bc

Chasing Athena

book_age18+
227
FOLLOW
6.6K
READ
billionaire
one-night stand
HE
powerful
drama
bxg
city
addiction
like
intro-logo
Blurb

Athena Sandoval, ulila na sa magulang at tanging ang tiyahin na lamang nito ang kasama sa buhay. Maaga siyang nabuntis sa edad na labing-walong taong gulang sa isang lalaking nagngangalang Zachariah Elliott Montero. Nagtatrabaho siya bilang waitress sa isang bar nang makilala niya ang binata. Dahil sa sobrang kalasingan ng lalaki, huli nitong napagtanto na may nangyari sa kanila ng dalagang matagal na niyang sinusundan nang makita niya ito sa tabi niya kinabukasan. Nagbunga ang pangyayaring iyon ng isang munting anghel na nagpabago sa takbo ng buhay ni Athena.Sa paglipas ng mga taon, muling nagtagpo ang kanilang mga landas. Ngunit hindi alam ni Athena na ang ama ng kan'yang anak ay isa sa pinakamayamang tao sa mundo.Sasabihin ba niya ang tungkol sa kanilang anak o ililihim na lamang niya ito mula sa binata? Mapapatawad kaya niya si Zachariah kapag nalaman niya ang mabuting nagawa nito para sa kan'ya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Valentine's Day
Parang ayokong bumangon dahil tinatamad akong pumasok sa school. Alas syete na ng umaga pero hindi pa 'ko nag-ayos. Ewan ko, basta tinatamad ako ngayon. Second year high school pa lang ako pero katamaran na ang pinapairal ko. Hindi naman ako tamad mag-aral, mataas naman lagi ang mga scores ko sa quiz at exam, at lagi ring mataas ang scores ko sa mga recitations at projects. Pero minsan talaga umiiral ang pagiging tamad ko. "Hays, kapagod," tanging naisambit ko at nagdesisyon ng bumangon mula sa higaan ko. Kinuha ko na rin ang tuwalya ko at pumasok na sa banyo para maligo. Hays, ang ending papasok pa rin pala ako. "Nak, Athena." Boses 'yon ni tiya Rosa, kapatid ni mama na siyang bumuhay at nagpalaki sa'kin simula no'ng namatay ang kapatid niya, ang mama ko. Maliligo na sana ako pero hindi na natuloy. Hawak ko na ang tabo na may lamang tubig nang marinig ko siyang pumasok sa kwarto ko. Ano kaya ang kailangan niya? "Po, tiya? Nasa loob po ako ng banyo, may kailangan po ba kayo?" Tanong ko mula rito sa loob. Narinig ko pa siyang natawa dahil sa sinabi ko. "May nagpadala ng bulaklak at tsokolate para sa'yo." Aniya na ikinagulat ko. Bulaklak? Tsokolate? Kanino naman nanggaling? Eh, wala naman akong manliligaw o 'di kaya boyfriend. "Ikaw ba ay may boypren na? Naku, Athena, baka biglang bumangon mula sa hukay ang mama mo kapag nalaman niyang may boypren ka na," dugtong pa ni tiya. Nagbiro pa talaga siya, baka magkatotoo 'yong sinabi niya. Huwag naman sana 'tsaka wala pa sa isip ko ang gan'yan. "Tiya, wala akong boypren, alam mo naman na study first ako, 'di ba? 'Tsaka sigurado po ba kayo na pangalan ko ang nakalagay roon?" Tanong ko sabay baba sa hawak kong tabo. "Oo, Athena Sandoval ang pangalan na nakalagay roon. Baka nakalimutan mo pa pangalan mo," tugon niya na ikinatawa ko. "Kahit na med'yo malabo na 'tong mata ko, 'e nakakakita pa rin ako ng maliliit na mga letra. Hindi ako nagkamali ng pagkabasa ro'n," dugtong niya. "Oo na po, salamat tiya. Aalis na po ba kayo?" Pagsuko ko, hindi na 'ko kumontra kasi totoo naman 'yong sinabi niya. "Oo, papasok na 'ko sa trabaho. Tingnan mo na lang doon sa baba pagkatapos mo riyan. Tapos kumain ka bago umalis. Aalis na 'ko, mag-iingat ka ha?" "Opo, ikaw rin po tiya." At narinig ko na ang pagsarado ng pinto. Bigla akong napaisip, sino naman kaya ang magkakainteres na bigyan ako ng bulaklak at tsokolate? 'Di kaya, napagtripan na naman ako ng kung sino? Dahil sa kuryusidad ko, wala pang sampung minuto ay tapos na 'kong maligo. Umaabot ng 20-30 minutes ang pagligo ko araw-araw pero ngayon ang bilis at dahil lang 'ata 'to sa bulaklak at tsokolate na pinadala ng hindi ko kilala. Pagkatapos kong magbihis ay kaagad na 'kong bumaba at nagtungo sa may sala. At doon ko nga nakita ang isang bouquet ng tulips at dalawang box ng tsokolate. Diyos ko, ba't alam niya ang paborito kong bulaklak? "To: Athena Sandoval, From: Mr. Z. This flowers symbolizes your sweetest and brightest smile the first time I saw you. I hope you like it, my Athena." Napatulala ako pagkatapos kong basahin ang nakasulat sa maliit na papel. Ewan ko pero ang lakas ng t***k ng puso ko ngayon. At ngayon ko lang 'to naramdaman sa buong buhay ko. Mr. Z? Sino 'to? Kilala ko kaya siya? Tulala ako habang naglalakad papasok ng school. Ganito ang naging epekto sa'kin pagkatapos kong basahin 'yong sulat. Hindi na ito mawala sa isip ko kahit ano pang gawin ko. "Happy Valentines Day, miss Rhea." "Happy Valentines Day, Zandra." "Happy Valentines Day, everyone." Mga gano'ng kataga ang mga naririnig ko sa paligid. Sa totoo lang, ang sakit sa tenga pero hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Valentine's Day nga naman, puro in love lahat pero may ilan na bitter at walang partner like me. Pero kahit gano'n, nagpapatuloy pa rin kami sa buhay. "Hoy! Athena Sandoval." Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa pinanggagalingan ng boses. Boses ng kaibigan ko ang narinig ko. Loka talaga ang babaeng 'to, binanggit pa talaga ng buo ang pangalan ko. Vanessa Agustin, kaibigan ko simula pagkabata hanggang ngayon. "Okay ka lang ba? Kanina pa kita tinatawag pero 'di mo naman ako pinapansin," aniya na may halong pagkainis ang boses. Umiling ako bilang sagot at napabuntong hininga na ipinagtaka niya. "May kilala ba 'kong lalaki na nagsisimula sa letrang Z ang pangalan?" Tanong ko, 'di siya nakasagot agad pero napaisip siya dahil sa tanong ko. "Sa pagkakaalam ko parang wala, bakit mo natanong? May nagpadala ba sa'yo ng sulat o 'di kaya death threat?" Sagot niya pero bigla ko siyang hinampas sa balikat dahil sa sinabi niya. Baliw talaga 'to, ewan ko ba ba't ko 'to naging kaibigan? Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. "Oy, joke lang, 'di ka naman mabiro," habol nito sa'kin sabay akbay sa balikat ko. "Ano ba 'yon? Ba't mo natanong?" Kuryusong tanong niya. "May nagpadala ng bulaklak at tsokolate sa'kin kanina galing sa isang lalaki na hindi ko naman kilala," tugon ko na ikinatigil niya sa paghakbang. "Kanino naman galing?" Gulat na tanong niya. "Ewan ko nga rin eh, Mr. Z lang 'yong nakalagay sa sulat," sagot ko. "Sigurado ka ba na para sa'yo talaga 'yong bulaklak at tsokolate na natanggap mo?" "May iba pa bang Athena Sandoval sa lugar natin? 'Di ba, ako lang naman?" "Oo nga naman, tama ka," sang-ayon niya. Hays, baliw talaga ang babaeng 'to. "Pero sino naman kaya 'yan? Eh, may nagpapakilala naman sa'yong mga lalaki pero sa pagkakatanda ko wala pa 'kong nakilala na nagsisimula sa letrang Z ang pangalan. 'Di kaya, schoolmates natin o galing sa ibang school?" Dugtong pa niya. "Malabong mangyari 'yon pero hayaan mo na lang, makikilala ko rin siya," sagot ko at pumunta na kaming dalawa sa classroom namin. Pagkapasok namin sa loob, busy ang lahat, may kan'ya-kan'yang ginagawa para sa event mamaya at 'yong iba naman kinikilig dahil sa mga natanggap nilang bulaklak at tsokolate. Napailing na lang ako at naglakad papunta sa table ko. "Oh? Kanino naman 'to nanggaling?" Diyos ko, another bulaklak na naman.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook