Chapter 3: Mr. VIP

1572 Words
"Hoy, Athena!" Nagising ako sa reyalidad dahil sa ginawa ni Vanessa. Loka talaga 'tong kaibigan ko. Sa tuwing may iniisip ako lagi niya na lang sinisira. "O bakit? Nag-iisip ako rito 'e, ikaw talaga epal ka minsan," inis na sambit ko pero tinawanan niya lang ako. "Sorry bespren, ang layo kasi ng tingin mo. Ano ba kasi 'yan? Iniisip mo na naman ba secret admirer mo? Diyos ko kalimutan mo na 'yon, first year college na tayo pero hindi pa rin nagpapakilala sa'yo," aniya at nilapag ang isang cup ng kape sa harapan ko. Hays, tama nga naman siya, college na kami pero hindi ko pa rin nakikilala 'yong unang lalaking nagpatibok ng puso ko. Hindi naman kasi ako sigurado kung ang lalaking nakilala ko 3 years ago ay siya na 'yong secret admirer ko. After nung nangyari sa pagitan naming dalawa, never ko na siyang nakita ulit at hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasauli sa kan'ya 'yong damit na pinahiram niya sa'kin. Ewan ko nga kung nasa'n na siya ngayon pero sa pagkakaalam ko pumunta raw siya ng ibang bansa para doon mag-aral. Kaya imposible na siya 'yong Mr. Z na nagpapadala sa'kin ng bulaklak, tsokolate, at kung ano-ano pa hanggang ngayon. "Hindi naman siya 'yong iniisip ko," pagde-deny ko. At muli niya na naman akong tinawanan. Napatingin tuloy sa kan'ya ang ibang customer. "Sus, kunwari ka pa, 'e halata naman na siya ang iniisip mo. Hayaan mo na 'yon pero 'di bale, gagawa ako ng paraan para makilala natin siya," aniya at ngumiti sa akin. Ano naman kaya ang gagawin niya? "Ano'ng gagawin mo?" Tanong ko at ininom ang kape na binigay niya sa'kin. Hindi ako mahilig uminom neto pero dahil sa coffee shop ako nagtatrabaho, nakasanayan ko nang uminom ng kape. Coffee is life, ika nga nila. "Basta, ako ng bahala ro'n, wait ka lang d'yan," sagot niya at makahulugang ngumiti sa akin. Kapag gan'yan ang ngiti niya, alam ko nang may gagawin siyang hindi ko inaasahan. "Anyways, anong oras ka aalis?" "Mamayang 5 pm, maaga pa naman 'tsaka may mga pumapasok pang customer. Ayoko namang iwan kita ng mag-isa rito." "Yieee, love na love mo talaga ako 'no? Thank you friend, ang bait mo talaga sa'kin," nakangiting sambit niya bago ako niyakap ng mahigpit. "You're welcome, ikaw lang naman ang hindi mabait sa ating dalawa," sagot ko na ikinasama ng tingin niya sa'kin pero tinawanan ko lang siya. Nagtatrabaho kaming dalawa sa isang coffee shop na pagmamay-ari ng tiyahin niya na si tita Lorna. Ako lang naman sana ang magtatrabaho rito kaso gusto niyang makapag-ipon kaya nagtrabaho na rin siya. Half day lang naman ang pasok namin sa school kaya tuwing hapon nagtatrabaho kaming dalawa. Hindi naman mahirap kaya napagsasabay pa namin ang gawain sa school at trabaho. "Alam na ba ni tiya Rosa na nagtatrabaho ka sa isang bar?" Tanong niya, umiling ako bilang sagot. "O bakit? Kailan mo naman balak na sabihin sa kan'ya?" "Hindi ko alam, natatakot kasi ako na baka magalit siya kapag sinabi ko sa kan'ya." Bukod sa pagtatrabaho ko rito sa coffee shop, nagtatrabaho rin ako bilang waitress sa isang bar tuwing gabi. At hindi 'yon alam ni tiya Rosa. Hindi ko sinabi sa kan'ya kasi alam kong magagalit siya at hindi niya 'ko papayagan. Pero kailangan ko kasing magtrabaho para may pang tustos ako sa pag-aaral ko. Ayoko na kasing umasa sa kan'ya dahil alam kong pagod na siya sa pagtatrabaho. Gusto ko siyang tulungan kaya kahit anong trabaho papasukin ko para sa kan'ya, para lang matulungan siya. "Mas magagalit siya kapag nalaman niya sa iba. Maiintindihan ka naman niya basta magpaliwanag ka lang sa kan'ya ng maayos. Wala namang masama sa ginagawa mo 'e kaya sigurado ako na kapag sinabi mo sa kan'ya hindi siya magagalit sa'yo at mas lalong maiintindihan ka niya," aniya sabay tapik sa balikat ko. Hays, kailangan ko na ngang sabihin kay tiya Rosa bago pa niya malaman sa iba. Pero sana maintindihan niya kung bakit ko 'to ginagawa. Malakas na tunog ng sound system, hiyawan at sayawan ng mga tao, at makukulay na mga ilaw ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa bar. Nakasanayan ko na 'to gabi-gabi pero minsan talaga nagsisi ako kung bakit dito ako nagtrabaho. Pitong buwan pa lang naman ako na nagtatrabaho rito at kinakaya ko naman kahit ganito ang bumubungad sa'kin gabi-gabi. "Oh, napaaga ka 'ata ng pasok ngayon, Athena?" Gulat na sambit ng isa kong katrabaho nang makapasok ako sa locker's area. "Napaaga rin kasi ang out ko sa coffee shop kaya dito na 'ko dumiretso. Ikaw, Lara? Kanina ka pa nakarating?" Tanong ko at pinasok ang dala kong bag sa locker ko. Kinuha ko na rin ang itim na apron at sinuot na rin ito para makapagsimula na 'ko sa trabaho. "Oo, tinext ako ni boss 'e kaya wala akong choice kundi pumasok na lang," tugon nito. "Bakit? Kokonti palang naman ang mga customer na pumapasok." "Dumating kasi 'yong kaibigan niya, si Mr. VIP." Nagulat ako sa sinabi niya. Si Mr. VIP ang matalik na kaibigan ni boss Yael at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang totoo nitong pangalan. Hindi ko pa siya nakakaharap dahil hindi ko rin siya na aabutan dito tuwing dumadating siya. Pero ang sabi sa'kin ni Lara gwapo raw 'yon at mayaman. Kaya 'yon ang tawag namin sa kan'ya. Hindi na humaba ang usapan namin ni Lara dahil lumabas na rin ako sa locker's area para magsimula ng magtrabaho. Dumadami na ang mga tao rito ngayon at mas lalo na rin umingay at ang dami na ring lasing sa paligid. "Good evening, kuya Marky," bati ko sa nag-iisang bartender nitong bar. Matagal na siyang nagtatrabaho rito, 3 years na 'ata. "Good evening, Athena, mabuti naman nandito ka na. Paki-hatid naman 'to sa VIP room, ang tagal kasi bumalik ni Lara, siya ang nakatoka ro'n 'e," aniya. "No problem, kuya, ako na po ang bahala," nakangiting tugon ko at inabot niya na rin sa'kin ang isang tray ng alak. Amoy pa lang mahal na at nakakalasing. Pagkatapos niyang magpasalamat sa'kin, tinungo ko na rin ang VIP room. First time kong makakapasok do'n at nakakakaba pala talaga kapag first time. Usually kasi normal customer lang ang inaasikaso ko at limitado lang kapag mga VIP customer. Pero kinakabahan ako, sana kahit papa'no mababait ang pagdadalhan ko nito. Nang makarating ako sa VIP room, kumatok muna ako bago pumasok. Pero nagulat ako pagkapasok ko sa loob, akala ko maingay rito pero hindi. Para kang nasa isang prayer meeting na iisang tao lang ang nagsasalita and the rest nakikinig lang sa'yo. Gano'n ang sitwasyon ngayon dito. Tama kaya ang kwarto na pinasukan ko? "Oh, Athena, ikaw pala 'yan. Pakilapag na rito ang dala mo, baka nabibigatan ka na." Si boss Yael, ibig sabihin nandito si Mr. VIP? Sinunod ko naman ang sinabi ng boss ko. Nilapag ko na sa mesa ang isang tray ng mga alak at isa-isang binaba ang mga baso at isang bote ng champagne. Pero habang ginagawa ko 'yon pansin ko na ang mga kasama rito ni boss ay nakatingin lahat sa'kin at isa na 'ata riyan si Mr. VIP. Hindi ko pa nakita ang mukha niya kaya hindi ako sigurado kung sino siya sa mga lalaking nandito. Nakakalito lalo na't puro gwapo ang mga kasama ni boss at kaedad pa niya. Eh, ang bata pa ni boss, kaya hindi talaga ako sigurado kung sino si Mr. VIP sa mga kasama niya rito. "Thank you, Athena," nakangiting sambit ni boss. Hindi na 'ko nagsalita, ngumiti na lang ako bilang sagot at tumingin sa mga kasamahan niya na hindi maalis ang tingin sa'kin. Lima silang lahat na nandito kaya apat na mga mata ang nakatingin sa'kin maliban kay boss Yael na abala sa pag-inom ng alak. "Baka naman matunaw si Athena niyan," biro ni boss Yael at umiwas na ng tingin ang mga kasamahan niya. Palihim akong natawa, ang cute nilang tingnan. "She's pretty," sambit ng isang lalaki na naka-eye glasses. Sa tingin ko may lahi siyang hapon pero ang gwapo niya at halatang matalino. "Yeah, why you work here? A pretty woman like you doesn't belong here. Are you still studying?" Seryosong aniya ng lalaking nakasuot ng leather jacket. Ang seryoso niyang magsalita pero ang hot pakinggan. Ha? Ano Athena? Bad ka, hindi p'wede 'yon, umayos ka. "Ah, o-opo," nauutal na sagot ko. Diyos ko, bigla akong nahiya. "Please cut the word "opo" I'm just 1 year older than you," natatawang aniya pero ang hinhin pakinggan. Ewan ko ba kung nilalandi ako nito o ganito lang talaga siya magsalita? "God, bro, stop flirting with her. She's not the same to every woman you've met. Anyways, I'm Thomas, nice to meet you, Ms. Athena," nakangiting sambit ng isang lalaki na bigla na lang tumayo para lumapit sa'kin. Nilahad niya ang kan'yang kamay sa harapan ko kaya wala na rin akong nagawa kundi ang hawakan ito at nakipagkamay sa kan'ya. Diyos ko, ang lambot ng kamay niya. "Get off your dirty hands on her, Thomas!" Nagulat ako sa lalaki na bigla na lang sumigaw. Napatingin kami sa kan'ya lahat nang may gulat at pagtataka ang mga mata. A-anong problema niya? "Chill, Mr. VIP, I won't take her away from you," pagsuko nitong lalaki na katabi ko. Tinaas niya pa ang dalawang kamay na parang sumusuko sa pulis at naglakad pabalik sa inuupuan niya. Pero ano ang ibig niyang sabihin? Mr. VIP? My gosh, siya 'yon?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD