Chapter 18: Zachariah Elliott Montero

1424 Words
Kanina ko pa pinag-iisipan ang sinabing pabor ni Mrs. Montero. Pero kahit humindi ako hindi naman na mababago kasi pumayag na 'ko kanina. Parang nagsisi tuloy ako sa naging desisyon ko. Ipagdarasal ko na lang na sana walang mangyaring problema sa opisina niya para hindi ko siya makita. "Mommy." Napalingon kaagad ako sa pinto nang marinig ko ang boses ng anak ko. At nakita ko siyang may dalang bondpaper. Parang alam ko na kung ba't siya nandito. "Yes, anak? Lapit ka kay mommy," sagot ko at agad naman siyang lumapit sa akin. "Ano bang kailangan ng baby boy ko?" Malambing na sambit ko na ikinatawa niya. "Mommy, hindi na po ako baby," nakangusong tugon niya. "Big boy na po ako," dugtong pa niya at dahilan para halikan ko siya sa pisnge. "Alam ko pero ikaw pa rin ang baby boy ni mommy, hmm? Hindi na magbabago 'yon. So, ano ang kailangan mo kay mommy?" "Pinapabigay po 'to ni teacher tapos sabi po niya kailangan niyo po raw permahan." Aniya sabay abot sa'kin ng bondpaper. Binasa ko naman agad kung ano ang mga nakasulat sa papel. Tungkol ito sa gaganaping meeting this upcoming Friday para sa isang event na mangyayari next month sa school ni Aaron. "Makakapunta naman kayo riyan, mommy, 'di ba?" Tanong niya, tumango naman ako bilang sagot at ngumiti sa kan'ya. "S'yempre naman, hindi mawawala si mommy, promise. Sabihan mo na lang si teacher na pupunta ako, okay?" Hindi p'wedeng wala ako sa tinuturing na pinakaespesyal na event nang anak ko. 'Yon lang ang event na sa tingin niya kompleto kami kahit na hindi kasama ang tatay niya. Nakakalungkot man ito para sa anak ko pero kailangan na nando'n ako kasi ayoko na maramdaman niya na nag-iisa siya. "Okay po, mommy. I love you, po," nakangiting sambit niya. "I love you too, anak. Sige, gawin mo na assignments mo. Check ko na lang mamaya kapag natapos ko na 'tong ginagawa ko," sagot ko. Sinunod niya naman ang sinabi ko at patakbong lumabas ng kwarto. Binasa ko ulit ang nakasulat sa papel. Ewan ko pero bigla akong nasaktan para sa anak ko. Family day 'to pero hindi kami kompleto. Wala siyang kasamang tatay pero hindi niya pinapakita sa akin na nalulungkot siya. Wala siyang sinabi na huwag na lang pumunta. At masaya siya kahit na kaming dalawa lang ni tiya Rosa ang kasama niya. Ayokong ipagkait sa anak ko ang pagkakaroon ng buo at kompletong pamilya pero hindi pa ito ang tamang panahon para makilala at makita niya ang tatay niya. Napabuntong hininga ako ng malalim bago nagdesisyon na magpatuloy sa ginagawa ko. Pero hindi ako makapag-focus kasi bigla kong naisip ang mukha nang lalaking 'yon. "Kalma .. kalma self, okay? Huwag mo siyang isipin," sabi ko sa sarili habang nagta-type sa laptop ko. Tinatapos ko 'yong report ko tungkol sa bagong software at supplies ng department ko. Kailangan ko itong ipasa by tomorrow morning bago magsimula ang meeting kasi hinahanap na ng bagong boss namin. Kailangan niyang malaman ang mga updates at reports every department para alam nito kung may kailangang baguhin o tanggalin. Na pe-pressure ako sa totoo lang. Kanina lang ako sinabihan pero dapat by tomorrow na ipasa ko na. Kailangan ko itong pagpuyatan kasi kung hindi baka mapaalis pa 'ko sa kompanya niya. "Oh, Van .. napatawag ka?" Sabi ko nang maisagot ko na ang tawag nito. (Gusto lang kitang kumustahin after ng mga nangyari sa'yo ngayong araw. So, how are you? Okay ka lang ba?) Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. Kinuwento ko na sa kan'ya ang mga nangyari kanina. At ayun, nagulat siya at hindi makapaniwala. "Huwag ka nang mag-alala ayos lang ako," tanging sagot ko. (Sigurado ka ba? Magsabi ka lang kung hindi, pupunta ako agad d'yan) Kahit naman sabihin kong hindi, kailangan ko pa ring maging okay para sa anak ko. Ayoko na maging daan 'yon para bumalik ako sa pagiging mahina. (By the way, may nalaman ako about d'yan sa bagong boss mo. My gosh! Athena, sobrang yaman pala ng pamilya niya lalo na siya. Multi-billionaire pala ang taong 'yon. Bukod d'yan, kilalang personalidad din siya pagdating sa business industry. Alam mo na ba 'yon?) Nagulat at hindi makapaniwala dahil sa sinabi niya. Wala akong alam tungkol do'n kasi hindi naman ako interesado na malaman ang family background niya at maging siya. "H-Hindi ko alam 'yon. Kanino mo pala nalaman?" Kinakabahan na tanong ko. Ewan ko pero gano'n bigla ang naramdaman ko. Buong akala ko mayaman lang talaga ang pamilya niya lalo na siya pero may mas hihigit pa pala ro'n. (Sis, nabasa ko sa isang news at pinag-uusapan na rin sa social media. Tingnan mo na lang kapag wala ka nang ginagawa. Hays, ibang klase pala ang taong 'yon. Hindi ko ine-expect na gano'n ka yaman ang tatay ng anak mo) Pumantig ang tenga ko dahil sa huling sinabi ni Vanessa. Parang bigla akong nakaramdam ng takot. Takot na baka mawala sa'kin ang anak ko. "Athena, nak? Athena .." Bigla akong nagising sa reyalidad nang maramdaman ko ang mahinang pagtapik ni tiya Rosa sa balikat ko. Hindi ko man lang napansin na kanina pa pala niya 'ko tinatawag. "Okay ka lang ba? Ang lalim 'ata ng iniisip mo," aniya bago umupo sa tabi ko. "Ayos lang po ako, may iniisip lang pero huwag po kayong mag-alala, okay lang po talaga ako," sagot ko. "Kapag may problema, sabihan mo lang ako, hmm?" Tumango ako bilang sagot at maliit na ngumiti kay Tiya Rosa. "Siya nga pala, pinaghanda kita ng baon. Kainin mo mamaya pagdating sa trabaho. Sige na, mag-ayos ka na. Magta-traysikel na lang kami ni Aaron papuntang school para diretso ka na lang sa trabaho." "Sige po, tiya, salamat po." At kaagad niya 'kong niyakap. Bumaba na rin si Aaron galing sa kwarto niya at yumakap din sa akin bago lumabas ng bahay. Mamaya ko na lang sasabihin sa kay tiya Rosa ang tungkol sa tatay ni Aaron. Huwag na muna ngayon kasi baka marinig pa nang anak ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kapag nagtanong siya tungkol sa tatay niya. Ang bigat ng katawan ko ngayon siguro dahil sa puyat at pagod. Tinapos ko kasi ang report ko kagabi na inabot hanggang alas tres ng umaga. Dalawang oras lang ang tulog ko kasi kaninang ala-singko nagising ako para maghanda ng breakfast at baon ng anak ko. Tapos dumagdag pa 'yong mga nalaman ko kay Vanessa at mga nabasa ko sa social media tungkol sa lalaking 'yon kaya mas lalong bumigat ang nararamdaman ko ngayon. Kahit na puyat at pagod, kailangan kong pumasok sa trabaho at magpasa ng ginawa kong report. Kasi kung hindi, baka mawalan pa 'ko ng trabaho. "Good morning, Thena," nakangiting bati sa'kin ni Renz ng Marketing Department. Batch mate ko siya no'ng college pero hindi kami mas'yadong close. Ewan ko ba rito ba't pinansin ako. "Morning," matamlay na tugon ko. Kararating ko lang ng trabaho at kakasakay lang din ng elevator papuntang office. Wala talaga akong gana ngayon at parang gusto ko na lang matulog mamaya. Panay hikab nga ako kanina pa at maging dito sa loob ng elevator. Nakakahiya man kasi mga nasa sampung katao ang kasama ko rito ngayon pero hindi na kinaya ng hiya ko ang antok ko. "Ayos ka lang?" Tanong niya pero tanging pagtango ang naisagot ko. Tumunog bigla ang elevator nang makarating na ng sixth floor. Kaagad na rin akong lumabas pero nakadalawang hakbang palang ako bigla na lang akong natumba. Buong akala ko sahig ang sasalo sa'kin pero nagkamali ako. Kundi ang isang lalaki na ayokong makita ngayong araw. "Are you okay?" Nag-aalala na tanong nito na ikinagulat ko. Titig na titig siya sa'kin at gano'n din ako sa kan'ya. Ang mga tingin niyang 'yan ang hindi ko makakalimutan no'ng gabing may nangyari sa aming dalawa. Bigla akong umayos ng tayo at tinanggal sa isipan ang pangyayaring 'yon. Ayoko nang maalala pa 'yon kasi ayoko na ring maalala ang masasamang nangyari sa akin noon. "I-I'm sorry, sir, hindi ko po sinasadya," paumanhin ko habang nakayuko. Pero hindi siya sumagot sa halip ay tumingin lang sa akin. "Bring her to the clinic," aniya na ikinagulat ko. Anong clinic? Bakit naman ako dadalhin do'n? "Sir, hindi na po-" "Okay, sir." Sagot ng kasama nito na sa tingin ko secretary niya. Hindi na 'ko nakatanggi kasi ang seryoso na ng mga tingin niya at baka magalit pa kapag hindi ko sinunod ang sinabi niya. Pero bakit kasi dadalhin agad ako sa clinic? Eh, wala naman akong sakit. Iniisip ng lalaking 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD