo sa sofa. Mahirap na baka mangyari 'yong iniisip ko kanina kapag hindi ko sinunod ang sinabi niya.
"I told my secretary to order foods ... for you."
Napaangat ako ng tingin at gulat na napatingin sa kan'ya. Nakatingin pala siya sa'kin pero walang ekspresiyon ang mukha niya. Nakakahiya, nakita pa niya 'ko kung pa'no nagulat.
Jusko! Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Magpapasalamat ba 'ko o tatahimik na lang?
"T-Thank you, Sir," nahihiyang sambit ko. Pero hindi na 'ko nakarinig ng sagot mula sa kan'ya.
Palihim ko siyang pinagmasdan. Kasalukuyan na siyang nakaupo sa table niya at nakatingin sa cellphone niya. Ewan ko kung ano ang ginagawa niya pero wala na 'kong pakialam do'n. Ang gusto ko lang ngayon ay ang makalabas sa opisina niya bago ako ma-suffocate dito sa loob.
Hindi pa rin mawala ang takot ko sa kan'ya. Kaya gusto ko siyang iwasan at ayaw makita.
"Are you okay?"
Dumako ang tingin ko sa kan'ya. Nakatingin na siya sa'kin ngayon at pansin ko na ang pag-aalala sa mga mata niya. Nakapagtataka man pero hindi ko na lamang ito pinansin.
"O-Opo, Sir, okay lang ako," sagot ko at nag-iwas ng tingin sa kan'ya.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi niya naman ako sinigawan pero natatakot ako sa kan'ya. Dahil ba 'to sa trauma ko? Dahil ba sa mga pinagdaanan ko noon kaya ako nagiging ganito? Takot na ulit mahusgahan, maliitin, at pag-usapan ng kung sino man.
"Are you sure? You look .. pale," aniya.
Namumutla ako? Hays, anxiety hits me again.
"Wait, I'll call someone," biglang sabi nito na ikinagulat ko.
"Sir, huwag na po," pigil ko sa kan'ya. Pero nag-dial na siya ng numero sa cellphone niya.
My gosh! Sino na naman ang tatawagan niya?
"Matteo, where are you?" Sabi nito sa kausap.
Sino naman kaya si Matteo? Kaibigan niya?
Wait .. hindi pwede, hindi p'wedeng kaibigan niya 'yon. Malalagot ako, malalaman niya ang totoo.
"Go here in my company as soon as possible! Just don't ask any questions. Bring yourself here 'cause I need your help. Yes! Damn, stop asking! Okay?" Galit na sambit nito habang nakatingin sa akin.
Jusko! Sino 'yong Matteo? Huwag naman sana kaibigan niya.
Ba't kasi ngayon pa umatake ang anxiety ko kung kailan kasama ko siya?
"Just relax, don't get nervous," sabi nito habang nilalabas ang mga gamit niya pang ospital galing sa isang maliit na bag.
Kararating niya lang dito sa opisina at ako na agad ang inasikaso niya dahil sa utos ni Sir Zach na kaibigan niya. Yes, kaibigan pero hindi ko pa nakilala ang lalaking 'to noon. Mabuti na lang kasi baka mas lalong lumala ang pakiramdam ko kapag isa siya sa mga lalaking nakilala ko noon.
Isa siyang registered doctor at nagmamay-ari ng ilang private at public hospital dito sa Maynila.
"Do you have any heart problems?" Tanong nito habang sinusuri ang heart beat ko gamit ang stethoscope. Umiling naman ako bilang sagot.
Nakatingin lang sa amin si Sir Zach pero bakas na ang pag-aalala sa mga mata nito na ipinagtaka ko mula pa kanina. Ewan ko, naguguluhan ako sa pinapakita niyang reaksiyon ngayon.
"You'll be fine, you just need some rest. Hmm?" Sabi nito at ngumiti sa akin. "She'll be fine, Ellie," baling niya sa kaibigan.
Tumayo na rin ito at lumapit kay Sir Zach. Inaya niya itong makipag-usap at pumayag naman ito agad.
Napabuntong hininga na lang ako at pinakalma ang sarili.
"I need to go, Ellie. I still have work to do. And please don't forget what I said," wika ni Doc. Matteo.
Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila pero sa tingin ko tungkol sa nangyari sa'kin.
"Aalis na rin po ako, Sir Zach. May kailangan din po kasi akong gawin na trabaho sa office. Ako na po ang maghahatid kay Doc. Matteo sa baba," paalam ko. Hindi siya sumagot sa halip ay tiningnan lang ako.
"You don't have to, Miss Sandoval," saad ni Doc. Matteo.
"Okay lang po, kaya ko naman," sabi ko at maliit na ngumiti sa kan'ya.
"Okay, if that's what you want. So, let's go? Ellie, we're going. Take care of yourself," nakangiting sambit nito at naglakad na palabas ng office. Sumunod na rin ako sa kan'ya at hindi na nilingon si Sir Zach.
"Miss Sandoval, wait."
Napahinto ako at dahan-dahang napalingon sa kan'ya.
Ano pa ang gusto niyang sabihin?
"A-Are you .. scared of me?"