Chapter 34: Begging For Nothing

1690 Words
Ako na lang ang naiwan dito sa loob kasama ang boss ko na hindi pa nagsasalita simula no'ng lumabas sina Maurice kanina. Nagta-type siya sa cellphone niya at sa tingin ko may kausap ito pero wala na 'kong pakialam. Hindi pa rin ma-consume ng utak ko ang mga sinabi niya kanina. Naguguluhan pa rin ako at ang dami kong tanong na siya lang ang makakasagot. Gusto kong kausapin sina Maurice para maliwanagan ako pero hindi niya 'ko pinalabas ng opisina niya. Alam kong mali 'yong ginawa namin kagabi pero wala naman akong ginawang masama o nasangkot sa gulo. Ang maling nagawa ko lang naman ay naparami ng inom at umuwi ng lasing. 'Di kaya may nagawa ako kagabi na hindi ko lang namamalayan? "What's on your mind? You look awful," biglang sabi niya na nagpatigil sa akin sa pag-iisip. Kanina pa 'ata siya nakatingin sa'kin pero hindi ko lang napapansin. "N-Naguguluhan lang po ako sa mga sinabi niyo kanina. Tungkol po ro'n sa gulo na kinasangkutan nina Maurice. Sa pagkakakilala ko sa kanila, hindi nila magagawa 'yon," sabi ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. "But they did, and they were the ones who started it. Why? You didn't believe everything that I said earlier?" Sagot niya at bigla siyang tumayo para lumapit sa akin. Napaatras tuloy ako at nag-iwas ng tingin sa kan'ya. "Hindi naman po sa hindi ako naniniwala pero .. hindi po magagawa nina Maurice na magsimula ng gulo. 'Tsaka may karapatan naman silang magpaliwanag, 'di po ba? Hindi naman po 'ata p'wede 'yon-" "I have evidence, Miss Sandoval. Before I decide, I'll think it very carefully. They all deserve that kind of punishment, and that is not hard to deal with," putol niya sa akin. "If you didn't respect my decision, leave my office and don't ever comeback," dugtong niya na ikinagulat ko. "Nirerespeto ko naman po 'yong desisyon niyo. Ang sa'kin lang naman po deserve din nilang mag-explain bago kayo mag-decide. Hindi naman po siguro nila sinasadya 'yong nangyari," agap ko. Pinipigilan ko ang mainis at magalit sa kan'ya lalo na nasa trabaho kami ngayon at siya ang boss ko. Pero parang anumang oras sasabog na 'ko sa inis at galit kapag hindi ako nakapagtimpi sa lalaking 'to. "But I already have my decision, and that is final," matigas na sambit niya. Parang wala na yata akong magagawa para mapabago ang desisyon niya. "Okay, sir, kung 'yan po ang desisyon niyo rerespetuhin ko," nakayukong sabi ko at narinig ko siyang napabuntong hininga ng malalim. "You don't have to worry about them. Just think about yourself, your job, and your family. They made a big mistake, and I won't tolerate that kind of behavior in my company," seryosong sabi niya na nagpatahimik sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Ayoko na rin namang dagdagan ang galit niya kasi baka ako ang mapagbuntungan niya. Ayoko na siyang makitang magalit, nakaka-trauma. "Thank you, sir," sabi ko bago nag-angat ng tingin. At naabutan ko siyang nakatingin sa akin pero pansin ko ang pagkagulat sa mga mata niya. "Thank you sa paghatid niyo sa'kin sa bahay," dugtong ko habang nakatingin sa kan'ya. Pero bigla siyang nag-iwas ng tingin na ipinagtaka ko. "Don't mention it. I just did what is right," aniya at naglakad siya patungo sa mesa niya. Ito na yata ang tamang oras para magtanong ako sa kan'ya. Kanina pa 'ko hindi mapakali dahil sa mga nangyari kagabi. "P-Paano niyo po pala nalaman ang address ko?" Kinakabahan na tanong ko na nagpatigil sa kan'ya sa paghakbang. Dahan-dahan niya 'kong nilingon pero hindi siya makatingin ng diretso sa akin. "I-I asked my secretary about it," nauutal na sagot niya bago umupo sa swivel chair. Hays, buti naman. Akala ko iba 'yong isasagot niya. Nakahinga tuloy ako ng maluwag. "How about po 'yong sasakyan ko? Kayo rin po ba ang naghatid sa bahay?" "No, may inutusan ako para maghatid niyon. After kitang ihatid, bumalik ako sa bar to check your officemate's. And that thing happened. I saw it with my two eyes that they started the fight. Fighting over a guy," pagkuwento niya na ipinagtaka ko. Nakipag-away dahil sa lalaki? Magagawa 'yon nina Maurice? Imposible. Sinong lalaki naman kaya ang tinutukoy niya? "F*ck that reason," galit na usal niya pero umabot pa rin sa pandinig ko. "But anyways, don't worry about it. That was their problem, not yours, and it's not yours to worry about," aniya na mas lalong nagpatahimik sa akin. Speechless ako, parang bigla akong naputulan ng dila dahil sa mga sinabi niya. May sense naman 'yon lahat pero tutol pa rin ako sa naging desisyon niya. "Aalis na po ako, may kailangan pa po akong tapusin." Tumalikod na 'ko pero nakailang hakbang palang ako sa pinto nang bigla siyang nagsalita na ikinatigil ko. "Don't do it again. Please." Tunog nagmamakaawa na sabi niya. Alam ko kung ano ang gusto niyang iparating pero bakit niya 'ko pinipigilan na gawin 'yon? Hindi ko alam pero biglang naghuhurumintado ang puso ko dahil sa sinabi niya. "Athena, nakausap mo ba si sir? Napakiusapan mo ba siya?" Salubong sa'kin ni Paula nang makabalik ako sa opisina. Hindi ko alam pero parang hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. "Oo pero .." Tumingin ako kina Maurice na ngayon ay malungkot ang tingin sa akin. Parang alam na nila kung ano ang susunod kong sasabihin kasi bigla silang napayuko at napaupo sa kanilang mga silya. "Pero h-hindi na mababago ang desisyon niya," dugtong ko. "I'm sorry, wala akong nagawa para tulungan kayo." Biglang tumayo si Trixie at lumapit sa akin. Nagmamakaawa siyang tumingin sa akin habang nakahawak sa magkabilang kamay ko. Hindi ko napigilan ang magulat at magtaka sa kan'ya. Bakit niya 'to ginagawa? "A-Athena, tulungan mo naman kami .. h-hindi ako p'wedeng mawalan ng trabaho. Sa akin na lang umaasa ang pamilya ko. B-Baka p'wede mo pang magawan ng paraan? B-Baka p'wede mo pang baguhin ang d-desisyon ni sir Zach," umiiyak na sambit niya na nagpakunot ng noo ko. Matagal ko na silang katrabaho at tinuring ko na rin silang mga kaibigan ko. Pero hindi ko p'wedeng gawin 'yon. Hindi ko obligasyon na magmakaawa sa boss namin para lang sa kanila, para lang hindi sila mawalan ng trabaho. "Trixie, hindi mo p'wedeng utusan si Athena ng gan'yan," singit ni Maurice. "Hindi niya obligasyon na tulungan tayo lalo na tayo ang may kasalanan. Mawawalan lang din siya ng trabaho kapag pinilit pa niya ang gusto natin. Ginawa niya na ang lahat para tulungan tayo at sapat na 'yon, at kailangan natin 'yong respituhin bilang katrabaho at kaibigan niya," dugtong nito. Biglang pabagsak na binitawan ni Trixie ang kamay ko at nilingon si Maurice na ikinagulat ko. "'Yon na nga, kaibigan natin siya kaya dapat niya tayong tulungan. Siya lang ang pinapakinggan ni boss at naniniwala si boss sa mga sinasabi niya. 'Di ba, tama ako, Athena?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi ako makasagot kasi hindi ko rin alam kung pa'no ito sagutin. Pa'no niya nasabi ang gano'ng bagay? Ni isang beses hindi ako nagkuwento sa kan'ya tungkol do'n. Si Paula .. 'Di kaya, na misinterpret nila ang pakikitungo ni sir Zach sa akin? "Trixie, ba't mo sinasabi 'yan? Hindi--" "Kaya ka hinatid ni boss kagabi kasi concern siya sa 'yo, 'di ba? Hindi niya naman magagawa 'yon kung hindi, eh. Unless may gusto siya sa 'yo," putol niya kay Paula. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mali na nakikipag-usap o lumalapit ako sa boss ko. Ngayon pinagsisihan ko na kung bakit pa 'ko lumalapit sa taong 'yon na naging dahilan lang para pag-isipan ako ng masama ng ibang tao. "What is this commotion all about?" Hindi na 'ko gagawa ng isang bagay na magiging daan lang para makabuo ako ng ugnayan sa 'yo. Hinding hindi na dahil ayoko nang mangyari ulit sa'kin ang nangyari sa'kin noon. "Did you all forget what I told you earlier? Why you all still here in my company?" Naramdaman ko ang presensiya niya sa tabi ko. Ramdam ko rin na galit na siya. Kahit hindi ako nakatingin sa kan'ya alam kong galit na siya ngayon. "S-Sir, inaayos lang po namin ang mga gamit namin dito sa office pagkatapos po .. aalis na rin kami," nakayukong sabi ni Paula. "Sir .. hindi po namin sinasadya 'yong nangyari. K-Kaya sana po bigyan niyo pa kami ng isa pang pagkakataon. Pangako po hindi na namin uulitin 'yon," umiiyak na sabi ni Trixie nang lumapit siya sa harapan ni sir Zach. "Do you mean you didn't mean to? As far as I know, you got into a fight and involved your coworkers because your boyfriend is the guy. I'm right, aren't I?" Wika ni sir Zach na ipinagtaka ko. Hindi nakasagot si Trixie, at ang ibig sabihin lang niyan totoo ang mga sinabi ni sir Zach. So 'yon lang pala talaga ang dahilan? "So why are you begging for my forgiveness when in the first place, it's your fault? You're the one who caused yourself to lose your job, as well as your friends. I don't want to say this here, but you gave me a reason to say it because you made up a story that isn't true. You know I can sue you for that, right?" Seryosong sambit ni sir Zach dahilan para mapaatras si Trixie. Ewan ko pero nakaramdam na rin ako ng kaba mula sa kan'ya. "You were close to being sued, right? But it didn't happen because I helped you. The girl was hurt badly. Well, she's partly to blame too, but that's not a reason to hurt someone. Be thankful, you and your coworkers, that I didn't totally fire you all from my company. So don't make another mistake that will lead you to permanently lose your job," dugtong pa niya. Natahimik kaming lahat dahil sa mga sinabi niya. Wala ni isa ang nagsalita kahit si Trixie 'di nakapagsalita dahil sa mga sinabi ni sir Zach. "Now, leave my company before I call the security," aniya at kaagad na siyang tumalikod para lumabas ng opisina. Hindi ko alam pero parang bigla akong nagkaroon ng dahilan na ... umalis sa kompanya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD