Hindi ako makapaniwala na may kapatid pala si sir Zach kasi akala ko rin nag-iisang anak lang siya ng pamilya Montero ‘yon pala hindi. Pero sino naman kaya ang tinutukoy nilang kapatid niya? ‘Di kaya nandito ‘yon ngayon kaya nila pinag-uusapan?
Na curious tuloy ako kung sino ‘yon. Parang biglang nawala sa isip ko ang mga nalaman ko kahapon. At mas naging interesado akong malaman kung sino ang tinutukoy nilang kapatid niya.
After kong magtimpla ng kape, umalis na ‘ko ng pantry at bumalik na ng opisina para magsimula ng magtrabaho. Pero bigla akong napaisip, katapusan na pala ng August ngayon at bukas panibagong buwan na ulit. At malapit na rin ang gaganaping family day.
“Athena ..” Nag-angat agad ako ng tingin nang may tumawag sa akin. Si Miss Lena lang pala.
“Po, Miss Lena? May kailangan ba kayo sa’kin?” Tanong ko nang makalapit na siya sa direksiyon ko.
“Pinapatawag ka ni Sir Zach sa office niya, ASAP,” aniya na ikinagulat ko.
Tapos na ang board meeting niya? Ang aga naman para makita siya ngayong araw.
“Ah, sige po, Miss Lena. Pupunta na lang po ako ro’n,” sagot ko. Umalis kaagad si Miss Lena matapos niyang sabihin ‘yon kaya tumayo na ‘ko para pumunta sa opisina ng boss ko.
Bakit kaya pinapatawag niya ‘ko? Ang aga pa para makatanggap ng sermon mula sa kaniya. Huwag naman sana gano’n ang maging bungad niya sa’kin mamaya.
Nang makarating ako sa opisina niya, napabuntong hininga muna ako bago nagdesisyon na kumatok. Dahan-dahan ko na ring binuksan ang pinto nang ‘di ako nakatanggap ng sagot mula sa kaniya. Panigurado namang nandito siya sa loob. At nandito nga siya pero hindi siya nag-iisa.
“Good morning, sir. Pinapatawag niyo raw po ako?” Sabi ko nang makapasok na ‘ko sa loob. Pero hindi siya sumagot, sa halip tiningnan lang ako.
Hindi ko alam kung sino ang kasama niyang lalaki rito sa loob. Nakatalikod siya mula sa direksyon ko at nakaharap naman siya kay sir Zach. Mukhang wrong timing ang dating ko. Sa tingin ko may importante silang pinag-uusapan.
“Yes, but stay there for a while. I still have something to discuss with my brother,” seryosong aniya bago tumingin sa lalaking nakaupo sa harapan niya.
Brother? Tama nga sila nandito ngayon ang kapatid niya.
“I-Iwan ko na muna po kayo—”
“No, I said stay there,” putol niya sa’kin. Tumahimik na lang ako at ‘di na nagsalita. Baka kasi magalit pa siya kapag nagpumilit ako.
"Do you want her to hear what we're going to talk about?" Biglang sambit ng kapatid niya pero hindi ako nito nilingon.
Halatang mas masungit pa ‘to kaysa kay sir Zach. Pero parang .. parang pamilyar ang boses niya.
"Don't mind her, just tell me why you're here. She won’t tell anyone whatever she hears here. I trust her more than I trust you,” sagot ni sir Zach na ikinagulat ko.
Ano’ng ibig niyang sabihin? Mas may tiwala siya sa’kin kaysa sa kapatid niya? Ang weird, bakit kaya ganito sila magsagutan?
"Okay, if there's no any problem, then I'll get straight to the point. I want your position," wika nito na ikinagulat ni sir Zach maging ako na nakikinig lang dito.
"W-What? What do you mean? Position?" Nagtataka ngunit galit na tanong ni sir Zach.
“Position as CEO, you know what I mean,” mayabang na sambit ng kapatid niya.
Parang kailangan ko ng umalis dito bago pa sila mag-away. Ayoko ng pakinggan ang pag-uusapan nila, mas’yado na kasi itong personal at wala akong karapatan para marinig ang lahat ng ito. Pero paano ako aalis?
"I am the sole heir of this company and the eldest child in our family. I never wanted this position, but it was entrusted to me by our parents, especially by our mother," matigas na sambit ni sir Zach na ikinatawa ng kapatid niya. Kumunot ang noo niya sa naging reaksyon nito pero parang wala man lang pakialam itong kausap niya.
Parang hindi sila magkapatid kung mag-usap. Parang may namumuong kompetensiya sa pagitan nilang dalawa pagdating sa mana at maging sa kompanya ng mga magulang nila.
"If you never wanted it, then why don't you just give it to me? After all, everything that happened to you before and all the horrible things you did are proof that you don't deserve that position right now."
Biglang tumayo si sir Zach mula sa kinauupuan niya at kaagad na lumapit sa direksyon ng kapatid niya. Nagulat ako nang marahas niya itong hinawakan sa kuwelyo at biglang itinayo.
"What did you say?!” Galit na sambit ni sir Zach.
Ano ang gagawin ko? Parang hindi ako makaalis mula rito sa kinatatayuan ko. Ayokong sumali pero parang kailangan ko na silang pigilan bago pa sila magsuntukan.
"You think I did that on purpose? Huh?!" Nanggagalaiti sa galit na sabi ni sir Zach.
This time lumapit na ‘ko sa direksyon nilang dalawa nang ambahan niya ito ng suntok.
“Sir Zach, tama na,” pigil ko sa kaniya. “Walang mapupuntahan ‘yan kapag galit ang pinairal mo. Pwede naman kayong mag-usap ng mahinahon at maayos. Bakit kailangan niyo pang idaan sa away o alitan? Ayokong makisali sa gulo ninyong magkapatid pero nasa opisina po kayo at hindi lang kayong dalawa ang narito ngayon. Kaya bitawan niyo na siya,” mahabang lintanya ko.
Ginawa niya naman ang sinabi ko. Kaagad niyang binitawan ang kapatid niya at biglang tumalikod. At saka ko lang nilingon ang kapatid niya. Ngunit biglang nanlaki ang mata ko nang tuluyan ko na siyang makita.
Hindi ako makapaniwala, siya ang kapatid ni sir Zach?!
“Zander...” hindi makapaniwalang sambit ko.
Jusko! Siya nga, hindi ako nagkakamali. At tama ako na siya ang nakita ko no’ng nakaraang linggo.
“A-Athena? W-Wait, so you're the one my brother was talking about?”
Nagtaka ako sa sinabi niya. Ano’ng ibig niyang sabihin? ‘Di kaya pinag-uusapan nila ako bago pa man ako dumating dito?
"You know each other?" Nagtataka na tanong ni sir Zach pero nakakunot ang noo niya.
“Yes, sir, s-schoolmate kami before—”
"You don't need to explain anything to him,” putol ni Zander sa’kin bago binalingan ng tingin ang kapatid niya. "We're not done yet,” dugtong niya at bigla akong hinawakan sa braso na ikinagulat ko.
Saan niya naman ako dadalhin?
"And where do you plan to take her? She will stay here," wika ni sir Zach nang hawakan ako nito sa kabilang braso kaya ‘di natuloy ang paghatak sa’kin papalabas ni Zander.
"I need to talk to her, so let go of her now," sagot nito pero hindi sinunod ni sir Zach ang sinabi niya.
Jusko! Balak pa ‘ata nila akong pag-agawan. Ano ba kasing problema nila sa isa’t-isa? Naguguluhan na ‘ko kanina pa.
"You've just met her, so you have no right to drag her out of my office. She's my employee, and she will stay here. So, let her go before I call the security," seryoso ngunit may pagbabanta na sambit ni sir Zach.
Kaagad binitawan ni Zander ang braso ko pero si sir Zach nakahawak pa rin. Hindi ko alam kung bakit pero ayoko ng alamin.
"Okay, I'll just wait for you outside, Athena." Pagsuko nito at lumabas na siya ng opisina.
Napabuntong hininga na lang ako. Ano ba kasi ang pag-uusapan namin?