Chapter 2: Secret Admirer

1210 Words
Gulat na napatingin ako sa hawak kong isang puting rosas na nakalagay sa ibabaw ng mesa ko. Hindi ko inaasahan na makakatanggap ako ng ganito ngayong araw. Kasi iniisip ko na walang maglalakas loob na magbibigay sa'kin ng ganito pero nagkakamali ako. Iisang tao lang kaya ang nagbigay nito o hindi? "Oh? Kanino na naman 'yan galing?" Gulat na tanong ni Vanessa nang makarating siya sa tabi ko. Walang kasamang sulat kaya hindi ko malalaman kung kanino 'to galing. "Ewan ko," maikling sagot ko. Napatingin ako sa mga kaklase kong lalaki, wala naman akong napansing kakaiba mula sa kanila kaya paniguradong wala ni isa sa kanila ang nag-iwan nito rito. "Sandra .." Tawag ko sa isa kong classmate. Lumingon naman ito agad at lumapit sa'kin. "Bakit Thena? May kailangan ka?" Tanong nito bago ngumiti sa akin. "Nakita mo ba kung sino ang naglagay nito rito sa mesa ko?" Napatingin siya sa hawak kong bulaklak at kaagad na napaisip. Sana nakita niya para makilala ko kung sino. "Ahh 'yan, may nagpapabigay sa'yo niyan kanina kaso hindi ka pa naman nakarating dito kaya iniwan niya na lang d'yan after n'on umalis na siya," tugon niya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Vanessa, hindi makapaniwala dahil sa sinabi niya. Sino naman kaya 'yon? "Nakilala mo ba kung sino?" Tanong ni Vanessa pero umiling bilang sagot si Sandra. Parang bigla akong nanlumo dahil sa sagot niya. Akala ko pa naman malalaman ko na kung sino. "Pero kasama niyang pumunta rito 'yong varsity player na si Adrian. Sa tingin ko nga magkaibigan sila." Adrian Chua, ang varsity player for 2 consecutive years at team captain ng Red Eagle, at long time crush nitong kaibigan ko. Biglang nagningning ang mga mata niya nung narinig niya ang pangalan ni Adrian. Hays, in love na siguro 'to. Pero hindi ko kilala ang mga kaibigan ni Adrian at sa pagkakaalam ko lang nasa 3rd year high school na sila. Parang bigla akong naguluhan na hindi naman dapat. "Ang pogi n'on, Thena, mas pogi pa kay Adrian," wika ni Sandra na ikinabusangot ng pagmumukha ni Vanessa. "Sige, salamat Sandra," sagot ko at umalis na rin siya. "Mas pogi pa raw kay Adrian, 'e siya lang naman ang pogi rito sa school," masungit na sambit ng kaibigan ko. Natawa na lang ako dahil sa reaksiyon niya. Si Adrian lang talaga ang pogi sa mga mata niya kahit na madami pang mas gwapo rito sa school bukod sa crush niya. "Pero sino naman kaya sa mga kaibigan ni Adrian? Crush ko nga siya pero hindi ko alam ang pangalan ng mga kaibigan niya. Kasi 'di ba minsan lang din natin sila nakikita rito sa school? Ang lawak ba naman ng school natin." Napabuntong hininga na lang ako dahil sa nalaman ko. Hays, dumagdag pa 'yan sa mga iniisip ko. Bakit kasi nauso 'yang Valentine's Day na 'yan? Nananahimik ako rito 'e tapos may nanggugulo pa. Ang pangit na nga ng gising ko mas lalo pang pumangit dahil sa mga nangyari ngayong araw. Lord, 'wag naman sana na buong araw mag-iisip ako dahil lang sa mga natanggap ko. Na appreciate ko naman pero bakit pinapahirapan pa niya 'ko na kilalanin siya? Hindi naman ako manghuhula, 'e. "Anong plano mo? Kilalanin ba natin sila isa-isa o magpapa-search for Mr. Z na 'ko?" Aniya, med'yo natawa ako at kahit papa'no gumaan ang pakiramdam ko. "Hayaan na lang natin, magpapakilala rin 'yon. Tara sa canteen, nagugutom ako." Bahala na, kung ayaw niyang magpakilala ng maayos, edi 'wag, hindi ko pipilitin tutal 'yan naman ang gusto niya. Pero kahit papa'no napasaya niya naman ako ngayong Valentine's Day. "Nagutom ka naman 'ata sa kakaisip kung sino si Secret admirer mo? Nakadalawang siopao ka na at isang box ng cookies," wika ni Vanessa. Naitapon ko tuloy sa kan'ya ang tissue na hawak ko pero tinawanan niya lang ako. "Hayaan mo na lang ako, 'e sa nagutom ako, alangan naman pigilan ko ang sarili ko na kumain," tugon ko bago uminom ng tubig. Hays, naiistress ako, ewan ko ba kung bakit? "Tama ba ang pagkakarinig ko? Secret admirer? You? Magkakaroon nun, imposible." Hindi na 'ko lumingon, sa boses pa lang alam ko na kung sino siya. Ang isa sa pinakakontrabida at maldita rito sa school. Lauren Estrella, ang isa sa mga nagpapahiya at sumisira ng buhay at pagkatao ko. "Hoy! Tumigil ka nga, Lauren. Ikaw talaga nakikisali ka sa usapan ng may usapan. Maghanap ka nga ng kausap mo. Napaghahalataan talaga na tsismosa ka," galit na sambit ng kaibigan ko. Bigla siyang tumayo kaya tumayo na rin ako para pigilan siya. "Why? Is it true naman, ah. Sino ang magkakagusto sa kan'ya? Huwag ka ngang assuming, Athena, hindi bagay sa'yo," nandidiri ngunit masungit na wika ni Lauren. Hindi ako nakasagot kasi tama naman siya. Sino ang magkakagusto sa isang mahirap at panget na kagaya ko? Wala, kaya nga nakapagtataka kung bakit may nagpapadala at nagbibigay sa'kin ng bulaklak. "FYI, mas maganda pa sa'yo ang kaibigan ko. While ikaw, sa ugali ka na nga lang babawi, kinulang ka pa," masungit na sambit ni Vanessa na ikinagalit ni Lauren. At bigla na lang siyang sumugod pero napigilan siya ng mga kaibigan niya. Napatingin na sa amin ang lahat at naging maingay na rin ang paligid. Sa totoo lang nahihiya na 'ko at gusto ko nang lumabas para umiyak pero ayokong iwan ng mag-isa rito ang kaibigan ko. "Oh ano? Magsasalita ka pa?!" Galit na sigaw ng kaibigan ko. Hindi sumagot si Lauren sa halip ay dinampot niya ang isang baso ng juice sa mesa at tinapon sa amin. Pero bago pa man matapunan ang kaibigan ko ay kaagad akong pumunta sa harapan niya. Nagulat ang lahat at biglang naging tahimik ang paligid dahil sa ginawa ko lalo na ang kaibigan ko. Hindi ako nagsisi, ayoko lang talaga na madamay si Vanessa sa galit ni Lauren. "Ikaw, bruha ka talaga!" Galit na sigaw ni Vanessa pero bago pa man siya sumugod kay Lauren ay napigilan ko siya sa braso. "Van, tama na! Hayaan mo na lang, tara na." At kaagad na 'kong lumabas ng canteen bago pa tumulo ang mga luha ko. Para akong basang sisiw at wala na 'kong pakialam kung ano man ang isipin ng mga nakakita sa'kin. "Tsk! Ba't nagsuot pa 'ko ng kulay puti na damit? Hays, namantyahan pa tuloy," reklamo ko habang pinupunasan ng towel ang damit ko. Nandito ako ngayon malapit sa garden ng school. Dito ko naisipang pumunta pagkatapos ng nangyari do'n sa canteen. Ewan ko kung nasaan si Vanessa pero sa tingin ko hinahanap niya na 'ko ngayon. "Mas importante pa pala sa'yo ang suot mong damit kaysa sa kalusugan mo?" Napatingin ako sa kung sino man ang nagsalita. Pero nanlaki ang mata ko nang makita ko na siya. Lord, ang gwapo niya. "Here, magpalit ka nang damit bago ka pa magkasipon," aniya sabay abot ng black na t-shirt. Napatingin lang ako sa hawak niya lalo na sa kan'ya. "Tanggapin mo na, hindi ko pa 'yan nagagamit," wika niya bago ngumiti sa akin. Diyos ko mas lalo siyang pumogi nang ngumiti na siya. "Salamat dito sa damit," sagot ko matapos kong tanggapin ang inabot niya. "You're welcome, by the way I'm Zander." Bigla akong natameme sa kan'ya. Zander? Letter Z? Siya na kaya ang secret admirer ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD