Pagkatapos naming mag-log in ni Maurice, pumasok na rin kami kaagad sa office at nagsitungo sa mga table namin. Pagkaupo ko, nag-retouch lang ako konti ng sarili at nilabas na rin ang ilang mga gamit ko including laptop, notebook, at ballpen.
"Good morning, Thena," bati sa'kin ni Paula, isa rin sa mga ka trabaho ko.
"Good morning, Pau, kumusta ang biyahe?" Tugon ko habang sinusuklay ang nakalugay kong mahabang buhok.
Naupo kaagad siya matapos ibaba ang dalang bag sa ibabaw nang mesa. Hindi nito napigilan ang mapabuntong hininga. Siguro pagod sa biyahe at lalo na sa iba pang gawain.
"Hays, super nakakapagod .. naabutan ako ng traffic sa may EDSA pero buti nalang nakaalis din kung hindi baka na late na 'ko," aniya pero bakas ang inis sa boses niya. "Nakasabay ko pa sa elevator 'yong bagong boss natin. Diyos ko 'yong kaba ko umaapaw dahil sa presensiya niya. 'Yong tingin pa lang niya masasabi mo nang hindi mabait," dugtong niya.
Parang bigla rin akong kinabahan. Paano nga kung gano'n? Ayoko pa naman na sinusungitan o pinapagalitan kasi bigla na lang akong nanghihina hanggang sa mawalan na ng gana kumilos at magtrabaho. Diyos ko, huwag naman sana .. ayokong mawalan ng trabaho.
"Ay same tayo ng naramdaman, Pau. Kanina nag-alangan pa kami na batiin siya. Binati nga namin siya pero dinaanan lang kami, hindi kami pinansin," singit ni Jessa. Isa rin siyang IT pero more on software ang tinatrabaho niya.
"Di ba? Kaya ikaw Athena, kapag nakita mo 'yon umiwas ka na agad kasi kakabahan ka talaga sa awra niya," babala ni Pau. Tumango na lang ako bilang sagot at nagpaalam sa kanila na pupunta ng pantry. Gusto kong uminom ng kape para mawala ang antok ko.
Habang naglalakad papuntang pantry, iniisip ko pa rin ang mga kinuwento nina Pau at Jessa tungkol sa magiging bagong boss namin. Parang sinakop ng kaba ang dibdib ko dahil do'n. At parang ayaw ko na tuloy siyang makilala pero paniguradong maya-maya ipapakilala siya sa aming lahat ni Mrs. Montero bago siya umalis sa posisyon niya.
"My gosh! Napadami ang paglagay ko nang asukal. Tsk! Kainis naman," naiinis na usal ko.
Hindi ko namalayan na tatlong asukal na pala ang nalagay ko sa tasa. Hindi kasi ako nakatingin sa sobra kong pag-iisip tungkol do'n sa mga sinabi sa akin ng mga katrabaho ko.
Ano'ng gagawin ko rito? Sobrang tamis pero hindi ko naman p'wedeng itapon 'to. Sayang 'tsaka nakakatamad na magtimpla ulit.
"Ano ba 'yan?! Bakit kasi 'di ako nakatingin?" Reklamo ko habang nagpupumadyak sa sobrang inis. Para na 'kong bata sa lagay na 'to pero kasi .. nasayang 'yong effort ko.
"Why? What happened?"
"Na sobrahan ng asukal ang kape ko, hindi ko kasi-"
Napahinto ako sa pagsasalita habang naiwan sa ere ang hawak kong kutsara.
S-Sino 'yon? May lalaking nagsalita sa likuran ko.
Dahan-dahan akong napalingon at biglang napanganga dahil sa sobrang pagkagulat nang malaman ko na kung sino ang nagsalita.
'Yong lalaki kanina sa elevator!!
"Give it to me," aniya habang naglalakad papalapit sa akin. Inabot ko naman kaagad sa kan'ya ang hawak kong tasa at hinihintay kung ano ang gagawin niya.
"You don't have to worry about it. You'll just pour more hot water and stir it, then the problem will be solved," saad niya habang nililipat ang isang tasa ng kape sa isang mug.
Bakit hindi ko naisip 'yon? Hays, inuna ko pa kasi ang inis ko kesa ang mag-isip ng paraan.
"Here's your coffee," aniya at ngumiti sa akin.
Nahihiya akong kinuha ito mula sa kan'ya 'tsaka nagpasalamat. "Thank you at sorry sa mga narinig mo."
"You don't have to, I understand. Anyways, enjoy your coffee." Sagot niya at kaagad ng umalis.
Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. Sino kaya siya? Hindi naman 'ata siya 'yong bagong boss namin. Sabi ng mga katrabaho ko, unang kita mo pa lang masasabi mo nang masungit pero siya hindi eh. Ang bait niyang tingnan.
Saan naman kaya siya pupunta?
"Thena, hali ka na," aya sa'kin ni Maurice nang makalabas ako sa pantry.
"Saan tayo pupunta?" Nagtataka na tanong ko bago humigop ng kape.
Nagsilabasan na ang iba naming katrabaho mula sa opisina ganoon din ang mga nasa Marketing at Human Resource Office. Saan naman kaya kami pupunta?
"Ipinatawag na tayo sa intercom nang secretary ni Mrs. Montero. Ipapakilala na raw ang bagong CEO ng kompanya," tugon niya.
"Hala, paano ang kape ko?"
Sayang 'to, tinulungan pa 'ko kanina no'ng lalaki tapos hindi ko man lang uubusin.
"Dalhin mo na lang o edi kaya ilipat mo sa tumbler. Sige na, hihintayin kita rito."
Kaagad naman akong bumalik sa pantry at naghanap ng tumbler. Buti na lang meron kaya nailipat ko ang kape. Lumabas na rin ako agad pagkatapos kong hugasan ang mug.
"Excited na 'kong makita siya," kinikilig na sambit niya habang naglalakad kami papuntang conference room.
Napailing na lang ako sa pagiging excited niya. For sure mamaya mag-iiba ang tingin niya ro'n kapag nalaman niyang masungit 'yon.
Nang makarating na kami sa conference room, sobrang dami na ng tao ang nasa loob. Hindi lang mga empleyado ang nandito kundi pati na rin mga Board of Directors, Managers, at marami pang iba.
Siksikan na rito at wala na kaming mahanap na p'wedeng mapuwestuhan. Hindi ko rin makita kung ano ang nangyayari sa harapan kasi ang tatangkad ng mga tao rito bukod do'n sobrang ingay rin.
"Good morning, everyone."
Boses na 'yon ni Mrs. Montero. Sa tingin ko magsisimula na kaya pinilit ko nalang ang sarili ko na makapasok sa loob at nagtagumpay naman ako. Maayos at malinaw ko nang nakita si Mrs. Montero na nakatayo sa gitna pero hindi niya katabi ang anak. Ang tanging nakita ko lang na nakatayo sa gilid ay 'yong lalaki kanina sa elevator kasama 'yong tatlong lalaki na sa tingin ko mga bodyguards.
"Thena, 'yong nakasabay natin sa elevator kanina .. siya na ba 'yong bagong boss natin?" Tanong ni Maurice sabay na tinuro 'yong lalaki.
"Sa tingin ko hindi, malalaman na lang natin 'yan," tugon ko habang nakatingin sa gitna.
"Thank you for coming here. I didn't expect that there would be so many of you. I sincerely apologize for calling you suddenly for this special announcement. It's sad, but I need to step down from my position. I've been handling my husband's company for almost 25 years since he passed away. But now, I need to entrust it to the rightful heir of the company."
Ewan ko, parang biglang sumama ang pakiramdam ko. Nag-iba ang enerhiya rito sa loob, nakakapanghina at nakakaubos ng hininga. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla ko na lang 'tong naramdaman.
Lumalim ang paghinga ko at bumilis na rin ang t***k ng puso ko. Inaatake na naman 'ata ako ng anxiety pero bakit biglaan? Eh, maayos naman ako kanina.
"Thena, okay ka lang? Namumutla ka at pawis na pawis," nag-aalala na sambit ni Maurice nang mapansin nito ang biglaang pagtahimik ko.
"Ayos lang ako, doon na lang muna ako sa labas," paalam ko sa kan'ya at nagbabalak na sanang umalis nang biglang magpalakpakan ang lahat dahil sa sinabi ni Mrs. Montero.
"He is my eldest son, the heir of the Montero Group and Company. I am pleased to introduce to you the new CEO of the company, Mr. Zachariah Elliott Montero."
Napatingin ang lahat sa gitna kaya hindi na natuloy ang pag-alis ko. Sinundan ko na lang din ng tingin ang isang matangkad na lalaki na naglalakad papunta sa gitna. Sa tingin ko siya na ang bagong CEO ng kompanya, ang magiging bagong boss namin.
Pero biglang tumigil ang mundo ko nang humarap na siya.
Parang binagsakan ako ng langit at lupa nang tuluyan ko siyang makilala. Kahit ilang taon na ang lumipas, ang mukhang 'yan ang hindi ko makakalimutan.
Naestatwa ako mula sa aking kinatatayuan habang gulat na gulat na nakatingin sa lalaking nakatayo sa gitna. Biglang sumikip ang dibdib ko at kasabay nito ang paglalim ng hininga ko.
Diyos ko, sa lahat ng lalaki sa mundo bakit siya pa?!
Bakit 'yong lalaki pa na naging dahilan para masira ang buhay at pagkatao ko? Bakit siya pa?!