Chapter 42: Secrets Unveiled

1324 Words
Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Nakapagtataka pero hindi ko na lamang ito pinansin. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kaniya at pumunta na ng counter para magbayad. Wala na ‘kong pakialam kung ano man ang gawin niya. Kahit sabihin pa niya kay sir Zach wala na ‘kong pakialam. Malalaman at malalaman pa rin ng lalaking ‘yon ang tungkol sa’kin at sa anak namin. “Let’s talk, Athena.” At bigla na lang ako nitong hinatak paalis ng counter. Ano pa bang kailangan sa’kin ng lalaking ‘to? Ayoko ng magpaliwanag sa kaniya pero gusto pa nito na mag-usap kami. “Ano ba?! Bitawan mo ‘ko. Ano bang kailangan mo sa’kin?” pagpupumiglas ko. Napatingin ang mga tao sa amin dito sa loob ng supermarket pero parang walang pakialam ang lalaking ‘to. Patuloy lang siya sa paglalakad at paghatak sa akin hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas ng exit. At doon niya lang ako binitawan. “Ba’t mo ‘ko dinala rito? At ano ba ang pag-uusapan natin?” Naiinis na sambit ko pero seryosong tingin lang ang sinagot niya sa akin. “What did you mean earlier? Anong sinira?” Nagtataka na tanong niya pero hindi ko siya sinagot. Paanong ‘di niya alam ang tungkol do’n? Magkaibigan sila ni Yael at imposibleng hindi nito sabihin sa kaniya. ‘Di kaya naputol na ang ugnayan nila sa isa’t-isa? “Hindi mo na kailangang malaman,” sagot ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya. “Why? What’s the matter? I need to know—” “Para ano? Para sabihin mo sa kaniya kung sino ako?” Putol ko sa kaniya. “Ako ang aamin sa kaniya kaya ‘wag ka na lang mangialam, kayo ng mga kaibigan mo,” dugtong ko na ikinatahimik niya. “That’s useless.” Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? “He doesn’t remember you,” dagdag niya na mas lalo kong ipinagtaka. “Anong i-ibig mong sabihin?” Tanong ko, nagtataka pero kinakabahan sa isasagot niya. "He had an accident 8 years ago ... because of that, he lost his memory. Even a single memory about you," sagot niya na ikinagulat ko. Bigla akong natahimik ngunit ramdam ko ang biglaang pagpatak ng luha ko. Hindi ko alam kung bakit ako umiyak. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Pero isa lang ang dahilan niyon, galit ako .. galit na galit. Hindi dahil sa nangyari sa kaniya kundi dahil sa mga pinagdaanan ko noon. Ako na hindi makatulog gabi-gabi dahil sa mga masasamang nangyari sa buhay ko samantalang siya walang na aalala. Hindi niya ‘ko maaalala at hindi niya maaalala ang gabing naging puno’t dulo ng lahat. Tama si Thomas, useless lang kapag sinabi ko sa kaniya kung sino ako at ang tungkol sa anak namin. Itatanggi lang din niya kapag inamin ko na sa kaniya ang tungkol do’n. Wala ring magandang mangyayari. Ako lang ang magmumukhang desperada sa huli. "That's why I don't understand—why? Why did you work at his company if you knew who he was?" Naguguluhan na sambit niya. "Like you said earlier, he was the one who ruined your life, but why didn't you leave? Bakit doon ka pa rin nagtatrabaho?" dagdag niya pero ‘di ako nakasagot. Tahimik lang akong umiiyak at nag-iisip. Bakit nga? Bakit ‘di ako umalis sa kompanya niya? Hindi ko rin alam ang sagot kung bakit. Pero mananatili ako roon hangga’t kaya ko pa, hangga’t ‘di pa niya nalalaman ang tungkol sa’kin at sa anak namin. “Uminom ka muna ng tubig,” wika ni Vanessa sabay abot sa’kin ng isang basong tubig. Kaagad ko naman itong kinuha at ininom. Dito ako pumunta sa condo ni Vanessa nang makaalis ako sa supermarket kanina. Tinawagan ko na lang si tiya Rosa para ipaalam na bumalik ako ng kompanya kasi pinatawag ako ng supervisor ko. Ayokong umuwi na ganito ang sitwasyon ko kasi mag-aalala lang si tiya Rosa at ang anak ko. Hindi ako nakauwi sa bahay dahil sa sinabi ni Thomas. Gusto ko pa siyang kausapin tungkol do’n pero parang hindi na kailangan. “Hindi ko in-expect ang binalita mo sa’kin,” aniya nang makaupo siya sa tabi ko. Na ikuwento ko na sa kaniya ang tungkol sa sinabi sa’kin ni Thomas kanina. Hindi rin siya makapaniwala tulad ko. “So, anong plano mo? Sasabihin mo pa ba sa kaniya ang tungkol sa ‘yo at sa anak mo?” “Hindi na .. hindi na kailangan.” Nakapagdesisyon na ‘ko, hindi ko na sasabihin sa kaniya ang tungkol sa’kin at sa anak namin. Biglang nagbago ang isip ko dahil sa nalaman ko kanina. Ang gusto ko na lang ay siya mismo ang makaalala sa’kin at sa mga nangyari noon. “Useless lang din kapag sinabi ko sa kaniya pero hindi niya naman naaalala,” dugtong ko. “Tama ka nga naman. Pero baka sakaling sabihin mo sa kaniya, maaalala niya ‘di ba? Bakit ‘di mo subukan?” suhestiyon ni Vanessa. Pero nagdadalawang-isip ako, ayoko kasi na magmukhang katatawanan at desperada sa huli tulad no’ng nangyari dati. Ayoko ng maulit ‘yon, ayoko ng mangyari sa akin ulit ‘yon. “If ‘di niya nga maalala then huwag mo nang ipilit. At least you tried, then you'll just let him remember you on his own.” “Sige, susubukan ko.” Hindi ko rin naman alam ang mangyayari kapag ‘di ko sinubukan. Pero sige, susubukan ko para sa ikatatahimik ng isip ko at para sa anak ko. “Good morning, Athena. Kumusta ka?” Nakangiting bati ni Von nang makarating ako ng opisina. Maliit na ngiti lang ang sinagot ko at nagtungo na sa cubicle ko. Pero ramdam kong nakasunod siya sa likuran ko. “Akala ko pa naman hindi ka papasok ngayon. Sana nagpahinga ka na lang since Friday naman na ngayon at wala ng pasok,” aniya nang makaupo ako sa swivel chair. “Okay lang naman ako, ‘tsaka kaya ko namang pumasok,” walang ganang sagot ko. Hindi ko alam kung bakit wala akong gana ngayong araw. Pero pumasok pa rin ako sa trabaho. Wala naman kasi akong dahilan para ‘di pumasok. Oo, iniisip ko pa rin ang sinabi ni Thomas kahapon pero kailangan ko pa ring magpatuloy sa pagtatrabaho. Hindi dahilan ‘yon para tumigil ako, sa halip naging dahilan ‘yon para magpatuloy ako hanggang sa malaman ko ang totoo. "Mabuti naman kung gano'n. Siya nga pala, pinapasabi ni boss Zach, pumunta ka raw mamaya sa office niya after ng board meeting niya." "Sige, pupunta ako. Salamat." Hinihiling ko na hindi siya makita ngayong araw pero hindi naman nangyayari. Parang tutol ang panginoon sa gusto ko at parang gusto pa nito na makita ko ang lalaking 'yon. "Magtitimpla muna ako ng kape," paalam ko at kaagad ng tumayo para pumunta ng pantry. Hindi ko na hinintay na makasagot si Von. Dumiretso lang ako sa paglalakad hanggang sa nakalabas ako ng opisina. Kape lang ang katapat sa natutulog kong kaluluwa. Wala akong sapat na tulog dahil sa kakaisip ng mga nangyari kahapon. Sana naman makapagpahinga na itong utak ko sa kakaisip ng mga bagay-bagay. Nang makarating ako sa pantry, walang tao kaya malaya akong nakapag-templa ng kape. Pero after ng ilang minuto, may pumasok na dalawang babae na sa tingin ko taga-Marketing. "Talagang kapatid niya 'yon?" Dinig kong tanong ng babaeng nakasuot ng pulang dress. "Oo, pumunta raw 'yon dito no'ng mga nakaraang linggo. May nakarinig pa nga na nag-away daw silang dalawa sa loob ng opisina," sagot ng isa. Ayokong maki-tsismis pero parang naging interesado ako sa kanilang pinag-uusapan. "Nag-away? Tungkol naman daw saan?" "Tungkol daw sa mana, hindi ako sigurado pero gano'n daw ang dahilan. Akala ko pa naman nag-iisang anak si sir Zach pero meron pa pala siyang kapatid na lalaki." Kapatid? May kapatid si sir Zach? S-Sino?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD