Mabuti na lang nakaalis na 'ko ro'n. Nakakawalan ng hininga doon sa VIP room dahil sa mga kaibigan ni boss Yael lalo na kay Mr. VIP. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin 'yong sinabi ni Thomas. Ano naman kaya ang ibig sabihin niyon?
'Yong titig ni Mr. VIP sa'kin kanina parang may something, hindi naman sa nag-a-assume ako pero gano'n talaga ang nararamdaman ko. Ang mga titig niya na parang abot hanggang kaluluwa ko. 'Yong parang bawat galaw ng ibang parte ng katawan ko inoobserbahan niya. Hindi nakakabastos tingnan pero nakapagtataka. Ewan ko ba sa lalaking 'yon, bakit gano'n na lang siya kung makatingin sa'kin?
"Athena."
Kakaupo ko pa lang sa bar counter pero narinig ko na naman ang boses ni boss Yael. Ano kaya ang kailangan niya sa'kin? Ayoko nang bumalik doon sa VIP room, baka gisahin ako ulit ng mga kaibigan niya.
"Po? Boss Yael, ano po ang kailangan niyo?" Tanong ko at napilitang ngitian siya.
"I need your help," aniya na ikinagulat ko.
"Boss Yael, sigurado po ba kayo na ako ang maghahatid sa kan'ya?" Tanong ko nang makarating na kami sa labas ng bar.
Kinailangan niya ang tulong ko para ihatid si Mr. VIP. Oo siya nga, siya ang ihahatid ko. Ewan ko ba ba't ako pa ang napili niyang utusan 'e hindi ko naman kaano-ano 'to. Boss ko nga siya at kailangan ko siyang sundin pero hindi na parte ng trabaho ko na maghatid ng kaibigan niyang lasing.
"Yes, you already know the address, right? Don't worry, after mo siyang ihatid p'wede ka nang umuwi," sagot niya.
"Ha? Pero boss hindi pa tapos ang trabaho ko rito," gulat na sambit ko.
"Don't worry about that, okay? Just take him home to his condo then you can go home. May security guard naman doon sa condo niya, just ask for his help then siya na ang bahala sa kan'ya," aniya bago tumingin sa kaibigan niya na nasa loob na ng taxi at nakatulog na dahil sa sobrang kalasingan.
"Pero boss-"
"Ikaw na ang bahala sa kan'ya, okay? Thank you, Athena, I'll give you a higher salary in the end of the month," sambit nito habang naglalakad papasok ng bar. Parang wala siyang pakialam sa'kin kung tratuhin niya 'kong ganito. Boss at professor ko ba talaga siya?
Oo, hindi ko lang siya boss, professor ko rin siya sa subject na history kaya super mabait ako sa kan'ya kasi kapag hindi baka bumagsak pa 'ko sa klase niya.
Nagpupumadyak ako dahil sa inis at parang gusto ko na ring umiyak. Kung hindi ko lang talaga siya boss baka nasuntok ko na siya. Ako ba naman kasi ang utusan. Bwesit din kasi ang mga kaibigan nito 'e, iniwan na lang siya ro'n at hindi man lang hinatid pauwi.
"Thank you po, kuya." Pasalamat ko kay kuyang taxi driver nang tulungan niya 'kong ibaba 'tong kasama ko nang makarating na kami sa condo nitong lalaking 'to.
"Tsk! Ang bigat mo, umayos ka!" Naiinis na sambit ko nang magsimula na 'kong humakbang habang inaalalayan maglakad itong si Mr. VIP na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang totoong pangalan.
Nakaakbay siya sa'kin pero pagiwang-giwang ang bawat hakbang naming dalawa kasi ang tangkad niya at tapos ang bigat pa niya. Ang liit ko lang at itong kasama ko six footer ang height. O anong laban ko sa lalaking 'to?
"Wala pa si manong guard, ano'ng gagawin ko?" Naiinis na parang naiiyak na sambit ko nang makarating na kami sa wakas sa entrance ng condo.
Hanggang dito lang dapat ako 'e tapos uuwi na 'ko pero paano ako makakauwi? Wala 'yong guard na tinutukoy ni boss Yael dito.
"Oy, anong floor ang condo unit mo?" Tanong ko at mahinang tinapik ang mukha nito. Mukhang nagising naman siya dahil lumingon ito sa'kin pero nakapikit ang mga mata niya.
Lord, ang gwapo niya talaga pero amoy alak.
"R-room 6... 6-.. 614." Ha? Ano raw? 614?
"Room 614?" Tanong ko at tumango siya bilang sagot. Muli ko na siyang inalalayan papuntang elevator. Sumakay na rin kaming dalawa pagkarating namin at pinindot ang number 6 dahil doon matatagpuan ang condo niya.
Hays, parang dahil sa kan'ya kaya ako napagod. Kainis kasi si boss 'e, p'wede namang siya na lang ang maghatid kasi sila naman ang magkasamang uminom at hindi naman siya lasing tapos siya pa ang kaibigan neto pero ako pa ang naghatid. Eh, hindi ko naman kaibigan 'to at mas lalong hindi ko pa siya lubos na kilala. Bakit ipagkakatiwala ni boss Yael ang kaibigan niya sa'kin?
Nang bumukas na ang elevator, muli ko siyang inalalayan palabas. Ang bagal lang ng bawat hakbang ko kasi ayoko naman na matumba kaming dalawa. Kapag nagkapasa 'to, ako pa ang sisihin at ayoko namang mangyari 'yon. Baka mawalan pa 'ko ng trabaho dahil sa kan'ya.
"Oy, password," sabi ko at muli siyang tinapik sa pisnge.
Kaagad naman siyang nagising pero nanatiling nakapikit habang nilalapit ang kan'yang kamay sa pinto. Bakit kasi 'di na lang sabihin ang password at ako na ang magpipindot? Pero wala eh, wala siyang tiwala sa'kin. Makikita ko pa rin naman ang password niya kahit hindi niya sabihin.
"C-close your .. e-eyes," aniya nang mapansin nito na nakatingin ako sa kamay niya.
Damot naman, hindi na 'ko umangal, pinikit ko na ang mga mata ko para matapos na at makaalis na 'ko rito.
Biglang tumunog at bumukas ang pinto. Hays, buti naman na kahit lasing siya nakakakita pa rin ng numero.
Tinulungan ko siyang makapasok sa condo niya. Kahit madilim, nahanap nito kung nasaan ang switch ng ilaw. Ibang klase talaga ang lalaking 'to.
Nagkaroon na ng liwanag ang paligid kaya nakita ko na ang itsura ng condo niya. Sobrang ganda kahit black and white ang design at kokonti lang ang mga gamit na naka-display. Sala agad ang bubungad sa'yo rito sa loob tapos sa kanang bahagi ang kusina at sa kaliwang bahagi naman 'yon na 'ata ang kwarto niya.
"Kaya mo naman na 'ata, aalis na 'ko," sabi ko at binitawan na siya pero pinigilan niya 'ko sa braso na ikinagulat ko.
A-anong gagawin niya? Wala naman siguro siyang binabalak na masama sa'kin?
"Please stay .. j-just for a few minutes, please," aniya sa nagmamakaawang tinig.
Diyos ko, ang puso ko.