Chapter 17: Worries

1398 Words
Bago pa 'ko makagawa ng eksena rito ay kaagad na 'kong nagdesisyon na lisanin ang silid na ito. Kahit ang daming tao rito sa loob at sobrang siksikan ay nagawa kong makatakbo at makalabas. Nang makalabas ako sa conference room, doon lang ako nakahinga ng maluwag. Sobrang ramdam ko ang panginginig ng buong katawan at pagsikip ng dibdib ko. Hindi ko na rin napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Kaya ko pala nararamdaman 'to kasi nand'yan siya, kasi malapit lang siya sa'kin. Hindi ko inaasahan na siya ang tinutukoy ni Mrs. Montero kasi buong akala ko 'yong lalaki na nakasabay namin sa elevator kanina ang magiging bagong CEO ng kompanya at bagong boss namin. Pero nagkamali pala ako, hindi siya 'yon kundi 'yong lalaki na ayoko nang makita pa habambuhay. Ano ang gagawin ko? Magre-resign na ba 'ko sa trabaho? Babalik na ba ulit kami ng Bukidnon? Diyos ko, ano'ng gagawin ko? Ayoko namang mag-resign sa trabaho dahil lang sa kan'ya. Pero paano kung matatandaan niya 'ko? Paano kung kausapin niya 'ko bigla? Paano kung malaman niya na may anak kami? Parang masisiraan na 'ko ng bait. Hindi ko kakayanin kapag nangyari 'yon. My gosh! Ano ang gagawin ko? "Thena .." "Huh?" Napahinto ako sa pag-iisip dahil sa biglaang pagtapik ni Maurice sa balikat ko. Hindi ko man lang napansin na lumapit pala siya sa'kin. "Ayos ka lang? Ang lalim 'ata ng iniisip mo," aniya. "Ayos lang ako, huwag kang mag-alala," tugon ko at maliit na ngumiti sa kan'ya. Katatapos lang nang announcement sa conference room at lahat ng empleyado nakabalik na rin sa kan'ya-kan'ya nilang opisina at trabaho. Bago pa man sila nakabalik dito, nandito na 'ko at binabad ang sarili ko sa pagtatrabaho kahit na hindi ko na maintindihan kung ano 'yong ginagawa ko. Gusto kong i-distract ang sarili ko para hindi ko na maalala ang nangyari kanina pero naiisip ko pa rin ito. "Ito, kainin mo .. pinamigay 'yan kanina ro'n after ng announcement. Kaso dahil umalis ka, dinalhan na lang kita," saad niya bago ibinaba sa mesa ang dala nitong isang box ng cupcake at coke. "Salamat, ha? Okay lang naman sana kung 'di mo na 'ko dinalhan pero salamat pa rin dito," sabi ko. "Wala 'yon 'tsaka ayoko namang magutom ka, 'no? Kaya kainin mo 'yan, okay?" Tumango ako bilang sagot at ngumiti sa kan'ya. Para siyang si Vanessa, laging kapakanan ko ang iniisip. "Siya nga pala kanina, hinahanap ka ni si Mrs. Montero," aniya na ikinagulat ko. Ano naman ang kailangan niya sa'kin? Huwag niyang sabihin na ... "Gusto ka niyang makausap bago siya umalis," dugtong niya. Nakahinga ako ng maluwag, akala ko kung ano na. "O sige, pupunta na lang ako sa office niya mamaya," sagot ko. Paano na ngayon? Ano na lang ang mangyayari sa'kin dito sa opisina? Alam ko na kahit anong iwas ko sa lalaking 'yon, magtatagpo at magtatagpo ang landas naming dalawa. Lalo na ngayon na siya na ang bagong CEO kaya may posibilidad na araw-araw ko siyang makikita. "Ang gwapo ng bagong boss natin, 'no? Bukod do'n matangkad, mestiso, walang kapintasan sa katawan, daddy figure at mas lalo na ang hot. Ang swerte ng babaeng mapapangasawa niya dahil bukod sa gwapo na, mayaman pa," kinikilig na sambit niya. Wala akong naging reaksiyon sa sinabi niya kasi hindi naman ako natutuwa. Ewan ko kung paano niya nalaman na wala pang asawa 'yon? Siguro naki-tsismis na naman siya sa kabilang opisina. Pero wala naman akong pakialam sa buhay ng taong 'yon. Ang gusto ko lang ay ang hindi siya makita at hindi niya 'ko makita. "Anyways, baka raw bukas magpatawag siya ng meeting with IT and Marketing Department para sa recent report ng kompanya," saad niya. "I-IT? You mean .. department natin?" Gulat na tanong ko at tumango siya bilang sagot. "Bukas pa naman, 9 am. Sige na, usap na lang ulit tayo mamaya. Balik na 'ko sa trabaho. Kainin mo 'yan, ha?" Aniya at umalis na rin siya habang naiwan akong nakatulala rito. Parang gumagawa talaga ng paraan ang tadhana para magtagpo ang landas naming dalawa. Ano ba naman 'yan? Bakit bukas na agad kung p'wede namang sa susunod na lang o 'di kaya huwag na lang? Hays, makikita ko pa rin pala talaga ang lalaking 'yon. "Athena .." Kaagad naman akong nag-angat ng tingin at napatingin sa pinto. Si Miss Fria pala ang dumating at tumawag sa akin, head supervisor siya ng Finance Department. "Po? May kailangan po ba kayo?" Sagot ko sabay na tumayo para lapitan siya. "Paki-ayos naman ng internet ko sa office. Bigla na lang kasing humina habang gumagawa ako ng report. Kailangan ko na kasing ipasa by 11:30 am kasi gusto nang makita ng bagong boss natin. Ayos lang ba? Wala ka bang ginagawa?" "Meron po pero okay lang naman kung iwan ko saglit. Tara po, tulungan ko kayo." Bago ako lumabas ng office, nagpaalam muna ako sa supervisor ko na aalis muna para tulungan si Ms. Fria. Nang pumayag na ito, umalis na rin kaagad ako. "Thank you, ha? 'Yon lang naman ang aayusin after niyon p'wede ka nang bumalik sa pagtatrabaho. Pasensiya talaga sa istorbo, Athena," aniya habang naglalakad kami papunta sa office niya. "Wala po 'yon, trabaho ko naman ang tulungan kayo," sagot ko. Nang makarating na kaming dalawa ay kaagad ko na ring ginawa ang ipinag-uutos niya. May konting inayos lang ako sa network ng computer niya at after niyon ay lumakas na rin ang connection ng internet. Pagkatapos niyang magpasalamat ay agad na rin akong umalis para bumalik na ng opisina. Pero habang naglalakad ako, parang ramdam ko na ang matinding pagod kahit na kaunti pa lang ang nagawa ko ngayong araw at wala pa sa kalahati ang natapos ko. Ewan ko ba pero ang tindi ng epekto sa akin ng taong 'yon. Presensiya niya pa lang nakakapanghina na, ano pa kaya kapag nakaharap ko 'yon? Sana talaga hindi ko siya makita ngayong araw. "Aray!" Da*ng ko habang nakahawak sa noo ko. Parang nauntog ako sa pader kahit tao ang nabunggo ko. "Sorry-" "Look at where you're going," seryosong sambit nito habang nakatingin sa akin. Parang bigla akong naputulan ng hininga. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon. Pero ngayong nakaharap ko na siya .. saka lang ako nakaramdam ng galit at pagkamuhi sa kan'ya. "I'm sorry, sir," paumanhin ko sabay na yumuko. Ngunit hindi na siya sumagot, sa halip ay nilagpasan na lamang ako nito. Wala siyang pinagbago ... siya pa rin ang lalaking nakilala ko noon. Ang lalaking iiwanan ka na lang bigla na parang wala lang nangyari. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili bago nagdesisyon na magpatuloy sa paglalakad papuntang opisina ni Mrs. Montero. Nang makarating ako sa opisina niya, kumatok muna ako bago pumasok at naabutan ko siyang nakaupo sa table niya habang may kinakausap sa telepono. Nakita niya 'ko at sumenyas ito na maupo raw ako. Kaya kaagad akong lumapit sa table niya at naupo sa katabi nitong sofa. "Yes, hintayin mo na lang ako sa lobby. I'll go down there after a few minutes. I'll just talk to my employee for a while," sabi nito sa kausap at binaba na rin ang telepono. Kaagad na rin siyang tumayo at naupo sa kaharap kong sofa. Wala akong ideya kung bakit gusto niya 'kong makausap. Pumunta lang ako rito na hindi alam kung ano ang pag-uusapan namin. "Hi Athena, how are you? I haven't seen you for a week. What happened to you?" Tanong nito na may bakas ng pag-alala ang tinig. "Ayos lang po ako, na busy lang po sa trabaho kaya hindi na po ako ang pumupunta rito sa office niyo sa tuwing nagkakaproblema kayo pagdating sa system ng computer niyo. Patawad po," tugon ko. Ako kasi lagi ang pinapatawag niya kapag nagkaproblema siya ro'n pero dahil sa madami na rin akong ginagawa sa office, hindi na ako ang nag-aayos niyon kundi ibang IT na. "I understand, Athena. You don't need to say sorry. But I want to talk to you about it." Ano ang ibig niyang sabihin? Parang bigla akong kinabahan. Sa tingin ko hindi ako matutuwa sa sasabihin niya. "I would like you to be the one to help my son if there are any problems with regards to that here in the office. Can you do that for me?" Sinasabi ko na nga ba. Pero ano ang gagawin ko? Papayag ba 'ko o hindi?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD