“Mommy, may problema po ba?” Tanong ni Aaron nang mapansin nito ang biglaang pagtahimik ko. Kaagad ko naman siyang nilingon at umiling bilang sagot sa tanong niya.
“Wala naman, anak. Ayos lang si mommy may iniisip lang,” sabi ko para ‘di na siya mag-alala.
Nandito kaming dalawa sa kwarto ko, nagpapraktis para sa gagawin naming performance sa darating na family day. Umuwi ako para makapagpahinga pero hindi ako makatulog dahil sa kakaisip ng mga sinabi ni Lauren kanina na nag-iwan ng pangamba sa akin.
Natatakot ako sa banta niya kasi anumang oras maaaring malaman ni sir Zach ang tungkol kay Aaron. Hindi ko alam kung bakit nalaman ni Lauren ang tungkol doon. Hindi ko alam kung paano nakarating sa kaniya ang gano’ng balita. Pero sa tingin ko may nakapagsabi sa kaniya. Naguguluhan pa rin ako ngunit mas nangibabaw ang takot at pangamba para sa kapakanan ng anak ko.
“Anak, may sasabihin si Mommy .. pero sana ‘wag kang magalit,” sabi ko.
“O sige, Mommy. Ano po ‘yon?” sagot niya at umupo siya sa tabi ko.
Kinakabahan ako pero kailangan niya ng malaman ang tungkol sa tatay niya. Ayoko siyang biglain pero ito na ang tamang oras para sabihin sa kaniya ang tungkol do’n bago pa niya malaman sa iba. At dahil sa banta ni Lauren, nagkaroon ako ng dahilan para sabihin na kay Aaron ang totoo.
“Umm.. ‘di ba nasabi ko na sa ‘yo dati ang tungkol sa daddy mo?” panimula ko. Tumango siya bilang sagot pero biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Dahil dito mas lalo akong kinabahan. Parang ayoko na lang ituloy ang binabalak ko.
“Kasi anak .. ang totoo niyan, h-hindi ko kilala ang daddy mo.” At tuluyan na ngang pumatak ang mga luha ko. “Hindi totoo na iniwan niya ko dahil sa hindi niya na ‘ko mahal. Iniwan niya ‘ko kasi akala niya isa akong bayarang babae,” dugtong ko na ipinagtaka niya.
Kumunot bigla ang noo niya, halatang ‘di niya naintindihan ang sinabi ko. Alam ko mas’yado pa siyang bata para pag-usapan ang tungkol dito kaso ‘andito na, ‘di ko na kayang ilihim pa ‘to sa kaniya.
“Dati akong nagtatrabaho sa bar bilang isang waitress at doon ko siya nakilala. No’ng gabing nagtrabaho ako roon, nando’n siya kasama ang iba pa niyang kaibigan. Ako ang nag-asikaso sa kanila at ako ang inutusan ng boss ko na maghatid sa kaniya pauwi. At no’ng gabing ‘yon, may nangyari sa aming dalawa,” pagkuwento ko at nagsimula ng umiyak si Aaron.
Ito ang iniiwasan kong mangyari kasi alam kong masasaktan siya sa mga sasabihin ko. Kung pwede na ‘wag na lang sabihin sa kaniya ginawa ko na kaso karapatan niya na malaman ang totoo lalo na’t tatay niya ang pinag-uusapan.
“Alam ko na hindi mo naintindihan ang mga sinabi ko pero kasi ayoko ng ilihim sa ‘yo ang totoo. Pero anak, ‘wag mo sanang isipin na ikaw ang bunga ng pagkakamaling ‘yon kasi ni minsan hindi ko inisip na isa kang pagkakamali sa buhay ko. Hindi ka man nabuo dahil sa isang pagmamahal ng dalawang tao pero minahal kita ng higit pa sa buhay ko.”
“Mommy...” tanging na isambit ni Aaron at kaagad ako nitong niyakap ng mahigpit. Tumugon ako sa yakap niya habang patuloy na naglalandasan ang mga luha sa pisnge ko.
Wala siyang kahit na anong sinabi. Hindi siya nagalit, hindi siya nagtanong sa halip niyakap niya lang ako ng mahigpit hanggang sa namalayan ko na lang nakatulog na siya habang yakap-yakap ako. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero sa tingin ko naintindihan niya kung bakit ko ‘yon nilihim sa kaniya.
Siguro ‘yon na muna ang aaminin ko sa kaniya. Ayoko pang sabihin sa kaniya na si Sir Zach ang tatay niya. Ayoko muna siyang biglain kasi alam ko na siya lang din ang masasaktan at mahihirapan kapag nalaman niya na kung sino ang tatay niya.
“Okay ka lang ba?” Tanong ni tiya Rosa nang umupo siya sa tabi ko.
“Okay lang po ako, tiya. Huwag na po kayong mag-alala,” sagot ko at maliit na ngumiti sa kaniya.
Nandito kaming dalawa ngayon sa sala, nanunuod ng palabas sa telebisyon pero hindi ko naman naiintindihan ang pinapanuod ko dahil sa mga iniisip ko.
“Na sabi mo na kay Aaron ang tungkol sa tatay niya?” Tumango ako bilang sagot. Napabuntong hininga si tiya Rosa at bigla ako nitong niyakap ng mahigpit.
“Huwag ka ng mag-alala, maiintindihan ka ng anak mo. Alam mo naman na mahal na mahal ka niyon kaya kahit ano pa ang ginawa o gawin mo, maiintindihan ka niya,” wika ni tiya Rosa.
Sana nga tama si tiya Rosa, sana nga naintindihan ako ng anak ko. Kasi kung sakaling hindi, baka hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
"Magpahinga ka na, alam kong pagod ka. Aalis na muna ako, may bibilhin lang sa palengke," paalam ni tiya Rosa bago siya tumayo at nagtungo ng kusina.
"Ano po ang bibilhin niyo? Ako na ang bibili," sabi ko na ikinatigil niya.
"Huwag na, magpahinga ka na lang dito sa bahay dahil bukas may pasok ka pa. Mabilis lang naman ako."
"Hindi pa rin naman po ako makakatulog sa dami ng iniisip ko. Pero huwag po kayong mag-alala, ayos lang po ako. Kaya ako na po ang bibili."
Wala na ring nagawa si tiya Rosa kundi ang pumayag sa gusto ko. Lumabas na rin kaagad ako ng bahay matapos kong mailista ang pinapabili niya. Mga sangkap lang naman ito ng lulutuin niyang ulam kaya 'di ako mahihirapan maghanap mamaya. Nang makasakay ako sa kotse, kaagad ko na itong pinaandar at umalis na rin ng bahay.
Mga wala pang bente minuto, nakarating na ako ng supermarket. Dito ko na balak bumili kasi medyo malayo pa ang palengke mula rito. Nang makababa ako ng kotse, pumasok na 'ko agad sa loob at nagtungo na sa area ng mga prutas at gulay. Luya, talong, petchay, at kalabasa lang naman ang bibilhin ko. Hindi ko alam kung ano ang lulutuin ni tiya Rosa pero paniguradong masarap ito.
"Athena.."
Kaagad akong lumingon nang may tumawag sa akin. Ngunit bigla akong napamura sa aking isipan nang makilala ko kung sino ito.
Si Thomas, ang kaibigan ni Sir Zach!
Jusko, ba't siya nandito?
"Small world, huh? By the way, how are you? The last time I saw you was 2 weeks ago. So, how have you been?" Aniya nang makarating siya sa harapan ko pero hindi ako nakasagot. Natameme lang ako sa kaniya at hindi alam kung ano ang sasabihin.
Sabi ko pa naman sa sarili ko na iiwasan ko ang mga taong malapit kay sir Zach kasi ayoko na maalala nila ako at ayoko na sila ang makapagsabi sa kaniya sa kung sino ako.
“Ayos lang naman ako,” maikling sagot ko.
“Oh, good to hear that. How about Ellie? How is he doing now?” Tanong niya na ipinagtaka ko.
Kumunot bigla ang noo ko dahil doon. Bakit ako ang tinatanong niya kung kamusta na ba ang kaibigan niya? Ang weird, pero mas weird siya.
“H-Hindi ko alam .. pinauwi niya kasi ako. Pero sa tingin ko naman okay lang siya,” naiilang na sagot ko.
Bigla akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Nakakailang kasi ang mga tingin niya dahil parang kinikilatis niya ‘ko. Sa tingin ko nga, na aalala ako ng taong ‘to pero ayaw niya lang sabihin sa’kin. Pero sana mali ako ng iniisip.
“Siya nga pala, alis na ‘ko. May pupuntahan pa kasi ako,” sabi ko at tatalikod na sana para umalis pero hindi natuloy dahil sa sinabi niya.
“I know who you are.”
Hindi na ‘ko nagulat. Ini-expect ko na, na ganito ang sasabihin niya. Kasi imposible naman na hindi niya ‘ko na aalala unless lasing siya no’ng gabing nakilala niya ‘ko.
“Kilala ko rin kung sino ka,” sabi ko at dahan-dahan siyang hinarap. “Ikaw ang kaibigan ng lalaking sumira ng buhay at pagkatao ko,” dugtong ko na ikinagulat niya.