Chapter 23: Alexander Esquivel

1515 Words
Napahiga ako sa table matapos kong gawin ang pinapautos sa'kin ng supervisor ko. Saktong-sakto na before lunch saka ko natapos. Ayoko kasing magmadali sa pagkain lalo na kapag may iniisip na gawain na kailangang tapusin before the deadline. Mabuti ngayon natapos ko, wala na 'kong iisipin mamaya habang kumakain. Dalawang araw na ang lumipas at gano'n pa rin naman ang ginagawa ko sa trabaho. Paggawa ng report, pag-aayos ng computer network, pagre-retrieve ng mga naburang files, at kung anu-ano pa. Nakakapagod pero kakayanin para sa pinanghahawakan kong trabaho at para sa pamilya ko. Dalawang araw ko na ring hindi nakikita si Sir Zach simula no'ng ma-stuck kaming dalawa sa elevator. Siguro na busy lang din siya sa pagtatrabaho. Sabi sa'kin ni Maurice kanina, marami raw nagsidatingan na mga investors, media, at business associates kahapon. At ilang beses din siyang nagpatawag ng meeting sa finance at marketing department mula kaninang umaga. Mabuti na nga lang na naging busy siya para hindi ko siya makita o makausap man lang kasi natatakot pa rin ako sa kan'ya. Ewan ko ba, no'ng nakita ko siyang nagalit hindi na mawala sa isip ko at nakaramdam na rin ako ng takot mula sa kan'ya. "Thena, tara na, kain na tayo ng lunch," aya sa'kin ni Maurice at kasama nito si Paula na nakangiti sa akin. "Sige, mauna na kayong dalawa. May tatawagan lang ako," sabi ko. Tatawagan ko lang si tiya Rosa para kumustahin si Aaron. Med'yo masama ang pakiramdam ng anak ko no'ng pumasok siya sa school kanina. Masakit daw ang ulo niya pero ayaw niya namang magpahinga sa bahay. Ayaw niya kasing may ma-missed siyang activities or quizzes kaya ayaw niyang lumiban sa klase. "Hello, tiya, kumusta po si Aaron? Masakit pa po ba ulo niya?" Nag-aalalang sabi ko nang sagutin na ni tiya Rosa ang tawag ko. (Hello, nak, tinanong ko siya kanina hindi naman na raw pero pinainom ko pa rin siya ng gamot kanina. Huwag ka nang mag-alala, ayos lang si Aaron dito kaya mag-focus ka lang d'yan sa trabaho. Ako na ang bahala sa kan'ya) "Nag-aalala lang po kasi ako pero salamat tiya, ha? Pasabi na lang po kay Aaron na tumawag ako." (Alam ko naman pero huwag ka nang mag-alala. Walang anuman, mag-ingat ka riyan at kumain ka na rin) "Opo, tiya, salamat po." Napabuntong hininga ako ng malalim nang maibaba ko ang tawag. Sana nga okay lang ang anak ko. Hindi kasi ako mapakali lalo na hindi ko siya kasama kapag sumasama ang pakiramdam niya. Pero mabuti na lang nando'n si tiya Rosa para bantayan at alagaan siya. Nang makarating ako sa cafeteria, pumila na rin ako at kumuha ng pagkain. Pagkatapos ay pinuntahan ko na rin sina Paula at Maurice kung saan sila nakaupo. "Thena, upo ka na at kumain," nakangiting wika ni Paula. Umupo na rin ako at nagsimula ng kumain. Hindi na 'ko nagsalita, tahimik lang akong kumakain at nakikinig sa usapan nilang dalawa. Hindi na bago sa'kin 'yan, gawain nilang dalawa 'yan kapag oras ng lunch. "May tinanggal daw na dalawang security guard si Sir Zach?" Ani Maurice na nagpahinto sa akin sa pagsubo. "Oo, no'ng nakaraang araw daw. Na stuck daw kasi siya sa elevator tapos hindi man lang tinulungan," saad ni Paula. Hindi ba nila alam na may kasama ni Sir Zach no'ng na stuck siya sa elevator no'ng araw na 'yon? Hindi nila alam na ako 'yon? "Grabe naman 'yon," malungkot na saad ni Maurice. "Kaya nga eh, hindi man lang pinatawad ng boss natin. Hays, nakakalungkot lang kasi matagal ng nagtatrabaho ang dalawang 'yon bago pa man siya ang naging boss dito sa kompanya," ani Paula. Kahit ako nalungkot no'ng araw na 'yon. Hindi ko na nakausap si Sir Zach kasi bigla na siyang umalis no'ng nakarating kami sa parking lot. Bukod do'n, galit na galit ang awra niya at baka mapagbuntungan niya rin ako ng galit kapag nakialam pa 'ko. Pero hindi na talaga mababago ang desisyon niya. Once he decide, that will be final and no one can change it, even me. "Hays, bakit ang unproductive ko today?" Sabi ko sa sarili habang nagtitimpla ng kape. Nandito ako ngayon sa pantry. After kong mag-lunch dito ako dumiretso at sina Maurice naman ay bumalik na sa office. Ramdam ko na naman ang pagod at parang ayokong magtrabaho ngayon. Gusto ko na lang magpahinga at matulog sa office. Pero hindi naman p'wede dahil baka mapagalitan pa 'ko. Napahinto ako sa paghalo nang may kumatok sa pinto. Kaagad naman akong lumingon at nakita ko ang isang lalaki na nakasandal sa pinto habang nakatingin at nakangiti sa akin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung sino siya at ano ang pangalan niya. "Hi, can I come in?" Aniya at tumango naman ako bilang sagot. "Thanks, coffee again?" Sabi niya nang makarating siya sa tabi ko. Dinig ko pa ang mahina nitong pagtawa. "Uhm, oo, pang tanggal antok lang," nahihiyang sagot ko. Sino kaya siya? Bakit nandito ulit siya sa kompanya? "Yeah, I'll also want to make that one. Kinda sleepy now," saad niya at muli siyang tumawa. Ang cute lang pakinggan at ang pogi niya kapag tumatawa. "Gusto mo pagtimpla kita?" Sabi ko pero bigla siyang umiling. "No need, I'll do it. Uhm, anyways, I'm Alexander Esquivel, Zachariah's cousin. I'm sorry if it's just now that I introduced myself to you, even though we already met here," aniya na ikinagulat ko. Jusko! Pinsan pala ni Sir Zach 'tong kausap ko?! Bakit hindi ko man lang napansin na related pala silang dalawa? Kaya pala nandito siya no'ng araw na ipinakilala na bagong CEO si Sir Zach dahil pala magpinsan silang dalawa. Nakakahiya, hindi man lang ako nagbigay galang sa kan'ya simula no'ng una ko siyang nakita at nakausap. "I'm Athena Sandoval," tanging naisagot ko. "Nice to meet you, Athena," nakangiting sambit niya sabay na inilahad ang kan'yang kamay. Kaagad naman akong nakipagkamay sa kan'ya kahit na nabalot na ng hiya ang katawan ko. "Nice to meet you too, Sir Alexander," sabi ko at maliit na ngumiti sa kan'ya. "No need for formality, just call me Alexander or anything you'd prefer." "O-Okay, Alex." "That's nice, I hope we'll become good friends." Nagpaalam na rin ako sa kan'ya after kong maubos ang tinimpla kong kape. Sa pantry ko na ininom kasi tumagal ang usapan naming dalawa. Mabuti na lang may 20 minutes pa bago matapos ang lunch break kaya hindi ako mapapagalitan sakaling may makakita sa'kin. Buong akala ko pupunta siya sa pinsan niya after naming mag-usap pero hindi, sumama siya sa akin sa office. Nang makarating kami sa office, nagulat lahat ng mga katrabaho ko. Pero agad naman siyang binati dahil kilala na rin siya ng mga ito. Halos isang oras siyang nanatili sa office. Pinapanuod ang mga ginagawa ko at minsan nakikipag-usap din siya sa mga katrabaho ko. Nagtatanong rin siya kung ano ang mga ginagawa naming trabaho rito sa kompanya at kung anu-ano pa na related sa trabaho ko. Sinagot ko naman lahat at sa tingin ko may natutunan naman siya. "Thank you, Athena, for letting me join you earlier and for answering my questions about your work. I had so much fun, and I enjoyed it a lot," sabi niya nang makalabas kami sa office. Break time na at nagyaya si Maurice at Paula na magmeryenda sa cafeteria. Sumama na rin siya para daw makapagmeryenda na rin at balak niya ring puntahan muna ang pinsan niya. "Wala 'yon pero buti naman nag-enjoy ka," sagot ko. Sa halos isang oras na pag-stay niya sa office may napagtanto ako. Masaya siyang kasama, palabiro, mabilis pakisamahan, at mabait siya sa lahat. Malayong-malayo sa ugali ng pinsan niya. Ewan ko ba saan nagmana ang pinsan niya? Parang pinaglihi sa sama ng loob ang lalaking 'yon. "Alexander." Napahinto kami sa paglalakad nang biglang may tumawag sa kan'ya. Pero boses pa lang nito alam ko na kung sino. "Ellie! Yes, bro? Do you need anything from me?" Sabi ni Alex nang makarating na sa harapan niya si Sir Zach. Tinapunan ako nito ng tingin pero agad din naman akong umiwas. Ayoko nang makipagtitigan sa kan'ya. Naaalala ko lang ang nangyari noong mga nakaraang araw. Umatras ako at tumabi kina Paula na ngayon ay nakatingin sa dalawa. Parang magkapatid lang silang tingnan pero hindi magkaugali. "Where have you been? I've been calling you since earlier. Your mother called me to tell you that you have to go home. Your father wants to talk to you," naiinis na sagot ni Sir Zach. Nakakunot na naman ang noo niya. "Sh*t! I forgot. F*ck! I'm dead," usal nito na ikinasama ng tingin sa kan'ya ni Sir Zach. "Oh! I'm sorry, girls. I think I can't join you. I need to go home before my mother kills me," paumanhin nito. "Ayos lang, Sir Alexander. Ingat po kayo," wika ni Maurice. "Thank you, bye Athena! Thank you, again. I'll see you soon," nakangiting sambit nito at tinapik sa balikat ang kan'yang pinsan saka patakbong umalis. "Hi, Sir Zach," bati ni Paula. Pero hindi ito sumagot sa halip ay tumingin sa akin na ipinagtaka ko. "I need you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD